Data Loading...

23_Task4_FIL1_Mod5_Silva Flipbook PDF

23_Task4_FIL1_Mod5_Silva


812 Views
285 Downloads
FLIP PDF 2.5MB

DOWNLOAD FLIP

REPORT DMCA

MODYUL 5 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino [FIL1]

Eleonor G. Silva, LPT, MAEd.

0

Mahal na mag-aaral, Isang mapagpalang pagbati mula sa iyong guro sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino. Ang modyul na ito ay isinulat at inilaan upang madagdagan ang iyong kaalaman at matulungan ka sa iyong pag-aaral. Matututunan mo dito ang mga batayang kaalaman at mga konsepto hinggil sa asignaturang Filipino.

Makatutulong din ang mga nakalaang gawain at

pagsasanay upang lalong lumawak ang iyong pag-unawa sa bawat paksa. Inaasahang magsisilbing kasangkapan ang aklat na ito upang maging madali, epektibo at kapaki-pakinabang ang pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang ito. Nawa’y maging makabuluhan at kawili-wili ang bawat pagbukas mo ng modyul na ito.

__________________________________________________________________________________________________________________

Pangalan: _______________________________________________________________________ Antas/Seksyon: ________________________________________________________________

0

KABANATA 3: KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino A. Koda ng Kurso_Pamagat

:

B. C. D. E.

: : : :

Bilang ng Modyul_Pamagat Bilang ng Oras Imperatives Kagamitan

KPWKP – Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kuturang Pilipino 5_Kasaysayan ng Wikang Pambansa 2 linggo - 8 oras 1, 2, 3, 11, 12, 17, 20, 21, 22, 25, 26, 27, 30, 31 modyul 3, kagamitan sa pagsulat, kagamitang elektroniko

1. Pangkalahatang Ideya Sa walong oras na sesyon, mailalahad ang mga pinagdaanang kasaysayan ng wikang pambansa. Mahalagang malaman ang mga mahahalagang impormasyon at kaganapan tungkol sa ating pagkakakilanlan. Kailangan alamin ang nakaraan upang lubos na maunawaan ang kalagayan ng wikang pambansa sa kasalukuyan. Ang mga pagsasanay sa modyul na ito ay makatutulong upang lubos na maunawaan ang naging kaganapan sa ating wika at maipamalas ang pagpapahalaga sa wikang pambansa. 2. Layunin Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang matamo ang mga sumusunod; 1. Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa wikang pambansa. F11PN – If – 87 2. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari / kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa. F11PS – Ig – 88 3. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang Pambansa. F11WG – Ih – 86 3. Nilalaman/Talakayan Aralin 11: Kasaysayan ng wikang pambansa Bago simulan ang modyul na ito, kailangan muna ang gabay ng ating Panginoon.

1

Gawin muna ang mga kasunod na pagsasanay bago tayo dumako sa pagtalakay sa ating paksa.

SIMULAN NATIN Panuto: Kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng isang Konstitusyon, anong mga batas ang ilalagay mo na may kaugnayan sa Pandemya? Sumulat ng limang batas.

2

GAWIN NATIN Panuto: Panoorin ang video na ito Stand for Truth: Filipino vs. Tagalog: Ano ang pinagkaiba? https://youtu.be/3XzB-xvanyl. Magbigay ng mga salitang Tagalog/Pilipino na may katumbas sa Filipino gaya ng inilahad sa video.

TAGALOG/PILIPINO

FILIPINO

Hal. Kagawaran pisara

Departamento blakbord

1.

1.

2.

2.

3.

3.

4.

4.

5.

5.

6.

6.

7.

7.

8.

8.

9.

9.

10.

10.

