Data Loading...
El Filibusterismo Flipbook PDF
El Filibusterismo-1
114 Views
15 Downloads
FLIP PDF 1.06MB
El Filibusterismo Isang Pagsusuri na iniharap kay Gng. Rossete M. Bañez
Bilang Pagtupad sa Pangangailangan sa Asignaturang Filipino 10
Pangkat 03 Mga miyembro Bautista,Charmaine
Clarito, Lovelle
Cuadra, Mariella
Golpo, Angelica
Villas, Lei
Cruz, Alexandria Remigio, Kyle
Villas, Kaith Petsa Abril 29, 2021
TALAAN NG NILALAMAN
Nilalaman
Pahina
ARALIN 1
Talambuhay ni Rizal ………………………………….…………………………….……..…….1 Kasaysayan ng El Filibusterismo.………………..………………………………..………. Mga Tauhan ……………..…………………………………………..……………………..………..
ARALIN 2: PAGLALANTAD NG KATOTOHANAN
Mga Pagsusuri (buod )…………..………………………………………………………………..… Kabanata 1: Sa Kubyerta ……………………….……………………….…………..…... Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta…...….………………………….……..…….... Kabanata 3: Mga Alamat ……………….…….…………………………….……..……... Kabanata 4: Kabesang Tales ……………….…….…………………….……….………. Kabanata 5: Noche Buena ng Isang Kutsero …………………….……..….…... Kabanata 6: Si Basilio ……………….…….…………………………….…….…..….…... Kabanata 7: Si Simoun ……………….…….…………….………………….……..……... Kabanata 8: Masayang Pasko ……………….…….……………………….……..……... Kabanata 9: Si Pilato ……………….…….…………………………………….……..……... Kabanata 10: Kayamanan at Kagustuhan ……………………………………………
ARALIN 3: PAGKAMULAT NG ISIPAN AT PAGLULUNSAD NG PAGBABAGO
Kabanata 11: Los Baños…………………………………………………….………………… Kabanata 12: Si Placido Penitente…………………………………….………………… Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika………………………………………….…………… Kabanata 14: Ang Tirahan ng Mag-aaral………………………………….………… Kabanata 15: Si Ginoong Pasta…………………….………………….…………………
Kabanata 16: Mga Kapighatian ng Isang Intsik…………………….……….………… Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo…………………….………………….………………… Kabanata 18: Ang Kadayaan…………………….…………………………….…………………
ARALIN 4: ANG PAIT NG KATOTOHANAN
Kabanata 19: Mga Kapighatian ng Isang Intsik…………………….……….………… Kabanata 20: Ang Nagpapasiya…………………….……….………………………………… Kabanata 21: Mga Ayos ng Maynila……………………………………...……….………… Kabanata 22: Ang Palabas…………………….………………………………….…….………… Kabanata 23: Isang Bangkay…………………….……………………………….….………… Kabanata 24: Mga Pangarap…………………….…………………………………….………… Kabanata 25: Tawanan at Iyakan………………………………………….……….…………
ARALIN 5: ANG MGA PAGTUTUOS AT PAGKAMIT NG PAGBABAGO
Kabanata 26: Mga Paskin……………………………………………………….……….………… Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino…………………….………………….………… Kabanata 28: Pagkatakot………………………………………….……….……………………… Kabanata 29: Ang Huling Salita Tungkol kay Kapitan Tiago …………………. Kabanata 30: Juli……………………….………………………………………….……….………… Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani…………………………….…….……….………… Kabanata 32: Mga Ibinunga ng Paskin …………………………………………………...
ARALIN 6: ANG KAHINAAN NG MGA PAGPAPAKASAKIT
Kabanata 33: Ang Huling Matuwid …………………………………………………………… Kabanata 34: Ang Kasal………………………. ………………………………………………….. Kabanata 35: Ang Piging ………………………………………………………………………….. Kabanata 36: Mga Kagipitan ……………….……………………………………………………
Kabanata 37: Mga Hiwaga…………………………………………………………………….. Kabanata 38: Kasawian …………………………….………………………………………….. Kabanata 39: Katapusan ……………………………………………………………………….
Talasanggunian Pinagyamang Pluma 10 (Ikalawang Edisyon) Aklat 2 https://youtu.be/oCCVo8QgJ0c https://www.panitikan.com.ph/buod/el-filibusterismo http://www.joserizal.ph/fi01.html
1
Talambuhay ni Rizal
Si Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda o mas kilala bilang Jose Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba Laguna at namatay sa edad na tatlumpu’t lima noong Disyembre 30, 1896. Siya ay bininyagan ni Padre Rufo Collantes noong Hunyo 22, 1861 kasama ang kanyang ninong na si Padre Pedro Cazanas. Ang kanyang mga magulang ay sina Ginoong Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo. Labing-isa silang magkakapatid at pang pito naman si Rizal. Ang kanyang mga kapatid ay sina Saturnina, Narcissa, Olimpia, Luisa, Maria, concepcion, Josefa, Trinidad, Soledad, at si Paciano na itinuturing niyang pangalawang ama. Maraming babae ang dumaan sa buhay ni Rizal at isa na roon si Segunda Katigbak; ang unang pagkabigo ni Rizal. Si Miss L naman ay isang dalagang maputi. Ang itinuturing na tunay na pag-ibig ni Rizal ay si Leonor Rivera; sila ay naging magkasintahan at nagpapadala ng liham sa isa’t isa. Si Consuelo Ortega Y Rey ang babaeng Espanyola inalayan ni Rizal ng tula . Si Oi-Sei-San o Seiko Usui ay ang dalagang naging interpreter ni Rizal. Si Gertrude Beckett ay isang dalagang Ingles. Si Susanne Jacoby ay ang dalagang umakit kay Rizal habang ito ay nangungulila kay Leonora Rivera. Si Nellie Boustead ang dalagang taga-Madrid na iniibig ni Rizal. Si Josephine Bracken ang dalagang naging asawa ni Rizal. Ipinagpatuloy ni Rizal ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna at nakapag tapos ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 187. Sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid niya ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral noong 1877 hanggang sa matapos niya. Sa Paris, France at Heidelberg, Germany nakapagtapos ng masteral si Rizal. Maraming naging propesyon si Rizal at kabilang na rito ang pagiging tanyag niyang manunulat. Ang Noli Me Tangera at El Filibusterismo ang ilan sa mga akda na nilikha ni Rizal; ito’y naglalaman ang mga ito ng mga pang-aabuso ng mga Espanyol at may layuning ipamulat ang realidad sa kapwa niya mga Pilipino. Siya rin ay isang ophthalmologist dahil mula noong bata pa siya ay nais niya nang pagalingin ang mga mata ng kanyang ina. Kilala rin si Rizal bilang rebolusyonaryo dahil nais niyang makalaya ang ating bansa kaya ginamit niya ang aking utak at gumawa ng mga akda na nagdulot ng malaking impluwensiya sa kasaysayan. Ang pagiging makata at mamamahayag niya ay para sa mga Pilipino at sa mga kabataan sapagkat alam niyang sila ang pag-asa ng bayan. Maraming pagsubok na ang naranasan ni Rizal nang isulat
niya ang dalawang tanyag na nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Bukod sa pangungulila niya sa kanyang pamilya ay nangungulila rin siya sa kanyang bayan. Bago ilimbag ang dalawang nobela ay nawalan siya ng kwarta. Siya ay naghigpit ng sinturon upang mailimbag ito. Batid niya na malaki ang maitutulong ng kanyang nobela sa 2 pagsupil ng pang - aalipin sa bansang Pilipinas. Nang siya ay bumalik sa Pilipinas makalipas ang ilang taon. Siya ay agad na inabisuhan ng mga Espanyol na ang kanyang nobela ay subersibo. Sa kabila ng lahat na pagsubok na kanyang dinanas, hindi maikakaila na naging matagumpay ang bayani. Hindi man siya naging mayaman pagdating sa pera, naging mayaman naman siya pagdating sa pagmamahal ng mga Pilipino. Kung hindi dahil sa kanyang katapangan ay wala ang bansang Pilipinas. Naniniwala ako na ang kanyang pinakadakilang pamana ay ang dalawang nobela na pinamagatang "Noli Me Tangere" at El Filibusterismo. Sa pamamagitan ng mga sulatin na ito, minulat niya ang mga Pilipino na ipaglaban ang ating Kalayaan mula sa pagmamalupit ng mga Espanyol. Siya ay naging bayani dahil sa iba’t ibang rason. Una na rito ay ang paglaban niya sa mga mananakop hindi sa pamamagitan ng dahas kung hindi sa pamamagitan ng kanyang talino at husay sa pagsulat. Hanggang sa huli, tatatak ang pangalan ni Rizal bilang isang bayaning Isinugal ang buhay para sa ipinaglalabang kalayaan.
3
Kasaysayan ng El Filibusterismo
Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang obra maestra ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Ito ay ang karugtong ng Noli Me tangere na nauna niyang isinulat. Sinabing labing-isang taong gulang lamang si Rizal noong una niyang marinig ang salitang Filibustero na naging batayan niya sa pagbuo ng pamagat ng ikalawa niyang nobela. Nang matagumpay ni rizal na nailabas ang kaniyang unang nobela noong Marso 1887, bumalik siya kaagad ng Pilipinas mula Espanya noong Marso taong ring iyon. Noong Pebrero 1888, palihim na umalis ng Pilipinas si Rizal at nagtungo sa ibang bansa tulad na lamang ng Amerika at Europa. sa taong 1890, Sinimulan na ni Rizal ang pagsusulat ng El Filibusterismo sa London. Sa kaniyang pagsusulat, nakaranas si Rizal ng mga balakid sa kaniyang buhay, tulad nalang ng pagkagipit dahil hindi pa siya nababayaran ng mga nangutang sa kaniya kaya napilitan siyang maghigpit ng sinturon. Nilayuan na rin siya ng mga kaibigan niya sa La Solidaridad, inisip din niya ang kaniyang kasintahan na si Leonor Rivera na ipinakasal na sa ibang lalaki at ang kaniyang mga magulang at kapatid na inuusig na dahil sa kanilang lupa. Ang mga iyon ay dumagdag sa isipin ni Rizal na naging panandaliang hadlang sa kaniyang pagsusulat. Marso 29, 1891 nang natapos sa pagsusulat ng El Filibusterismo si Rizal at nakahanap ng murang palimbagan sa Ghent, Belgium na kung saan ipinadala ni Rizal ang manuskrito sa kaibigang si Jose Alejandro. Sa kasamaang palad ay mahigit isang daang pahina palang ang naiimprenta nang maipahinto ito dahil sa kakulangan sa pambayad sa kadahilanang hindi dumating ang mga inaasahang salapi ni Rizal mula sa kaniyang pamilya sa pilipinas pati na rin ang mga pangakong tulong ng kaniyang mga kaibigan. Setyembre 1891 nang dumating ang mayamang kaibigan ni Rizal na si Valentin Ventura, siya ang gumastos sa pagpapatuloy ng paglilimbag ng nobela. Bilang pagtanaw ng utang na loob, inialay ni Rizal ang isang panulat at orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo kasama na rin ang nailimbag at nilagdaang sipi ng naturang nobela. 1925 binili ng pamahalaan ang orihinal na kopya ng nobela kay Valentin Ventura. Ang El Filibusterismo ay pagpupugay ni Rizal sa tatlong paring martir na binitay sa Bagumbayan noong Pebrero 1872 na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora.
4
Mga Tauhan
Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umanoy tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway. Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino. Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli. Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle. Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo. Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal. Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan. Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari. Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan. Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego. Padre Florentino - ang amain ni Isagani Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras 5 ng kagipitan. Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita. Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez. Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas. Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio. Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra. Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli. Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya. Muthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio. Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo. Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido. Gertrude - mang-aawit sa palabas. Paciano Gomez - kapatid ni Paulita. Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.
6
Iba pang Tauhan:
Maestro - Ang guro sa Tiani na naging mahusay sa paggawa ng paputok Kalihim - Ang tagatala at tagapagpaliwanag ng mahahalagang usapin sa Kapitan-heneral upang mapag-usapan, maipasa, o maibasura Mr. Jouy - Ang nagdala ng pangkat ng mang-aawit na Pranses para sa isang opera sa Maynila Hukom Pamayapa - Mabalasik, magaspang ang ugali, may pagnanasang tumingin sa babae, at hiningan ng tulong ni Hermana Bali at Juli upang mapalaya si Basilio Kababayan ni Tadeo - Baguhan sa lungsod, mausisa, walang muwang sa maraming bagay, mapaniwalain, at madaling nabola at napagyabangan ni Tadeo Sa Tahanan ng mga Orenda Orenda - masipag at mayamang mag-aalahas ng Sta. Cruz Tinay - dalagitang nakalaro ni Isagani ng sungka o Chichoy-ang nakasaksi ng mga pangyayari sa kasalan na siyang nagkuwento sa mga tao sa tahanan ng mga Orenda o Momoy-matanda sa magkakapatid na Orenda, kasintahan ni Sensia Sensia- maganda, masiglang dalaga, at palabiro Kapitana Loleng-masipag at matalinong kapitana Kapitan Toringgoy-Si Domingo na walang inatupag kundi ang pumasyal at makipagkuwentuhan samantalang nagtatrabaho ang kanyang pamilya Tia Tentay - Tiyahin nina Sensia na nagsabing demonyo si Simoun na nabili ang kaluluwa ng mga Kastila. Binday - Isa sa mga dalagang Orenda, tapat at kaibig-ibig.
