Data Loading...
8-PASAY-EPP4-Q3-W1 Flipbook PDF
8-PASAY-EPP4-Q3-W1
115 Views
28 Downloads
FLIP PDF 1.03MB
Module Code: PASAY-EPP4-Q3-W1-D1 Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: ______________ Pangalan ng Guro: __________________________ Petsa:_____________________ DEPARTMENT OF EDUCATION SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY MODULE IN EPP4-INDUSTRIAL ARTS Unang Linggo / Unang Araw A. Layunin: Nakikilala ang mga kagamitan sa pagsusukat B.1.Panimula: Alamin Natin: Ang pagsusukat ay isang paraan upang malaman ang angkop na sukat ng isang bagay.May dalawang uri ng sistema ng pagsusukat; ito ay ang Sistemang Inglis at Sistemang Metrik. Ang Sistemang Inglis ay ang lumang pamamaraan sa pagsusukat samantalang ang Metrik ang ginagamit sa kasalukuyan. Upang maging matagumpay sa pagsusukat, kailangang gumamit ng mga kasangkapan sa pagsusukat. Linangin Natin: Basahin mo at isaisip ang gamit ng mga kasangkapang panukat na nakasulat sa ibaba. Ang bawat kasangkapang panukat ay may kani-kaniyang bagay na dapat pag gamitan sa pagsusukat. Narito ang mga kasangkapang panukat na maaari mong gamitin sa mga proyektong gagawin sa susunod na araw. Mga Kasangkapang Panukat Ito ay ginagamit sa pagsukat sa malalaki at malapad na gilid ng isang bagay. Halimbawa, gilid ng kahoy, lapad ng tela, lapad ng mesa, at iba pa. Ito ay kasangkapang yari sa kahoy na ang haba ay umaabot sa anim na piye at panukat ng mahahabang bagay. Halimbawa, pagsusukat ng haba at palad ng bintana, pintuan at iba pa.
Ito ay karaniwang ginagamit ng mga mananahi, sa pagsusukat para sa paggawa ng pattern at kapag nagpuputol ng tela.
Ang kasangkapang ito ay yari sa metal at awtomatiko na may haba na dalawampu't limang (25) pulgada hanggang isang daan (100) talampakan. Ang kasangkapang ito ay may gradasyon sa magkabilang tabi,ang isa ay nasa pulgada at ang isa ay nasa metro. Sanggunian: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 (Kagamitan ng Magaaral / Manwal ng Guro)
Page 1 of 15
Module Code: PASAY-EPP4-Q3-W1-D1 Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: ______________ Pangalan ng Guro: __________________________ Petsa:_____________________
Ang kasangkapan ito ay ginagamit sa pagkuha ng mga digri kapag ikaw ay gumagawa ng mga anggulo sa iginuguhit na mga linya.
Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa paggawa ng mga linya sa drowing at iba pang maliliit na gawain na nangangailangan ng sukat.
Ito ay ginagamit sa pagsukat ng mahahabang linya kapag nag dodrowing. Ginagamit din ito gabay sa pagguhit ng mga linya sa mga drowing na gagawin.
Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa pagsusukat ng mga mananahi. Ito ay ginagamit nila sa pagsusukat ng mga bahagi ng katawan kapag tayo nagpapatahi ng damit, pantalon, palda, barong, gown, at iba pa.
2. Mga Gawain:
Gawain 1. Basahing mabuti ang mga parirala.Kilalanin kung anong kagamitan ang angkop sa pagsusukat ng sumusunod na bagay. 1. Tuwid na guhit o linya sa papel 2. pabilog na hugis ng isang bagay 3. taas ng pinto 4. kapantayan ng ibabaw na bahagi ng mesa 5. kapal ng table Gawain 2. Sukatin ang iyong baywang gamit ang tape measure, Pagkatapos isulat ito sa iyong kuwaderno.Tingnan ang sukat ng baywang ng iyong katabi. Sino ang mas malaking sukat ng baywang, sayo ba o sa katabi mo?
