Data Loading...

BUWAN NG WIKA- TALAAN NG MGA AKTIBIDAD- MALLARI Flipbook PDF

BUWAN NG WIKA- TALAAN NG MGA AKTIBIDAD- MALLARI


143 Views
97 Downloads
FLIP PDF 70.16KB

DOWNLOAD FLIP

REPORT DMCA

Mara R. Mallari 12-STEM 1 Filipino sa Piling Larang Buwan ng Wika Sanaysay

Magandang pagtuklas Sa ating bansa madami tayong wika, kada lugar ay may sari-sariling lenggwahe na hindi natin maaring maintindihan kung hindi natin ito kinagisnan. Simula bata pa lamang ay meron tayong isang wika na ating natutunan, na yun ang tinuro ng ating mga magulang. At dito papasok ang salitang pagtuklas na kung saan ay may karapatan tayong alamin kung ano ano ito. Ngunit ang wikang filipino ay isang wika na lahat tayo ay ginagamit ito. Ang Wika ay isa sa dahilan upang malaman ng ibang tao kung ano ang ating nasyonalidad, kaya dapat natin itong pahalagahan at huwag hayaan mawala. Ngayong buwan ng wika, nalaman ko na napaka rami pala talagang wika sa pilipinas, at kung paano mamuhay ang iba't ibang tao sa ating bansa. Marami tayong mga bagay na pinakakaiba, katulad ng pananamit, pang araw araw na buhay, pag sasalita, at marami pang iba. Makikita mo din kung paano mahalin ng mga katutubong pilipino ang pilipinas, sapagkat sa suot palang nila pinapakita na nila kung gaano nila pinapahalagahan ito. Tinutuloy nila kung ano ang kanilang kinasanayan na gawin na iniwan ng kanilang mga ninuno, hindi nila ito binago kahit iba na ang panahon ngayon. Dito ko nakikita na ang mga tao ang kayamanan ng pilipinas, dahil ang mga katulad ng katutubong pilipino ay ang dahilan kung bakit na pepreserba parin natin ang mga bagay na ginagawa nuon.

Masarap sa pakiramdam na natuklasan ko kahit maunting detalye kung paano mamuhay at ano ang salita ng iba't ibang lugar dito sa pilipinas, lalo na yung mga nasa malalayong lugar. Hindi naman limitado ang pag kakaroon ng mga bagong kaalaman para saating lahat, dahil sa ganong paraan ay duon tayo natututo at nakaka tuklas ng mga bagong bagay. Huwang nating hayaan na ipagkait sa ating sarili ang mga bagong kaalaman na maaring makatulong satin sa mga susunod na panahon. Ngunit huwag nating kakalimutang mahalin, pahalagahan at patuloy na paunladin ang wikang filipino at mga katutubong wika.