7
Kabanata 1: Sa Kubyerta
Buod: Umaga ng Disyembre nang naglayag ang Bapor Tabo sa Ilog Pasig patungong Laguna. Sa ibabaw ng kubyerta, naroon ang mga makapangyarihan na tao tulad nina Don Custodio, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Irene, Padre Salvi, Ben Zayb, Donya Victorina, at Simoun. Si Simoun, bilang isang maimpluwensyang alahero, ay kasama sa itaas na bahagi ng Bapor. Siya rin ay kilala sa buong Maynila dahil sa impluwensya ng Kapitan Heneral. Habang nasa byahe, napag-usapan nig mga nasa itaas ang pagpapalalim ng Ilog Pasig. Iba’t ibang mungkahi ang binanggit. Ayon kay Don Custodio, dapat mag-alaga ng itik. Ayon naman kay Simoun ay kailangang gumawa ng tuwid na kanal na nag-uugnay sa lawa ng Laguna at Maynila. Nagkaroon ng maliit na alitan sa pagitan ni Don Custodio, Simoun, at ang ilang prayle dahil sa magkaiba nilang suhestiyon. Hindi naman sangayon si Donya Victorina na mag-alaga ng pato sa kanilang lugar pagkat darami raw ang mga nakakadiring balut. Mensahe: Maraming mensahe ang nakapaloob sa kabanata isa na siyang maaaring iugnay sa kasalukuyang panahon na mayroon tayo. Gaya ng Bapor Tabo, ang panahon ngayon ay mayroong hirarkiya kung saan ang mga nasa itaas o ang mga mayayaman ang may kapangyarihan habang ang mga mahihirap naman ay inaalipusta. Bilang estudyante, tinuruan ako nito na huwag maliitin ang aking kapwa, mayaman man o mahirap pagkat tayo ay pantaypantay na nilikha ng Diyos. Isa pa, gaya ng bapor tabo, ay maihahalintulad sa pamahalaan na mayroon tayo sa kasalukuyan pagkat gaya ng barko, mabagal din ang usad nito. Hanggang sa kasalukuyang panahon, ang mga problema noong mga nakaraang taon ay hindi pa rin nabibigyan ng solusyon. Ilan na rito ang problema sa trapiko, kalidad ng edukasyon, at kawalan ng mga trabaho. Isa lamang ang pinapahayag nito, ito ay ang nangangailangan ng konkreto at maayos na plano bago maisulong ang kaunlaran ng bansa.
8
Pagsusuri Sa Akda: 1.Sinu-sino ang mga pasahero sa itaas ng kubyerta? Ilarawan ang bawat isa. Ang mga pasahero sa itaas ng kubyerta ay sina Donya Victorina, Simoun, Kapitan Heneral, Don Custodio, Padre Salvi, at Ben Zayb. Donya Victorina – Siya ang babaeng nagpapanggap na mestisang kastila na may maraming kolorete sa mukha. Sa kabanatang ito, kanyang iminungkahi na mas mabuti pang matabunan na ang wawa kaysa magkaroon ng maraming nakadidiring balot. Simoun – Siya ang nagpapanggap na mag-aalahas na mayroong salamin na may kulay. Siya ang nag rekomenda na humukay ng kanal sa Maynila at tabunan ang Ilog Pasig bilang solusyon sa paliku-likong ayos ng ilog. Kapitan Heneral – Siya ang malapit na kaibigan ni Simoun na siyang pinakamataas na pinuno ng bayan. Don Custodio – Nasa kanyang kamay ang desisyon sa pagtatag ng akademya ng wikang kastila. Siya ay hindi sumang-ayon sa mungkahi ni Simoun pagkat ayon sa kanya, masisira ang mga kabayanan. Padre Salvi – Siya ay isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay kay Ibarra sa Noli Me Tangere. Siya rin ang pumalit kay Padre Damaso at ang sumira ng relasyon ni Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Ben Zayb – Siya ang mamamahayag sa pahayagan. Siya ay sumusulat ng mga artikulo na laban sa mga Pilipino. 2. Ano ang kanilang pinagtatalunan? Pinag-uusapan? Nagmula ang hindi pagkakasunduan sa pagtutuwid sa liku-likong ayos ng ilog. Dito sinimulan ni Ibarra magbigay ng mungkahi na humukay ng kanal sa Maynila, magbukas ng bagong ilog, at tabunan ang Ilog Pasig. Hindi ito sinang-ayunan ni Don Custodio sapagkat para sa kanya, ito ay maaaring maging dahilan ng paghihimagsik. 3. Bakit kakaiba ang ang Bapor Tabo sa ibang barko? Kakaiba ang Bapor Tabo sa ibang barko pagkat ito ay sumisimbolo sa sitwasyon ng bayan mula noon, hanggang ngayon. Maraming mensahe ang nakapaloob sa Bapor Tabo. Ang mabagal na pagtakbo nito sa ilog Pasig ang siyang sumisimbolo sa mabagal na takbo ng kaunlaran at gobyerno sa Pilipinas. Maging ang kakaibang hugis nito ay mayroon ding mensahe. Sa unang tingin, hindi mo masasabi kung alin ang unahan sa likuran. Ito ay sumisimbolo hindi kasiguraduhan ng mga kung alin ang tama o ang susundin, ang gobyerno ba o ang simbahan. Ito rin ay nahahati sa dalawang bahagi, ang itaas ay para sa mga mayayaman habang ang nasa ibaba naman ay para sa mahihirap. Sa panahon ngayon, ang mga taong mas makapangyarihan ay mas nabibigyang halaga kaysa sa mga ordinaryong mamamayan lamang. 4. Sang-ayon ka ba sa mga mungkahi ni Simoun upang mapalawak ang ilog at mapabilis ang paglalakbay ng bapor? Katwiranan. Sa aming palagay, ang suhestiyon ni Simoun ay tunay na makabuluhan ngunit malabong maisakatuparan. Nais niyang mas mapadali ang paglalakbay at mapaunlad ang kalakalan
subalit hangad niyang gamitin ang lakas ng tao upang makatipid sa gastusin ng pamahalaan. Maraming nayon din ang kinakailangang sirain upang maisagawa ito, kaya naman para sa amin, ito’y hindi makatarungan kung ito ang paraang gagamitin. Maraming bagay ang labis na mapipinsala sa panukala ni Simoun ngunit ang layon niya rin naman ay para sa kapakanan at kabutihan ng ating bansa. IMPLIKASYON: 5. Ibigay ang katangian ng Bapor Tabo at ng pamahalaang Kastila batay sa kabanatang tinalakay. Sundin ang pormat na makikita sa ibaba. BAPOR TABO
PAMAHALAAN
“May karumihan ito bagamat “May karumihan ito bagamat nagpapanggap nagpapanggap na maputi at maharlika” na maputi at maharlika” - Inilarawan sa kabanatang ito ang bapor - Tampok sa akda ang bulok at maruming asal tabo na mayroong puting pintura ngunit ng pamahalaan sa likod ng kanilang matuwid na mayroon itong dumi sa likod ng pinta. gampanin. Ipinakita rito ang hindi patas na turing at pabigla-biglang hatol ng mga naghaharing-uri “Mayroong pagkakapangkat-pangkat” sa ibang tao batay sa kanilang antas sa lipunan. - Ang bapor ay nahahati sa dalawang kubyerta. Sa itaas ng kubyerta makikita ang mga prayle, mga opisyal, at may mga matataas na posisyon. Doon kadalasan makikita ang mga mayayaman at mga Kastila. “Nasisiyahang umuusad katiyakan sa sarili”
nang
may
“Mayroong pagkakapangkat-pangkat” - Madalas nakararanas nang mas mabuti at mainam na kalidad ang mga makapangyarihan. Malugod nilang tinatamasa ang kanilang pribilehiyo samantalang may ilan namang naghihirap. “Nasisiyahang umuusad nang may katiyakan sa sarili”
- Ang bapor ay patuloy na umuusad nang may katiyakan at kabagalan ngunit hindi pa - Ang pamahalaan ay patuloy na kumikilos nang rin maiwasan ang pagsadsad nito. may kumpiyansa sa sarili ngunit hindi man lang pinag-iisipan nang mabuti ang kanilang hatol sapagkat mas iniisip nila ang pansariling hangarin. Bilang sanhi, makupad pa rin ang pagunlad ng bansa. \ 6. Saan inihalintulad ni Rizal ang Bapor Tabo? Ano ang sinisimbolo nito sa atin? Ginamit ni Rizal ang Bapor Tabo bilang simbolo ng paghahati-hati ng lipunan ayon sa antas ng pamumuhay at korapsyon na inilantad kung paano ito nakahahadlang sa pag-angat ng ating bansa. Sa unang sulyap ay aakalain mong ito’y malinis subalit kung susuriin mong mabuti nang may mulat na mata, ito’y may itinatagong dumi at kabulukan. Gaano man kagaling ang
9
pagtapal, pagpintura, at ang paglilinis-linisan nito, kailanma’y hindi nito maitatago ang 10 kapangitan at kasalaulaan ng sistema.
Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta
Buod: Sa ilalim ng kubyerta, makikitang nagsisiksikan ang mga indiano at mahihirap. Dito inilagay ang mga bagahe at kargamento ng mga pasahero. Naroon sina Basilio na isang mag-aaral ng medisina at si Isagani na isang makata mula sa Ateneo, kausap si Kapitan Basilio. Iminungkahi nila ang bplano ng mga mag-aaral tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila. Ayon naman kay Kapitan Basilio, hindi ito magiging matagumpay. Napag-usapan din ng dalawa si Paulita Gomez, ang nobya ni Isagani na pamangkin ni Donya Victorina de Espadaña. Makalipas ang ilang minuto, lumapit si Simoun kina Basilio at Isagani. Ayon kay Simoun, hindi pa siya nakakapunta sa lugar nina Basilio at Isagani pagkat mahirap ang mga tao roon at walang bibili ng alahas. Nagpatuloy lang ang kanilang usapan hanggang sa inalok ni Simoun ng serbesa ang dalawa na agad naman nilang tinanggihan. Wika ni Simoun na ayon daw kay Padre Camorra, kaya tamad ang mga tao sa kanilang lugar ay dahil puro tubig lang ang kanilang iniinom at hindi alak. Mensahe: Gaya ng unang kabanata, marami ring aral ang matututunan sa kabanatang ito. Isa na rito ay ang pagiging determinado at maparaan. Ang kasabihan na ‘Kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan” ay maihahalimbawa kina Basilio at Isagani pagkat kahit na mahirap isakatuparan ang kanilang plano, gumagawa pa rin sila ng paraan upang ito ay matuloy. Sa buhay, hindi tayo dapat magpadala sa mga sinasabi o mungkahi ng iba sa ating mga nais gawin; ipagpatuloy lang natin gawin ang mga bagay na kinahihiligan natin. Ang mga pagsubok na ating nararanasan ay hindi dapat maging hadlang sa pag-abot ng ating mga pangarap.