Page 2 of 15
Module Code: PASAY-EPP4-Q3-W1-D1 Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: ______________ Pangalan ng Guro: __________________________ Petsa:_____________________ Gawain 3 Basahin ang mga sumusunod na tanong.Piliin sa loob ng kahon ang iyong sagot: T-Square
Protractor
Zigzag Ruler
Tape Measure
Iskuwalang Asero
Meter Stick Pull-Push Ruler
Ruler/Triangle Calculator
1. Anong kasangkapan ang ginagamit sa pagsukat ng mananahi?_______ 2. _____ginagamit sa pagsukat ng mahahabang linya kapag nag do-drowing. 3. Sa pagkuha ng mga digri kapag ikaw ay gagawa ng mga anggulo anong panukat ang gagamitin mo? 4. Ginagamit sa pagsukat ng mga linya sa drowing at iba pang maliliit na gawaing nangangailangan ng sukat. 5. Kasangkapan yari sa kahoy at panukat sa mahahabang bagay. 6. Panukat na ginagamit ng mananahi sa paggawa ng pattern 7. Ito ay ginagamit na panukat sa malalaki at malalapad na gilid ng isang bagay. 8. Ang panukat na ito ay yari sa metal awtomatiko,na may haba na dawalampu’t limang (25) pulgada hanggang isang daang (100) talampakan 9. Ano ang dapat gawin sa mga kagamitan sa pagsusukat matapos itong gamitin? A. pabayaan na lang C. Ilagay sa tamang lalagyan(toolbox) B. itabi D. lahat ng nabanggit 10. Bakit kailangan iligpit agad ang mga kagamitan sa pagsusukat ng mga bagay?__________________________ C. Tandaan Natin: Sa pagsusukat ay gumagamit tayo ng ibat ibang kagamitan . Bawat kagamitan sa pagsusukat ay mga angkop na bagay kung saan ito gagamitin. D. Pagtataya: Panuto: Hanapin sa Hanay A ang kasagutan sa Hanay B.Isulat ang titik ng tamang sagot sa tabi ng bilang. Hanay A
Hanay B
1. Meter Stick
A. Kasangkapang yari sa kahoy na panukat ng mahaha-
2. Zigzag Rule 3. Protractor
bang bagay tulad ng haba at lapad ng bintana.. B. Ginagamit sa pagsusukat ng mga mananahi C. Karaniwang ginagamit ng mananahi sa paggawa ng mananahi sa paggawa ng pattern at pagputol ng tela
4. Tape Measure 5. Iskuwalang Asero
D. Ginagamit sa pagkuha ng mga digri kapag gumagawa gumagawa ng mga anggulo sa iginuguhit na mga E. Ginagamit sa pagsukat sa malalaki at malalapad na gilid ng isang bagay.
Inihanda ni: Tessie T. Palma EDSES
Page 3 of 15
Module Code: PASAY-EPP4-Q3-Wk1-D2 Name of Student: _______________________________ Grade and Section: ______________________ Name of Teacher: _______________________________ DEPARTMENT OF EDUCATION SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PASAY CITY
MODULE IN EPP 4 (Industrial Arts) Ikatlong Markahan / Unang Linggo/ Ikalawang Araw A. Layunin: Nagagamit ang dalawang sistemang panukat (English at Metric). B. Panimula
Maikling Pagpapakilala ng Aralin
May dalawang sistemang panukat, ito ay ang sistemang ingles at sistemang metrik. Ang bawat sistema ay may iba’t ibang yunit na ginagamit. Sa bawat yunit ng sistemang ingles ay may katumbas na sukat sa sistemang metrik. Sistemang Ingles 12 pulgada
=
1 piye o talampakan
3 piye
=
1 yarda
Sistemang Metrik 10 milimetro
=
1 sentimetro
10 sentimetro
=
1 desimetro
10 desimetro
=
1 metro
100 sentimetro
=
1 metro
1000 metro
=
1 kilometro
Ang mga sistemang ito ay mahalaga upang may batayan sa pagkuha ng sukat at ang yunit na gagamitin lalo na kapag ito ay may kaukulang bayad. Kailangang maging wasto ang pagsusukat. Ang paggamit ng angkop na kasakangkapan sa wastong paraan ay makatutulong upang makatiyak sa mabilis at maayos na paggawa ng anumang proyekto.
