Data Loading...

Chapter 7 Flipbook PDF

Chapter 7 SEPHAR OF YAHUWEH


127 Views
97 Downloads
FLIP PDF 6.6MB

DOWNLOAD FLIP

REPORT DMCA

KAPITOLO 7

KAPITOLO 7

1. Mapalad ang mga nanatiling tapat sa gitna ng mga pagsubok; mapalad sila na hindi nawawalan ng pag-asa; mapalad sila na hindi natatakot sa kung anuman ang kanilang kahihinatnan sa buhay na ito dahil sa pagsunod sa Aking kalooban.

KAPITOLO 7

2. Tunay ngang mapalad sila, sapagkat malaki ang kanilang magiging gantimpala sa Aking kaharian at sila’y pararangalan sa harapan ng maraming tao at mga anghel, sapagkat sila’y karapat-dapat.

KAPITOLO 7

3. Maging tapat ka sa paglilingkod; huwag kang mawalan ng pag-asa sapagkat Ako ang nakakaalam kung ano ang mabuti para sa iyo.

KAPITOLO 7

4. Sa lahat nang mga bagay at pangyayari ay may layunin Ako. Magtiwala ka sa Akin at makikita mo sa bandang huli ay mananaig parin ang katuwiran at katarungan. Kaya’t huwag kang matakot at huwag kang mag-alinlangan, sapagkat kasama mo Ako; ang Makapangyarihan sa lahat.

KAPITOLO 7

5. Suriin mo ang iyong motibo, tiyakin mong mabuti na matuwid ang iyong pakay sapagkat Ako ay hindi nalulugod sa mga taong may masama at maling motibo sa paglapit sa Liwanag na ito. Ngunit ginagantimpalaan Ko ang sinumang may malinis at tama ang layunin sa paglapit sa Liwanag na ito. 6. Mapalad ang mga naniniwala at tumanggap sa Aking mga Salita. Mapalad ang mga nagsisigawa at naninindigan sa Aking mga Salita: sapagkat ang tao’y hindi sa pagkain lamang nabubuhay kundi sa bawat salitang namumutawi sa Aking bibig.

KAPITOLO 7

7. Ang bawat Salita Ko’y maaasahan.Ito ang liwanag sa landas na iyong patutunguhan, ito ang iyong pag-asa sa panahon ng kaguluhan; ito ang sa iyo’y magpapabanal. 8. Ang sinumang tumanggap ng Aking mga Salita ay Ako ang tinanggap, ngunit ang sinumang nagtakwil sa Aking mga Salita ay Ako ang kanyang itinakwil at hindi siya makakaiwas sa parusa sa impierno.

KAPITOLO 7

9. Manalig ka sa Akin, huwag kang mawalan ng pag-asa; ipagkatiwala mo sa Akin ang lahat ng pangyayari sa buhay mo.

KAPITOLO 7

10. Ako ang iyong kalakasan, Ako ang iyong Tagumpay, Ako ang iyong Tagapagligtas, Ako ang iyong Kapayapaan, Ako si YaHuWeH ang Makapangyarihan sa lahat.

KAPITOLO 7

11. Ako si YaHuWeH ang Makapangyarihan sa lahat at walang kagaya Ko; Ako lamang na mag-isa ang lumikha ng ng mga bagay. Ako ang nagbigay ng buhay at sa Akin din magbabalik ito; matakot ka sa Akin at sundin mo ang Aking mga utos, sapagkat ito ang tungkulin ng tao sa Akin.

KAPITOLO 7

12. Ang lahat ng mga bagay ay may hangganan at lahat ay may katapusan, ngunit ang mga may takot sa Akin at sumusunod sa Aking mga utos ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

KAPITOLO 7

13. Maging tapat ka sa paglilingkod; huwag kang mawalan ng pag-asa, sapagkat Ako ang nakakaalam kung ano ang mabuti para sa iyo.

KAPITOLO 7

14. Sa lahat nang mga bagay at pangyayari ay may layunin Ako. Magtiwala ka sa Akin at makikita mo sa bandang huli ay mananaig parin ang katuwiran at katarungan. Kaya’t huwag kang matakot at huwag kang mag-alinlangan sapagkat kasama mo Ako , ang Makapangyarihan sa lahat.