11
Pagsusuri Sa Akda: 1. Ilarawan ang ilalim ng kubyerta? Sa ilalim ng kubyerta, makikita roon ang mga pasaherong Indio, Tsino, at iba pang mamamayan. Nangangahulugan na ang mga taong may mababang kalagayan sa lipunan ay nasa ibaba ng Bapor habang ang mayayaman naman ay nasa itaas. Mainit at maingay din dito dahil sa mga nagsisiksikang pasahero at ingay mula sa makina ng bapor. Dito nagkita at nagusap sina Kapitan Basilio, Basilio, at Isagani tungkol sa pagpapatayo ng Akademya ng wikang Kastila. 2. Ano-ano ang mga balak ng kabataang mag-aaral sakaling pahintulutan ang pagtatayo ng Akademya ng Wikang Kastila? Nais ng dalawang mag-aaral na makapagtayo ng isang Akademya kung saan ang wikang Kastila ay maaaring ituro at maitaguyod para sa lahat. Kahit na sinabi ni Kapitan Basilio na hindi ito magiging matagumpay sapagkat tiyak na kokontrahin ito ni Padre Sibyla, nakasisigurado pa rin ang dalawang mag-aaral na ito ay magiging matagumpay sapagkat mayroon silang ideya kung saan kukuha ng perang gagastusin at gurong magtuturo ng wikang Kastila. 3. Bakit kaya nasabi ni Kapitan Basilio na hindi magtatagumpay ang plano ng dalawang magkaibigan na sina Basilio at Isagani? Dahil sa takot na matuto ang mga Pilipino, napakaraming Kastila ang tumututol sa mga plano nina Basilio at Isagani. Ayaw nilang matanggalan ng puwesto dahil kapag natuto ang mga Pilipino, hindi nila kayang mawala ang kanilang kapangyarihan at posisyon. 4. Paano mo ilalarawan ang pagkikita nina Simoun, Basilio at Isagani? Ano ang masasabi mo sa katauhan ng tatlo batay sa kanilang ipinahayag sa kabanata? Masasabi kong mainit ang pagkikita ng tatlo dahil sa matigas na pagtanggi ni Isagani sa alok ni Simoun ng alahas. Nakita ko na hindi basta basta nagtitiwala si Isagani kanino man at magaling siya mangatwiran dahil sa kanyang pagiging makata. Isiniwalat ni Isagani na hindi naman importanteng pangangailangan sa bayan nila ang mga alahas na binebenta ni Simoun kaya’t hindi bumibili ang mga kababayan niya. Napangiti naman si Simoun sa dahil sa katapangan ni Isagani at sinabing dukha ang lalawigan dahil Pilipino ang mga pari. Ipinapakita nito na si Simoun ay mas naniniwala sa kakayahan ng mga Kastila kumpara sa mga Pilipino. Si Basilio naman ay isang makabayan na tao. Siya ay may busilak na puso at matatag na paninindigan. Paminsan-minsan ay naiisip niya ang paghihiganti, ngunit nakatuon ang kanyang pansin sa kaunlaran sa pamamagitan ng pagsuporta sa grupo ng kabataan na nais aralin ang wikang Kastila at maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas. Nakikita niya na ito ang sagot sa pagunlad ng bansa.
12 5. Sino sa kanila ang masasabi mong pinaniniwalaan mo o yaong may katulad mong katangian? Ipaliwanag. Sa kanilang tatlo, labis kong pinaniniwalaan si Isagani sapagkat tunay ngang hindi gaanong kahalaga ang mga alahas. Siya rin ay may katulad kong katangian sapagkat siya ay simpleng binatang masigasig, may paninindigan, at hindi agad-agad naniniwala sa mga taong kakakilala niya lamang. Siya ay mabuti, matulungin, makabayan, at kumikilos hindi lamang para sa sariling kapakanan ngunit para rin sa ikabubuti ng bayan. IMPLIKASYON: 6. Ipaliwanag ang ipinahihiwatig ng ilalim ng kubyerta sa uri ng lipunang Pilipino. Ang Bapor Tabo ay binubuo ng dalawang palapag kung saan ang mga makapangyarihan at maimpluwensya sa lipunan ang nasa itaas, at mga ordinaryong mamamayan lamang ang nagsisiksikan sa ibaba. Mainit at maingay sa ilalim ng kubyerta na sanhi ng makina ng bapor. Ang mga ordinaryong Pilipino at mga Tsino lamang ang nagsisiksikan sa ilalim kasama ang kanilang mga bagahe. Ang sitwasyong ito ay nagpapahiwatig ng diskriminasyon sa lipunang Pilipino kung saan mas binibigyang halaga ang mga taong may-kaya kaysa sa mga ordinaryong mamamayan lamang. 7. Masasabi kayang may kinabukasan ang bayan sa mga kabataang mag-aaral noon? Bakit? Sa aming palagay, tunay na mayroong kinabukasan ang bayan sa mga kabataang mag-aaral noon sapagkat sila ay nagsusumikap upang makapag-aral. Sila ay magalang, masunurin, at mayroong matayog na mithiin. Sila ay nagkakaisa sa iisang hangarin: ang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho tungo sa kaunlaran ng ating bansa. Kumpara sa mga kabataan ngayon, mas matulungin at makabayan ang mga kabataan noon sapagkat ang mga kabataan ngayon ay bihasa sa iba’t ibang uri ng libangan na siyang nakakaapekto sa kanilang mga asal.
13
Kabanata 3: Mga Alamat
Buod: Sa ibabaw ng kubyerta, nauwi ang usapan ukol sa mga alamat. Nagsimulang ikinuwento ng kapitan ang alamat ng Malapad-na-Bato. Ayon sa alamat, ang mga katutubo ay naniniwalang banal ang lugar at tahanan ng mga espiritu. Ngunit nang manirahan dito ng mga kriminal ay naglaho ang takot ng mga tao sa mga kaluluwang naroon; ang mga tulisan na ang kanilang kinatatakutan. Isinalaysay naman ni Padre Florentino ang alamat ni Donya Geronima. Ito ang kwento kung saan pinangakuan ang dalaga ng kanyang kasintahan na sila ay magpapakasal. Ngunit nang lumipas ang panahon, tuluyan nang nakalimutan ng binata ang pangako at siya’y naging isang arsobispo. Sa kabila nito, naghintay at lumban pa rin si Donya Geronima para sa kanilang relasyon. Kinwento rin ang ukol sa alamat ni San Nicolas na nagligtas sa Intsik na muntik nang patayin ng isang buwaya. Ayon sa kwento, naging bato ang buwaya nang magdasal ang Intsik sa Santo. Pagkatapos ng usapan ukol sa mga alamat ay, nabaling naman ang usapan ukol sa lugar ng kamatayan ni Ibarra. Habang ang iba ay nag-uusap, bigla namang namutla naman si Simoun. Mensahe: Ang aral na aming natutunan sa kabanatang ito ay hindi tayo dapat basta basta naniniwala sa mga pamahiin or sabi-sabi pagkat ito ay maaaring isang kasinungalingan. Sa kabilang banda, hindi natin kailangan ipilit ang isang tao sa ating pinaniniwalaan. Ating respetuhin at bigyang galang ang kanilang mga pinaniniwalaan. Isa pang aral na aking natutunan ay dapat matuto tayong pahalagahan ang ating nakaraan pagkat maaaring ito ang maging sagot sa ating mga tanong sa kasalukuyan. Ika huli, sa alamat ng Donya Geronima ay aking natutunan ay kung ikaw ay magmamahal ng isang tao, huwag mo siyang mahalin nang higit pa sa pagmamahal mo sa iyong sarili.
14
Pagsusuri Sa Akda: 1. Alin sa mga alamat ng Ilog Pasig na naikuwento ang iyong nagustuhan at bakit? Sa lahat ng alamat na nabanggit sa kabanatang ito, ang alamat ni Donya Geronima ang pumukaw sa aking isipan. Ito ang kwento kung saan pinangakuan ang dalaga ng kanyang kasintahan na sila ay magpapakasal. Ngunit nang lumipas ang panahon, tuluyan nang nakalimutan ng binata ang pangako at siya’y naging isang arsobispo. Sa kabila nito, naghintay at lumban pa rin si Donya Geronima para sa kanilang relasyon. Maraming aral ang aking natutunan sa alamat na ito, una na rito ay kung ikaw ay magmamahal ng isang tao, huwag mo siyang mahalin nang higit pa sa pagmamahal mo sa iyong sarili. Kung alam mo na mayroon na siyang iba o impossible na bumalik kayo sa dati, huwag mo na ipagpilitan ang sarili mo pagkat ikaw rin ang masasaktan sa huli. 2. Bakit nayanig si Padre Salvi pagkatapos magkuwento ni Padre Forentino tungkol sa kuweba at nang tanungin siya ni Simoun kung mas mabuti bang itinago sa beateryo ng Sta Clara si Donya Geronima sa halip na inilagay sa isang yungib sa ilog? Binatak ni Simoun ang kwento tungkol sa mga alamat ng Ilog Pasig pagkat may nais siyang ipabatid ukol dito. Nang matapos ikuwento ang Alamat ni Donya Geronima, kanyang inusig si Padre Salvi. Sa aming palagay, kaya nayanig si Padre Salvi nang itanong ni Simoun kung bakit hindi sa beateryo ng Sta. Clara nilagay si Donya Geronima, pagkat mayroon siyang maruming alaala rito. Sa tingin namin, naalala niya ang kanyang lihim na pagnanasa, pang-aabuso, at hindi kaaya-ayang ginawa kay Maria Clara noong mga panahon na nasa kumbento ito ng Sta. Clara. 3. Ano ang nais bigyang-diin ni Simoun sa kanyang mga pag-uusisa kay Padre Salvi nang sandaling iyong tungkol sa beateryo? Nagtagumpay ba si Simoun na mausig ang kanyang konsensya? Bakit? Nais bigyang diin ni Simoun ang ukol sa hindi paglalagay kay Donya Geronima sa beateryo ng Sta. Clara. Kaniyang iminungkahi palihim ang sama ng kanyang loob sa nagbabanal-banalang si Padre Salvi. Sa aming palagay, talagang inusig ng tanong na ito ang konsensya ni Padre Salvi pagkat makikita sa kilos at pagsasalita nito ang pagkayanig at pagka-kaba. Isa pang maaaring nais bigyang diin ni Simoun ay ang pagpapanggap ng ibang mga prayle bilang isang napakalinis na tao bagamat ito ay kasalungat. Naglahad ito ng patuloy na paghahari ng iba pang mga prayle sa loob, maging sa labas ng kumbento. Dahil sa kanilang kapangyarihan, kanilang napananatili ang magandang imahe sa kabila ng mga masasamang gawain. Ipinakita nito na hindi lahat ng taong mukhang mabait ay walang itinatagong baho. Tuluyan din iniba o inilihis ni Padre Salvi ang usapan upang hindi na siya mausig pa ni Simoun. 4. Paano inilihis at pilit itinago ni Padre Salvi ang kabyang pagkabigla nang maungkat ang tungkol sa pangalan ng beateryo ng Sta Clara? Kung babalikan natin sa kwentong Noli Me Tangere, si Padre Salvi ay may maruming alala sa beateryo ng Sta. Clara na kung saan lihim niyang pinagnasaan noon si Maria Clara. Dahil dito,
15 siya ay kinabahan nang bigla magtanong sa kanya si Simoun. Sinagot na lamang niya na hindi siya maka hahatol sa mga ginawa ng arsobispo. SInabi niya na walang kabuluhan ang alamat na ito at patuloy na isiningit ang kwento ng milagro ni San Nicolas. Sa ganitong paraan siya ay nakatakas sa itinanong ni Simoun. Kung hindi siguro nagbago ang kanilang usapin, tiyak na magtatanong pa si Simoun upang usigin si Padre Salvi. 5. Bakit biglang natahimik at sumama ang pakiramdam ni Simoun nang mapunta ang usapan sa pagkasawi ni Ibarra nang mapasok ang usapan sa Lawa ng Laguna? Anoanong mga alaala at damdamin kaya ang ibinabalik ng usapan sa lugar na ito sa kanya? Nang mapasok nila ang lawa ng Laguna, naisipan itanong ni Ben Zayb sa kapitan kung saan napatay ang isang nagngangalang Guevarra, Navarra, o Ibarra. At kapansin pansin na dahil sa tanong na ito, biglang natahimik at sumama ang pakiramdam ni Simoun. Kung ating babalikan sa nobelang Noli Me Tangere, sa lawang ito tinangkang barilin at patayin si Ibarra ng mga guwardiya sibil ngunit sa tulong ni Elias, siya ay nakatakas. Sa aking palagay, ito ay maaaring dahil si Simoun at Ibarra ay iisang tao lamang. Siya ay nagbalik bilang Simoun upang maghiganti at balikan ang kanyang minamahal na kasintahan na si Maria Clara.
16
Kabanata 4: Si Kabesang Tales
Buod: Si Tandang Selo ay may anak na kilala bilang Kabesang Tales. Si Kabesang Tales naman ay may anak na sina Lucia, Tano, at Juli. Dahil sa malaria, ang isang babaeng anak ni Tales ay namatay. Dahil sa sipag ni Tales ay naging marangya ang buhay nila. Siya ay isang magbubukid at ito’y umasenso sa kanyang tubuhan. Nais niyang pag-aralin si Juli ng kolehiyo upang makapantay ang kasintahang si Basilio. Sa kabilang banda naman ay tinaasan ng mga prayle ang sinisingil na buwis sa tubuhan hanggang sa inaangkin na ang mga ito. Dinala ito sa korte ni Kabesang Tales ngunit siya ay nabigo. Siya ay nakulong at pinatutubos sa halagang 500 piso. Upang may pantubos sa ama ay namasukan si Huli kay Hermana Penchang noong bisperas ng pasko. Dahil nangyari sa kanilang pamilya ay hindi na muling nakapag-aral pa si Juli. Mensahe: Maraming aral ang nakapaloob sa kabanatang ito. Isa na rito ang pagiging matiyaga at masipag. Gaya nalamang ng ginawa ni Kabesang Tales, dahil sa tiyaga at pagsisikap, nabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Nagbunga lahat ng kanyang paghihirap at siya ay nagkaroon ng kabuhayan. Ikalawa, aking natutunan na dapat nating ipaglaban kung ano sa palagay natin ang tama basta’t wala tayong nasasaktan o inaapakang tao. Ang pangalawa ay ang. Dapat nating matutunan na ipaglaban ang nararapat para sa atin. Gaya na lamang ni Kabesang Tales, ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang ipaglaban kung ano sa tingin niya ang tama at nararapat.
