Data Loading...

Sambuhay_Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sanggol_ Enero 9, 2022 Flipbook PDF

Sambuhay_Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sanggol_ Enero 9, 2022


118 Views
43 Downloads
FLIP PDF 949.57KB

DOWNLOAD FLIP

REPORT DMCA

Taon 35 Blg. 41

Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sanggol (K) — Puti

Enero 16, 2022

Ang Debosyon sa

Santo Niño G. Leo-Martin R. Ocampo, OP

N

gayong taon, patuloy nating ginugunita ang ika-500 anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanong pananampalataya sa ating bayan. Isa marahil sa pinakamahahalagang paalala ng makasaysayang pangyayaring ito ang imahen ng Santo Niño na ipinagkaloob ni Magellan kay Hara Humamay na kabiyak ni Haring Humabon ng Sugbo. Sinasabing lubhang nabighani ang Hara nang makita niya ang larawang ito ni Hesus bilang isang munting prinsipe kung kaya’t hiningi niya ito. Agad naman itong ipinagkaloob sa kanya bilang regalo sa okasyong iyon na araw rin ng kanyang binyag. Datapwat masasabi nating kasabay ng unang binyag sa Pilipinas, kasabay ng regalo ng pananampalataya, tinanggap rin natin ang regalo ng Santo Niño. Mula noon, naging bahagi na ang debosyon sa Santo Niño ng ating pananampalataya bilang mga Pilipinong Katoliko. Matatagpuan ang imaheng ito sa ating mga simbahan, tahanan, opisina, tindahan at kadalasang bitbit pa ng mga nangingibangbayan saan man sila magpunta sa daigdig. Tuwing ikatlong linggo ng Enero, ipinagdiriwang rin natin ang dakilang kapistahan ng Santo Niño, na kung hindi

lang sana pandemya ay isang masaya, maingay at makulay na selebrasyon na tila ba nagsisilbing “huling hirit” ng ating napakahabang Pasko. Gayunpaman, gaano kaya natin naisasapuso at naisasabuhay ang kahulugan ng ating pagdedebosyon sa Batang Hesus? Ipinahihiwatig sa atin ng ating mga pagbasa sa araw na ito ang malalim na kahulugan ng ating debosyon. S a U n a n g Pa g b a s a , binabanggit ang isang “sanggol na lalaki na isinilang para sa atin” ngunit ang sanggol na ito ay hindi ordinaryong sanggol. “Ibibigay sa kanya ang pamamahala…” at “siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.” Hindi sapat na mahalina tayo sa ating mga cute na imahen ng Santo Niño. Ang batang ito ay ating Diyos at Hari kaya dapat nating sundin ang kanyang kalooban at isulong ang kanyang paghahari sa ating buhay at sa ating lipunan.

S a I k a l awa n g Pa g b a s a , ipinapaalala sa atin ni San Pablo ang napakalaking biyaya na ating tinanggap nang kupkupin tayo ng Ama bilang mga anak sa pamamagitan ng kanyang bugtong na Anak. Sa tapat na pagtulad kay Hesus bilang huwaran, magagawa nating mamuhay bilang mga anak na kinalulugdan ng Ama kagaya niya. S a E b a n g h e l yo n a m a n , makikita natin kung paano ginawang halimbawa ni Hesus ang isang bata kung paano dapat tanggapin ang Kaharian ng Diyos. Paano ba tumanggap ang isang bata? Hindi ba lubos lang itong nagtitiwala at umaasa sa kung ano ang ibibigay ng kanyang ama at ina? Ganoon din dapat tayo sa ating Ama sa langit. Katulad ni Hesus na kahit sa kanyang pagtanda ay nanatiling pusong-bata at magiliw sa pagtawag sa Diyos bilang “Ama,” ipagkatiwala rin natin ang ating mga sarili sa ating mapagmahal na Ama nang may lubos na pagtitiwala. Viva Señor Santo Niño!

PASIMULA Antipona sa Pagpasok (Is 9:6)

(Basahin kung walang pambungad na awit.)

Batang sa ati’y sumilang ay anak na ibinigay upang magharing lubusan taglay ang dakilang ngalang Tagapayo ng Maykapal.

Pagbati

(Gawin dito ang tanda ng krus.)

P—Sumainyo ang Panginoon. B—At sumainyo rin.

Paunang Salita

(Maaaring gamitin ito o kahalintulad na pahayag.)