Page 4 of 15
Module Code: PASAY-EPP4-Q3-Wk1-D2 Name of Student: _______________________________ Grade and Section: ______________________ Name of Teacher: _______________________________
Gawain A. Panuto: Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B. Hanapin sa Hanay B ang katumbas na sukat ng nasa Hanay A. Isulat sa inihandang papel ang titik ng tamang sagot sa patlang. Hanay A Hanay B _____1. 1 yarda
A. 1 piye
_____2. 2 metro
B. 3 piye
_____3. 5 metro
C. 50 desimetro
_____4. 6 kilometro
D. 200 sentimetro
_____5. 12 pulgada
E. 6000 metro F. 8000 metro
B. Panuto: Sa pamamagitan ng ruler, gumuhit ng linyang pahalang na may sukat na: 1. 2 desimetro 2. 2 ½ pulgada 3. 4 pulgada 4. 5 sentimetro 5. 6 milimetro
Tandaan May dalawang sistemang panukat na ginagamit sa paggawa ng proyekto. Ito ay ang sistemang ingles at sistemang metrik. Ang mga batayang panukat sa sistemang Ingles ay pulgada, piye o talampakan at yarda, samantalang sa sistemang metrik ay milimetro, sentimetro, desimetro, metro at kilometro.
Pag-alam sa mga Natutuhan A. Panuto: Sagutin ang mga tanong. 1. Ikaw ay bibili ng tela sa Divisoria para sa proyekto mong paggawa o pagtahi ng punda. Anong yunit ng panukat ang maaaring gamitin ng tindera sa pagsukat ng iyong bibilhin?
2. Ang mga sukat ng kahoy na nabibili sa hardware ay nasa pulgada at talampakan. Anong sistemang panukat ang mga ito?
Page 5 of 15
Module Code: PASAY-EPP4-Q3-Wk1-D2 Name of Student: _______________________________ Grade and Section: ______________________ Name of Teacher: _______________________________
Pangwakas na Pagsusulit A. Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat sa inihandang papel ang titik ng tamang sagot sa patlang. _____1. Si Ana at Marlon ay bumili ng tela at plastic. Gumamit ang tindera ng yarda sa pagsukat. Anong sistemang panukat ang mga ito? A. Sistemang Ingles C. Sistemang Ingles at Metrik B. Sistemang Metrik D. Sistemang Metrik at Tagalog _____2. Ang dalawang sistemang panukat na ginagamit sa gawaing pang-industriya ay: A. Filipino at Amerikano C. Metrik at Tagalog B. Ingles at Metrik D. Tagalog at Ingles _____3. Ang mga sumusunod ay mga yunit na panukat sa sistemang ingles. Alin ang hindi nabibilang sa pangkat? A. kilometro B. talampakan C. pulgada D. yarda _____4. Ikaw ay guguhit ng linyang may 10 sentimetro at dudugtungan mo ito ng 20 milimetro, ano ang sukat ng linya na iyong iguguhit? A. 10 sentimetro B. 12 sentimetro C. 11 sentimetro D. 13 sentimetro _____5. Ilang metro ang katumbas ng 500 sentimetro? A. 5 metro B. 500 metro C. 50 metro B. Panuto: Isulat ang katumbas 1.) 1 desimetro 2.) 1 kilometro 3.) 1 metro 4.) 1 sentimetro 5.) 1 yarda
D. 5000 metro
na bilang sa bawat yunit. = ______ sentimetro = ______ metro = ______ sentimetro = ______ milimetro = ______ piye
C. Panuto: Gumuhit ng linyang pahalang na may sukat na. 1.) 4 ½ pulgada 2.) 5 ¾ pulgada 3.) 6 sentimetro 4.) 8 sentimetro 5.) 15 millimetro
Sanggunian Roson, Shiela Mae R. et al. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 – Industrial Arts. Pasig City: Vibal Group, 2015. Guinea, Susana V. and Sotoya, Ma. Gilmina G. Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 4. Quezon City: Adriana Publishing Co., 2015. wikicell.org, wikiHow.org - Ideya ng ilustrasyon
Inihanda ni: Rachelle M. Bernabe/Rafael Palma ES
Page 6 of 15
Module Code: PASAY-EPP4-NSQ-W1-D3 Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________ Pangalan ng Guro: ____________________
