Data Loading...

AP6-Q1-Week 4 FINAL VERSION Flipbook PDF

AP6-Q1-Week 4 FINAL VERSION


679 Views
229 Downloads
FLIP PDF 802.54KB

DOWNLOAD FLIP

REPORT DMCA

6 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1 Ikaapat na Linggo

Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1.

Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.

2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag magaalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin Natin Ang modyul na ito ay makilala at masusuri natin ang mga kababaihang nagbuwis ng buhay sa rebolusyong Pilipino.

Subukin Natin Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel. 1. Siya ang asawa ni Andres Bonifacio na tinaguriang “ Lakambini ng Katipunan” A.Gregoria de Jesus B. Josephine Bracken C. Melchora Aquino D.Josefa Rizal 2. Siya ay tubong San Miguel, Bulacan na nagpamalas ng angking husay at tapang. A.Agueda Kahabagan B. Trinidad Tecson C. Gabriela Silang D. Gregoria de Jesus 3. Si Melchora Aquino ang tinaguriang “ ina ng katipunan”. Sa paanong paraan niya ipinakita ang pagtulong sa pagkakamit ng kalayaan? A. Isinuplong niya ang mga Katipunero sa mga kastila B. Kinupkop niya sa kaniyang tahanan ang mga katipunero C. Lumaban siya sa mga kastila D. Naging pinuno siya ng rebolusyon 4. Siya ay hinirang na brigadier heneral ng pamahalaang rebolusyonaryo. A.Trinidad Tecson B. Teresa Magbanua C.. Patronicia Gamboa D. Nazaria Lagos 5. Sino ang tinaguriang “ Tandang Sora” ng katipunan? A.Gregoria DeJesus B. Melchora Aquino C. Marcela Agoncillo D. Agueda Esteban 6. Ang kauna-unahang babaeng naging kasapi ng katipunan ay si _______________. A.Trinidad Tecson B.Melchora Aquino C.Marina Dizon-Santiago DTeresa Magbanua 7. Ano ang ginampanan ni Gregoria De Jesus bukod sa pagiging Lakambini ng Katipunan? A. Nag-alaga ng mga katipunerong sugatan B. Tumulong sa pagsulat ng kartilya ng katipunan C. Nagpasa sa mga katipunero ng mahahalagang impormasyon ukol sa Gawain ng mga kastila D. Nag-ingat ng mga lihim na kasulatan, armas, selyo at iba pang dokumento ng katipunan 8. Sa mga ipinamalas ng mga kababaihang Pilipino noong panahon ng rebolusyon, sila ay tinawag na Pilipino, ______________________. A. Maganda ka b. Magiting Ka c. Matapang ka d. Masayahin ka 9. Ang mga kababaihan sa kasaysayan ay pawang magigiting. Ano ang pinapatunayan nito? A. Kaya rin ng mga babae ang mag-alay ng buhay para sa bayan B. T tradisyunal na bahag ang gampanin ng papel ng babae C. Higit na makapangyarihan ang lalaki D. Palamuti lamang 1

10. Malaki ang naging epekto ng pagganap ng mga kababaihan sa rebolusyon.Alin dito ang naging epekto. A. Lalong nanganib ang mga kalalakihan B. Madaling makamtan ang kalayaan C. Lubusang pinabayaan ang mga kalalakihan D. Nalinlang ang mga kalaban

2

Aralin 4

MGA KABABAIHANG NAGBUWIS NG BUHAY SA REBOLUSYONG PILIPINO

Ang partisipasyon ng mga kababaihan sa rebolusyong Pilipino ay nagdulot ng malaking epekto para makamit ang ating kalayaan. Dahil sa pagpapakita nila ng katapangan, kagaya ng paggamot at pagpapakain sa mga may sakit na katipunero,kaya maraming katipunero ang gumaling at nagkaroon uli ng lakas para lumaban, pagtago ng mga dokumento at pagkukunwaring may kasiyahan kung may pagpupulong,ang resulta nito ay nalinlang nila ang mga kalaban. Ang pagsangkot nila ng lubusan sa pakikipaglaban ay nagpapakita na sila ay magiting kagaya ng mga kalalakihan. Ang kahusayan sa pakikipaglaban ay nakatulong ito ng malaki para makamtan ang kalayaan.

Balikan Natin Ipagpalagay mong isa ka sa mga bayaning babae noon. Paano mo sasagutin ang mga sumusunod na katanungan. 1. Sa paanong paraan mo maipakita ang pagtulong sa pagkamit ng kalayaan ng bansa?