17
Pagsusuri Sa Akda: 1. Ilarawan si Kabesang Tales bilang: a. anak ni Tata Selo- Bilang nag-iisang anak ni Tata Selo, si Kabesang Tales ay naging isang mabuti at masipag na anak. Sa pagsisikap at pagtitiyaga niya bilang magsasaka ay naiahon niya ang kanilang pamumuhay mula sa gubat. Kagaya ng tungkulin ng mga anak sa kanilang mga magulang, iginagalang at nirerespeto ni Kabesang Tales ang kanyang ama. b. bilang magulang nina Juli at Tano- Isang responsable at masipag na ama si Kabesang Tales sa kanyang mga anak na sina Juli at Tano. Ginawa niya ang lahat upang makapag-aral at mabuhay nang maayos ang mga ito sa paraan ng pagsasaka. Subalit dahil sa mga Prayle na inaabuso ang kanyang kabaitan ay naging sanhi ito upang hindi na niya mabigyang pansin at mapabayaan ang kanyang mga anak. c. bilang kabesa ng barangay- Telesforo Juan de Dios o mas kilala bilang Kabesang Tales ay naging isang kabesa ng barangay dahil binoto siya ng mga kanayon. Hindi naging madali ang pagiging kabesa ng barangay ni Kabesang Tales, sapagkat magastos at magara ang mga kasuotan nito. Sa kadahilanan ng pagiging kabesa ng barangay ni Kabesang Tales, siya ang nag-aabono ng mga hindi nakabayad na mamamayan. 2. Ano-anong kasawian ang sinapit ni Kabesang Tales gayong isa siyang mabuti at marangal na tao ng Tiani? Maraming pinagdaanan si Kabesang Tales. Sa pagsisikap niya na maiahon ang pamumuhay nila, namatay ang kanyang asawa at ang kanyang anak at naging mabigat ito para sa kanya dahil ang mga pinakamamahal niya ay lumisan na. Nang makaahon na si Kabesang Tales, naging isang kabesa siya ng barangay at hindi rin naging madali ang maging kabesa. sapagkat siya ang nag abono ng mga bayarin ng mga mamamayan kaya’t unti unting naghihirap ang pamumuhay ni Kabesang Tales. Kahit siya ay isang mabuti at marangal na tao ng Tiani ay inabuso parin siya ng mga Prayle kagaya na lamang ng pagbabayad niya ng renta ng lupa na hindi naman talaga pag aari ng mga Prayle, natalo siya sa korte at tuluyang nawala ang lupain na sinasaka niya. 3. Kung ikaw si Kabesang Tales, sasang-ayon ka rin ba sa pagbubuwis sa iyong sariling nilinang na lupa? Susunod ka rin ba sa payo ng iyong ama na huwag lumaban sa may kapangyarihan? Kung ako si Kabesang Tales, hindi ako sang-ayon sa pagbubuwis sa aking sariling nilinang na lupa sapagkat ang lupang iyon ay napakahalaga. Hindi lang pagod ang inilaan para rito kundi pati na rin ang dugo, pawis, at buhay na ibinuwis upang mabigyan ng magandang edukasyon ang kanilang mga anak na sina Juli at Tano. Alam nating lahat na tunay na malupit ang pamamalakad at pang-aapi ng mga taong prayle. Ito ay sapat na dahilan upang ako ay sumunod sa payo ng aking ama na huwag lumaban sa mga taong may kapangyarihan dahil maaring mapunta sa mapanganib na sitwasyon ang aking buhay pati na rin ng aking pamilya. Ngunit kung ako ay may sapat na lakas at alam kong ako ay nasa tama, ito ay aking ipaglalaban.
18 4. Kung sa una pa lamang ay hindi na nagbayad ng buwis si Kabesang Tales sa mga prayle, ano kaya ang nangyari sa kanyang buhay? Maghinuha. Kung sa una pa lamang ay hindi na ito nagbayad ng buwis, malamang ay nasa pahamak na ang kanyang buhay pati na rin ng kanyang pamilya. Sa banata, makikita kung gaano kalupit ang pagpapalakad ng mga prayle at mga tulisan. Ang simpleng hindi pagbabayad ng buwis ay maaaring makasuhan, patayin, o tugisin. Maaari rin na hindi na siya hayaang makapag tanim sa lupa kung hindi siya nagbayad noon. Kung sila ay mawawalan ng karapatan sa lupa, maaaring naghanap na agad si Kabesang Tales ng panibagong paraan upang kumita. Ngunit nang tumaas ang pataw sa buwis, hindi ito hinayaan ni Kabesang Tales. 5. Bakit nagbago si Kabesang Tales mula sa pagiging maamong tupa tungo sa pagiging mabangis na nilalang? Ano ang kinalaman ng panggigipit na pinagdaanan niya sa kamay ng mga prayle sa malaking pagbabagong ito? Si Kabesang Tales ay namuhay nang mapayapa noon ngunit dahil sa pananamantala at pangaabuso ng mga prayle sa kanilang kabaitan kung saan pinagbabayad sila ng malaking halaga ng buwis, siya ay tuluyang nagbago. Ang hindi makatarungang panggigipit ng mga prayle ay naging daan upang magbago si Kabesang Tales at magkaroon ng matinding pagnanais ng hustisya. Dahil sa sobrang pagnanais sa hustisya, tuluyan na niyang nakalimutan kung para kanino at para saan ang kanyang hakbang na ginawa. IMPLIKASYON 6. Ano ang ipinahihiwatig ni Rizal na "siya ay lumalaban sa isang makapangyarihang korporasyon na pinagyuyukaran ng ulo ng katarungan, kung saan pinabayaan ng hukom na hindi magpantay ang timbangan at sinuko espada.?" Nais ipahayag ni Rizal na noon pa lang ay hindi na maayos ang pagpapatupad ng hustisya sa bansa. Hindi naisasakatuparan sa tamang paraan ang karapatan ng mga taong makuha ang katarungang nararapat sa kanila. Ang pahayag na ito ay nagpapaliwanag na mayroong pangaabuso sa kapangyarihan na nagaganap sa pagitan ng hukom at ng pinapaburan nilang partido, kahit na sila ang may pagkakamali. Naiipit dito ang mga taong walang ginawa kundi ang ipaglaban lamang ang kanilang karapatan. 7. Batay sa iyong obserbasyon, nangyayari pa ba ang ganito sa kasalukuyan? Magbanggit ng mga patunay. Opo. Isang halimbawa nito ay ang walang awang pagpaslang ng isang pulis sa mag-inang nagkakasiyahan lamang sa kanilang tahanan. Bagaman marami nang naitalang krimen ang nasabing opisyal, hindi pa rin naisasakatuparan ang nararapat na hustisya para sa mga naging biktima. Dahil sa pagpaslang na naganap, muling napatunayan na ang pamahalaan, maging ang hukom, ay nagkakaroon ng bias sa mga taong may mataas na katungkulan kumpara sa mga inosenteng naging biktima ng pang-aabuso at pagmamanipula.
19
Kabanata 5: Ang Notse Buena ng Isang Kutsero
Buod: Nang makarating si Basilio sa kanilang bayan ay hatinggabi na. Nakasabay pa niya sa pag-uwi ang prusisyong na pang-Noche Buena. Sa daan, binugbog pa ang si Sinong, ang kutsero pagkat nakalimutan ang kaniyang sedula. Matapos ay napag-usapan nila ang rebulto ni Metusalem, na sinasabing pinakamatandang tao sa mundo. Idinaan naman ang rebulto ng tatlong Haring Mago na nagpapaalala kay Sinong kay Haring Melchor. Itinanong ng kutsero kay Basilio kung nakaligtas na ba ang paa ng bayaning si Bernardo Carpio; ito raw ay naipit umano sa bundok ng San Mateo. Pinaniniwalaan kasi ng mga Pilipino na si Carpio ang kanilang hari na siyang makapagpapalaya sa kanila. Nahuli muli si Sinong dahil namatay ang ilaw ng kaniyang kalesa habang si Basilio ay naglakad na lamang. Sa paglalakad niya ay napansin niyang wala man lang parol at tahimik ang bayan kahit Pasko na. Dumalaw si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago,dito niya napagtanto ang balita ukol sa nangyari sa pamilya ni Juli. Mensahe: Maraming aral ang nakapaloob sa ikalimang kabanata, isa na rito ang paglaban sa karapatan ng bawat mamamayan. Nararapat nating bigyan ng pantay na pagtingin at pagtrato ang bawat isa, mayaman man ito o mahirap. Ikalawa, dapat ay matuto tayong huwag umasa sa iba. Sa kabanata, aking napagtanto na umasa na lamang ang mga Pilipino sa paniniwala na si Carpio ang magliligtas sa kanila. Sa kasalukuyan, kung hindi natin ipaglalaban ang karapatan natin bilang Pilipino, walang mangyayari. Ikahuli, aking natutunan na dapat ay magkaroon ako ng disiplina. Ang paglimot ni Sinong ng kanyang sedula ay nagturo sa akin na dapat kong pahalagahan ang mga bagay kailangan kong gamitin sapagkat maaari itong magresulta ng hindi kaaya-ayang pangyayari.
20
Pagsusuri Sa Akda: 1. Ilarawan ang kutsero bilang isang mamamayan at bilang isang Katoliko. Bakit makalawang beses hinuli ng mga si Sinong? Ano-anong mga pagmamalabis ang ginawa ng mga guwardiya sibil sa kanya? Sa kabanata, makikitang si Sinong ay isang simpleng mamamayan at kutserong Indio lamang. Siya rin ay isang mabait, matapat, at masipag na mamamayan. Siya ay katoliko na relihiyoso na puno ng pananampalataya at paniniwala sa mga kasabihan. Nagkataon na habang siya ay namamasada, nalimutan niya ang kanyang sedula kaya’t inalipusta siya ng mga guwardiya sibil. Sa halip na lumaban, tiniis niya ang mga pananakit at pang-aabuso ng mga guwardiya sibil. Makalawang beses nahuli siya ng mga guwardiya sibil ang kutsero dahil napuna na walang ilaw ang kanyang karwahe. 2. Bait walang mga sibil noong panahon ng mga santo ayon kay Sinong? Habang dumaraan ang prusisyon, dumaan ang rebulto ni Matusalem, ang pinakamatandang nabuhay sa mundo. Ang kanyang kasamahan at kasabayan sa Europa ay tinaguriang si Noel. Ayon kay Sinong, walang sibil noon pagkat hindi ito mabubuhay ng ganon katagal sa pangungulata. Nasabi rin niya hindi maaaring maging pari si Melchor na isa sa tatlong Haring Mago na pumapagitna pa sa dalawang haring puti, kung mayroong mga sibil noon. Natitiyak nyang mabibilanggo ito kung mayroong mga guwardiya sibil noon. 3. Ano ang paniniwala ng mga Indiyo ukol sa sa alamat ni Bernardo Carpio? Nasabing si Bernardo Carpio ay isang likhang guniguni na hango sa isang alamat na hiram sa Mehiko. Siya raw ay isang makisig at matapang kaya lahat ng tao maging mga kalalakihan ay takot sa kanya. Siya ay naipit sa dalawang bato dahil sa panlilinlang ng Engkanto. Dahil sa mga kuwentong ito, pinaniniwalaan ng mga Indio na kapag nakawala si Bernardo Carpio, siya ang mamumuno sa paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Kastila. 4. Bakit ibig ni Kapitan Basilio na makasundo niyang mabuti ang alperes at kura? Sa kabanata, makikita kung gaano kalakas ang impluwensya at kapangyarihan ng mga alperes at kura. Naisip ni Kapitan Basilio na maaaring makatulong sa kanya ang pagkakaibigan sa mga ito. Dahil dito, Ninanais ni Kapitan Basilio na makasundo ang mga ito upang siya ay magkaroon ng kapit at kanyang maisagawa ang gusto niyang gawin. Nais niyang magpalakas ng kapangyarihan. Siya rin nagbibigay ng pabor sa mga alperes at kura para makapagpatayo ng negosyo at malaya siyang mangangalakal. 5. Ayon kay Basilio, anu-ano ang mga dahilan at may kalungkutan ang notse Buena? Nang umuwi si Basilio sa San Diego, kanyang napansin na wala man lang parol at tahimik ang bayan kahit Pasko na. Makikita rin sa mga bata ang pagkalumbay at pagkalungkot. Ang pagkalungkot ng mga tao tuwing Notse Buena ay resulta mula sa pagmamalupit ng mga Guwardiya sibil. Sadyang malupit ang dinanas ng mga Pilipino noong mga panahong iyon. Ang pagpaparusa ng mga sibil ay walang pinipili kahit pasko. Ang noche buena ay palatandaan ng araw ng kasiyahan, pagmamahalan, at puno ng pakikipagkapwa - tao, ngunit para sa gwardya sibil, wala itong halaga. Sa kabila nito, naniniwala pa rin ang mga Pilipino na darating din ang liwanag.