DEPARTMENT OF EDUCATION SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY MODYUL SA EPP-INDUSTRIAL ARTS 4 Unang Linggo / Pangatlong Araw A. Layunin : Naisasagawa ang pagleletra, pagbuo ng linya at pagguhit B. 1. Panimula Alamin Natin ● Ang pagleltra ay malayang ginagawa upang makabuo ng mga letra at numero sa pamamagitan ng kamay,Ito ay may iba’t ibang disenyo o uri. Gothic ang pinakasimpleng uri ng letra at ginagamit sa mga ordinaryong disenyo. Roman ang may pinakamakapal na bahagi ng letra,ito ay ginawang kahawig sa mga sulating Europeo. Script ay ginagamit na pagleletra sa Kanlurang Europa at Aleman na kung minsan ito ay tinatawag na Old English. Text ay mga letrang may pinakamaraming palamuti, ginagamit ito sa mga sertipiko at diploma. ● Ang isang larawan ay binubuo ng ibat’ibang uri ng linya o guhit. Ito ay tinatawag na alpabeto ng linya. May ibat’ibang uri ng alapabeto ng linya. An mga ito ay linyang panggilid , linyang pangnakikita , linyang pang di-nakikita ----, linyang pasudlong , panukat na linya , linyang panggitna , linyang pantukoy , linyang panturo ,linyang pambahagi at linyang pamutol ● May iba’t ibang uri ng alphabet of lines na ginagamit sa pagbuo ng linya, guhit, at letra. Ito ay kailngan upang magkaroon ng buhay ang mga bagay o drowing na nakikita natin sa ating paligid katulad ng ortograpiko at ang sometrikong drowing. References for Further Enhancement: MISOSA IV, V, VI MGPP 4-P EDUKASYON PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 4
Page 7 of 15
Module Code: PASAY-EPP4-NSQ-W1-D3 Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________ Pangalan ng Guro: ____________________
2. Mga Gawain Gawain 1: Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Ito ay malayang ginagawa upang makabuo ng mga letra at numero sa pamamagitan ng mga kamay. A. Linya B. pagleletra C. alpabeto D. disenyo 2. May pinakamakapal na bahagi ng letra. A. Gothic B. Roman C. Script
D. Text
3. Ang pinakasimpleng uri ng letra at ginagamit sa mga ordinaryong disenyo. A. Roman B. Script C. Text D. Gothic 4. Ito ay ginagamit na pagleletra sa Kanlurang Europa at Aleman. A. Script B. Text C. Gothic D. Roman 5. Ito ay ang mga letrang may pinakamaraming palamuti. A. Text B. Gothic C. Roman
D. Script
Gawain 2: Panuto: Kilalanin ang mga linyang ito. Isulat ang pangalan ng bawat uri ng alpabeto ng linya. _______________________1. -------------------_______________________2. _______________________3. _______________________4. _______________________5. Tandaan: Ang bawat uri ng letra ay may kani-kaniyang pinaggagamitan.Ang alpabeto ng linya ay ginagamit sa pagbuo ng isang larawan katulad ng ortograpiko at ang sometrikong drowing na nagpapakita ng bawat bahagi at kabuuan ng isang larawan at upang magkaroon ng buhay ang mga bagay o drowing na nakikita ntin sa ating paligid.
Page 8 of 15
Module Code: PASAY-EPP4-NSQ-W1-D3 Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________ Pangalan ng Guro: ____________________
Gawain 3: Pag-isipan Mo Ipaliwanag: Gumuhit ng isang larawan gamit ang tatlo sa mga alphabet of lines.
________________________________________________ Pagtataya Panuto: Itugma ang hanay A sa hanay B. Piliin ang letra ng tamang sagot. A B _____1. Linyang panukat A. _____2. Linyang pambahagi
B.
_____3. Linyang pamutol
C.
_____4. Linyang pantukoy
D.
_____5. Linyang panturo
E.
_____6. Linyang pang di-nakikita
F.
_____7. Linyang pang makikita
G.
_____8. Linyang panggilid
H. ------------
_____9. Linyang pasudlong
I.
_____10. Linyang panggitna
J.
