Data Loading...

FIL8_UNANG MARKAHAN_MODYUL2 Flipbook PDF

TALINGHAGA AT EUPEMISTIKONG PAHAYAG


123 Views
115 Downloads
FLIP PDF 1.72MB

DOWNLOAD FLIP

REPORT DMCA

Bro.Andrew Gonzalez Technical High School San Juan, Apalit,Pampanga

FILIPINO 8 Unang Markahan – Modyul 2: Talinghaga at Eupemistikong Pahayag

PINDUTIN PARA SA IYONG PROFAYL

DIGITAL MODULE Inihanda ni: Charmaine T. Garcia Guro I

Profayl ng Mag-aaral Pangalan: Magulang/Guardian: Telepono.: EmailAddress: Tirahan: Kaarawan:

Talaan ng mga N aisagawa

Piliin ang etsa kung kalian natapos sa pagsagot: ______________________________________

Charmaine Gracia

Pindutin ito para sa Talaan ng Nilalaman

TALAAN NG NILALAMAN ALAMIN - 5 SUBUKIN - 6 ARALIN Balikan - 7 Alamat - 8 Pagsasanay - 9

TUKLASIN Tuklasin I - 1 0 Tuklasin II - 1 1

PAGYAMANIN - 15 KARAGDAGANG KAALAMAN

Ang Karagatan - 16 GAWAIN 2 -19 GAWAIN 3 -20 ISAGAWA - 21 TAYAHIN Tayahin A - 22

SURIIN - 12

Tayahin B - 24

EPIKO -12-13

KARAGDAGANG GAWAIN - 25

GAWAIN 1 -14

PASASALAMAT - 26

Filipino – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Talinghaga at Eupemistikong Pahayag Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng ADM Modyul Manunulat:

Sarah Jane D. Banzon

Editor:

Ana Rizza M. Castro & Armie Joy E. Suyat

Tagasuri:

Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino

Tagaguhit: Tagalapat:

Carlo D. Yambao, Timothy M. Bagang (Cover Arts and Icons) Roland M. Suarez, Catherine P. Siojo

Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO V-Schools Division Superintendent Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent Rowena T Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS June D. Cunanan- ADM Coordinator Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III – Division of Pampanga Office Address: Telephone No: E-mail Address:

High School Boulevard, Brgy. Lourdes, City of San Fernando, Pampanga (045) 435-2728 [email protected]

Alamin

(dayalogo), Talaarawan, Anekdota at Ulat Magandang buhay, kaibigan! Naranasan mo na bang magbasa ng isang akda na kung saan ay may mga salita o pahayag kang hindi maintindihan? Marahil ay oo ang iyong isasagot. Ano ang iyong nararamdaman kapag nakakaranas ng ganito? Hindi ba’t nakakayamot dahil kailangan mo pang balik-balikan ang teksto o kaya naman ay buklatin ang diksyunaryo para lamang makuha mo ang nais ipakahulugan nito? Ngayon ay nais kong isantabi mo muna ang iyong kabalisahan. Sa pamamagitan ng modyul na ito ay tutulungan kitang maunawaan mo ang mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag na kadalasang nakakasalubong mo sa iyong pagbabasa ng tula, balagtasan, alamat, maikling kwento at epiko. Hindi man kita makakasama sa pagsagot ay gagabayan ka naman ng mga susi sa pagwawasto na inihanda para sa iyo. Bibigyan din kita ng fidbak batay na rin sa iyong iskor. Maligayang pag-aaral kaibigan!

A.MGA AKDANG BABASAHIN: Alamat, Epiko, Balagtasan at Tula.

B. WIKA: Talinghaga, Eupemistiko o Masining na Pahayag Narito ang mga kasanayan at kaalamang malilinang sa iyo sa ng modyul na ito. •

Nabibigyang kahulugan ang mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag na ginamit sa tula, balagtasan, alamat, maikling kwento at epiko ayon sa: kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan. (F8PT-Ig-h-21)

BUMALIK

Subukin I.a KASINGKAHULUGAN Ayusin ang mga titik sa dahon upang makabuo ng kasingkahulugan ng mga nakasalungguhit na salita sa bawat pangungusap.

1. Dumating ang binata ng Panayangan, na nakaupo sa gintong salumpuwit.(PUUNA) 2. Tila ang bugtong mo’y sinlalim ng dagat, Na ‘di matatarok ng isip kong pahat.(MABAOTA) 3. Kahit na may daga sa dibdib ay hinarap ng mga frontliners ang hamon ng panahon.(KOTAT) 4. Hayo na't ibangon ang naabang bayan! (ANAIP) 5. Magsikhay nang mabuti upang di ka mamulubi.(MAGKASPI) I.b KASALUNGAT Ayusin ang mga letra sa paso para makuha ang kasalungat o kabaligtaran ng mga salitang nakahilig.