21 6. Ano-ano ang masamang balita ang narinig/nalaman ni Basilio? Kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan paano mo haharapin ang mga ito? Nang makarating si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago, ibinigay ng utusan ang pag-uulat sa kanya. Ayon sa utusan, maraming kalabaw ang namatay, may mga katulong na napiit, at namatay rin ang matandang tanod sa gubat. Ang pinakahuling balita ng utusan ay ang pagkakulong ni Kabesang Tales na siyang hindi na kinaya ni Basilio. Hindi kumain si Basilio ng hapunan dahil sa mga balitang nasagap. Kung ako ang nasa sitwasyon ni Basilio, gaya niya, ako rin ay malulumbay ngunit aking iisipin na ito ay mga pagsubok lamang na kaya kong lagpasan. Ako ay magsasagawa muna ng plano kung paano ko matutulungan si Kabesang Tales. Pagkatapos nito, aking aalamin ang sanhi at hahanapan ng solusyon ang pagkawala ng maraming kalabaw. Aking iisipin na ang buhay ay laging puno ng mga tagumpay at kabiguan. Upang maging matagumpay ay nangangailangan ng oras at isang hindi kapani-paniwala na halaga ng pasensya. Dapat magkaroon tayo ng kumpiyansa at tiyaga sa sarili upang tayo ay magtagumpay. IMPLIKASYON: 7. Paano mo maihahambing ang prusisyon noon sa kasalukuyan? Malaki ang pagkakaiba ng prusisyon noon sa ngayon. Mula noong lumaya ang Pilipinas sa pananakop ng Espanyol, maraming nagbago, kabilang na rito ang pagbabago sa paggunita ng mga selebrasyon. Kung dati ay makikita sa mga mata ng mga bata ang pagkalungkot habang hawak ang mga kandila, ngayon ay makikitang sila ay lubhang masaya sa paggunita ng pasko. Wala na ring mga guwardiya sibil na nagbabantay at nagpaparusa sa simple nilang mga kasalanan o pagkilos. Makikita rin sa mata ng bawat Pilipino ang pagkawala ng pangangamba at pag-aalala na sila ay mapahamak habang sila ay nasa prusisyon. Mula noon, makikitang sadyang malaki ang pagbabago ng Pilipinas nang makalaya ito sa pananakop ng mga Espanyol. 8. Ihambing ang paraan ng pagbibigay-parusa ng makapangyarihan sa mga kutsero noon at sa mga tsuper ngayon. Sa kabanata, makikita kung gaano kalupit ang pagpaparusa sa mga kutsero noon. Ang simpleng paglimot sa sedula ay maaari nang makulong o parusahan ng mga sibil. Nang lumipas ang panahon, makikitang malaki ang pinagbago sa paghahatol ng parusa sa mga ito. Ang mga tsuper sa kasalukuyang panahon ay pinaparusahan sa pamamagitan ng pagsingil ng ‘kotong’ ng mga pulis. Kung minsan ay kinukuha ang kanilang mga lisensya kung hindi sila makakapagbayad sa hinihinging halaga ng pulis. May mga panahon din na ang mga tsuper ay naglilinis sa daan kung sila ay lumabag sa batas. Dahil dito, karamihan sa mga tsuper ay napipilitan mag bayad upang hindi na sila mamroblema pa. Sa laha nga mga nabanggat, aking masasabi na tunay na mas malupit ang pagpataw ng parusa sa mga kutsero noon kaysa sa mga tsuper ngayon. 9. Noon, kailangang magpalakas ka sa mga may kapangyarihan upang makapangalakal ka ng malaya.Gayon pa rin ba sa kasalukuyan? Ipaliwanag. Sa aking palagay, gayon pa rin hanggang sa kasalukuyan sapagkat karamihan ay takot sa mga nakatataas o sa may mga kapangyarihan kaya mas pipiliin nilang atimin at dedmahin ang maling gawain upang hindi sila kalabanin nito. Maraming ganoong gawain sa pamahalaan sapagkat sila ang nakakataas at sila rin ang may hawak sa pagpapatakbo ng bansa. Sa tingin ko, nagagawa nilang magpalakas sa mga may kapangyarihan upang hindi madamay sa gulo,
22 maprotektahan lalo na kapag sila’y may pamilya, mabigyan ng benepisyo lalo na ‘pag pera ang usapan, at iba pa. 10. Anong kamangmangan ang ng mga Pilipino ang tinuligsa ni Rizal sa kabanatang ito? Ilahad. Ang paniniwala nila sa alamat ni Bernardo Carpio. Tinuligsa ni Rizal na masyadong umaasa ang mga mangmang na Pilipino sa mga alamat o mga guniguni at hinihintay na lamang nila makawala ng tuluyan si Bernardo Carpio upang siya’y mamuno at maghimagsik laban sa mga Kastila, at saka na sila babangon kapag iyon ay nangyari. Nang dahil sa kwentong ito nawawalan ang mga Pilipino ng interes na ilaban ang sarili nila patungong kalayaan o humanap ng lunas upang matigil na ang pagpapahirap ng mga dayuhan.
23
Kabanata 6: Si Basilio
Buod: Palihim na nagtungo si Basilio sa gubat nang tumunog ang batingaw ng simbang gabi. Nagtungo siya sa punong balete na nasa kagitnaan at humarap sa bunton ng bato kung saan nandoon nakahimlay ang kaniyang ina. Habang siya ay nasa puntod ipinagdasal niya ang kaluluwa ng kaniyang ina at naalala ang kaniyang mga napagdaanang hirap sa mga nagdaang panahon. Noong namatay ang kaniyang ina, may dumating na sugatang lalaki at nagpahakot ng mga kahoy. May dumating pang isang lalaki at sabay nilang sinunog ang mga bangkay ng kaniyang ina at ng naunang dumating na lalaking sugatan.Nilisan niya ang San Diego at nagtungo ng Manila upang makapag-aral kahit gulanit ang kasuotan at may sakit ngunit ilang beses nang nabigo. Natagpuan niya si Kapitan Tiago na taga San Diego rin at katatapos lamang ihatid sa Beateryo si Maria Clara. Kinuha siya nito bilang utusan kapalit ng pagpapa-aral nito sa kaniya sa san Juan De Letran. Minaliit siya at inalipusta ng mga guro at estudyante ngunit nakapagtapos parin siyang may markang sobresaliente at mga medalya. Sa Ateneo De Municipal siya inilipat ni Kapitan Tiago kung saan nag-aral siya ng pagkabatsilyer at ipinagmalaki ng mga propesor. Kumuha rin siya ng medisina at nakapaggagamot na siya kahit hindi pa siya nakakapagtapos. Inisip niya si Huli sapagkat mapapakasalan niya na ito sapagkat huling taon na ng kanyang pag-aaral.
Mensahe: Maraming pinagdaanan at tiniis si Basilio simula pa sa kanyang pagkabata hanggang sa kanyang paglaki. Kinutya at inalipusta siya ng ibang tao ngunit ginawa niya iyong dahilan upang lalo siyang magsikap sa pag-aaral. Nais ni Rizal na ipabatid sa kabanatang ito ang importansya ng pagtitiyaga at karunungan sa pamamagitan ni Basilio. Ang karunungan ay makakamtan kung marunong magtiis ang isang tao kahit ano pa ang mangyari sa kanya at ang pagiging matiyaga ang mag-aahon sa iyong pagkakalugmok.
24
Pagsusuri Sa Akda: 1. Ano-anoong mga kasawian ang naranasan ni Basilio nang maulila? Paano niya naharap ang mga ito? Naranasan ni Basilio mawalan ng ina at magtaguyod para sa kanyang sarili sa batang edad. Dahil sa kanyang paghihirap, minsa’y naisip na lamang niyang magpakamatay, subalit siya ay nabuhayan ng loob. Hinarap niya ito sa pamamagitan ng paglakbay patungo sa Maynila upang magbahay-bahay nagbabakasakaling siya’y matulungan. Siya ay naging isang alila ni Kapitan Tiago na kababayan niya, kapalit ng kanyang paglilingkod ay ang pagpapaaral sa kanya nito. 2. Paano natulungan ni Kapitan Tiago si Basilio na makapagsimula ng bagong buhay? Natulungan ni Kapitan Tiago si Basilio na makapagsimula ng bagong buhay sa pamamagitan ng pagkupkop kay Basilio bilang alila upang ang bata’y makapag-aral. Tinulungan niya ito at sinuportahan hanggang makapagtapos sa medisina si Basilio. Sa kapaitan ng buhay ni Basilio, si Kapitan Tiago ang naging daan upang ang madilim na buhay ni Basilio ay muling magliwanag. 3. Alin bahagi ng buhay ni Basilio ang nakapnlulumo o nakapagbabagabag ng iyong loob at bakit? Aling bahagi naman ng kanyang buhay ang nais mong siya ay batiin at gayahin? Ilahad. Ang bahagi ng buhay ni Basilio na nakapanlulumo ay ang kanyang paghihirap nang siya’y nawalan ng ina dahil kinailangan niyang buhayin ang sarili sa murang edad na dapat siya’y nagaaral lamang at wala nang iniintindi maliban sa pag-aaral. Iyon ay napakahirap, ang paglalaboy sa lansangan at paghahanap ng pagkain upang mabuhay. Sa kabilang dako, ang bahaging nais batiin ay ang kanyang tagumpay dahil siya’y nakapagtapos ng pag-aaral niya ng medisina at mayroon siyang maraming plano para sa kanyang buhay. Ang tagumpay niya sa buhay ay dapat ipagmalaki sapagkat marami ang nangutya at nagpahirap sa kanya sa buhay. Iyon ang maituturing tagumpay dahil mula sa kahirapan, naitaguyod niya ang sarili. 4. Anong uri ng mga mag-aaral ang kinikilala sa San Juan de Letran? Ang mga mag-aaral na kinikilala sa San Juan de Letran ay mga batang mayroong mataas ang katayuan sa buhay. Ito ang mga batang may kaya sa buhay, ‘di tulad ni Basilio na simpleng estudyante lamang na pinapaaral ng kanyang pinaglilingkuran. Kaya’y ‘di madalas tawagin si Basilio upang magsalita dahil sa pagkiling ng mga propesor sa mga batang mas mayroong maiimpluwensiyang pamilya. 5. Anong uri naman ng pagtuturo ang pinalilitaw ni Rizal sa paaralan ni Basilio? Ang mga aksyon na ginagawa ng mga guro sa paaralan ni Basilio ay naghihikayat ng diskriminasyon; ang hindi pag-tawag kay Basilio, ang pag papahiya kay Basilio, ang pagkakaroon ng piboritismo sa mga estudyante, at ang paghuhusga base sa katayuan sa buhay. Ang hindi patas na pagtrato sa bawat tao na nangyayari sa lipunan ay nangyayari rin sa loob ng paaralan.
