Data Loading...
HEALTH 4 - Q3 - M3 Flipbook PDF
HEALTH 4 - Q3 - M3
109 Views
19 Downloads
FLIP PDF 1.53MB
MAPEH
4
MAPEH – Ikaapat na Baitang Ikatlong Markahan – Modyul 1: Mga Uri ng Gamot Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda. Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.
Komite sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Syrene G. Aquino Editor: Dennis Didulo Tagasuri: Dennis Didulo Tagaguhit: Tagalapat: Syrene G. Aquino Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin OIC-Schools Division Superintendent Carolina T. Rivera OIC-Assistant Schools Division Superintendent Victor M. Javeña EdD Chief, School Governance and Operations Division and OIC-Chief, Curriculum Implementation Division Education Program Supervisors Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE) Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP) Bernard R. Balitao (AP/HUMSS) Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS) Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports) Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM) Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang) Perlita M. Ignacio PhD (EsP) Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE) Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM) Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
MAPEH
4
Ikatlong Markahan Modyul para sa Sariling Pagkatuto Mga Uri ng Gamot
Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang araling Mga Uri ng Gamot !
Heath 4
ng
Modyul para sa
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito:
Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala at estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa
Health 4
Modyul ukol sa Mga Uri ng Gamot !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silidaralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. MGA INAASAHAN Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul. PAUNANG PAGSUBOK Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa. BALIK-ARAL Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa. ARALIN Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito. MGA PAGSASANAY Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga magaaral. PAGLALAHAT Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang halaga. PAGPAPAHALAGA Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga. PANAPOS NA PAGSUSULIT Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na: A. natutukoy ang iba’t-ibang gamit ng gamot sa medisina; a. pangangalaga sa katawan; b. pag-iwas sa sakit at c. lunas sa sakit. B. nakikilala ang pagkakaiba ng iniresetang gamot at wastong paggamit nito; a. mga gamot na hindi na nangangailangan ng reseta ng doctor (over-the-counter) at b. mga gamot na nangangailangan ng reseta ng doktor (prescription).
PAUNANG PAGSUBOK Panuto : Bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Anong uri ng gamot ang nabibili sa botika kahit walang reseta? A. addictive C. preventive B. prescribed D. over the counter 2. Alin sa sumunsunod ang magiging epekto ng gamot kung ito ay naiinom nang tama? A. kagalakan C. lunas sa sakit B. katalinuhan D. sama ng loob 3. Ano ang tawag sa dokumento na ibinibigay ng doktor kung saan nakasulat ang tagubilin sa wastong pag-inom o paggamit? A. eteketa C. listahan B. reseta D. rekomendasyon
4. Sino ang maaring gumabay sa bata sa pag-inom ng gamot? A. magulang at doktor B. tindera at kapatid C. kaklase at guro D. magulang at parmasya 5. Masakit ang ulo ni Paolo. Alin sa sumusunod ang gamot ang dapat niyang inumin? A. analgesic C. antihistamine B. anti-allergy D. anti-diarrhea
BALIK-ARAL Panuto: Isulat ang letrang T kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotoohanan at M kung hindi. _________ 1. Inumin ang gamot sa tamang oras. _________ 2. Bumili ng gamot sa botika kung ito ay may reseta. _________ 3. Uminom lamang antibiotic na reseta ng doktor. _________ 4. Pabayaan ang pabalik-balik na lagnat at ito ay gagaling din. _________ 5. Mahalagang laging suriin ang label ng gamot bago inumin.
ARALIN SURIIN NATIN Panuto: Piliin sa mga larawan ang sa iyong palagay ay gamot.
https://www.mbaskool.com/marketing-mix/products/17249-colgate-palmolive.html https://southstardrug.com.ph/products/robitussin-pl-100-mg-5-ml-120-ml-syrup https://shopee.ph/Domex-Ultra-Thick-Bleach-Classic-i.196973872.5918946015
1. 2. 3. 4.
Ano ano sa mga larawan ang masasabi mong gamot? Saan dapat ilagay ang mga gamot? Bakit kailangan ang medicine cabinet sa ating tahanan? Mahalaga ba ang pagkakaroon ng medicine cabinet?