6. Ang aking katoto ay tapat at maasahan.(KAYAAW) 7. Kapag hindi ka na niya mabayaran ay isulat mo na lamang sa tubig ang kanyang pagkukulang.(DANATAN) 8. Huwag mong paniwalaan ang babaeng iyan, puro lamang balitangkutsero ang kaniyang hatid. .(HAOTTOKANAN) 9. Hindi marunong tumanggap ng opinion ang taong iyan, palibhasa ay utak-biya.(ATLIAMNO) 10.

H’wag paniwalaan.Siya’y bulaan! (ATPAT)

I.Tignan natin kung gaano na ang nalalaman mo sa ating paksang pagaaralan. Isulat mo sa mga sinag ang mga impormasyong may kaugnayan sa salitang nasa loob ng araw.

Eupemistikong Pahayag

TALINGHAGA

BUMALIK

Aralin

2

Talinghaga at Eupemistikong Pahayag

MASINSINANG PAGBASA Ngayon ay babasahin natin ang isang alamat na sumasalamin sa kultura at tradisyon ng ating mga kapatid na Igorot.

Balikan Kaibigan, alam mo ba na bago pa man tayo sakupin ng mga banyaga ay mayroon ng mayamang lawas ng panitikan ang ating mga kapatid na katutubo? Gayon nga lamang ay naimpluwensyahan ito at nagkaroon ng pagbabago sa panahong kolonyalismo. Sa pagpapahayag ng ideya ay kapansin-pansin na ang mga Pilipino ay gumagamit ng matalinghagang istilo. Ayon sa isang mananaliksik, ito ang kanilang paraan upang mabigyan ng kahusayan ang isang akda at masabing isang sining. Ngayon ay tatalakayin natin ang ilan sa mga akdang pampanitikan na sumibol sa panahon ng Katutubo, Panahon ng Espanyol at Panahon ng Hapon. Inaasahan kong mauunawaan mo ang mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay kahulugan sa mga matatalinghagang salita/pahayag at ang mga eupesmistikong ginamit sa akda.

Basahin mong mabuti ang alamat na ito upang makilala mo ang mga sinaunang Igorot.

BUMALIK

Mina ng Ginto Alamat ng Baguio

Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakama-lakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang ginawang puno ng matatandang pantas. Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik. Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taun-taon ay nagdaraos sila ng caῆao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito. Kung nagdaraos sila ng caῆao ay lingguhan ang kanilang handa. Nagpapatay sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila. Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mamana. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kanyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kaiba. Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyangnapatigil. Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Matagal na natigilan si Kunto . Bagamat siya’y malakas at matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita. Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Anang isang matanda, “Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos ng caῆao.” Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng caῆao, ” ang pasiya ni Kunto. Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulaylupa na sa katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan.Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita. Sila’y natakot. Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika nang ganito: “Mga anak magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin. “Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi. Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong caῆao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook na ito. Makikita niyo ang isang punungkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga,dahon, at sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.” Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy nila ang kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na pinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang isang punungkahoy na maliit. Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kaunaunahang lumapit sa punungkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao. Bawat isa ay pumitas ng dahon. Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang dati nilang matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag iimbutan at inggitan. Ang punungkahoy naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo nito’y hindi na maabot ng tingin ng mga tao. Isang araw, anang isang mamamayan, “kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputulputulin na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahatihatian natin.”

Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat. Nang malapit nang mabuwal ang punungkahoy ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubos-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit. Ang punungkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. “ Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan. Ang punong- ginto upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan , kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan.” At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio at nakukuha lamang ito sa ilalim ng lupa

BUMALIK

O, hayan. Ang alamat na iyong nabasa ay gumagamit din ng mga matatalinghagang salita at pahayag. Subukin natin kung makukuha mo ang kahulugan ng mga ito.

Panuto: Piliin mo lamang sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa bawat pangungusap.

Isulat ang titik ng yamang sagot sa patlang bago ang bilang. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang

(1.)anito. Taun-taon, sila ay nagdaraos ng (2.)caῆao bilang

parangal sa mga ito. Isa sa nagiging dahilan ng pagdiriwang ay ang pagpapakita ng (3.)sugo na

pinaniniwalaang pinapadala ng kanilang

(4)bathala. Kilala din ang pangkat bilang maibigin sa kapwa at may paggalang sa mga matatandang (5)pantas sa kanilang lugar .

________1 Anito

_______4. bathala _______5.pantas

________2. Canao ________3. Sugo Mga Pagpipilian:

A. Ritwal o paghahandog B. Relihiyon C. Pinaniniwalaang diyos ng mga tao

D. manggaway o salamangkero E. Makapangyarihang diyos F. kinatawan

Madali na ba para sa iyo ang pagsagot sa talasalitaan? Halika, tuturuan pa kita ng mga estratehiya sa pagkuha ng kahulugan ng mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag na ginagamit sa mga akdang pampanitikan.