25
6. Paano siya nakilala sa San Juan de Letran? Nakilala si Basilio dahil sa kaniyang talino. Nagsipag si Basilio sa pagaaral sa kabila ng hindi maayos na pagtrato sa kaniya ng kanilang guro. Ang bunga ng kaniyang pagsisikap ay nakakamit siya ng matataas na grado at medalya. 7. Anu-anong pagbabago ang nakita niya sa Ateneo Municipal? Mas maganda ang trato sa kaniya dito kesa sa San Juan de Letran. Masisigasig ang mga guro at nagustuhan ni Basilio ang sistema ng edukasyon dito. 8. Paano napapayag ni Basilio si Kapitan Tiago na medisina ang kanyang nais pagaralan? Ang desisyon ni Tiago na tahakin ni Basilio ang pag memedesina ay mayroong kinalaman sa hilig niyang mag sabong. Ang mga estudyante ng medisina ay nagtitistis ang mga bangkay sa para sa kanilang pag-aaral at ang lason na gusto ni Tiago ilagay sa tari ng kaniyang mga tandang ay galing sa dugo ng Intsik na namatay sa sipilis, sa kadahilanang iyon ay pumayag si Tiago na kunin ni Basilio ang kurso ng medesina. IMPLIKASYON: 9. Paghahambing: a. Paraan ng pagtuturo noon sa kasalukuyan Noon panahon ng Kastila, ang pagtuturo sa Pilipinas ay limitado. Ang mga uniberidad ay mayroong ilan kurso lamang, hindi kagaya ngayon na mas maraming kalayaan magpili ng kurso ang mga kabataan. Ayon sa El Filibusterismo, ang mga estyudante ay kakabisaduhin lang ang mga sagot upang pumasa at hindi masyadong natuto sa klase, ngayon nagbabago na ang sitwasyon at naiba ang kurikulum para mas matuto ang kabataan. b. Mga gurong nagtuturo Ang mga guro noon ay masasabing mababa ang tingin sa mga lahing hindi Kastila, nakikita sa kabanata na ito na nais pagtawanan ng guro si Basilio dahil Pilipino siya, at akalang hindi marunong ng Espanyol. Iniisip din ng maraming guro noon na alam na ng estudyante ang lesksiyon at pinipili lang kung sino ang kinakausap. Ngayon, ang mga guro ay sinisigurado na matututo ang lahat ng nag-aaral sa kanilang klase. 10. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makapili ng isang paaralang papasukan, saan mo nanaisin at bakit? Ano-anong mga katangian ng isang paaralan ang iyong hahanapin? Ipaliwanag. Walang partikular na paaralan ang tanging nais namin lahat piliin, Ngunit ang isang paaralan ay dapat himukin at magbigay ng oras sa estudyante upang matuklasan ang kanilang kasanayan at talento upang alamin ang direksyon ng buhay nila. Ito ay dahil ang isang paaralan ay dapat maging gabay para sa kinabukasan ng mga kabataan.
26
Kabanata 7: Si Simoun
Buod: Paalis na ng gubat si Basilio ngunit nakita niya ang isang anino at nakilala niyang si Simoun iyon kaya nagtago siya sa likod ng balete. Kinabahan si Basilio kay Simoun ngunit nang nakita niya ang itsura ni Simoun ng walang salamin ay napagtanto niyang ito ang dating misteryosong lalaki na tumulong sa paglilibing ng kanyang ina. Nagpakita si Basilio kaya tinutukan siya ng rebolber ni Simoun, nagpakilala si Basilio at sinabing kilala niya ang tunay na katauhan ni Simoun. Nag-usap sila at inamin ni Simoun ang kanyang mga plano pati na rin ang kanyang pagtutol sa balak na pagpapatayo ng paaralan ng wikang Kastila nila Basilio. Hinikayat ni Simoun na sumali si Basilio sa paghihimagsik laban sa mga Kastila ngunit tumutol si Basilio dahil may iba siyang plano. Sinabi ni Basilio na plano niyang gamitin ang wikang Kastila upang mapag-buklod ang bayan ng pamahalaan, at magbubuklod-buklod sa mga pulo ng Pilipinas. Tinawanan at kinutya ni Simoun ang mga hangarin ni Basilio at pinangaralan siya na dapat maging malaya muna sila sa mga mang-aalipin para makamit nila ang mapayapang buhay. Hindi naging sapat ang pangangaral ni Simoun sapagkat hindi pa rin binago ni Basilio ang kanyang desisyon.
Mensahe: Matatagpuan sa kabanatang ito ang punto ni Simoun kung saan sinabi niyang hindi magiging wika ng ating bayan ang Kastila dahil wala sa wikang ito ang isip at damdamin ng Pilipinas. Ipinapakita rito na may iba’t ibang paraan ang mga tao sa pagkamit ng kalayaan ngunit mapapansin sa kabanatang ito na mas binibigyang pansin ni Rizal ang punto ni Simoun dahil alam niyang hindi sagot ang pagpapahalaga sa wika ng ibang lahi kaysa sa ating sariling wika. Ang pagiging matapang at paghihimagsik ang sagot upang makalaya ang mga Pilipino dahil hindi naman nila ito makakamtan kung patuloy na nagsusunod-sunuran ang mga Pilipino.
27 27
Pagsusuri Sa Akda: 1. Bakit nagtungo si Simoun sa gubat ng hatinggabi? Naghuhukay si Simoun sa gubat ng mga Ibarra noong hating-gabing iyon upang kunin ang yaman niya. 2. Paano nakilala at natuklasan ni Basilio ang lihim ni Simoun? Nakilala ni Basilio ang mag-aalahas nang magtanggal ito ng kanyang salamin. Matapos ito, naramdaman niya na iisa lang ang taong si Simoun at Ibarra bagamat wala talaga siyang kamalay-malay. Nakumpirma niya ang katotohanan nang umamin si Simoun sa kanya ukol sa kanyang tunay na katauhan. 3. Ipaliwanag ang hangarin ng mag-aalahas sa kanyang pagbabalatkayo at pagbabalik sa San Diego? Sinabi ni Simoun na siya ay nagpakalayo upang magpakadalubhasa at mag-ipon ng salapi. Nagbalik siya upang maghiganti at pabagsakin ang pamahalaan ng mga Kastila. Siya ay nagbalatkayo upang makuha ang tiwala ng mga nakatataas at maudyukan silang higit na maging masama upang matulak ang mga taong maghimagsik laban sa mga katiwalian. 4. Makatwiran bang harapin na lamang ni Basilio ang kanyang pag-aaral sa halip na makiisa kay Simoun? Katwiranan. Mayroon tayong kanya-kanyang layunin sa buhay. Kung ang layunin ni Basilio ay makatulong sa mga kababayan, masasabing makatwiran ang kanyang desisyon na mag-aral upang maging ganap na manggagamot. Isang malaking desisyon din ang talikuran ang pag-aaral upang makiisa kay Simoun kung kaya’t kung sa palagay ni Basilio ay higit na matimbang sa kanya ang pag-aaral upang makapagtapos at makatulong kaysa maghiganti, higit na makatwiran ito kaysa ipilit niya sa kanyang sarili na sumama. 5. Sa iyong palagay, bakit hindi pinaslang ni Simoun si Basilio? Hindi pinatay si Simoun si Basilio upang mapangalagaan niya ang kanyang lihim. Naisip din ni Simoun na si Basilio ay katulad din niyang sawimpalad at pinagmalupitan ng pamahalaan at simbahan. Si Basilio ay hindi rin makapagsusuplong dahil pinaghahanap din ito ng mga sibil. IMPLIKASYON: 6. Ang kalayaan nga kaya ng isang bansa ay sa dahas o labanan lamang makakamit? Patunayan. Hindi, ito ay nakadepende sa kung paano pakahuluganan ng isang tao ang kalayaan. Mayroon ding iba’t ibang paraan upang makamit ang kalayaan subalit hindi ito laging sa dahas lamang. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng pag-impluwensya o pag-eduka sa mga kababayan ukol sa tunay na kalagayan ng lipunan o sa ibang pang mga posibleng kaparaanan na hindi gumagamit ng dahas. 7. Ipaliwanag ang pahayag na ang sariling wika ang kaluluwa ng isang bansa. Gaya ng katawang nilisan ng kaluluwa, ang bayang walang pagpapahalaga sa sariling wika ay gaya ng isang malamig na bangkay. Ito ay sapagkat ang wika ang siyang nagbubuklod sa mga
28 mamamayan ng isang bansa. Ito ang siyang gumigising at nagpapaalab sa diwang makabayan, isang susi upang makamit ang tunay na kalayaan at daan tungo sa kamalayan. 8. Kung ikaw ang masusunod, ano ang pagbabago sa bansa na hangad mo at bakit? Hangad kong magkaroon ng pagbabago sa sistema kung saan ang bawat mamamayan ay may pantay-pantay na karapatan. Hindi nakatataas ang mayayaman o maimpluwensiya sa batas. Gayundin, hangad ko na magkaroon ng reporma sa paraan ng pamumuno ng mga nasa pamahalaan. Ito ay dahil sa aking obserbasyon na mas pinapanigan at nakikinabang ang mga may mas mataas na katayuan sa buhay. Napakarami ring katiwalian ang makikita sa pamahalaan kung kaya’t hangad ko ang mga bagay na nabanggit sa itaas.
29
Kabanata 8: Maligayang Pasko
Buod: Nang magising si Juli kinabukasan at tiningnan niya ang altar ng mahal na birhen habang nagbabakasakali na may nakalagay na dalawang daan at limampung piso na ngunit walang nangyaring himala. Nag-impake na lamang si Juli sapagkat wala na siyang magagawa kundi maglingkod sa bago niyang amo na si Hermana Penchang upang matulungan niya na ang kanyang ama. Nagpaalam siya kay Tandang Selo at sinabihan niya ito na sa pagbabalik ng kanyang ama, ay ipaalam dito na natuloy na ang pag-aaral niya ng Kastila. Umalis na si Juli kaya tinanaw na lamang ni Tandang Selo ang mga batang kasama ang kanilang pamilya sa araw ng Pasko. Nais sanang batiin ni Tandang Selo ang mga dumaang kamag-anak ngunit walang tinig na lumalabas sa kanyang bibig. Napagtanto nila na napipi na si Tandang Selo.
Mensahe: Ipinapakita sa kabanatang ito na hindi nararapat na iasa sa mga himala o milagro ang mga bagay na nararapat pagpaguran. Ang pagaabang ng isang himala ni huli sa mahal na Birhen ay hindi sagot sa kanyang mga problema bagkus ay dapat matutong kumilos ng mga pilipino kung nais nilang makamit ang kanilang minimithi. Katulad na lamang ng pag-asam nila ng kalayaan, pinaparating ni Rizal na dapat ay huwag umasa ang mga Pilipino na makamit nalang ang kalayaan kahit wala naman silang ginagawang hakbang.
30
Pagsusuri Sa Akda: 1. Bakit kaya umaasa sa milagro si Juli? Marahil umaasa siya sa milagro dahil nais niyang masolusyunan ang kaniyang problema. Hindi siya masayang manilbihan kay Hermana Penchang subalit dala ng pangangailangan ay kailangan niyang magsakripisyo kahit pa ito ay labag sa kanyang kalooban at nakapipighati sa kanyang Tatang Selo. 2. Patunayang ang mag-anak na Pilipino ay may matibay na pagbubuklod. Malapit sa isa’t isa ang bawat kasapi sa mag-anak. Sa panahon ng pangangailangan o pagsubok, hindi natin pinababayaan ang isa’t isa. Handa tayong magsakripisyo at dumamay para lamang hindi makitang naghihirap ang ating pamilya. 3. Dapat nga kayang ikalungkot ang kawalang kakayahang magbigay ng aguinaldo kung Pasko? Bakit? Hindi sapagkat ang aguinaldo ay materyal na bagay lamang. Ito ay naluluma at kalaunan ay nawawala. Ang higit na mahalaga ay patuloy tayong pinapahiram ng ating buhay upang makapagpatuloy sa paggawa at makasama pa ang ating pamilya. Isa pang magandang aguinaldo ay ang pamilya at mga mahal sa buhay. 4. Sa iyong palagay, makatotohanan ba ang pagkapipi ng isang taong tumatanggap ng matinding kalungkutan o pagkasiphayo? Katwiranan. Oo, sapagkat kung ibabase ito sa agham, mayroong kondisyon kung saan ang isang taong nagdanas ng matinding kalungkutan o kasawian ay nagkakaroon ng trauma na siyang nagdudulot ng pagkapipi. IMPLIKASYON: 5. Ipaliwanag ang pagiging mapaniwalain ng mga Pilipino sa milagro o himala. Mapapaniwalain ang mga Pilipino sa mga himala at milagro dahil sa mataas at matibay na paniniwala at pagsampalataya nila sa mga paniniwala na itinuturo o ibinabahagi sa kanilang relihiyon. Maaaring ito rin ay dahil sa mga kuwento o karanasan na naibahagi sa kanila na minsan ay coincidence lamang. Dahil dito, nadadala nila ang mga ito sa kanilang buhay. 6. Patunayan ang kawalan ng kalayaan sa pagpapahayag ay hindi natamasa ng mga Pilipino sa panahon ng Kastila. Isang patunay sa akda ang naganap kay SInong kung saan siya ay agad na pinarusahan at sinaktan nang hindi man lang napakikinggan ang paliwanag. Isa pa ay ang nangyari kay Kabesang Tales kung saan siya ay hindi pinakinggan ng mga prayle sa kanyang hinaing ukol sa mataas na pagpapabuwis sa lupang kanyang nilinang bagkus siya pa ay ipinadakip at pinatawan pa ng limang daan na multa para lamang siya ay mapalaya. Ito ay maraming beses ding naganap sa totoong buhay ayon sa mga librong pangkasaysayan. 7. Bigyang liwanag ang kasabihang, "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa". Hindi sapat ang magtiwala lamang tayo sa Diyos. Tunay na maawain at mapagbigay ang Diyos subalit hindi siya nangungunsinti. Kinakailangan din nating kumilos at gumawa at ang Diyos ang bahalang umalalay at gumabay sa atin upang makamit ang ating mga inaasam sa buhay.