KAPITOLO 7

15. Sila na naghihintay at nananalig sa Akin ay magkakaroon ng panibagong lakas.

KAPITOLO 7

16. Sila’y hindi matatakot sa kung anuman ang kanilang sasapitin sa buhay na ito, dahil sa pagsunod sa Aking kalooban.

KAPITOLO 7

17. Maging mabuting halimbawa kayo sa mga hindi mananampalataya at laging mag-iingat kayo sa iyong mga kinikilos at

inaasal

bilang

mga

mananampalataya sa Akin, upang hindi mapintasan ang Aking Banal na Pangalan.

KAPITOLO 7

18. Sikapin ninyong mamuhay ng payapa malayo sa kaguluhan; maging malinis at maayos kayo sa lahat ng mga bagay, sapagkat ang kalinisan at kaayusan ay tanda ng kabanalan. Walang dapat na maging tamad sa inyo, alisin ninyo sa inyong samahan ang taong palaaway, lumilikha ng pagkakabaha-bahagi, bastos, lasinggero, palamura, manloloko, magnanakaw, bakla at tomboy, mapanira ng kapwa, sapagkat ang mga ganitong tao ay hindi Ko kinalulugdan.

KAPITOLO 7

19. Gawin mo lang ang nararapat gawin, magsipag ka at huwag magtatamadtamad, gamitin mo ang mabuting pamamaraan, at huwag kang makakalimot sa mga oras ng panalangin.

KAPITOLO 7

20. Kapag ginawa mo ito ay pagpapalain kita, gagabayan, tutulungan, at magpapadala Ako ng mga tao na tutulong sa iyong mga problema.

KAPITOLO 7

21. Silang mga nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan sa Aking mga Salita ay ituturing Kong mga kaaway.

KAPITOLO 7

22. Sa araw na sila ay mamamatay na at naghihingalo na at sila’y tatawag sa Akin at mangyayari na hindi Ko sila pakikinggan.

KAPITOLO 7

23. Kayong mga magulang ay dapat hindi magpabaya sa inyong mga anak, hubugin ninyo sila sa Aking mga salita at turuan silang umibig at matakot sa Akin. Kung ang sino man ay magpapabaya sa kaniyang mga anak: ay mananagot sa Akin sa araw ng paghuhukom. 24. At ang bawat anak na hindi gumagalang sa kanilang mga magulang ay Aking parurusahan at manganganib siya na maitapon sa impierno. 25. Pagtibayin ninyo ang inyong pamilya sa pamamagitan ng Aking mga Salita, panatilihin ang pag-ibig at pagsasama-sama.

KAPITOLO 7

26. Magpakita kayo ng paggalang sa isa’t-isa at lagi kayong magpaalalahanan. 27. Kung may isang membro sa pamilya ang naging masama, ipanalangin ninyo siya na mabigyan ng pagkakataon na magbago, ngunit kung abutan siya kamatayan at hindi pa siya nakapagbago ay tanggapin na lamang ninyo ang katotohanan na siya’y hindi talagang para sa inyo.

KAPITOLO 7

28. Ang taong nakarinig at nakaunawa ng Aking mga aral ngunit ito’y tinakwil ay parang isang hayop sa Aking harapan; ang gayong tao ay hindi maliligtas at ang kanyang panalangin ay aariing karumaldumal.

KAPITOLO 7

29. Ang taong Aking kinalulugdan at pagpapalain ay taong may kauhawan sa katotohanan, na pagkatapos niyang marinig ang Aking mga aral ay masigasig niyang sinusunod agad ang mga ito. 30. Tinitiyak Ko na siya ay makakarating sa Banal na Paraiso. 31. Ngunit ang mga walang modo, mga lumapastangan sa Akin ay ibubulid sa impiyerno.

KAPITOLO 7

32. Ingatan mo ang iyong damdamin, pag-iisip at pananalita na huwag kang magkasala sa Araw ng Sabbath; sikapin mong hindi masira ang iyong pagpapakabanal sa Araw ng Sabbath.

KAPITOLO 7

33. Mapalad ang taong nag-iingat na mapanatiling banal ang sarili sa Araw ng Sabbath; mapalad silang mga nagsisikap na makasunod sa Aking kalooban sapagkat sila’y Aking tiyak na pagpapalain at gagantimpalaan sa kabilang buhay.

KAPITOLO 7

34. Huwag kang magpabaya sa panalangin; sikapin mong maging kaugalian mo ito, huwag mong ikakahiya, bagkus maging mabuting halimbawa ka sa mga taong nakakakita sa iyo.