3

LINANGIN NATIN ARALIN 11: KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA Sa pamamagitan ng wika, ang isang bansa ay nagkakaroon ng pagbubuklod-buklod. Ang bansang Pilipinas at ang wikang Filipino ay isang magandang halimbawa nito. Maraming kabanata ang nahubog mula sa kasaysayan ng pambansang wika ng Pilipinas. Sa pagsusuri ng kasaysayan, matutuklasan na naging masalimuot ang paglalakbay ng mga Pilipino upang magkaroon ng pambansang wika. Ang pagiging arkipelago ay isang sanhi kung bakit nagkawatak-watak ang mga Pilipino. Bukod dito, naging mahirap sa mga Pilipino na makamtan ang sariling wika dahil sa mga sumakop na dayuhan sapagkat hindi sila binigyan ng kalayaan. Isinantabi pati ang katutubong wika. Nang maipaglaban ang kalayaan mula sa mga dayuhang sumakop, hindi nagging sapat ang pagkakaroon ng pamahalaan upang magkaisa. Kinailangan ang isang wika upang matapos na ang namumuong dibisyon sa bawat rehiyon. Matapos ang mahabang panahon, ang wikang Filipino ang naging dahilan ng pagkakaroon ng sariling identidad ng mga Pilipino. Tulad ng kasaysayan ng ating lahi, naging makulay ang kasaysayan ng ating wika. Bukod sa pagiging makulay, mahaba rin ang panahong iniukol sa paglinang nito hanggang sa marating ang kasalukuyang kalagayan.

“Ang tunay na panginoon ng wika ay hindi ang tao kundi panahon”

-

Lope K. Santos..

Bilang isang buhay na wika, ang Filipino ay patuloy na nagbabago kasabay ng paglipas ng panahon. Nasusulat sa kasaysayan na ang mga Pilipino noon ay may sistema o paraan na ng pamumuhay bago pa man naimpluwensiyahan ang ating wika ng iba’t ibang lahi. Sinasabing ang ating mga ninuno noon ay may sistema o paraan ng pagsulat na kung tawagin ay baybayin. Ang baybayin na mula sa salitang “baybay” na katumbas ng “to spell´ sa wikang Ingles ay binubuo ng tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig. Bagaman malawakan na ang pagtawag sa “baybayin” bilang sinaunang anyo ng pagsulat, marami pa ring Pilipino ang tumatawag na “alibata” rito.

4

Mababasa ang magkaibang katuturan ng alibata at baybayin batay sa ibinigay ng UP Diksiyunaryong Filipino. a-li-ba-ta png: [Mal Ara alif

+ bata] 1: alpabetong Arabiko tulad ng pagkakakilala sa Silangan 2: unang dalawang titik sa alpabetong Arabiko; alif (a) at bata (b)

https://images.app.goo.gl/KWte9NN7MrrRQf837

bay-ba-yin png: [baybay + in] 1: kabuuan ng lahat ng titik ng isang wika 2: baybay 3: pampang 4: tawag sa sinaunang alpabeto ng mga Filipino.

Pinaniwalaang ginamit ang baybayin noong 14 siglo hanggang sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Iba’t ibang bagay ang sinulatan ng mga sinaunang Pilipino; mga dahon, palapa, saha, banakal at balat ng iba’t ibang prutas,ngunti karaniwang ang kawayan. Matutulis na patalim o sundang naman o ibang maliit na piraso ng bakal ang ginamit na panulat. Sa koleksyon ni Charles R. Boxer, na kilala sa pangalang Boxer Codex, may isang lumang sulat-kamay na ulat mula sa taong 1590, na ginagawa pa rin ng mga tribo sa Mindoro at Palawan hanggang ngayon.

Kapag sumusulat sila, ito'y ginagawa sa mga tablang kawayan, (pangkaraniwan ito sa mga naturang pulo) sa balat. Sa paggamit ng ganitong tabla, na kasinglapad ng apat na daliri, hindi sila gumagamit ng tinta sa pagsulat, kundi mga pang-ukit upang guhitan ang rabáw [surface] at balat ng kawayan, at sa gayon sila gumagawa ng mga titik.

Ang mga titik ay inukit sa kawayan at pinahiran nila ito ng abo upang madaling makita. Ang matulis na patpat ng kawayan kasama ng kinulayang dagta ng halaman ang ginamit nila upang masulatan ang maseselang bagay tulad ng mga dahon. Nang dumating ang mga Espanyol, nagsimulang gamitin ng mga Pilipino ang papel, pluma at tinta.