31
Kabanata 9: Ang mga Pilato
Buod: Nang makarating sa buong bayan ang kasawiang-palad ni Tandang Selo ay naghugas kamay lamang ang mga may sala na sina Padre Clemente, Hermana Penchang, at ang tenyente. Mabilis na itinanggi ni Padre Clemente ang kanyang pagkakasala at idinahilan na iniingatan lamang niya ang kanyang sarili kay Kabesang Tales. Inirason pa niya na si Kabesang Tales ang may sala sapagkat hindi siya umaayon sa utos ng korporasyon. Tinuran naman ng tinyente na ginawa lamang niya ang kanyang tungkulin sapagkat sumusunod lamang siya sa batas. Ayon naman kay Hermana Penchang, ay isang biyaya pa ang pagiging katulong sa kanya ni Juli at ibinintang pa sa kanya ang nangyari kay Tandang Selo sapagkat hindi siya marunong magdasal sa wikang Kastila. Pinaratangan pa niya si Basilio na isang demonyong nag-aanyong mag-aaral nang tangkain niyang tubusin si Juli. Pagdating ni Kabesang Tales ay nalaman niya ang mga kasawian na pinagdaraanan ng kanyang pamilya kaya nanatili siyang walang kibo.
Mensahe: Ang pagiging Poncio Pilato ang ginagamit na paraan ng ibang tao upang matakpan ang kanilang mga pagkakasala. Ipinapakita sa kabanatang ito ang pagiging makasarili ng mga tao lalo na ng mga prayle at tinyente sapagkat alam nilang walang laban ang mga mahihirap sa kanila. Nais ipabatid ni Rizal ang pagiging walang malasakit at chismosa ng ibang tao kahit may pinagdadaanang mabigat na bagay ang pamilya ni Tales, mayroon pa ring mga nagbibintang sa kanya kahit hindi naman nila alam ang tunay na pangyayari. Ipinapakita rin dito na madali lamang pagtakpan ang katotohanan kung mayroong mataas na posisyon sa pamahalaan.
32
Pagsusuri Sa Akda: 1. Bakit pinamagatang Pilato ang kabanatang tinalakay? Ilarawan si Pilato batay sa bibliya. Si Pilato o mas kilala bilang Poncio Pilato ay kilala bilang hukom sa paglilitis ni Hesus na siyang nagbigay ng pahintulot upang ipako sa krus si Hesus kahit alam niyang wala itong kasalanan. Binase ni Pilato ang panghuhusga sa daing ng bayan imbis na pumanig ito sa katotohanan dahil gusto niyang magmalinis. Nais ni Rizal na ipakita sa kabanatang ito na sinisimbolo nina Hermana Penchang, Padre Clemente, at tinyente si Pilato dahil sa kanilang paghuhugas kamay sa kabila ng mga masasamang pangyayari sa pamilya ni Tales. 2. Bakit nagsa-Pilato sina Padre Clemente, Hermana Penchang at tinyente ng mga sibil? Nagsa-Pilato sina Padre Clemente, Hermana Penchang, at tinyente ng mga sibil dahil ayaw nilang mapagbintangan kahit na sila naman talaga ang may kasalanan. Humahanap pa sila ng dahilan upang pagbintangan ang pamilya ni Tales sa kanilang mabigat na pinagdaraanan upang hindi sila ang mapagbuntungan ng sisi. Naghuhugas sila ng kamay dahil din sa ayaw nilang sumama ang tingin sa kanila ng ibang tao upang mapangalagaan na rin nila ang kanilang mga sarili. 3. Makatwiran ba ang pagsusuplong na ginawa ni Padre Clemente sa pamahalaan? Bakit? Ang mga alitan ay maaaring madaan sa isang maayos na usapan kung marunong mang-unawa ang mga tao. Alam ni Padre Clemente ang dahilan kung bakit binabantayan ni Kabesang Tales ang kaniyang lupain kaya nararapat lamang na intindihin niya ito at huwag gamitin ang pagkakataong iyon upang lalong malugmok sa problema ang pamilya ni Tales. Hindi makatwiran ang kaniyang ginawang pagsuplong kay Tales dahil hanggang masasamang tingin lamang ang binibigay ni Kabesang Tales sakanya. Ginawa rin ni Padre Clemente ang makasariling desisyon na iyon upang lalong maangkin ang lupa. 4. Ipaliwanag ang tunay na dahilan ng damdamin ni Hermana Penchansa pagkilos ni Basilio na matubos si Juli? Dahil hindi na nakakapagsalita si Tandang Selo, sinasabi ni Hermana Penchang na dahil ito kay Juli na hindi marunong manalangin sa langit. Nang malaman niya naman na tutubusin ni Basilio ang problema ng kanyang kasintahan, naging masama ang pagsasalita nito sa binata. Sa aking palagay, ang totoong damdamin ni Hermana Penchang sa kilos ni Basilio ay dahil ito sa labis na panibugho sa pag-iibigan ng dalawa; kung ano at bakit nagustuhan ni Basilio ang dalaga. Kaya naman hindi niya maiwasang hindi pansinin ang dalawa. 5. Sakaling sa iyo mangyari ang mgma naranasan ni Tales paano mo ito haharapin? Sa kung ako’y makakaranas nito sa kasalukuyan, ako’y una mapupuno ng galit. Para sa aking tatangkaing paghihiganti, ako’y mananahimik muna. Ako ay mag papalakas at babawi para sa mga nawalan ng buhay upang sila’y manahimik. Sa kasalukuyan, salamat sa mga batas ng panahon ngayon, mayroon akong malalapitan ng tulong. Kung sa panahon nila ito mangyari sa akin, wala akong maaasahan sa batas kapag kalaban ko ang batas, kaya’y haharapin ko ito tulad ni Tales.
33 IMPLIKASYON: 6. Bakit malaking kapintasan sa isang tao ang pagiging mapanghatol sa Kapwa? Ang pagiging mapanghatol sa kapwa ay isang malaking kapintasan sapagka't maraming pwedeng masira sa taong hinahatulan nito lalo na't kung walang tamang imbestigasyon na nangyari. Katumbas lamang nito ang pagiging mapanghusga at mapanglait sa kapwa tao 7. Bigyan ng reaksyon ang pagiging madasaling Kristyano ni Hermana Penchang Para sa akin, siya ay isang halimbawa ng isang Kristyano na mapanghusga. Siya ay naniniwala sa Diyos, ngunit siya ay mapanghusga sa mga taong para sa kanya ay "kulang sa pananampalataya". Siya ay mapagmalinis na Kristyano, ngunit ang bibig niya'y puno ng paghuhusga. 8. Ipaliwanag ang kaibahan ng paghawak ng pamahalaan sa mga taong pinagbibintangan noong panahon ng Kastila at ngayon. Dati, madalas hindi dumadaan sa tamang proseso sa batas bago hatulan ang isang pinaghihinalaang kriminal. At madalas pahirapan ang mga pinagbibintangan na mga ito. Hindi ito nakakalayo sa sitwasyon ngayon. Sapagka't maraming namamatay na pinagkakamalang adik. At kadalasan, taong may kapangyarihan sa batas ang kumukuha ng buhay nila basta basta.
34
Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
Buod: Nakituloy sa bahay ni Kabesang Tales si Simoun at nagbenta ng mga alahas sapagkat alam niyang mas maraming makakarating dito upang makabili ng kanyang mga alahas. Ipinagmamalaki rin niya ang kanyang rebolber kay Kabesang Tales at tinanong niya ito kung sapat na ba iyon bilang pananggalang sa mga tulisan. Nagsidatingan ang iba pang mamimili ng mga alahas ni Simoun habang pinagmamasdan ito ni Kabesang Tales. Pumasok sa kanyang isipan na ibenta ang relikaryo ni Maria Clara na napunta kay Juli ngunit nais niya munang magpaalam sa kanyang anak bilang respeto. Natanaw niya ang asenderong prayle at ang kasama nitong umangkin sa kanyang lupain kaya nandilim ang kanyan paningin. Kinaumagahan ay nakita ni Simoun ang sulat ni Tales na nanghihingi ng kapatawaran sapagkat kinuha niya ang kanyang rebolber at bilang kapalit iniwan nito ang relikaryo. Sinabi rin ni Tales na kasapi na siya ng mga tulisan kaya lalong natuwa si Simoun sapagkat umaayon sa lahat ang kanyang plano. Natagpuan din ang tatlong bangkay ng mga taong sinundan ni Tales nang gabing iyon.
Mensahe: Ipinapakita sa kabanatang ito ang pagkakaiba ng kayamanan sa karalitaan. Madali lang para sa mga mayayaman na makuha o maangkin ang kanilang mga gusto lalo na pag mahihirap lamang ang kanilang kalaban. Madalas ay ang mga mahihirap ang nagdurusa dahil sa kanila kaya nauubos din ang kanilang pasensya. Napigtas na ang pagpigil ni Tales sa kanyang sarili kaya niya nagawa ang bagay na iyon. Ipinapakita rito ang resulta sa mga patuloy na pang-aabuso ng mga mayayaman at ang pagpapadala sa bugso ng damdamin.
35
Pagsusuri Sa Akda: 1.Bakit mas pinili ni Simoun na manuluyan sa tahanan ni Tales? Mas pinili ni Simoun na manuluyan sa tahanan ni Tales dahil ito ay nasa pagitan ng San Diego at Tiyani, kaya naman mas marami ang mamimili ng kaniyang mga alahas. 2. Paano inakit ni Simoun ang mga mamimili niya? Inakit ni Simoun ang mga maimili niya sa paraang pagbanggit ng mga pinagmulan nito. Nagbanggit siya ng mga nakamamanghang lugar at mga tauhan na huling nagmay-ari ng mga alahas na dala-dala niya. 3. Napakahalaga ba ang agnos upang palitan ni Simoun ng mga pambihirang hiyas? Bakit? Oo, napakahalaga ang agnos na iyon para kay Simoun upang palitan niya ng mga pambihirang hiyas dahil pagmamay-ari iyon ng kaniyang kasintahang si Maria Clara. 4. Ipaliwanag ang tunay na layunin ni Simoun kaya ipinakikita kay Tales ang lakas ng kanyang baril. Sa pagtatapos ng kabanata, nagalak si Simoun kay Kabesang Tales dahil nalaman niyang kinuha ang rebolber na ipinakita sa kanya. Nabalitaan niyang hindi bumalik si Tales ng gabing iyon dahil, pinatay niya ang prayle at ang bagong may-ari ng lupa dahil sa galit. Ayon kay Simoun, ang rebolber na iyon ay sumasagisag sa inilaan na pamamaraan ni Tales laban sa mga prayle. Ang pagkuha ng baril na iyon ay nangangahulugan lamang na tinanggap ni Tales ang alok ng giyera ni Simoun. 5. Makatwiran ba ang ginawa ni Tales sa mga pinagbigyan ng lupain at kay Padre Clemente? Panindigan. Hindi ito makatuwiran sapagkat anuman ang ating nararamdaman o kung gaano man kalalim ang ating galit, hindi pa rin tama na pumatay ng tao dahil dito. Anuman ang sitwasyon, dapat nating tandaan na nasa tamang pag-iisip tayo upang maiwasan ang paggawa ng mga naturang pagkilos na maaaring magresulta sa mga kahihinatnan. IMPLIKASYON: 6. Iugnay kay Tales ang kasabihang, "ang taong nagigipit, sa patalim ay kumakapit". Sa loob ng panipi, si Tales ay dumaan na sa pagiging gipit. Sa kaniyang pagkagipit, marami na ang dumaan sa kaniyang utak hanggang sa napakapit na siya sa patalim. Maitutulad din ito sa mga hayop na kapag sila’y napapaligiran, sila’y papalag at ipaglalaban ang sarili. At bakit nga ba na si Tales maiuugnay dito, namatay ang kaniyang asawa’t anak, at si Juli ay nagpaalila dahil lamang sa pagnanakaw ng mga prayle sa kaniya. Ang kaniyang galaw na sumunod ay ang pagkuha ng rebolber ni Simoun at pagpatay sa prayle, sa lalaking ibinigay ang lupa, at sa asawa nito.