BUMALIK

Tuklasin Narito ang mga kaalaman na dapat maikintal sa iyong isip. Ang matatalinghagang pahayag ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng Wikang Filipino. Maari itong maging idyoma o idyomatikong pahayag. A. Idyoma Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay komposisyonal. Sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kaniyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugaliang ng isang lugar. Halimbawa: Butas ang bulsa—walang pera Ikurus sa kamay---tandaan B. Idyomatikong Pahayag Ang mga idyomatikong pahayag o salitang matalinghaga ay parirala o pangungusap na ang kahulugan ay kumpletong magkaiba ang literal na kahulugan ng salitang gawa sa matalinghagang salita. Ang idyomatikong pahayag ay naging pangmlawakang gamit dahil ito’y makahulugang mensahe. Halimabawa: butot balat—payat na payat (kagagaling lang ni Ana sa sakit kaya siya ay buto’t balat

Narito ang mga halimbawa ng Idyoma at ang kahulugan at kasalungat ng bawat isa: (Idyoma)

1. 2. 3. 4. 5. 6.

Anak-dalita Alilang-kanin Balik-harap Mahapdi ang bituka Halang ang bituka Kusang-palo utusan 7. Madilim ang mukha 8. Panis ang laway 9. Di makabasag pinggan

(Kasingkahulugan)

(Kasalungat)

mahirap utusang walang bayad/pagkain lang pabuti sa harap/ taksil sa likuran nagugutom salbahe sariling sipag

mayaman may sahod tapat na tao busog mabait kailangan pang

taong simangot taong di palakibo mahinhin

palangiti madaldal magaslaw

BUMALIK

PAGPAPAGANDA NG PAHAYAG Batay sa obserbasyon ang mga Pilipino ay pangkat ng mga tao na mapagpahalaga sa uri ng wika na ginagamit. Pansinin ang sumusunod na impormasyon. 1. Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa: a.paksa ng usapan b.taong sangkot sa usapan c.lugar 2. Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na nagpapahiwatig lamang. 3.Gumagamit ng talinghaga para ‘di tuwirang tukuyin ang nais ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalitacat kinakausap. Sa kalahatan, umiisip ng magagandang salita o pahayag na kilala sa tawag na eupemismo. Ang paggamit ng magagandang pahayag ay naglalayong pahalagahan ang damdamin ng iba. Sa halip na sabihing: 1. patay 2. nadudumi 3. iniwan ng asawa 4. katulong

Gumagamit ng: sumakabilang buhay tawag ng kalikasan sumakabilang bahay kasambahay

Narito ang mga estratehiya sa pagkuha ng kahulugan ng mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag sa mga akdang pampanitikan. 1.

Una, suriin kung ang salita o pahayag ay nabigyan na ng direktang depinisyon sa pangungusap.

2.

Kung ang salita o pahayag ay di pa nabigyang kahulugan, magbasa ng ilan pang mga pangungusap sa loob ng teksto kung saan ginamit ang salita o pahayag. Ang mga pangungusap na ito ay maaring magbigay ng impormasyon ukol sa depinisyon ng salita o pahayag.

3.

Suriin sa pangungusap at sa iba pang pangungusap na nakapaligid dito kung binanggit na ang kasingkahulugan o kasalungat ng salita o pahayag na malabo para sa iyo.

4.

Magsanay sa paggamit ng diksyunaryo. Bago kumuha ng kahulugan o kasalungat ay isipin muna ang kahulugan nito batay sa konteksto

BUMALIK

Suriin Handa ka na bang ipamalas ang iyong galing? Tara, basahin natin ang isa pang akda na sumibol sa panahon ng mga Katutubo, ang epiko. Paalala: Bago ka magsimula ay nais ko sanang tignan mo muna sa ibaba ang mga salitang galing sa akda na bibigyan mo ng kahulugan. Ito ay upang maging mas madali sa iyo ang susunod na Gawain. Maligayang pagbabasa kaibigan!

Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang. Tinawag niya ang kaniyang kapatid na si Bai. Lumapit si Bai, at ito ay nagdala ng nganga. Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga. Sinabi ni Tuwaang na may dalang mensahe ang hangin na pinapapunta siya sa kaharian ni Batooy, isang bayani sapagkat may dalagang dumating sa kaharian ngunit hindi siya nakikipag-usap sa mga kalalakihan doon, kaya pinatawag ng isa sa mga kalalakihan ang hangin para ipatawag si Tuwaang. Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Kinakabahan si Bai sa maaaring mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero hindi nakinig si Tuwaang sa sinabi ni Bai. Agad-agad na naghanda si Tuwaang at isinuot ang kanyang mga armas. Kinuha niya ang kaniyang sibat at kalasag at tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa lugar ng Pinanggayungan. Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng Pangavukad. Sinamahan siya ng binata ng Pangavukad sa kaniyang paglalakbay. Sila’y nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi ng dalagang nagbalita sa kaniya at kaagad na nakatulog. Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni Tuwaang na nakalawit. Nagsalita ang dalaga at nakilala na nila ang isa’t isa.