5

https//images.app.goo.gl/g5iSJzVJxvn3TE1v9

Ang sinulatang kawayan at panulat na sundang.

https://images.app.goo.gl/xwz48pw6m29bett98

Nag-uukit ng mga titik sa kawayan ang isang Hanunoo sa Mindoro. Ang sulat ng mga Hanunoo ay isa sa tatlong uri ng baybayin na ginagamit hanggang sa kasalukuyan

Sa pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas, unti-unting nawala ang paggamit ng baybayin. Nagagamit pa rin ng ilang mga katutubo ang baybayin ngunit pinalitan ito ng mga Kastila ng Alpabetong Romano. Ayon sa naging pag-aaral, kaya pinalitan ng alpabeto ang baybayin dahil may mga salita na hindi na kayang isulat dahil sa kakulangan ng pantig nito. Dito ay itinuro nila ang ABECEDARIO na hango sa Alpabetong Romano. Ninais ng mga Espanyol na matutuhan ang wika ng mga katutubo kaya https://images.app.goo.gl/YHdAnhzUnVABD5kQ8 naman pinag-aralan nila ang mga ito kasabay ng pagpalaganap ng relihiyong Kristiyanismo sa bansa. Sa pag-aaral ng mga Misyonerong Kastila ng mga wikang katutubo, nakapagsulat sila ng mga diksyunaryo at mga aklat sa gramatika. Ang ilan ay ang sumusunod. 1. Vocabulario dela Lengua Tagala – ito ang kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog na sinulat ni Padre Pedro De San Buenaventura noong 1613. 2. Vocabulario dela Lengua Pampango – ito ang unang aklat pangwika sa Kapampangan na sinulat ni Padre Diego Bergano noong 1732. 3. Vocabulario dela Lengua Bisaya – sinulat ni Mate Sanchez noong 1711.

6

Natapos ang paghahari ng mga Kastila nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas. Pinalaganap ng mga Amerikano ang sistemang edukasyon sa buong bansa. Itinuro ng mga gurong Thomasites ang wikang Ingles sa mga Pilipino. Sa kabila ng pagtuturo ng wikang Ingles, may mga Pilipino parin na gumagamit ng Kastila at ibang katutubong wika. Wikang Espanyol at Ingles man ang namamayani sa bansa noong panahong iyon, may ilang mga Pilipino pa rin ang nagtangka na magkaroon na bernakular na wikang pambansa. https://images.app.goo.gl/k6rAyFmGUP8b6tr5A Wikang Espanyol man at Ingles ang namayani sa bansa noong panahong iyon, may mga ilang Pilipino pa rin ang nagtangka na magkaroon ng bernakular na wikang pambansa. Sa panahon ng Komonwelt, sa panunungkulan ni Pangulong Manuel L. Quezon, mas umigting pa ang pangangailangan na magkaroon ng isang wikang magiging batayan ng ating wikang pambansa. Malinawa na nakasaad ito sa Artikulo XIV ng ating Konstitusyon noong 1935.

https://images.app.goo.gl/xLY4FUpwrRqeDjBB6

“Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa batay sa mga umiiral na wikang katutubo. Hangga’t hindi itinakdang batas, ang mga wikang Ingels at Kastila ang mananatiling opisyal na wika”.

7

Oktubre 27, 1936 – Ipinahayag ni Pangulong Quezon sa kanyang mensahe sa Unang Pambansang Asemblea, na ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at isang estado ay “dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawan ng lahat”.

Kaya naman itinagubilin ng Pangulong Manuel L. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.

Nobyembre 13, 1936 - Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg.184 na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.

Ang mga naging tungkulin at gawain ng Surian ng Wikang Pambansa ay ang mga sumusunod: 1.Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino man lamang; 2.Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto; 3. Pagsuri at pagtiyak sa ponetika at ortograpiyang Pilipino; 4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na dapat umaayon sa (a) pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, (b) ang wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.

Alinsunod sa Batas Komonwelt Sa madali’t salita, Tagalog ang napili. At Blg. 184, itinatag ang Surian ng Wikang pinili ang Tagalog sa ilalim ng pamumuno ni Pambansa “na mag-aaral ng mga Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte), at diyalekto sa pangkalahatan para sa kinabibilangan ng mga kasaping sina layuning magpaunlad at magpatibay ng Santiago A. Fonacier (Ilokano) isang pambansang wikang batay sa isa sa Filemon Sotto (Sebwano) mga umiiral na wika.” Ang pagpili ng Casimiro F. Perfecto (Bikol) isang pambansang wika ay ibinatay sa Felix S. Salas Rodriguez (Panay) “pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, Hadji Butu (Moro) at panitikan na pawang tinatanggap at Cecilio Lopez (Tagalog) ginagamit ng malaking bilang ng mga Hindi nakaganap ng tungkulin si Sotto dahil Pilipino.” sa kapansanan; samantalang si Butu ay Nobyembre 9, 1937 - Bunga ng namatay nang di-inaasahan. ginawang pag-aaral at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184., ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na roo’y ipinahahayag na

8

ang Tagalog ay siyang halos lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184, kayat itinagubilin ng Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa. Disyembre 30, 1937 - Bilang pag-alinsunod sa tadhana ng Batas ng Komonwelt Blg. 184, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.134 ay ipinahayag ng Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na batay sa Tagalog. Ngunit magkakabisa lamang ang nasabing kautusan pagkaraan ng dalawang taon, at ganap masisilayan noong 1940.