Inihanda ni: DR. ELEANOR C. CAPILITAN Kalayaan Elem. School Master Teacher I
Page 9 of 15
MODULE CODE: PASAY-EPPIA4-Q3-W1-D4 Pangalan: ________________________________________________
Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________
Pangkat: ___________________
DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION NATIONAL CAPITAL REGION SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY MODYUL SA EPP4 INDUSTRIAL ARTS Ikatlong Markahan/ Unang Linggo /Ika-apat na Araw
LAYUNIN:
Naisasagawa ang pagleletra,pagbuo ng linya at pagguhit 1. Natutukoy ang mga uri ng letra
Ang pagleletra ay malayang ginagawa upang makabuo ng mga letra at numero sa pamamagitan ng kamay. Ito ay hindi lamang isinusulat kundi sadyang inileletra,sapagkat higit na madali at mabilis isagawa bukod sa bihirang pagkakaroon ng pagkakamali. May iba’t ibang uri ng letra. Sa bawat uri nito ay may iba’t ibang disenyo at gamit. Ang gamit nito ay naaayon din sa paggagamitan nito. May mga letrang simple at kumplikado ang disenyo.
ALAMIN NATIN:
Ang pagleletra ay may iba’t ibang disenyo o uri. Ang bawat uri nito ay may gamit.Sa mga pangalan ng establisamyento tulad ng mga bangko,supermarket,palengke at gusali. Ito ay ginagamitan ng mga letra upang ito ay makilala, ang mga pangalan ng paaralan,simbahan,kalye at kalsada.Ito ay ginagamitan ng mga letra ayon sa disenyo at mga estilo.
LINANGIN NATIN
Pag-aralan ang iba’t ibang uri ng letra. Pansinin ang pagkakaiba ng bawat isa. Mga Uri ng Letra 1. Gothic- ang pinakasimpleng uri ng letra at ginagamit sa mga ordinaryong disenyo. Ito ay itinitatag noon sa pagitan ng 1956 at 1962. Ito ay rekomendadong pagtatalang teknikal. Ito ang uring pinakagamitin dahil ito ay simple,walang palamuti o dekorasyon, at ang bahagi ay magkakatulad ng kapal.
Page 10 of 15
MODULE CODE: PASAY-EPPIA4-Q3-W1-D4 Pangalan: ________________________________________________
Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________
Pangkat: ___________________
2. Roman- Pinakamakapal na bahagi ng letra. Ito ay ginawang kahawig sa mga sulating Europeo.
3. Script- noong unang panahon ito ay ginagamit na pagleletra sa Kanlurang Europa. Ito ay ginagamit sa pagleletra ng Aleman. Kung minsan ito ay tinatawag na “Old English”.
4. Text- ito ang mga letrang may pinakamaraming palamuti. Ginagamit ito sa mga sertipiko at diploma.
tTandaan Natin Ang bawat uri ng letra ay may kani-kaniyang pinaggagamitan. Ang Gothic bilang pinakasimpleng uri ng letra ay ginagamit sa ordinaryong panulat. Samantalang ang Text ay ginagamit sa mga pagtititik sa mga sertipiko at diploma.
GAWIN NATIN-Pagleletra Isulat ang iba’t ibang uri ng mga letra. 1. Gothic
Page 11 of 15
MODULE CODE: PASAY-EPPIA4-Q3-W1-D4 Pangalan: ________________________________________________
Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________
Pangkat: ___________________
2. Roman
3. Script
4. Text
PAGTATAYA A. Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang.
________1. Ito ang mga letrang may pinakamaraming palamuti. Ginagamit ito sa mga sertipiko at diploma. ________2. Noong unang panahon ito ay ginagamit na pagleletra sa Kanlurang Europa. Ito ay ginagamit sa pagleletra ng Aleman. Kung minsan ito ay tinatawag na “Old English”. ________3. Pinakamakapal na bahagi ng letra. Ito ay ginawang kahawig sa mga sulating Europeo. ________4. Ang pinakasimpleng uri ng letra at ginagamit sa mga ordinaryong disenyo. ________5. Anong uri ng letra ka nahirapan isulat at bakit? ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ TALASANGGUNIAN
INIHANDA NI: GNG. MYLENE G. SELOTERIO Padre Burgos Elementary School
E.SAMADAN et al (2015) Vibal Group, Inc. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 Image bank-Google Drive
Page 12 of 15
Module Code: PASAY-EPP4-Q3-W1-D5
Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________ Pangalan ng Guro: ______________________ DEPARTMENT OF EDUCATION SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PASAY CITY MODYUL SA EPP 4 INDUSTRIAL ARTS Unang Linggo / Panglimang Araw
Ano ang Dapat Kong Malaman? Layunin: Nabubuo ang ibat-ibang linya at guhit Talakayin Natin: Ang bawat larawan at disenyo ay binubuo sa pamamagitan ng pagdurugtongdugtong ng mga linya at guhit. Sa pamamagitan ng mga linya at guhit na ito, ang mga larawan o disenyo ay nagkakaroon ng hugis at nagiging kapaki-pakinabang na produkto. Ang isang larawan ay binubuo ng iba’t ibang uri ng linya, o guhit. Ito ay tinatawag na alpabeto ng linya. May iba’t ibang uri ng alpabeto ng linya.