BUMALIK

Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na Langit. Tumakas siya at nagtatago mula sa Binata ng Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na abot ang mga ulap. Gusto siyang pakasalan ng binata ngunit tinanggihan niya ang alok. Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya ang dalaga saan man siya mapadpad at sinunog niya ang mga bayan napinagtataguan ng dalaga, kaya naghanap ang dalaga ng pagtataguan sa mundong ito. Pagkatapos magkuwento ang dalaga kay Tuwaang, dumating bigla ang Binata ng Pangumanon, balot ng apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa kaharian ni Batooy. Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang kanilang mga sandata. Ngunit magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang kanilang mga sandata. Tinawag ng Binata ng Pangumanon ang kaniyang patung, isang mahabang bakal. Ito’y kaniyang ibinato at pumulupot kay Tuwaang Lumiyab ito ngunit itinaas ni Tuwaang ang kaniyang kanang bisig at namatay ang apoy. Tinawag ni Tuwaang ang kaniyang patung at ibinato sa binata. Lumiyab ito at namatay ang binata. Pagkatapos ng labanan ay binuhay niya ang mga namatay na tauhan gamit ng kaniyang laway. Dinala niya ang dalaga sa kaniyang bayan sakay ng kidlat. Ikinuwento ng Gungutan na nakita niya sa kaniyang panginip na darating si Tuwaang sa Kawkawangan. Inalok naman ni Tuwaang ang Gungutan na sumama sa paglalakbay niya; tinanggap naman ito ng GungutanTumuloy na sila sa paglalakbay. Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang Binata ng Panayangan, na nakaupo sa gintong salumpuwit, ang Binata ng Liwanon, ang Binata ng Pagsikat ng Araw, at ang Binata ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki, at kaniyang 100 pang tagasunod. Nakiusap ang Binata ng Sakadna na linisin ang mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado/kailangang bisita) ngunit sinagot naman siya ni Tuwaang na may pulang dahon (mga bayani) sa okasyon. Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga kamag-anak ang mga savakan (mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na pagkain na inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal) ng babaeng ikakasal, hanggang may naiwang dalawang hindi mabayaran.Umamin ang Binata ng Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang dalawang bagay, pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong bansi (o gintong plawta) sa pangalawang bagay. Lumabas ang Dalaga ng Monawon, ang dalagang ikakasal para magbigay ng nganga sa lahat ng bisita. Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng panauhin ng nganga, umupo siya sa tabi ni Tuwaang. Nagalit ang Binata ng Sakadna. Hinamon ng binata si Tuwaang sa labas ng bahay. Ang Gungutan, samantala ay nakapatay na ng mga kasama ng binata hanggang sa anim na lang ang natira. Nagkipaglaban ang dalawa sa anim na kalaban hanggang ang natira na lamang ay si Tuwaang at ang Binata ng Sakadna.

BUMALIK

Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa lupa at nakita niya ang isa sa mga tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik agad sa mundo ang binata at itinapon naman si Tuwaang sa mundong ilalim, kung saan nakita rin ang tagapagbantay rito. Nalaman ni Tuwaang ang kahinaan ng binata, at pagkalabas niya roon, kinuha ang gintong plawta na nagtataglay ng buhay ng binata. Dahil mas ginusto ng binata na mamatay kaysa mapabilang sa kampon ni Tuwaang, sinira ni Tuwaang ang plawta at ang binata ay unti-unting namatay. Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari habambuhay. Kumusta kaibigan? Sa wari ko ay naaliw ka sa pababasa. Naging madali ba para sa iyo na maunawaan ang akda? Ngayon ay sagutin mo na ang Gawain sa ibaba.

GAWAIN 1: Ano ang Ibig Sabihin? Nganga Gintong Salumpuwit Patung Sinaunang gong Gintong bansi

Madali na ba para sa iyo ang pagsagot sa talasalitaan? Nagamit mo ba ang mga gabay na tinalakay natin sa itaas? Magaling! Kung gayon ay binabati kita sapagkat maari ka nang tumuloy sa mga susunod pang pagsasanay na ihihanda ko para sa iyo. Gawain 2. Gamitin Mo Sumulat ng sariling pangungusap gamit ang mga salitang binigyan mo ng kahulugan sa itaas.

BUMALIK

PAGYAMANIN Binabati kita sapagkat nakapagpapatuloy ka sa ating paglalakbay. Halina at palawakin pa ang iyong kaalaman.

Kaalinsabay ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa ay ang pagdami rin ng mga Pilipinong nagbibilang ng poste. Dahil dito, maraming ilaw ng tahanan ang natatakot na baka dumating ang bukas na magdildil na lamang sila ng asin. Salamat na lamang at may mga kababayan pa rin silang hindi man makapal ang bulsa ay bukas palad na nagbabahagi ng sa kanila ng kaunting grasya. Tunay ngang sa oras ng sakuna ay makikita mo ang kabayanihan ng mga Pilipino. Mapapansin sa talata na iyong nabasa na may mga pahayag na sinalungguhitan tulad ng nagbibilang ng poste, ilaw ng tahanan, magdildil ng asin, makapal ang bulsa at bukas palad. Ano ba ng ibig sabihin ng mga ito? Iyan ay ilan lamang sa mga idyoma na maituturing din na uri ng matatalinghagang pagpapahayag dahil hindi nila inilalantad agad-agad ang diwang kanilang taglay. Natututunan ang kahulugan ng isang idyoma sa tulong ng mga salitang dito’y nakapaligid. Atin pang patalasin ang iyong isipan sa pamamagitan ng pagsagot sa gawaing inihanda ko para sa iyo. Magpatuloy ka lang kaya mo yan. Gawain 1.1 TALASalitaan Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga sumusunod na pahayag. Talinghagang Pahayag