KAPITOLO 7

35. May panahon na kailangan mong manalangin na mag-isa sa isang lihim na pamamaraan ngunit may panahon na kailangan mong ipakita ito upang mabigyan ng paalaala at ng aral ang mga nakakakita sa iyo.

KAPITOLO 7

36. Huwag kang matakot, mananampalataya ka at iwaksi mo ang pag-aalinlangan; Ako si YaHuWeH ang nakakabasa ng puso ng tao at ginagantimpalaan Ko ang tao ayon sa kanyang mga gawa.

KAPITOLO 7

37. Manampalataya ka na Ako ay gagawa ng mga bagong bagay, mga bagay na hindi ninyo inaakala. 38. Mapalad ang mga nanampalataya sapagkat sila’y lalakad na may liwanag patungo sa buhay na walang hanggan.

KAPITOLO 7

39. Ako si YaHuWeH ang Alaha at walang anomang bagay na mahirap sa Akin, walang sinumang makakapantay sa Akin at walang sinumang maaaring magdikta sa Aking gagawin.

KAPITOLO 7

40. Anuman ang Aking niloob na mangyari ay tanggapin ninyo, at magpatuloy kayo sa paglago sa kaalaman at magbunga kayo sa inyong ika-babanal.

KAPITOLO 7

41. Huwag mong uubusin ang maghapon na hindi ka man lamang nakapagbigay sa Akin ng pagsamba.

KAPITOLO 7

42. Mapalad silang mga hindi nakakaligtaan ang kanilang tungkulin sa Akin, tunay na mapalad sila sapagkat sila’y patuloy kong gagabayan, iingatan at pagpapalain. Ako si YaHuWeH ang Makapangyarihan sa lahat.

KAPITOLO 7

43. Ano

man

ang

katotohanan

ay

tanggapin mo at sikaping ipamuhay, huwag mong kalalabanain kung malinaw na ito’y iyong naiintinduhan sapagkat ang katigasan ng ulo ay gaya ng kasalanan ng pagsamba sa idolo at ang pagpasaway ay gaya ng kasalanan ng pangkukulam.

KAPITOLO 7

44. Mapalad ang mga masunurin, mapalad sila na pagkatapos na maliwanagan ng katotohananan ay masigasig itong isinasabuhay. 45. Tunay na mapalad sila sapagkat malaki ang kanilang gantimpala sa kaharian ng langit at sila’y pagpapalain ko habang nabubuhay, sa daigdig na ito.

KAPITOLO 7

46. Manindigan ka sa liwanag na ito at huwag kang babalik sa kadiliman.

KAPITOLO 7

47. Ang Aking mga Salita ay Liwanag sa landas na iyong patutunguhan, ito ang iyong magiging gabay saan ka man pumaroon.

KAPITOLO 7

48. Huwag mong kalilimutan ang Aking mga pangako at huwag kang mawalan ng pag-asa sa Aking katapatan.

KAPITOLO 7

49. Sila na laging umaasa sa Akin ay hindi matatakot sa kung anoman ang kanilang daranasin sapagkat lubos ang kanilang pananampalataya sa Akin at ang inaasahan nilang makamtan na buhay ay ang sa kabilang buhay: ang Buhay na walang hanggan.

KAPITOLO 7

50. Mapalad ang taong gumagalang sa Akin; siya ay sumusunod sa Aking mga kautusan, pinapahalagahan ang Araw ng Sabbath, ginagalang ang Aking mga sugo, buong pusong naglilingkod sa Akin, naghahandog sa Aking Pangalan, lumuluhod at nagpapatirapa sa pagsamba sa Akin.

KAPITOLO 7

51. Ang paggalang ng tao sa Akin ay magbubunga ng kapayapaan, pagpapala, at buhay na walang hanggan.

KAPITOLO 7

52. Huwag kayong matatakot sapagkat nasa Aking mga kamay ang kapangyarihan sa lahat ng mga bagay; ang totoong buhay ninyo ay hindi dito sa lupa kundi sa Aking Qadosh na paraiso.

KAPITOLO 7

53. Magpakatatag ka at huwag mong hayaan na madaig ka ng mga pagsubok na iyong hinaharap, sapagkat may pag-asa ang bawat taong nananalig sa Aking magagawa. Sila ay tutugunin Ko at tutulungan.