1. Mas marami ang nakapagsasalita at nakauunuwa ng Tagalog kumpara sa ibang wika.

2. Mas madaling matutuhan ang Tagalog kumpara sa ibang wikain sapagkat sa wikang ito, kung ano ang bigkas ay siyang sulat.

3. Tagalog ang ginagamit sa Maynila at ang dito ang sentro ng kalakalan sa Pilipinas.

ILANG DAHILAN KUNG BAKIT TAGALOG ANG NAPILING BATAYANG WIKA

4. Ang wikang Tagalog ay may historikal na basehan sapagkat ito ang wikang ginamit sa himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio.

5. May mga aklat na panggramatika at diksyunaryo ang wikang Tagalog.

Dahil sa naging ambag ni Pangulong Quezon na magkaroon ng isang wika na magsisilbing pagkakakilanlan ng bansa, siya ay kinilalang Ama ng WIkang Pambansa.

https://images.app.goo.gl/MC3p29Z3Ngr2Brnh9

Si Lope K. Santos naman ang tinaguriang Ama ng Balarila dahil sa pagbabalangkas ng kauna-unahang balarirala na batay sa wikang pambansa. Ito ang ABAKADA na uang alpabetong batay sa tagalog. Ito ay binubuo ng dalawampung (20) titik. Lima (5) ang patinig at labinlima (15) ang katinig. Hango ang pangalan ng ABAKADA sa unang apat na titik na bumubuo rito.

9

1

Abril 1

9

Ipinalabas ni Kalihim Jorge Bocobo ang isang kautusang pangkagawaran. Sinimulan ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mataas na paaralan at paaralang normal.

4 0

Binigyang-pahintulot ang pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, at itinakdang mula sa Hunyo 19, 1940 ay pasisimulan nang ituro ang Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-bayan at pribado sa buong bansa. Inatasan din ang Kalihim ng Pagtuturong Pambayan na maglagda, kalakip ang pagpapatibay ng Pangulo ng Pilipinas, ng mga kinakailangang tuntunin at patakaran sa pagpapaunlad ng kautusang ito.

Abril 12

Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 570 na kumikilala sa Pambansang Wika bilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas pagsapit ng 4 Hulyo 1940

Hulyo 7

Noong 1942 ay dumating ang mga Hapon sa Pilipinas. Inihayag ng Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas (Philippine Executive Commission) na ipagbabawal ng mga Hapon ang paggamit ng Ingles. Ang Nihonggo at Tagalog ang pinagamit at naging opisyal na wika sa Pilipinas dahil na rin sa layuning burahin sa mga Pilipino ang anomang kaisipang pang-Amerikano at mawala ng impluwensiya ng mga ito https://images.app.goo.gl/Jnu6f3Eh6HxxYvZ9

10

May magandang naidulot ito sa ilang mga Pilipino lalong-lalo na sa larangan ng panitikan sa bansa. Nagbukas ito ng pagkakataon para sailing manunulat na palaganapin ang ating wika sa pamamagitan ng pagsulat ng sarili nating panitikan. Ito ay tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikan dahil sa panahong ito namayagpag ang pagsulat ng mga akdang pampanitikan na nasusulat sa wikang Tagalog. Hulyo 4, 1942- Ipinatupad ang Order Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na mga wika ang Tagalog at ang wikang Hapon.

Pangunahing proyekto ng kapisanan ang pagpapalaganap ng wikang Pilipino sa buong kapuluan. Katulong nila sa proyektong ito ang Surian ng Wikang Pambansa. Hindi nagtagal ay napatalsik ang mga Hapon at namayani muli ang paggamit ng Ingles. Muling ipinalaganap ang paggamit ng Ingles sa mga transaksiyon sa pamahalaan, akademya, at negosyo. At upang matupad ang mithiing Pambansang Wikang Pilipino, sari-saring seminar ang idinaos noong panahon ng panunungkulan ni Lope K. Santos sa SWP (1941–1946).