Kasingkahulugan

Kasalungat

nagbibilang ng poste ilaw ng tahanan magdildil ng asin makapal ang bulsa bukas palad

Ang susunod na Gawain ay masasagutan mo lamang pagkatapos mong basahin ang bahagi ng isa sa mga akdang sumibol sa Panahon ng Espanyol, ito ay ang Karagatan ng Sulo ng Inang Wika na itinanghal noong ika-19 ng Disyembre 1967, sa Ika-19 na Pagkakatatag ng Unibersidad ng Manuel L. Quezon.

BUMALIK

Karagdagang kaalaman: Ang Karagatan ay isang uri ng dulang panlibangan na batay sa alamat ng isang dalaga na nahulog ang singsing sa dagat batay sa hangaring makapili ng mapapangasawa.

ANG KARAGATAN (May isang mesang nakalagay ang mga paninda-mga garapon ng pagkain at mga de-bote. May dalawang dalaga at apat na binata sa paligid ng mesa. Maraming tao sa paligid. Isang matanda ang lalapit sa ponda.) Tandang Terong: Humm… tila matagal nang nakasalang ang sinaing ay ‘di pa nagagatungan. Isang Manonood: Kailangang gatungan ang sinaing nang maluto’t tayo’y makakain. Maring: Ang kahoy na panggatong kaya ‘di masindihan ay higit na marami ang nasa kalan kaysa kailangan. Isa pang manonood: Tama si Maring. Ang isa’y malungkot kaya’t naghahanap; dalawaha’y angkop at siyang anong sarap; ngunit pag nagtatlo’y isa na ang kalabisan. Kung ‘di matiyak ni Neneng kung sino sa kanila ang kakausapin, mga kanayon ano’ng kailangan? Lahat: Tanging paraa’y ang karagatan. Ingkong Terong: Ayos ka na ba, Neneng? Neneng: Tumanggi man po ako’y walang mangyayari. Kagustuhan rin ninyo ang masusunod. Ingkong Terong: At kayong apat? Apat na Lalaki : Opo. Ingkong Terong: Akin na, Neneng ang iyong singsing. (Aabutin sa dalaga ang singsing at ihuhulog sa tubig na nasa garapon). Kayong apat ay magpapalabunutan kung sino ang unang sisisid sa singsing na inihulog ni Neneng. (Palabunutan). At ikaw Berting ang unang sisisid sa dagat ng pag-ibig upang makuha ang singsing. Mga Tao: (Palakpakan) Isang Tao: Pagbutihin mo, binata at si Neneng ay marami nang nailunod na talisuyo sa karagatan. Berting: Magandang gabi sa inyong lahat Mga nariritong kanayon ni Neneng At sa iyo mutya’y muling nagpupugay. Ipinangangakong nahulog mong singsing Aking sisiri’t sa iyo’y ibibigay Tanda ng pag-ibig na walang hangganan. Dahilan sa ako’y siyang nakabunot Ng palitong itong nagpapahintulot Ako ay sumisid sa dagat ng nais At ang iyong singsing ay aking makamit

BUMALIK

.

Ay katunayan nang Diyos ang pumili Na ako ngang ito’y siya mong itangi. Sumisid sa singsing na aking hinulog Subalit ‘di upang siyang maging irog Kundi idaan lang muna sa pagsubok Kaya’t sisirin mo ang tanong kong ito At singsing kong ito ay nang maangkin mo

Ang singsing na itong linso’t walang bato Turan mo’ng simula at ang dulo nito.

Berting:

Tila ang bugtong mo’y sinlalim ng dagat Na ‘di matatarok ng isip kong pahat. Kaya’t iyong singsing nais mang makuha Isa pang pagsubok ay hiling ko sinta

Kulas:

Ang pagkakatao’y isalin sa iba Nang ‘di masabing ikaw ay buwaya Akong nabunot ng pang-ikalawa Inaangkin hirang kanyang karapatan Sumisid sa dagat ng singsing mong bugtong Na siyang panumbas sa iyong pag-irog. Kung gayon, o, Kulas, iyo nang sisirin Ang lalim ng puno’t dulo niyang singsing. Singsing, aking Neneng, walang puno’t dulo Mayroon ngang simula at may wakas ito Ang simula’y bilog nito na panloob At ang katapusa’y panlabas na bilog. Ganyan kung gawin, singsing ng pag-ibig Haya’t nasisid ko singsing mong nahulog. Iyan ang tanong diyan kay Lamberto Kaya’t heto naman ang para sa iyo; Nang ika’y parito, pamula sa kanto Ilang bahay, Kulas, ang naraanan mo? May ilaw ay ilan, iyo sanang turan Tingnan ko ang tibay pang-alaala mo? Salamat Neneng ko’t iyang katanungan Kay daling sagutin kaya’t aking masasabing Ako’y tanging mahal; Heto ang tugon ko: Bahay, pito lamang at sa mga ito’y Aking natandaan, apat ang may ilawIto’y patotoong isip ko’y malinaw. Kulas, ika’y mali sa iyong katugunan Kaya’t isasalin itong aking tanong Sa sinong ikatlong sa tubig lulusong At siyang sisisid, sa singsing kong bugtong. Ako ang ikatlong dapat subukin mo Kaya’t iyong dinggin ang tugon ko’y: Pamula sa kanto at hanggang sa rito Walang bahay ni ilaw akong natandaan Kundi itong ponda ni Neneng kong mahal.