KAPITOLO 7

54. Mapalad ang mga tapat sa kanilang pananampalataya sa Akin, kahit na silay tuyain at libakin ng mga tao, ay nagpapatuloy parin sila sa pagsunod sa Aking Qadosh na kalooban.

KAPITOLO 7

55. Sila ay papasok sa Qadosh na paraiso at dadamitan ng mahabang puting damit at ang kagalakan sa kanilang puso ay mag-uumapaw sa tuwa at ang kanilang mga luha ay Aking papahiran sapagkat sila ay Aking mga tunay na iniibig.

KAPITOLO 7

56. At narito Ako ay gumawa ng bagong bagay na hindi inaakala ng marami; ang bagay na ito ay itinago sa mga marurunong, inilihim maging sa mga piniling mamamayan ng Israal, ngunit ipinahayag Ko sa Aking mga lingkod.

KAPITOLO 7

57. Ako ang nagpapasya at walang karapatan

ang

sinuman

na

magreklamo sa kung anoman ang nais kong gawin.

KAPITOLO 7

58. Dapat ninyong maintindihan na ang paghirang, pagkatawag, at pagpapala ay hindi lamang sa mga lihitimong lahi ng Israal; kundi maging sa ibang lahi na mula sa mga Gentil, kukuha Ako at gagawin kong mga Pari at mga sugo.

KAPITOLO 7

59. Ang hiwagang ito ay maliwanag na ngayon sa mga taong nasa Liwanag, ngunit sa mga nasa kadiliman at kalabuan, ito’y mananatiling malabo sa kanila.

KAPITOLO 7

60. Ako ay patuloy na magpapahayag ng Aking mga Salita sa Aking mga lingcod; mapalad ang mga nakikinig, bumabasa, tumanggap, sumasampalataya at nagsisigawa sa Aking mga Salita.

KAPITOLO 7

61. Ang mga Salita Ko ay tunay na Liwanag, ito ang mag-gagabay sa iyo sa daan na patungo sa Qadosh na Paraiso.

KAPITOLO 7

62. Huwag kang mag-alinlanggan bagkus sumampalataya ka, sapagkat ang walang pananampalataya ay hindi Ko kalulugdan.

KAPITOLO 7

63. Ako ang Makapangyarihan sa lahat, YaHuWeH ang Aking Qadosh na Pangalan. 64. Ang hindi kayang makita ng mata ng tao ay nakikita Ko; kahit na gaano karami ang bilang ng tao at kahit saan man sila naroroon, ay nakikita Ko silang lahat. Walang anomang bagay na mahirap sa Akin

KAPITOLO 7

65. Ang pag-aasawa ay dapat igalang ng lahat; hanggat maaari ang lalaki ay dapat kumuha ng kaniyang mapapangasawa sa loob ng inyong samahan; gayon man kung siya’y makakita ng hindi mananampalataya at naibigan niya ito ay kailangan niyang sikapin na maakay muna ang babae sa pananampalayang ito, at kung hindi niya ito maakay ay dapat niyang layuan upang hindi siya matulad kay Solomon na hari ng Israal.

KAPITOLO 7

66. Tungkol naman sa babae; kailangan ay isang mananamba at sumusunod sa Akin ang dapat niyang maging kasintahan o mapapangasawa. Mahigpit na ipinagbabawal Ko na sila’y mag-asawa ng hindi kapananampalataya.

KAPITOLO 7 67. Sikapin ninyo’ng mamuhay nang tahimik at may kauyusan. Kung ang isang lalaki ay nagnanais kumuha ng isa pang asawa ay kailangang may matuwid siyang dahilan gaya ng sumusunod: kung hindi siya magka-anak sa unang asawa, kung ang unang asawa ay hindi naibibigay ang kanyang pangangailangang emosyonal at sekswal, kung ang unang asawa ay hindi nagpapasakop at hindi gumagalang sa kanya, kung ang unang asawa ay naglihim at nasumpungang hindi na ito birhen, o kung ang unang asawa ay nagtaksil sa kanya. Dapat ding may kakayanang magtaguyod ng pamilya ang lalaki bago siya magpasya sa pag-aasawa. Dapat hindi niya pababayaan ang kanyang tungkulin sa una niyang pamilya, dapat ay pareho niyang matutugunan ang mga pangangailangan ng mga ito.