Isinilang ang KALIBAPI o Kapisanan sa paglilingkod sa Bagong Pilipinas . Layon nito ang pagpapabuti ng edukasyon at moral na rehenerasyon at pagpapalakas at pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamatnubay ng Imperyong Hapones.

Marso 26, 1954 – Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 12

Ipinapahayag na ang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay mula Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon sang-ayon sa tagubilin ng SWP alinsunod sa pagbibigay papuri sa kaarawan ni Francisco Balagtas (Abril 2) bilang makata ng lahi.

11

Setyembre 23, 1955 – Nilagdaan ng Pangulong Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na nagsusog sa Proklama Blg. 12 serye 1954

Agosto 13, 1959 Nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 ang noo’y kalihim Jose E. Romero.

Disyembre 19, 1963

Oktubre 24, 1967Nilagdaan ng noo’y Pangulong Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96

https://images.app.goo.gl /tnFfWeJD96nKRBgt8

Inilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13-19 ng Agosto. Nakapaloob sa panahong ito ang kaarawan ni dating Pangulong Quezon (Agosto 19) bilang pagbibigay-halaga sa naging ambag niya pagkakaron ng wikang pambansa.

Isinasaad nito na ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino upang mailagan na ang mahabang katawagang “Wikang Pambansang Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa Tagalog”.

Iniutos ni dating Pangulong Diosdado Macapagal na awitin an gating Pambansang Awit sa wikang Pilipino.

Ang lahat ng gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan sa Pilipino.

12

Hulyo 29, 1971 – Memorandum Sirkular Blg. 488

Lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa.

Oktubre 4, 1971 – Pinagtibay ng Surian ng Wikang Pambansa ang pinagyamang alpabeto na binubuo ng 31 na titik.

A, B, C, CH, D, E, F, G, H, I, J, K, L, LL, M, N, Ñ,NG, O, P, Q, R, RR, S, T, U, V, W, X, Y, Z

Hunyo 19, 1974 – Nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25

Nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula sa taong-aralan 1974-1975 alinsunod sa mga tadhana ng Saligang-Batas ng 1972.

Hulyo 21, 1978 Nilagdaan ng Kalihim Juan L . Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusan Blg. 22, 1978 bilang karagdagan sa Kautusang Pangkagawarang Blg.25

Itinatadhana na ang Pilipino ay bahagi na nang Kurikulum na pangkolehiyo. Simula sa unang semestre ng taong 19791980, ituturo ang anim (6) na yunit ng Filipino sa Kolehiyo; maliban sa kursong pagtuturo na 12 yunit. Filipino 1 (3 yunit) Sining ng Pakikipagtalastasan (Communication Arts) Filipino II (3 yunit) Panitikang Filipino; Pahapyaw na Kasaysayan at mga Piling Katha (Surveys and Readings of Literature in Pilipino)

13

Agosto 12, 1986 – Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Proklamasyon Blg. 19

Kinikilala ang Wikang Pambansa na gumawa ng napakahalagang papel sa makasaysayang himagsikan na nagbunsod sa bagong pamahalaan.

Pebrero 2, 1987 – Pinagtibay ang Bagong Konstitusyonng Pilipinas. Nasasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 6

Sek. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Artikulo XIV, Seksyon 7

Artikulo XIV, Seksyon 8

Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabik.

Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabik at Kastila.

14

Artikulo XIV, Seksyon 8

1987 Inilathala na dalawampu’t walo (28) ang mga titik sa gabay na Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas, ang binagong pangalan ng Surian ng Wikang Pambansa.

Agosto 25, 1988 – Nilagdaan ng dating Pangulong Corazon C. Aquino ang Atas Tagapagpaganap Blg. 335

Marso 19, 1990 Pinalabas ng Kalihim Isidro Cariño ng Departamento ng Edukasyon , Kultura at Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 21

Sek. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.

.

https://images.app.goo.gl/gOxAL2yHHrjcP2a79

Ang lahat ng kagawaran at ahensiya ng pamahalaan ay kinakailangang gumawa ng hakbang na magamit ang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyo at korespondensiya.

Itinatagubilin na gamitin ang Filipino sa Pagbigkas ng Panunumpa ng Katapatan sa Saligang- Batas at sa bayan natin.