1. Ang linyang panggilid o border line ang pinakamakapal o pinakamaitim na guhit. 2. Ang linyang nakikita o visible line ay paraa nakikitang bahagi ng inilalarawang bagay. 3. Ang linyang di-nakikita o invisible line ay nagpapakita ng natatakpang bahagi ng inilalarawang bagay. 4. Ang linyang panggitna o center line ay nagpapakita ng axis o gitnang mga hugis simetrikal tulad ng washer, gear at rimatse. 5. Ang extension line ay ipinakikita ang pagkakatapat ng tanawin at hangganan ng mga sukat ng inilalalarawang bagay. 6. Ang linyang panukat o dimension line ay nagpapakita ng kapal, lapad at haba ng larawan. 7. Ang linyang panturo o leader line ay nagpapakita ng sukat o bahagi ng isang bagay. 8. Ang linyang pantukoy o reference line ay tumutukoy ng isang bahagi ng inilalarawang bagay. 9. Ang long break line ay nagpapakita ng pinaikling bahagi ng isang mahabang bagay na inilalarawan. 10. Linyang pambahgai o section line ay mga linyang magaan na pantay-pantay ang agwat na ginagamit upang maipakita ang bahagi ng larawang nagpapahayag ng epekto ng isang pamantayan.
Page 13 of 15
Module Code: PASAY-EPP4-Q3-W1-D5
Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________ Pangalan ng Guro: ______________________ Ano ang Alam Ko? Kilalanin ang mga linyang ito. Isulat ang pangalan ng bawat uri ng alpabeto ng linya. 1. _____________ 2. _____________ 3. - - - - - - - - 4. _ _ _ _ _ _ __ 5. ___ _ _ ____ __
Ano Pa? Gamit ang iba’t ibang alpabetong linya gumawa ng isang likhang-isip na panlansangan mula sa inyong lugar papunta sa ibang lugar.
Ano ang Nalaman Ko? Ang alpabeto ng linya ay ginagamit sa pagbuo ng isang larawan katulad ng ortograpiko at ang sometrikong drowing. Ito ay mga uri ng drowing na nagpapakita ng bawat bahagi at kabuuan ng isang larawan.
Page 14 of 15
Module Code: PASAY-EPP4-Q3-W1-D5
Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________ Pangalan ng Guro: ______________________
Pagtataya A.
Panuto: Basahing mabuti ang ang mga pangungusap at punan ng tamang salita ang bawat patlang. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. extension line linyang panggilid
linyang panggitna linyang nakikita
linyang di-nakikita linyang panukat
1. Ang __________________________________ ang pinakamakapal o pinakamaitim na guhit. 2. Ang _____________________________ ay paraa nakikitang bahagi ng inilalarawang bagay. 3. Ang ____________________________________ ay nagpapakita ng natatakpang bahagi ng inilalarawang bagay. 4. Ang __________________________________ ay nagpapakita ng axis o gitnang mga hugis simetrikal tulad ng washer, gear at rimatse. 5. Ang ____________________________ ay ipinakikita ang pagkakatapat ng tanawin at hangganan ng mga sukat ng inilalalarawang bagay. B. Sa tulong ng iyong kuya o ate gumuhit ng isang kahon gamit ang iba’t ibang uri ng. linya o alpabetong linya.
Sanggunian: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 pp 465-467 Tungo sa Pag-unlad 4 pp 262-265
Inihanda ni: MA. TERESA A. PALEN ACES
Page 15 of 15