KAPITOLO 7

68. Ang mga babae naman ay papahintulutang makapag-asawang muli kung siya ay may tatlong taon nang hiwalay sa asawa at kailangang may pahintulot ito sa una niyang asawa o sa Aking mga lingkod. Ang bawat isa sa inyo ay may karapatang mamuhay ng tahimik at kaayusan. 69. Sundin ninyo itong Aking mga utos, gawin ninyong patnubay ang Aking mga Salita at kayo’y makapamuhay ng may kapayapaan at kaayusan.

KAPITOLO 7

70. May mga bagay na hindi kayang maunawaan ng tao sa Aking Kapangyarihan at mga pamamaraan, sapagkat kung papaanong ang langit ay mataas at malawak kaysa lupa ay gayon din ang Aking pag-iisip, kapangyarihan, at pamamaraan ay higit kaysa lahat.

KAPITOLO 7

71. Ako ang nakakaalam kung papaano hahatulan ang lahat ng tao at mga espiritu. Ako ang Dakilang Hukom na hahatol sa lahat ng may isip at may consensya. Ako ang magbibigay ng gantimpala sa lahat ng gumagawa ng kanilang tungkulin sa Akin.

KAPITOLO 7

72. Mapalad ang mga nananampalataya sa Akin. Ako ay matuwid sa lahat ng Aking ginagawa. Ako ang Ha Gadul Rachum, ang nagbibigay pag-asa sa mga

walang

malay,

sa

mga

naghahanap ng liwanag at sa mga mapagpakumbaba.

KAPITOLO 7

73. Ako si YaHuWeH, ang Olam, Ako ang Hayah at Ako lamang ang Alaha. 74. Mapalad ang mga nananampalataya at sumusunod sa Akin, sapagkat silay bibigyan Ko ng Buhay na walanghanggan.

KAPITOLO 7

75. Lumapit kayo sa Akin, kayong lahat ng tao sa buong daigdig at kayo ay maliligtas. Matakot kayo sa Akin at ibigay ninyo ang papuri at pagsamba sa Akin lamang. Ako si YaHuWeH ang lumikha ng lahat ng mga bagay. Walang ibang Tagapagligtas maliban sa Akin.

KAPITOLO 7

76. Magbalik loob kayo sa Akin, at sundin ninyo ang Aking mga Salita. Ang lahat ng may buhay, lahat ng may kapangyarihan, ang lahat nang nakikita at ang mga hindi nakikita ay Ako ang lumikha. Kayat Ako lamang ang inyong sasambahin at Ako lamang ang iyong mamahalin ng higit sa lahat.

KAPITOLO 7

77. Ito ang Aking panawagan sa lahat ng tao; magbalik loob kayo sa Akin, sapagkat Ako ang nagmamay-ari ng iyong buhay. Ako ang nagbigay ng isang salita sa lahat ng mga bagong silang; salitang hindi nauunawan ng karamihan, maging sa mga marurunong ay itinago ang kahulugan nito, ngunit ipinahayag Ko sa Aking Sugo ang hiwaga ng salitang ito.

KAPITOLO 7

78. At ngayon ay hayag na; kayat awitin ninyo ang awit na dati ninyong inaawit noong kayo ay lumabas sa sinapupunan ng iyong ina. Ito ang ganap na pagpupuri sa Akin at ito ang nais Ko sa lahat ng tao na kanilang balikan ang ganap na pagpupuri para sa Akin.

KAPITOLO 7

79. Magbalik loob kayo sa Akin, YaHuWeH ang Aking Banal na Pangalan. Ako lamang ang Olam, Ako ang Hayah, Ako lamang ang Alah at wala ng iba.

KAPITOLO 7

80. Mapalad silang namumuhay sa Aking mga Salita ang tao ay hindi lamang sa tinapay nabubuhay, kundi sa bawat salitang namumutawi sa Aking bibig.

KAPITOLO 7

81. Ako ay patuloy na nagsasalita, patuloy na nagpapahayag ng Aking kalooban, patuloy na nagbibigay ng Aking mga Mensahe sa Aking mga Lingkod, noon at ngayon at walang sinumang makapagpipigil sa Aking kagustuhan.

KAPITOLO 7

82. Kung ang langit ay isang papel at ang dagat naman ay tinta ay hindi parin magkakasyang isulat ang Aking mga Salita. Ako ang Makapangyarihan sa lahat. Ako si YaHuWeH.