2. Handa ka bang ibuwis ang iyong buhay para sa kalayaan ng bansa? Ipaliwanag. _____________________________________________________________________

Tuklasin Natin Basahin ang mga aral sa kartilya ng katipunan na tuwirang nagsasaad sa kaisipan ng pagkakapantay-pantay. “ Ang babae ay huwag mong tingnan isang bagay na libangan lamang,kung hindi isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong buhay;gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kaniyang kahinaan at alalahanin ang inang nag-aruga sa iyong kasanggulan.” Sagutin: 1. Ano ang iyong naramdaman habang binabasa mo ang aral ng kartilya? ____________________________________________________________________ 2. Ano ang mensaheng nais iparating ng mga aral na ito? ______________________________________________________________________

Talakayin Natin 3

ANG PANGKABABAIHANG DIBISYON NG KATIPUNAN Malaki ang naging papel ng kababaihan sa mga operasyon ng katipunan. Pangunahing pamantayan sa pagpili ng babaeng kasapi ng samahan ang pagkaakroon ng taglay na lakas ng loob at ganap na katapatan. Ang kababaihang ito ang nangangasiwa sa pagtanggap ng mga bagong kasapi ng samahan. Upang ikubli ang lihim ng katipunan sa mga Espanyol, pangunahing tungkulin ng kababaihang kasapi na panatilihin ang seguridad ng kalalakihang kasapi lalong-lalo na tuwing may pagpupulong sa pamamagitan ng pagdaraos nila ng kunwa-kunwaring pagtitipon upang malinlang ang mga Espanyol at hindi mailantad ang tunay na pagpupulong na isinasagawa ng kalalakihan.

Gregoria de Jesus

Melchora Aquino

Trinidad Tecson

Teresa Magbanua

Marina Dizon

Gregoria de Jesus Kinikilala rin ang malaking ambag ni Gregoria de Jesus sa katipunan. Siya ay asawa ni Andres Bonifacio na nakilala sa tawag na “Lakambini ng Katipunan” at sa bansag na Orang Dampuan. Naging katuwang siya ni Bonifacio sa pagsusulong ng mga adhikain ng Katipunan maging sa panahon ng kaniyang pagdadalang-tao. Bilang pangalawang pangulo ng kababaihang kasapi ng katipunan, naging tagapamahala siya ng mga armas at iba pang kagamitan ng katipunan at pinangasiwaan din niya ang mga papales na nauukol sa kilusan. Noong Marso 15, 1943, namatay siya sa edad na 67 dahil sa sakit sa puso. Melchora Aquino Tinagurian siyang “Ina ng Katipunan” ngunit higit na nakilala sa tawag na “Tandang Sora” si Melchora Aquino. Hindi naging hadlang ang kaniyang katandaan sa pagmamalas ng kaniyang pagmamahal sa bayan kahit pa sa paraang mapanganib. Sa gulang na 84, aktibo siyang nakibahagi sa mga adhikain at pakikibaka ng mga katipunero para sa kasarinlan. Sa panahon ng pakikipaglaban ng mga katipunero, binuksan niya ang kaniyang tahanan para sa mga ito. Pinakain, nagbigay ng gamut, at inalagaan niya ang mga sugatang katipunero na tulad ng pagaaruga ng isang ina sa kaniyang mga anak. Bukod dito, nagsilbi rin siyang tagapag-ingat ng mahahalagang dokumento ng katipunan. Ang makasaysayang “Unang Sigaw sa Pugadlawin” ay naganap sa bakuran ng kaniyang panganay na anak na si Juan Ramos. Trinidad Tecson Bata pa lamang ay nagpamalas na ng angking husay at tapang si Trinidad Tecson na tubong San Miguel, Bulacan. Naging kasapi siya ng katipunan sa edad na 47. Naipakita ni Tecson ang kaniyang tapang nang lumagda siya bilang kasapi ng kilusan gamit ang kaniyang sariling dugo. Higit na hinangaan ang kaniyang kahusayan at katapangan nang magtagumpay na masamsam ng mga katipunero ang mga armas ng mga Espanyol sa isang bilangguan sa San Isidro, Bulacan sa kaniyang pamumuno. Dahil dito, kalaunan ay hinirang siyang brigadier general ng pamahalaang rebolusyonaryo. Nahirang din siya bilang komisyonaryong pandigmaan nang itatag ang Republika ng Malolos. Namatay si Tecson sa gulang na 80. Teresa Magbanua Tubong Pototan, Iloilo si Teresa Magbanua. Malaki ang naging, impluwensiya ng kaniyang tiyuhin na si Heneral Perfecto Poblador na may mataas na katungkulan sa kilusang rebolusyonaryo sa paghubog ng kaniyang pananaw at damdaming makabansa. Ipinamalas ni Magbanua ang kaniyang katapangan at kahusayan sa taktika ng pakikidigma nang hilingin niya sa kaniyang tiyuhin na pahintulutan siyang lumaban sa mga sundalong espanyol. Bagamat Malaki ang pagtutol ng kaniyang tiyuhin sa pagnanais niyang sumapi sa hukbo, kalaunan ay pinayagan din siya nito at itinalaga bilang komandante sa hilagang Iloilo. Sa una niyang pakikipaglaban, matagumpay niyang napahinuhod ang mga sundalong Espanyol sa Yating, Pilar sa lalawigan ng Capiz. Sa Sap-ong Hills at Balintang Tacos-Jibao, higit pang nakilala ang tapang at husay ni Magbanua nang magtagumpay siya kasama ng kaniyang tiyuhin na magapi ang tropang Espanyol.