15

1991 Pinagtibay ni Pangulong Aquino Batas Republika Blg. 7104

Agosto 28, 1996 – Inilahad ng KWF ang batayang deskripsyon sa Fiipino

1996 Pinalabas ng Commission on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59

Nilikha ang Komisyon sa Wikang Filipino (dating Surian ng Wikang Pambansa) at pagtakda ng kapangyarihan at tungkulin nito. http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2015/12/Manual-of-Operation

“Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba-ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang sanligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.”

Nagtatadhana ng siyam (9) na unit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa : Filipino I ( Sining ng Pakikipagtalastasan ) - Komunikasyon sa Akademikong Filipino Filipino 2 ( Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t - Ibang Disiplina ) Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Filipino 3 (Retorika)

Hulyo 15, 1997 – Nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041

Ito ay nagtatakda na ang dating isang linggong pagdiriwang ay gagawing buong buwan ng Agosto taon-taon ang Buwan ng Wikang Pambansa.

https://images.app.goo.gl/iarv1LbqPDTTGaAi7

16

2001 nagpalabas ang Komisyon sa Wikang Filipino ang 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

Hinahangad nito ang mabilis na istandardisasyon at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino,

2006 Sa okasyon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino

Ipinagbigay alam ng Komisyon sa Wikang Filipino ang pagsususpinde sa 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino at samantalang nagsasagawa ng mga pananaliksik, pag-aaral, konsultasyon at hanggat walang nababalangkas na mga bagong tuntunin sa pagbabaybay, magsisilbing tuntunin ang Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng taong 1987.

2009 – Ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pamamagitan ng kanilang Sangay ng Linggwistika ang Gabay sa Ortograpyang Filipino.

Tuluyan nang isinasantabi ang 2001 Revisyong Alfabeto at 1987 Alpabeto, bagamat anomang tuntunin sa 1987 at 2001 na hindi binago sa 2009 Gabay ay mananatiling ipatutupad.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nagsasagawa ng mga hakbang at pag-aaral ang Komisyon sa Wikang Filipino o KWF tungo sa pagpapaunlad ng ating wikang pambansa sa pamumuno ng Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario.

Para sa iba pang paglilinaw hinggil sa wikang pambansa, panoorin ang video na ito. Pambansang Wika: Filipino, Pilipino o baka naman Tagalog? https://youtu.be/K4XGvdXzKxw

17

Mula sa mga natalakay na impormasyon, bigyang-diin natin ang nakalahad sa ating 1987 na Saligang Batas hinggil sa ating wikang pambansa. Gawin ang sumusunod na gawain upang lalo mong maunawaan ang naging talakayan.

PAGNILAYAN NATIN Panuto: Ibigay ang sariling interpretasyon sa bawat seksyon ng Artiklo XIV Sek. 6 -9 ng 1987 Konstitusyon. Isulat ang sagot sa kahon. (Tatlo hanggang apat na pangungusap lamang)

Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987: WIKA

SEK.6

SEK.7

SEK.8

SEK.9

18

SALIKSIKIN NATIN Panuto: Magsagawa ng maikling saliksik hinggil sa mga kasalukuyang kinakaharap na isyu ng ating wikang pambansa. Itala ang mga nasaliksik at magbigay ng rekomendasyon para sa mga naitalang isyu.

_ ____________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________. Sanggunian: (estilong APA)

PAMANTAYAN Maayos ang organisasyon ng paksa Makabuluhan ang nakalap na isyung pangwika Makatotohanan ang mga ibinigay na rekomendasyon Malinaw ang pagkakagawa KABUUAN

Puntos 5 10 10 5 30

19

4. Pagsusuri ng Pag-unlad

PAUNLARIN NATIN Panuto: Gamit ang grapikong pantulong, magtala ng tigdalawang tiyak na pangyayari ng kasaysayan ng wikang pambansa sa bawat panahon (Panahon ng Kastila hanggang sa kasalukuyan). Isulat ang sanhi at bunga ng bawat pangyayari na napili mo at ang naidulot nito sa pag-unlad ng wikang pambansa.