Neneng: Kulas:

Neneng:

Kulas:

Neneng:

Nardo:

Mga Tao: Neneng:

(Palakpakan at kantiyawan) Kung gayon ito naman ay tugunin Pang-una sa ikatlong iyong sasagutin Bakit ba ang tubig sa bilog na mundo Hindi tumatapon walang ligwak ito?

BUMALIK

Nardo:

Sa abot ng isip narito ang tugon: Tubig, bato’t tao, at lahat sa mundo Ay ‘di tumatapon dahil sa ang globo Ay isang malaki’t mabisang magneto; Hinihigop nito ang lahat ng narito At sa kalawaka’y ‘di tayo tutungo.

Mga Tao: Magaling! Mabuhay si Nardo! Neneng:

Pangalawang tanong,heto na’t pakinggan Paanong buwang sa langit ay tanglaw Aking mahihipo’t mapaglalaruan? Ito’y pangarap nang ako’y musmos pa lamang Kung talagang ako ay sadyang mahal mo Paiirugan mo ang hiling kong ito.

Nardo:

Salamat, O, Ina, sa pag-aaruga mo, Noong ako’y munti’t pinalalaki mo. Isang paborito’t ibig kong kuwento Ay siyang panugon sa tanong na ito. Sa pamamagitan ng isang salamin Minumutyang buwan ay pabababain Kahit sa kandungan ng mutya ko’t giliw Mapaglalaruang buwang hinihiling.

Mga Tao: Magaling! Iyan ang binata namin!... Pakinggan natin ang tanong na ikatlo. Nardo:

Neneng:

Ingkong Terong: Neneng:

Nardo:

Neneng: Nardo:

Ako’y nakahanda sa pangatlong tanong Singsing na nahulog aking sisisirin Sukdang ikapugto ng hiningang tangan Kung puso ng mutya’y aking maaangkin. Ako’y nangangamba, ako’y natatakot Na ang huling tanong kaniyang masagot Itong karagatan isang laro lamang Ngunit paglalarong birong totohanan Ayoko na yatang ito ay ituloy Baka sa sagutan ako’y maparool. Ituloy mo, apo, bahala na ako. Kung gayon, Leonardo, tugunin mo ito. Kung tayo’y makasal, ay nanaisin ko Na magpulot-gata sa bayang Mindoro Na ating sasakya’y binalsang kawayan Na bigkis ng lubid na pawang hinabi Sa buhanging pino’t ikaw ang pipili. Neneng, aking mahal, sadyang mahal kita Kaya’t imposible’y pag-aariin pa Lubid na buhangin, aking pipiliin Kung pababaunan ng aking pagkain Bawat isang linggong kakailanganin Sa ‘sang dahong ipil iyong babalutin. ‘Di ba’t ang hiling sa akin nanggaling Bakit ngayo’y ako ang pasusulitin? ‘Pagkat paniwalang ‘di ka sinungaling

BUMALIK

Neneng:

Ano ang batayan ng iyong pasaring?

Nardo:

Salamat kung gayon, mutya ko at giliw Ikaw ay may wikang tapat at matining Nang iyong sabihin tayo’y kakasalin Inakalang tapat ikaw sa paggiliw Kaya’t sa problemang aking Kahati ka sa tuwa’t sa ligaya gayo’y din Ang buhanging lubid ay kaya kong gawin Kung sa hirap nito’y kasalo ang giliw.

Neneng:

Ayoko’t ‘di tama! ‘Di pala kasal, Ni walang sintahan ay mag-aasawa na.

Nardo: Neneng:

‘Di nga mag-asawa ngunit may pagsinta! Ay sayang! Sayang na pag-ibig Sayang ang singsing kong nahulog sa tubig Kung ikaw rin lang siyang sisisid Mahanga’y hintin kong kumati ang tubig. Sa unang pagkakataon ay nagkaganito ang apo ko. Ako ang hahatol. Tama si Nardo. Ang karagata’y simula lang ng kuwento Mula ngayon, Nardo, sa bahay pumanhik At doon mo ihibik ang iyong pag-ibig.