4

Dahil sa hindi matatawarang kontribusyon ni Magbanua sa kilusang rebolusyonaryo, binansagan siya bilang “Joan of Arc” ng kabisayaan na sumisimbolo sa kaniyang katapangan at kahusayan. Namatay siya sa edad na 78. Marina Dizon Santiago Si Marina Dizon Santiago ang kauna-unahang babaeng kasapi ng katipuana. Ipinanganak siya sa Trozo, Maynila. Naging kasapi ng katipunan si Marina Dizon-Santiago nang maghinala siya sa kakaibang ikinikilos ng kaniyang ama na noon ay inililihim ang kaniyang pagiging kasapi ng kilusan. Nang matuklasan ni Marina ang tungkol dito, nahikayat na rin siyang umanib sa kilusan noong 1893 kung kaya siya ang kaunaunahang babaeng miyembro ng katipunan. Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. 1. Ano ang papel na ginagampanan ng kababaihan para sa pagkamit ng ating kasarinlan? ____________________________________________ 2. Ilarawan ang naging kontribusyon ng bawat kababaihang nagbuwis ng buhay para sa rebolusyon Pilipino._______________________________ 3. Ano ang pinakamalaking tulong ng mga kababaihan sa rebolusyon para makamtan ang kalayaan? ____________________________________

Pagyamanin Natin A. Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang tamang pangalan ng mga kababaihang nagbuwis ng buhay sa rebolustong Pilipino.

1. b r I e g a l a anlgIs ________ ______ 2. e l o c h m a r oaqnuI _____ _ __ ___ ___ 3. s a e t e r gamnuaba ___ ___ ________

4. r e g r i a g o e d s u s j e - - ---- -- -- -- --5. r i i t n a d d e t n c s o - ----- - - --- --

Tandaan natin Tapusin ang pahayag sa ibaba. Ang iyong isasagot ay may kinalaman sa iyong natutunan ukol sa modyul na ito. Ngayon ay alam ko na _________________________________________________________

Isabuhay natin

5

Sa mga kababaihang na nagbuwis ng buhay sa rebolusyong Pilipino. Sino ang gusto mo tularan, bakit?