P—Dahil laganap ang debosyon sa Santo Niño sa ating bansa, pinahintulutan ng Santo Papa ang mga Pilipino na ipagdiwang ang Kapistahan ng Santo Niño tuwing ikatlong Linggo ng Enero. Sa kapistahang ito, pinagninilayan natin ang misteryo ng kapanganakan at pagiging sanggol ni Hesus sa panahon ng Pasko. Ipinaaalala sa atin ng Ebanghelyo na sa kabila ng pagiging bata, batid ni Hesus ang kahalagahan ng kalooban ng Ama sa kanyang buhay. Tularan natin ang batang si Hesus at sundin natin ang kalooban ng Ama sa lahat ng pagkakataon. Pagsisisi P—Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat sa banal na pagdiriwang. (Tumahimik) P—Sinugong tagapagpagaling sa mga nagsisisi, Panginoon, kaawaan mo kami. B — Panginoon, kaawaan mo kami. P — Dumating na Tagapaganyayang mga makasalana’y magsisi, Kristo, kaawaan mo kami. B—Kristo, kaawaan mo kami. P—Nakaluklok ka sa kanan ng Diyos Ama para ipamagitan kami, Panginoon, kaawaan mo kami. B — Panginoon, kaawaan mo kami. P—Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan. B—Amen.

Gloria Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

Pambungad na Panalangin P—Manalangin tayo (Tumahimik) Ama naming makapangyarihan, ang iyong Anak na Diyos na totoo ay naging sanggol noong siya ay maging tao namang totoo. Maging amin nawang panata ang pagsunod sa kanyang kapakumbabaan sa pagdiriwang namin sa kanyang pakikiisa sa mga nasa abang katayuan upang kami’y mapabilang sa iyong pinaghaharian sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B—Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

malaon nang nasa kadiliman, namanaag na ang liwanag sa mga taong namumuhay sa lupaing balot ng dilim. Iyong pinasigla ang kanilang pagdiriwang, dinagdagan mo ang kanilang tuwa. Tulad ng mga tao sa panahon ng anihan, tulad ng mga taong naghahati ng nasamsam na kayamanan. Nilupig mo ang bansang umalipin sa iyong bayan tulad ng pagkalupig sa hukbo ng Madian. Binali mo ang panghambalos ng mga tagapagpahirap sa kanila. Sapagkat ang panyapak ng mga mandirigma, ang lahat ng kasuutang tigmak sa dugo ay susunugin. Sapagkat ipinanganak para sa atin ang isang sanggol na lalaki. Ibinigay ang isang anak sa atin at siya ang mamamahala sa atin. Siya ang Kahanga-hangang Tagapayo, ang Makapangyarihang Diyos, walang hanggang Ama, ang P r i n s i p e n g K a p aya p a a n . Malawak na kapangyarihan at walang hanggang kapayapaan ang ipagkakaloob sa trono n i D av i d a t s a k a nya n g paghahari upang matatag ito at papanatilihin sa katarungan at katwiran ngayon at magpakailanman. Isasagawa ito ng Makapangyarihang Panginoon.

—Ang Salita ng Diyos. B—Salamat sa Diyos. Salmong Tugunan (Slm 97) T — Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Amante

   3

Dm



  

Ka hit

  

Am



sa E7

a'y

  

na ma ma

 

     Am

Unang Pagbasa (Is 9:1–6)

 

Sa pamamagitan ng Sanggol, itatatag ng makapangyarihang Panginoon ang isang malawak na paghaharing magbubunsod ng kapayapaan at katarungan magpakailanman.

1. Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,/ pagkat yaong ginawa n’ya ay kahangahangang tunay!/ Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,/ walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay. (T)

(Umupo)

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias N A K ATA N A W n g i s a n g malaking liwanag ang bayang

las

ta



gum pay





ng

Nag li

lig tas.

2. Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,/ sa harap ng mga bansa’y nahayag

ang pagliligtas./ Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad. (T) 3. Tapat siya sa kanila at ang pagibig ay wagas./ Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!/ Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;/ ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit! (T) 4. Sa saliw ng mga lira iparinig yaong tugtog,/ at ang Poon ay purihin ng tugtuging maalindog./ Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli,/ magkaingay sa harapan ng Poon na ating hari. (T)

Ikalawang Pagbasa (Ef 1:3–6, 15–18) Tinawag tayo ng Diyos upang maging mga anak niya bago pa man tayo isinilang. Magalak tayo sa malaking karangalang ito, at sikapin nawa nating maging kalugud-lugod sa kabutihan at mga pagpapala ng Diyos. Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso MGA KAPATID: Magpasalamat tayo sa Diyos at Ama ng ating Pa n g i n o o n g H e s u k r i s t o ! P i n a g k a l o o b a n n i ya t ayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo. At sa atin ngang pakikipag-isang ito, hinirang na niya tayo bago pa nilikha ang sanlibutan upang m a g i n g b a n a l a t wa l a n g kapintasan sa harapan niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo’y kanyang itinalaga upang maging mga anak niya sa pamamagitan ni Hesukristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. Purihin natin siya dahil sa kanyang kahangahangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak! Kaya nga, mula nang mabalitaan ko ang tungkol sa inyong pananalig sa Panginoong Hesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng hinirang, walang humpay ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo. Inaalaala ko kayo sa aking pananalangin, at hinihiling sa Diyos ng ating Panginoong Hesukristo, ang dakilang Ama, na pagkalooban n i ya k ayo n g e s p i r i t u n g

karunungan at ng tunay na pagkakilala sa kanya. Nawa’y liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating inaasahan sa kanyang pagkatawag sa atin. Ito’y ang kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang.

—Ang Salita ng Diyos. B—Salamat sa Diyos. Aleluya (Tumayo) (Jn 1: 14.12) B—Aleluya! Aleluya! Naging tao ang Salita, upang tanang maniwala ay kanyang gawing dakila. Aleluya! Aleluya!

Mabuting Balita (Lc 2:41–52) P — Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas. B—Papuri sa iyo, Panginoon. TAUN-TAON, tuwing Pista ng Paskuwa, ang mga magulang n i H e s u s ay p u m u p u n t a sa Jerusalem. At nang labindalawang taon na siya, pumaroon sila gaya ng dati nilang ginagawa. Pagkatapos ng pista, sila’y umuwi na. Nagpaiwan si Hesus sa Jerusalem ngunit hindi ito napansin ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakala ng isa na si Hesus ay kasama ng isa, nagpatuloy sila sa maghapong paglalakbay. Nang malaman nilang hindi siya kasama, siya’y hinanap nila sa kanilang mga kamag-anak at kakilala. Hindi nila siya matagpuan, kaya’t bumalik sila sa Jerusalem upang doon hanapin. At nang ikatlong araw, natagpuan nila si Hesus sa loob ng templo, nakaupong kasama ng mga guro. Nakikinig siya sa kanila at nagtatanong; at ang lahat ng nakarinig sa kanya ay namangha sa kanyang katalinuhan. Nagtaka rin ang kanyang mga magulang nang siya’y makita. Sinabi ng kanyang ina, “Anak, bakit naman ganyan ang ginawa mo sa amin? Balisang-balisa na kami ng iyong ama sa paghahanap sa iyo.” Sumagot siya, “Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na ako’y dapat na nasa bahay ng aking Ama?” Ngunit hindi nila naunawaan ang pananalitang ito. Siya’y umuwing kasama

nila sa Nazaret, at naging masunuring anak. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso. Patuloy na lumaki si Hesus. Umunlad ang kanyang karunungan at lalong kinalugdan ng Diyos at ng mga tao.

— Ang Mabuting Balita ng Panginoon. B—Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo. Homiliya (Umupo) Pagpapahayag ng Pananampalataya (Tumayo) B — Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat, nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao, nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Panalangin ng Bayan P — Sa Kapistahan ng Santo Niño, idalangin namin sa’yo Ama na maging karapat-dapat kaming tawaging minamahal mong mga anak. Aming ipinapanalangin ang lahat ng mga kabataan sa buong mundo. kami’y dumadalangin: T—Dinggin mo ang panalangin ng iyong mga anak, Panginoon. L—Magabayan nawa ng pamahalaan at ng mga namumuno sa simbahan ang lahat ng mga kabataan nang may pagmamahal, awa’t malasakit patungo sa