Tandang Terong:

Gawain 1.2: SISIRIN ANG LALIM NG PAHAYAG MATATALINGHAGANG PAHAYAG MULA SA BINASANG KARAGATAN

IBIG SABIHIN

Kaya’t sisirin mo ang tanong kong ito at singsing kong ito ay ng maangkin mo Ilang bahay, Kulas, ang naraanan mo? May ilaw ay ilan, iyo sanang turan Kung ikaw rin lang siyang sisisid Mahanga’y hintin kong kumati ang tubig. Pagbutihin mo, binata at si Neneng ay marami nang nailunod na talisuyo sa karagatan Ang kahoy na panggatong kaya ‘di masindihan ay higit na marami ang nasa kalan kaysa kailangan. Ang paraan ng ating pagsasalita ay repleksiyon ng ating sarili. Dito sumasalamin ang ating pagkatao. Kaya naman sa pakikipagtalastasan

BUMALIK

kailangan nating maging maingat at alalahanin ang mararamdaman ng ating kapwa. Ang pahayag na nasabi na ay hindi na maaring bawiin at maaring maging lason na makasisira ng mabuting relasyon.

GAWAIN 1.3.a PagTAMBALin Mo Kami Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng nakalihis na pahayag sa hanay A.

Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. A

B

1. Marami ang hikahos sa buhay ngayon dahil sa Covid-19 2. Siya ay sumakabilang-buhay dahil sa

a. magutom b. kalimutan

sakit na kanser.

c. namatay

3.Ibaon na lamang sa hukay ang masasakit na karanasan

d. masiyahin

4. Pagpapalain ang mga taong hindi hinahayaang kumulo ang tiyan ng mga kapit-bahay

e. mahirap f. mababaw ang luha

5.Huwag mo siyang biruin. Balat-sibuyas pa naman iyan.

Isaisip Kumusta ka kaibigan? Malayo-layo na rin ang nararating mo sa iyong paglalakbay sa modyul na ito. Tiyak ay may mga kaisipan ka nang naikintal sa iyong isip. Muli, sagutin mo ito upang lalong tumimo sa iyo ang ating aralin. TAMA o MALI. Pakilagyan lamang ng check (/) ang patlang kung tama ang pahayag at ekis(X) naman kung mali. 1. Maaaring makuha ang kasingkahulugan o kasalungat ng isang pahayag kung susuriin ang pagkakagamit nito sa pangungusap at sa iba pang pangungusap na nakapaligid dito. 2. Gumagamit ang mga Pilipino ng matatalinghagang pahayag upang ipaghambog na sila ay matatalino. 3. Sa pamamagitan ng paggamit ng eupemistikong pahayag naipapakita ng mga Pilipino ang pagiging malumanay sa pagsasalita. 4. Makikita ang mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula, epiko, alamat at balagtasan. 5. Ang idyoma ay matatawag ding mga talinghaga.

BUMALIK

Isagawa Nag-uumapaw sa galak ang aking puso sapagkat nakapagapapatuloy ka sa iyong paglalakbay. Napahanga mo ako sa iyong angking sipag at tyaga sa pag-aaral. Sige lang ipagpatuloy mo pa. SUMULAT KA! Sumulat ng isang konbersasyon o pagpapalitan ng mensahe sa pagitan ng makabuluhang tao sa panahong ito(hal. Nars at doctor, magaaral at mga magulang o guro). Tiyaking gumamit ng talinghaga at eupemismo. Isulat mo ito sa hugis na nakikita mo sa ibaba.

Pamantayan Gumamit ng lima o higit pang talinghaga o eupemistikong pahayag Makatotohanan ang mga pahayag at nakabatay sa paksa Nakahihikayat sa mga mambabasa Organisado at lohikal ang pagkakaayos ng mga impormasyon

5

BUMALIK

4

3

2

1

Tayahin Maligayang Pagbati, sayo’y aking hatid! Narating mo na ang huling pagsubok sa modyul na ito. Napahanga mo ako sa iyong katatagan. Ngayon, baon mo na ang mga hiyas at sandata. Kaya namn tiwala akong masasagutan mo nang buong husay ang mga susunod na pagsusulit. A. PILIIN MO ANG TAMA. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. _______ 1. Igalang mo’t arugain ang nagkupkop na magulang Kahit ka naghihirap, kasaluhin sa dulang Ano ang ibig sabihin ng pahayag na nakadiin sa bahagi ng tula? a. Pabayaang magsipag c. Damayan sa kalungkutan b. Kasamahin sa paraiso d. Bahaginan ng grasya _______ 2. Tengang-kawali’y gawing panandalian Pagnilayan solusyong pangmatagalan. Manatili sa bahay at magtulungan Pagsaulan—buhay at kinabukasan.