_________________________________________________________________

Tayahin Natin Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel. 1. Sa kabila ng kanyang edad, hindi siya nagpatinag na sumuporta at tumulong sa mga kababayang naghahangad ng kalayaan. Pinatuloy niya sa kanyang tahanan at pinakain ang mga katipunerong sugatan. Siya ay si _____________ A. Gregoria De Jesus B.Teresa Magbanua C. Melchora Aquino D.Trinidad Tecson 2. Paano nakatulong si Melchora Aquino sa pagkakamit ng kalayaan ng Pilipinas? A. Siya ang nagmanman sa Gawain ng mga pinunong kastila B. Siya ang nag-aalaga sa mga sugatang katipunero C. Siya ang nagsibi bilang kalihim ng katipunan D. Siya ang nakipaglaban nang lantaran sa mga kastila 3. Ano ang ginampanan ni Gregoria De Jesus bukod sa pagiging Lakambini ng katipunan? A. Nag-alaga ng mga katipunerong sugatan B. Tumulong sa pagtahi ng bandila C. Tagsuplong sa mga kastila ng mga gawain ng katipunero D. Nag-ingat ng mga lihim na kasulatan, armas, selyo at iba pang dokumento ng katipunan 4. Dahil sa hindi matatawarang kontribusyon sa kilusang rebolusyonaryo, siya ay binansagang “ Joan of Arc” ng Bisayas na sumisimbolo sa kaniyang katapangan at kahusayan. Siya ay si ______________________________. A. Trinidad Tecson B. Melchora Aquino C. Teresa Magbanua D. Gregoria de Jesus 5. Ang pagsangkot ng mga kababaihan ng lubusan sa pakikipaglaban ay nagpapakita na sila ay _______________ kagaya ng mga kalalakihan. A. maagap b. masinop c. magiting d. masipag 6. Hindi naging hadlang ang katandaan ni Melchora Aquino upang ipamalas ang kaniyang pagmamahal sa bayan kahit sa paraang mapanganib, kaya siya ay tinaguriang _______________. A. Tandang Tanda b. Tandang Sosyal c. Tandang Sora d. Tandang Ina 7. Siya ang kauna-unahang babae na kasapi ng katipunan, bilang unang miyembrong babae, hinimok din niya ang iba pang kababaihang sumapi sa kilusan. Siya ay si__________. A.Trinidad Tecson B.Marina Dizon SantiagoC.Gregoria de JesusD.Teresa Magbanua 8. Ano ang bahaging ginampanan ni Melchora Aquino bilang pinakamatandang kasapi ng katipunan? A. tagapayo ni Emilio Aguinaldo B. tagagamot ng mga sugatang kawal na mga katipunero C. tagahatid ng impormasyon sa mga pinunong katipunero D. tagapamagitan sa alitan ng pangkat ng Mgadiwang at Magdalo 9. Ano ang ginampanan ni Teresa Magbanua bilang bayani ng bansa? A. Nagsilbi bilang espiya ng mga Espanyol B. Nagsulat ng iba,t-ibang lathalain sa pahayagan C. Nagtatag ng rebolusyonaryong pamahalaan D. Nagpamalas ng katapangan at kahusayan sa taktika ng pakikidigma 10. Si Gregoria de Jesus ang tinaguriang Lakambini ng Katipunan. Sa paanong paraan niya ipinakita ang pagtulong sa pagkakamit ng kalayaan? A. Isinuplong niya ang mga katipunero sa mga kastila B. Kinupkop niya sa kaniyang tahanan ang mga katipunero C. Tagapamahala ng mga armas at iba pang kagamitan ng katipunan 6

D. Naging pinuno siya ng rebolusyon

Gawin natin A. Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba ng mga kahon. Isulat ang sagot sa iyong gawaing papel Ngayon ay alam ko na Nais ko pang malaman ang _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________

Sanggunian ● Jay Son C. Batang,Noel M. Pamaran (2016) : MGA HAMON AT TUGON SA PAGKABANSA 6. www.jo-espublishing.com.ph; Valenzuela City. pp. 63-65 ● Proded 6 Kababaihan Noon at Ngayon. PDF –Microsoft Edge Araling Panlipunan 1 ● Cyrelle M. Castillo, Cherry Gil J. Mendoza, Virzon L. Sarao, Rodrigo G. langit Jr., Nerissa S. Tantengco ● Kamalayang Panlipunan 6 Kasaysayan ng Pilipinas pahina 169-170 ABIVA Publishing House,Inc. ● Gregorio F. Zaide, Sonia M. Zaide Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas 6 pah.125, 134 ALL-NATIONS Publishing Co, Inc.

7

Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral Manunulat: Mga tagasuri:

Ma. Luz C. Baliton

Julita L. Macaranas Napoleon G. Junio

Ilustrador:

Criselle G. Ferreras

Naglayout:

Bobby G. Celeste JOSEPH B. SON

Management Team: Dr. Margarito B. Materum, OIC-SDS Dr. George P. Tizon, Chief SGOD Dr. Ellery G. Quintia, CID Chief Ferdinand C. Paggao, EPS- AP Dr. Daisy L. Mataac, EPS- LRMS/ALS

For inquiries, please write or call: Schools Division of Taguig C and Pateros Upper Bicutan Taguig City Telefax: 8384251 Email Address: [email protected]

8

9