20

PAMANTAYAN Malinaw ang pagkakahanay ng mga kaisipan Naipaliwanag nang malinaw ang sanhi at bunga ng mga pangyayari Makatotohanan ang mga impormasyong inilahad Malikhain ang ginawang grapikong pantulong KABUUAN PUNTOS 5 – Napakahusay 4 – Mahusay 3 – Katamtaman

5

4

3

2

3 - Katamtaman 2 – Maraming Kakulangan

5. Takda

PALAWAKIN PA NATIN Panuto: Gumawa ng E-poster na nagpapahayag ng pagpapahalaga mo sa wikang pambansa. Pamantayan Kalinawan ng mensahe Kaangkupan sa Paksa

Pagkamalikhain

Organisasyon

5 Lubhang malinaw ang mensahe. Angkop na angkop ang mga salita at larawan sa paksa. Lubos na nagpamalas ng pagkamalikhai n sa paghahanda. Buo ang kaisipan konsistent, kumpleto ang detalye at napalinaw.

4 Malinaw ang mensahe.

3 Hindi gaanong malinaw ang mensahe. Hindi gaanong angkop ang mga salita at larawan sa paksa

2 Hindi malinaw ang mensahe.

Naging malikhain sa paghahanda.

Hindi gaanong naging malikhain sa paghahanda.

May kaisahan at may sapat na detalye at malinaw na intensyon.

Konsistent, may kaisahan, kulang sa detalye at hindi gaanong malinaw ang intensyon

Walang ipinamalas na pagkamalikhai n sa paghahanda. Hindi ganap ang pagkakabuo, kulang ang detalye at dimalinaw ang intensyon

Angkop ang mga salita at larawan sa paksa.

Hindi angkop ang mga salita at larawan sa paksa.

KABUUANG PUNTOS

1

6. Pagtataya

KAYA NATIN ITO Panuto: A. Isulat ang T kung ang pahayag ay Tama. Kung Mali naman ang pahayag, salungguhitan ang salita/parirala na nagpamali rito at isulat sa nakalaang patlang ang tamang sagot. _____________1. Pareho lang ang Pilipino at Filipino dahil parehong naging wikang pambansa ang dalawa. _____________2. Ang Filipino ay batay sa maraming wika ng Pilipinas pero hindi kasali ang Ingles at Kastila. _____________3. Lumalabas na ang Filipino ay Tagalog din sa nilalaman at estruktura. _____________4. Filipino ang itinawag na wikang opisyal, wikang panturo at asignatura mula taong 1959. _____________5. Ang Filipino ay batay sa iisang wika ng Pilipinas. _____________6. Ipinoklaman ni Pangulong Macapagal na ang wikang Tagalog ay magiging batayan ng wikang pambansa. _____________7. Lahat ng buhay na wika ay nalilinang o nadedebelop at sumasailalim sa proseso ng pagbabago at pag-unad. _____________8. Bilang wikang pambansa, Pilipino ang ginagamit at gagamitin sa mga usaping pambansa at pangangailangang pambansa ng sambayanang Pilipino. _____________9. Buhay na wika ang Filipino sapagkat ito ang wika ng kasalukuyang panahon at umaagapay sa mga pagbabago at pag-unlad sa lipunan. _____________10. Wikang Pilipino ang nakatugon sa binuong kraytirya sa pagpili ng magiging batayan ng wikang pambansa. _____________11. Tungkulin ng KWF na magmungkahi ng mga hakbang,plano at mga gawain hinggil sa mga wika lalo na sapaggamit ng Filipino bilang pambansang wika. _____________12. Sa panahon ng mga Amerikano, namayagpaga ang wikang Tagalog. _____________13.

Ang paggamit ng mga katutubong wika ay iniutos ng mga Amerikano sa pagnanais na burahin ang anomang impluwensiyang Kastila sa mga Pilipino

_____________14. _____________15. Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay tuwing Agosto bilang pagbibigay kahalagahan sa kaarawan ni Balagtas.

2

B. Panuto: Ipakita ang pagkakaiba ng Tagalog, Pilipino at Filipino sa pamamagitan ng pagpili sa kasunod na kahon ng akmang pahayag na naglalarawan sa bawat isa. Isulat sa nakalaang grapikong pantulong ang mga kasagutan.

1.

1.

1.

2.

2.

3.

3.

2.