–halaw mula sa tulang Kalembang ng Kampana Ni:JITQ

Ano ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasalungguhit? c. Malawak na pang-unawa a. Lutuan d. Pakikipagtalo b. Pagbibingi-bingihan _______ 3. Para hindi mabigla ang kausap sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay, maari nating sabihing: a. Patay na siya c. Nakalimutan niyang huminga b. Natigok na siya d. Iniwan na niya tayo _______ 3. Para mas maging magaan ang dating ng sasabihin, sa halip na sabihing “tumaba ka” maaring gamitin ang: a. Napabayaan ka yata sa kusina? b. Namumutok ang pisngi mo c. Mukha ka ng baboy d. Sinlaki ka na ni Big Show ________ 4. Ang pagiging malumanay sa pagsasalita ay likas na sa mga Pilipino. upang Kaya naman gumagamit sila ng mga mapagaan ang damdamin ng kausap. a. Matalinghagang pahayag c. Eupemistikong pahayag b. Tayutay d. Balbal na salita ________ 6. Kahit na wala akong Pera Kahit na butas aking bulsa Kahit pa maong ko’y kupas na At kahit na marami d’yang iba Pag-ibig ko sayo’y totoo

BUMALIK

Ano ang kasalungat ng salitang nakadiin sa awit na ito ni GLOC9? a. Walang pera c. Sira ang bulsa b. Mahirap d. Mayaman _______ 7. Ang mga sumusunod ay mga paraan para makuha ang tiyak na kahulugan ng talinghaga o eupemismo maliban sa: a. Kuhanin ang literal na kahulugan ng salita o pahayag b. Magbasa ng mga pangungusap na nakapaligid sa bahagi ng teksto kung saan ginamit ang pahayag. c. Hanapin sa diksyunaryo ang salita/pahayag batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. d. Alamin kung ibinigay na sa teksto ang kasingkahulugan o kasalungat ng salita o pahayag ________8.

Naramdaman na lamang ni Adong ang malapit na palad ni Bruno at siya’y nahilo. Wala nang ibang naramdaman si adong sapagkat siya’y nabalutan na ng katahimikan at kapayaan. Halaw mula sa Mabangis na Lungsod ni E.R.Abueng

Ano ang ipinahihiwatig ng talinghagang nakasalungguhit sa bahaging ito ng maikling kwento? c. Mayaman na si Adong a. Namatay na si Adong b. Nag-aagaw buhay na si Adong d. Nagtagumpay si Adong Banal na Pag-ibig! Pag ikaw ang nukal Sa tapat na puso ng sino’t alinman, Imbi’t taong-gubat maralita’t mangmang Nagiging dakila at iginalagang.

________ 9.

Halaw mula sa Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio

Ano ang nais ipahiwatig ni Bonifacio sa ikatlong saknong na ito ng kanyang tula? a. Kahit sino ay maaring maging tapat sa pag-ibig b. Sinomang umibig ng tapat sa bayan ay magiging dakila c. Maaari kang magkaroon ng banal na pag-ibig kung ikaw ay tapat d. Tulad ng banal na pag-ibig, ang mga taong-gubat,maralita at mangmang ay kagalang-galang ________10.

Kabalintunaan ang buhay sa mundo, Paruparo’y halos mamatay sa bango; Ngunit sa libingan sa tuntungang bato, Namumulaklak pa ang kawawang damo.

Halaw mula sa Ang Buhay ni A.V.Hernandez

Ang kabalintunaan ay nangangahulugang... a. Kabaligataran c. Kaguluhan b. Kaayusan d. Katapatan

BUMALIK

B. AWITAN MO AKO. Humanap ka ng 5 bahagi ng mga awitin na ginagamitan ng mga talinghaga, eupemistiko at masining na pahayag at salungguhitan mo ang mga ito. Pagkatapos ay ibigay mo ang kanilang kasingkahulugan at kasalungat. Itala mo ang iyong mga sagot sa hugis na nakikita mo sa ibaba.

BUMALIK

KARAGDAGANG GAWAIN KARAGDAGANG GAWAIN PANULAT MO...PAG-ASA KO. Nais ko sanang sumulat ka ng isang liham na naglalayong magbigay payo sa mga tao sa makabagong panahon upang sila ay maging positibo sa buhay. Gamitin mo ang balangkas sa ibaba upang maging maayos ang iyong pagsusulit. Pamantayan sa Pag-iiskor Kaugnayan sa paksa-4 Wastong gramatika-2 Organisayon ng mga ideya-2 Hikayat2

:

.

.

,

BUMALIK

SALAMAT SA MATAPAT NA PAGSAGOT!

BUMALIK

Susi sa Pagwawasto

Talasanggunian

Modyul sa Filipino 8 pdf Nakpil Lotita R., Dominguez Leticia F.,Gintong Pamana SEMPT2 Microsoft Office word Clip art https://www.phrasebase.com/archive/tagalog /82-mgatalinghaga.html https://www.slideshare.net/mobile/ZyrienerArenal http://malacanang.gov.ph/75475-panitikan-ng-ibat-ibanglalawigan/?fbclid=IwAR0A33KGyVxSvRRVRHcmMT5Td90fKJvHLA w4_MStIuo2D-jUdqmCIu3bHds https://www.coursehero.com/file/39269802/38404659-MgaHalimbawa-NgIdyomadocx/?fbclid=IwAR2wDI2pfpxff4cBG3Ai1Bw1Fk59RA18BJB eo7I3oTaEOsBgrc4OS_LkAxo