kanilang magandang kinabukasan. Manalangin tayo: (T) L — Tu r u a n n awa n g m g a magulang, mga guro, at mga nakatatanda ang mga kabataan ng mga mabuting halimbawa at responsableng pamumuhay. Manalangin tayo: (T) L—Mapalalim pa nawa namin a n g a m i n g u g n ay a n k ay Kristo nang lubusan naming mabatid ang kalooban ng Ama. Manalangin tayo: (T) L—Sa pamamagitan ng mapagpalang kamay ng Diyos, hilumin mo nawa ang mundo naming sinugatan ng Covid-19 upang manumbalik ang katiwasayan ng aming buhay. Manalangin tayo: (T) L—Sama-sama nawang salubungin ng mga anghel at mga banal ang mga kapatid naming yumao sa kanilang pagdating sa buhay na walang hanggan. Manalangin tayo: (T) L — Sa ilang sandali ng katahimikan itaas natin sa Diyos ang ating personal na kahilingan gayundin ang mga taong lubos na nangangailangan ng ating panalangin. (Tumahimik) Manalangin tayo: (T) P—Ama, dinggin mo ang mga panalangin ng iyong mga anak na umaasa sa iyo. Nawa ang iyong Salita at ang Eukaristiya ay maging kanlungan nami’t gabay tungo sa iyong kalooban. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. B—Amen.

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUnan Paghahain ng Alay (Tumayo) P—Manalangin kayo... B—Tanggapin nawa ng Pangi­ noon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapaki­ nabangan at sa buong Samba­ yanan niyang banal.

Panalangin ukol sa mga Alay P — Ama naming Lumikha, sa pagdiriwang namin sa kapistahan ng Banal na Sanggol, paunlakan mo ang aming pagdulog upang ganapin ang kanyang paghahain at ang

kinamtan niyang kapatawaran ay pakinabangan namin sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B—Amen.

Prepasyo

Pasko ng Pagsilang II

P—Sumainyo ang Panginoon. B—At sumaiyo rin. P—Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa. B—Itinaas na namin sa Panginoon. P — Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. B—Marapat na siya ay pasala­ matan. P — Ama naming makapang­ yarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Dating lingid sa ami’y naging hayag na kapiling. Dating kapiling mong ngayo’y n a g i n g k a p wa n a m i n . S a amin ay nakikisama siyang mabuti upang sa piling mo ay maitampok niya kami. Ang sangkatauhang nawalay sa iyo noon ay kanyang ipinipisang muli sa iyo ngayon upang ang napinsala noong sanlibutan ay magkaroon ngayon ng bagong kaayusan. Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan: B—Santo, Santo, Santo... (Lumuhod)

Pagbubunyi (Tumayo) B—Sa krus mo at pagkabuhay kami’y natubos mong tunay, Poong Hesus naming mahal, iligtas mo kaming tanan ngayon at magpakailanman.

PAKIKINABANG Ama Namin B—Ama namin... P—Hinihiling naming... B—Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapu­rihan magpakailanman! Amen.

Pagbati ng Kapayapaan Paanyaya sa Pakikinabang (Lumuhod)

P—Ito ang Kordero ng Diyos. Ito

ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging. B — Pa n g i n o o n , h i n d i a k o karapat-dapat na magpatulóy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Antipona sa Komunyon (Lc 2:51)

Sa pag-uwi sa Nazaret, si Hesus ay masigasig sa pagsunod at pag-ibig sa magulang n’yang matuwid, sina Maria at Jose.

Panalangin Pagkapakinabang (Tumayo)

P—Manalangin tayo. (Tumahimik) Ama naming mapagmahal, kaming pinapakinabang mo sa iyong piging na banal sa kapistahan ng iyong Anak na isinilang ng Mahal na Birhen ay makapamuhay nawa bilang iyong kasambahay na umuunlad sa karunungan at sa pagiging kalugud-lugod sa iyo at sa kapwa tao sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B—Amen.

PAGTATAPOS P—Sumainyo ang Panginoon. B—At sumaiyo rin.

Pagbabasbas P—Magsiyuko kayo at hingin ang pagpapala ng Diyos. (Tumahimik)

Ama naming mapagpala, nilingap mo ang iyong bayan kahit may mga kaanib na lumilihis ng landas. Ipagkaloob mo ang pasyang magbagongbuhay sa tanan upang ang lahat ay maging lalong matapat sa pagsunod sa iyong kalooban sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B—Amen. P—Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama at Anak (†) at Espiritu Santo. B—Amen. Pangwakas P—Tapos na ang Banal na Misa. Humayo kayo sa kapayapaan ni Kristo. B—Salamat sa Diyos.