3. 4. 4. 5. 4. 5. 6

KONSEPTO NG TAGALOG, PILIPINO AT FILIPINO

3

MGA PAGPIPILIAN

Isang mono-based national language Isang wikang natural, katutubong tagapagsalita.

may

sariling

Ito ang nakatugon sa binuong kraytirya sapagpili ng wikang magiging batayan ng wikang pambansa. Pilipino rin ang pangalang itinawag sa wikang opisyal, wikang panturo at asignatura sa wikang pambansa mula 1959 Pinangalan sa wikang pambansa na salig sa Tagalog Ito ang pambansang wika mula 1959 na ibinatay sa Tagalog, nang ipasa ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 ng noo'y Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay batay sa maraming wika; hindi lamang ito batay sa Tagalog, batay rin ito sa ibang mga wika ng Pilipinas kasama na ang mga salitang banyaga (Ingles, Kastila at iba pa).

Nakasaad sa probisyong pangwika ng 1987 Konstitusyon, Art. XIV Sek. 6 na "Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino." Idineklara ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na ang wikang pambansa ay ibatay sa Tagalog noong Disyembre 30, 1937 at nagkabisa ito pagkatapos ng dalawang taon (1937). Tumanggap na ito ng pagbabago na hinihingi ng panahon sa isang wikang pambansa. Ito ay Tagalog pa rin sa nilalaman at estruktura. Partikular na wikang sinasalita ng isa sa mga etnolinggwistikong grupo ng bansa. Isang multi-based national language Marami ng salita mula sa mga wikang katutubo ang pumasok na sa wikang Filipino dahil na rin sa unti-unting pagyaman ng ating kamalayan sa pambansang kultura at karanasan.

Ito ay batay sa iisang wika, ang Tagalog.

4

PAUNAWA: Lahat ng mga kasagutan sa mga pagsasanay, gawain at takda ay kailangang ilagay sa hiwalay na MAIKLING BOND PAPER. Sa pagsagot, sundin ang pagkasunod-sunod ng bawat gawain, pagsasanay at takda upang maiwasan ang pagkalito. Gamitin ang sumusunod na pormat. TAHOMA FONT MARGIN 1.5” LEFT, 1 RIGHT, TOP, BOTTOM SIZE 11 Para sa naka-offline na mag-aaral: Magsumite ng hard copy ng mga nasagutang pagsasanay, gawain at takda. Para sa naka-online na mag-aaral: Magsumite ng soft copy g mga nasagutang pagsasanay, gawain at takda.

F. Sanggunian Aurelio, R.Q. (2017). Komunikasyon at pananaliksik sawka at kulturang Pilipino. Quezon City: Maxcor Publishing House Inc. Bernales, R. A. (2016).Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilpino. Malabon City: Mutya Publishing House Inc. Carreon, M.B. (2017). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Malabon City: Mutya Publishing House Inc.

23

De Guzman, N.C. (2013). Komunikasyon sa akademikong Filipino. Cebu City: Likha Publications. Taylan, Dolores, R. (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino.Quezon City: Rex Publishing Company, Inc. https://images.app.goo.gl/KWte9NN7MrrRQf837 https//images.app.goo.gl/g5iSJzVJxvn3TE1v9 https://images.app.goo.gl/xwz48pw6m29bett98 https://images.app.goo.gl/k6rAyFmGUP8b6tr5A https://images.app.goo.gl/xLY4FUpwrRqeDjBB6 https://images.app.goo.gl/MC3p29Z3Ngr2Brnh9 https://images.app.goo.gl/Jnu6f3Eh6HxxYvZ9 https://images.app.goo.gl/tnFfWeJD96nKRBgt8 http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2015/12/Manual-of-Operation https://images.app.goo.gl/iarv1LbqPDTTGaAi7 https://images.app.goo.gl/RiQYVa8DkF3t4vnS9 https://images.app.goo.gl/YHdAnhzUnVABD5kQ8

24

Sinuri ni: Komento:

For Senior High School Use: Identify all imperatives integrated in this modules (Graduate Attributes, SHS Objectives, Strand Outcomes, Core Values, DepEd Competencies Imperatives DEPED Competencies

: 1, 2, 3, 11, 12, 17, 20, 21, 22, 25, 26, 27, 30, 31 : F11PN – If – 87, F11PS – Ig – 88, F11WG – Ih – 86

Pilot Tested by: Name: Date Started: Date Finished: Findings of the Author: Recommendation of the Academic Chair / Principal:

2nd Pilot Test (after revision): Name: Date Started: Date Finished: Findings of the Author: Recommendation of the Academic Chair/ Principal:

25

26