A. Gamot o droga Ang gamot o droga na maaaring inumin upang magpagaling, maiwasan ang paglubha ng sakit at kalagayang pangkalusugan. Ito ay nakakapagpabago ng ating pag-iisip at pangangatawan, lalo na sa may karamdaman. Ang mga gamot ay kadalasang gawa sa mga halamang gamot na pinoproseso sa laboratoryo upang mapahusay at mapatagal ang bisa nito. Pagkatapos dumaan sa mga proseso, sinisigurado na ligtas inumin at mabisang panlaban sa mga sakit.
B. Paggamit ng gamot medisina Ang paggamit ng gamot ay katamtaman lamang upang baguhin ang kalagayan ng isang tao na may karamdaman. Kung umiinom tayo ng gamot ay upang pagalingin ang sakit ng ulo, lagnat, sipon, at iba pang mga karaniwang sakit, at madugtungan ang buhay. Pangangalaga sa Katawan May mga gamot na kailangan ng ating katawan upang magkaroon tayo ng proteksyon laban sa anumang sakit na maaring dumapo sa atin. Ang mga halimbawa nito ay ang mga Bitamina at Mineral na kailangan ng ating katawan bilang proteksyon. http://www.premium-vitamins.com/en/usana-poly-c.html
Pag-iwas sa sakit May mga gamot na kailangan natin upang makaiwas tayo sa sakit o karamdaman. Kabilang dito ay ang mga pangbakuna laban sa sakit upang hindi na ito lumala pa o kumapit sa katawan natin. Ang mga halimbawa nito ay pangbakuna laban sa polyo (polio), hepatitis, bulutong tubig, tigdas at ang malubhang trangkaso. Ang pagpapabakuna ay malaking tulong upang palakasin ang ating immune system at labanan ang anumang bakterya o bayrus(virus) na maaring pumasok sa ating katawan. https://www.mims.com/philippines/drug/info/fluarix%20tetra
Lunas sa sakit Ang gamot ay makakatulong sa panlaban sa sakit at makakatulong upang mapagaling ang karamdaman. Isa sa mga gamot na ito ay ang antibiotic. Tinawag itong antibiotic dahil nilalabanan at pinapatay nito ang bakterya na pumasok sa ating katawan na maaring magpahina ng ating immune system na magdudulot ng sakit ng ulo, trangkaso at pananakit ng katawan.
https://www.ritemed.com.ph/products/rm-clarithromycin-500-mg-tab
C. Ang Pagkakaiba ng nireseta at hindi kinakailangan ng reseta na gamot Mga gamot na hindi na nangangailangan ng reseta ng doktor (over-the-counter) reseta ay may mga mahalagang label at impormasyon. o Maaring mabili ng kahit sino. Karamihan nito ay mga gamot sa pangkaraniwang sakit tulad ng lagnat, kirot, at kati. Mga gamot na nangangailangan ng reseta ng doctor (Prescricption) o Nabibili lamang kung may kaukulang reseta. o Kadalasang gamot ito sa mga malulubhang sakit na kailangan na ibayong gamutan. Halimbawa nito ay antibiotic na kailangan ng sapat na panahon ng paginom.
Mga Halimbawa ng Gamot na Nangangailangan at Hindi nangangailangan ng reseta. Hindi nangangailangan ng reseta (over-the-counter) analgesic cold remedies antihistamines antitussives vitamins/minerals
Nangangailangan ng reseta(Prescription) antibiotics anti-depressant antiepileptics antihypertensives lipid lower drugs
MGA PAGSASANAY Pagsasanay 1 Panuto: Isulat sa loob ng reseta ang limang halimbawa ng gamot na kailangan ng reseta.
Pagsasanay 2 Panuto: Bilugan ang mga gamot na hindi na kailangan pa ng reseta o mabibili (over-the-counter) at lagyan ng ekis ang kailangan ng reseta (prescription).
1.
2.
3.
4. 5.
https://www.amazon.com/Centrum-Multivitamin-Tablets-365-Count-Bottle/dp/B002VLZHM2 hhttps://www.unilab.com.ph/products/neozep-forte ttps://www.unilab.com.ph/products/biogesic https://www.mysymbicort.com/asthma/about-symbicort/how-to-use-your-inhaler.html https://www.mims.com/philippines/drug/info/fluarix%20tetra
Pagsasanay 3 Panuto: Hanapin at bilugan ang mga importanteng salita na makikita sa ating “WORD SEARCH”. Nasa loob ng kahon ang mga salitang inyong hahanapin.
reseta pangangalaga sakit gamot preskripsiyon
pag-iwas lunas doktor botika over the counter
PAGLALAHAT Ang __________________________ ay isang medisina na ating ginagamit, iniinom upang malunasan, maiwasan at mapangalagaan ang ating katawan. May dalawang klase ng gamot ito ay ______________________________________at __________________ na maaring bilhin kahit saang botika.
PAGPAPAHALAGA
Ang gamot na tulad ng bitamina ay para sa _______________________sa ating katawan.
May mga gamot na kailangan upang ___________ tayo sa sakit o karamdaman. Ang gamot ay makakatulong upang ____________ ang sakit o karamdaman.
PANAPOS NA PAGSUSULIT Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay wasto at MALI kung hindi. ________1.
Ang gamot o medisina ay maaaring bilhin kahit saang botika.
________ 2. Ang reseta ay hindi mahalaga sa pagbili ng gamot. _________3. Ang mga gamot na may reseta ay mabibili over-the-counter. ________ 4. Ang bitamina ay nagbibigay ng pangangalaga sa ating katawan. ________ 5. Umiinum tayo ng gamot upang malunasan ang sakit.
Paunang Pagsubok 1. B 2. C 3. B 4. A 5. A Pagsasanay 2 Mga may bilog 1. Paracetamol 2. Neozep 3. Centrum
Balik-aral 1. Tama 2. Tama 3. Tama 4. Mali 5. Tama
Mga may ekis 1. pangbakuna 2. inhaler
Paglalahat
Pagsasanay 1 May resetang gamot Antibiotic Antiepileptics Lipid lower drugs
Ang gamot ay isang medisinana ating ginagamait, iniinum upang malunasan, maiwasan at mapangalagaan ang ating katawan. May dalawang klase ng gamot ito ay nireseta o preskripsiyon at hindi nireseta over the counter na maaring bilhin kahit saang botika. Pagpapahalaga Ang gamot ng bitamina ay para sa pangangalaga ng ating katawan. May mga gamot na kailangan upang maka-iwas tayo sa sakit o karamdaman Ang gamot ay makakatulong upang malunasan ang sakit o karamdaman.
Anti-depressant Antihypertensive Pangpakuna
Pagsasanay 3 1. Reseta 2. Pangangalaga 3. Pag iwas 4. Lunas 5. Sakit 6. Gamot 7. Doktor 8. Botika 9. Preskripsiyon 10. over the counter
Panapos na Pagsusulit 1. Mali 2. Mali 3. Mali 4. Tama 5. Tama
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
DepEd-Bureau of Elementary Education Curriculum Development Division. Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan. DepED Patnubay ng Guro sa MAPEH (PE at HEALTH) DepEd Central Office https://www.zomato.com The 21st Century Mapeh in Action 4, REX Bookstore k12 Author: Lappay.Solano. Brioso.Jacaine.Lacia.Buhain. Ramos.Lim.Otazu.Viray.Dela Cruz https://www.amazon.com/Centrum-Multivitamin-Tablets-365-Count-Bottle/dp/B002VLZHM2 hhttps://www.unilab.com.ph/products/neozep-forte ttps://www.unilab.com.ph/products/biogesic https://www.mysymbicort.com/asthma/about-symbicort/how-to-use-your-inhaler.html https://www.mims.com/philippines/drug/info/fluarix%20tetra https://www.ritemed.com.ph/products/rm-clarithromycin-500-mg-tab https://www.mbaskool.com/marketing-mix/products/17249-colgate-palmolive.html https://southstardrug.com.ph/products/robitussin-pl-100-mg-5-ml-120-ml-syrup https://shopee.ph/Domex-Ultra-Thick-Bleach-Classic-i.196973872.5918946015