36 7. Bakit sinabi ng mag-aalahas na ang mga hiyas ay sapat nang lumunod sa buong Pilipinas? Ito ay ayon sa kanya na sinabing nasa kanya ang kapangyarihan. Siya’y may lason at lunas; Siya ang buhay at kamatayan; Siya raw ay may lakas na kayang magdulot ng kalagiman sa Pilipinas. Isa sa maaaring dahilan nito para mahikayat si Tales na bumili o magbenta sa kanya ng mga alahas. Dahil itong si Tales ay walang maipambili, inalam niya na kung siya ay maibebenta sa mag-aalahas. Maaaring hinikayat lamang ni Simoun si Tales dahil sa hinahanap nitong alahas o laket ni Maria Clara. 8. Bigyan ng sariling pagkukuro ang pagkuha ni Telesforo sa baril ni Simoun at pag-anib sa mga tulisan. Sa galaw ni Telesforo, ang pagkuha ng baril ni Simoun, ay magagamit sa pagpaslang sa mga kaniyang nais patayin. Ang paggamit ng rebolber ang kaniyang sinimulang gamitin sa pagpatay sa prayle, sa lalaking ibinigay ang kaniyang lupa at asawa nito. Ang pagpaslang sa prayle ay maaaring gamitin niya para siya ay pagkatiwalaan ng mga tulisan. Siya ay hindi makakapaganib sa mga ito kung wala siyang ebidensya sa pagiging tulisan. Ang pag-anib sa mga ito ay makatutulong sa kaniyang balak sa paghihiganti.
37
Kabanata 11: Los Baños
Buod: Sa isang mala paraisong lugar sa Los Baños ay nagtipon-tipon ang KapitanHeneral, si Simoun, Don Custodio, Ben Zayb, mga prayle, at iba pang kawani at opisyal ng pamahalaan. Pinag-usapan nila ang mahahalagang bagay; paglipat at pagtatanggal sa mga posisyon ng mga namumuno sa bayan; pagpapasa ng mga panukala; at iba pang usapin para sa bansa habang naglalaro ng baraha. Ang pinakahuli nilang pinagtalunan ay ang kahilingan ng mga mag-aaral tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila. Magkakaibang mga pananaw at paniniwala ang nagpalit-palitan sa mga taong kabilang sa pulong. Sa kabanatang ito masasalamin ang paraan ng pamumuno ng Kapitan-Heneral at kung paano siya makitungo sa kanyang mga nasasakupan.
Mensahe: Huwag magpadalos-dalos sa pagdedesisyon lalo na kung mayroong ibang taong maaapektuhan nito. Pag-isipang mabuti ang iyong mga pasya, alalahanin ang kapakanan ng ibang tao, at sundin ang mas makabubuti para sa nakararami.
38
Pagsusuri Sa Akda: 1. Paano mo ilalarawan ang Kapitan-heneral bilang isang pinuno? SI kapitan heneral ay ang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan; nais niyang magpakita ng kasipagan at pagpapahalaga sa oras kaya ginagawa niya ang importanteng pagpapasiya habang naglilibang. Larawan siya ng pinunong pabigla-biglang humahatol at hindi alintana ang kapakanan ng kaniyang pinamumunuan. 2. Isa-isahin ang mga paksang pinag-usapan sa Los Baῆos. Ang mga paksang pinagusapan sa Los Baῆos ay ang paglipat at pagtatanggal sa mga posisyon ng mga namumuno sa bayan, pagpasa ng mga panukala katulad na lamang ng panukala ng mga mag-aaral na magpatayo ng paaralan para sa Akademya ng wikang Kastila, at iba pang usapin para sa bansa. 3. Ipaliwanag ang pagiging marangal ng mga tulisang bundok kaysa sa mga tulisangbayan. Ang mga tulisan sa bundok ay marangal sapagkat ang tanging kinuha lamang nila kay Simoun ay ang kaniyang dalawang rebolber at kinamusta pa ng mga ito ang heneral. Hindi nila sinamantala ang sitwasyon at sa halip ay pinalaya na lamang si Simoun nang hindi man lamang kinuha ang kaniyang mga mamahaling alahas. Samantalang ang mga tulisan sa bayan at siyudad ay mapagsamantala at brutal. 4. Makatotohanan ba sa kasaysayan ang di-pagnanais ng Pamahalaang Kastila na manatiling mangmang ang mga indiyo? Bakit? Hindi makatotohanan sa kasaysayan ang hindi pagnanais ng Pamahalaang Kastila na manatiling mangmang ang mga Indiyo sapagkat ayon sa kasaysayan, sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas dahil sa kanilang kagustuhang palawakin ang Kristiyanismo at nais nilang manatiling mangmang ang mga Indiyo upang mas mapadali ang pananakop sa bansa. 5. Ano ang opinyon at reaksiyon ng mga sumusunod hinggil sa hiling ng mga mag-aaral na pagbubukas sa pagtuturo ng wikang Kastila? a. Padre Sibyla- salungat siya sa pagpasa ng panukala na magkaroon ng akademya ng pagtuturo ng wikang kastila. b. Simoun- salungat din siya sa pagpasa ng panukala na magkaroon ng akademya ng pagtuturo ng wikang Kastila sapagkat ayon sakaniya ay makakalimutan lamang ng mga Indiyo ang sariling katutubong wika. c. Padre Camorra- ayon sa kaniya ay Pilibustero raw ang mga guro kaya siya ay hindi sangayon sa pagpapatayo ng akademya para sa pagtuturo ng wikang Kastila. d. Padre Irene- siya ang nilalapitan ng mga mag-aaral upang maipasa ang panukalang magkaroon ng akademya ng pagtuturo ng wikang Kastila kaya sang-ayon siya rito.
39 e. Padre Fernandez- siya ay sang-ayon sa panukala sapagkat bukas ang kaniyang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon ng mga mag-aaral. f. Mataas na Kawani- siya ay mayroong mabuting kalooban para sa kapakanan ng mga makabagong mag-aaral na nagsusulong ng pagtuturo ng wikang Kastila kaya naman pinaglaban niya ito sapagkat makatwiran ang kanilang kahilingan at wala silang karapatang hindi dinggin ito dahil lamang sa mga sabi-sabi. IMPLIKASYON: 6. Paano kaya sa iyong palagay maiiwasan ang panunuyo o paninipsip ng mga Pilipino sa mga may katungkulan? Sa aking palagay ay nararapat lamang na iwasan ng mga Pilipino ang pagiging mangmang at ang pagsipsip sa mayroong kapangyarihan at matutunang ipaglaban ang kanilang sariling karapatan . 7. Dapat nga kayang magsikap ang mga kabataan para sa kanilang pagkatuto? Bakit? Nararapat lamang na magsikap ang mga kabataan sa kanilang pagkatuto sapagkat kailangan nilang magpursigi para makamit ang kani-kanilang mga pangarap.
40
Kabanata 12: Si Placido Penitente
Buod: Palaisipan sa magulang at kababayan ni Placido Penitente ang kanyang pasiyang huminto sa pag-aaral. Hindi basta-bastang estudyante si Placido. Matalino at bantog siya sa paaralan ni Padre Valerio. Wala siyang bisyo at kasintahan na maaaring magyakag sa kanya ng kasal. Isa sa mga kaklase niya ay si Juanito Pelaez. Siya ang sumubok sa pasensiya ni Placido bilang mag-aaral. Si Placido ang tanungan niya tungkol leksiyong pinag-aralan sa klase. Sa akda ay mababasa ang ilang mga tagpo sa kanilang paaralan at gayundin ang iba't ibang uri ng mag-aaral dito.
Mensahe: Huwag basta bastang magtitiwala kung kani-kanino at maging matalino sa bawat desisyon na iyong gagawin sa buhay; Magsumikap na makapagtapos sa pag-aaral dahil ito ay isang bagay na kahit sino ay hindi kayang alisin o kunin sa iyo; Huwag mong ibaba ang sarili sa mga taong hindi ka pinapahalagahan o binibigyang pansin. Ang hindi pantay-pantay na turing ng mga guro sa mag-aaral na hindi nararapat sapagkat ito ay nagiging dahilan ng pagkawala ng kawilihan ng mga mag-aaral at at ng hindi paggalang ng mga ito sa mga guro.
41
Pagsusuri Sa Akda: 1. Bakit kaya nais ni Placido na tumigil sa kanyang pag-aaral? Nais ni Placido na tumigil sa kaniyang pag-aaral sapagkat apat na taon nang siya’y nag-aaral ngunit di pa siya nakikilala at napapansin ng mga guro gayong lagi siyang nag-aaral ng leksyon. Hindi sana gaanong masakit sa kanya kung siya’y walang hangad kundi ang pumasa. Ngunit siya’y matalino, ibig niyang matuto. Siya ang idolo sa katalinuhan sa kanilang bayan. 2. Paghambingin ang mga katangian ng mga mag-aaral sa iba-ibang paaralan. Ang mga taga-Ateneo ay nakadamit Europeo, matuling lumakad, kilik ang mga aklat at iniisip ang kanilang mga leksyon. Ang mga taga-San Juan de Letran ay nakadamit Pilipino at kaunti ang dalang aklat ngunit marami ang kanilang bilang. Ang mga tagaPamantasan naman ay maayos manamit at baston ang dala-dala sa halip na libro. Ang mga kababaihang estudyante ay bitbit ang mga aklat kasunod ang kanilang mga alila patungo sa “Escuela Municipal”. 3. Makatwiran ba ang paraan ng pakikitungo ng mga mag-aaral sa guro noon upang makapasa sa pag-aaral? Bakit? Hindi makatwiran ang paraan ng pakikitungo ng mga mag-aaral sa guro noon upang makapasa sap ag-aaral sapagkat ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan at estado sa buhay upang makapasa. 4. Kung ikaw si Placido, gagawin mo bang kunin ang atensyon ng iyong guro sa paglikha ng ingay sa klase para mapansin? Katwiran. Kung ako si Placido ay hindi ko gagawin ang pagkuha sa atensyon ng guro sa paglikha ng ingay sa klase upang mapansin sapagkat kung makilala man ako ng guro ay tiyak na maaalala niya ang aking nagawang kabastusan at hindi ang aking pagiging mabuting estudyante. 5. Bigyang-liwanag ang paniniwalang ang guro ay may malaking kinalaman sa paghubog sa kabataan. Ang guro ay mayroong malaking kinalaman sa paghubog sa kabataan sapagkat ang eskuwelahan ay ang pangalawang bahay ng mga mag-aaral at ang mga guro ay ang kanilang pangalawang magulang. Maraming panahon ang pananatili ng mga mag-aaral sa eskwelahan kaya tiyak na naiimpluwensyahan sila ng mga pangyayari rito at kasama na roon ang paraan ng pakikitungo sa kanila ng mga guro.
42 42
IMPLIKASYON: 6. Bakit kailangang harapin ng isang mag-aaral ang kanyang pag-aaral? Kailangang harapin ng isang mag-aaral ang kaniyang pag-aaral upang siya ay matuto at maging handa sa buhay kapag siya ay tumanda na. Ang mga pag-aaral ang magtuturo sa kanila ng mga leksyon na maaari nilang maiugnay sa hinaharap. 7. Ipaliwanag ang kahinaan ng pagtuturo noon kaysa sa ngayon? Noon ay mayroong karapatan ang guro sa pagdidisiplina ng mga estudyante katulad na lamang ng pamamalo o pagpapaluhod sa mga mag-aaral ngunit sa kasalukuyang panahon ay binibigyang halaga na ang mga karapatan ng mga estudyante. Sa pagtuturo noon ay gumagamit lamang ng mga panulat at manila paper ngunit ngayon ay gumagamit na ng iba’t ibang teknolohiya.
43
Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika
Buod: Isang propesor sa Kimika at Pisika si Padre Millon. Ito ay isang araling nangangailangan ng praktikal na pagtuturo at mga pagsasanay sa kaalaman para sa pagsubok na panlaboratoryo. Hindi karaniwang silid-aralan ng Kimika at Pisika ang makikita sa kanyang silid-aralan. Wala itong larawan o anumang kagamitang pang-agham o iba pang gamit-pampagtuturong kakailanganin ng mga mag-aaral upang higit na matuto at mapakinabangan nila ang aralin. Hindi naman hinanap ng mga mag-aaral ang mga kagamitang ito dahil tinanggap lamang nila ang anumang paraan ng guro sa pagtuturo. Makikilala rito ang iba't ibang uri ng mag-aaral sa pagharap nila sa kakaibang sistema ng edukasyon na ipinakilala ni Padre Millon.
Mensahe: Ang guro ay dapat magsilbing mabuting halimbawa sa kanyang mag-aaral at pantay-pantay dapat ang pagturing sa bawat isa upang magabayan sila ng tamang mga kaalaman sa buhay. Ang mga mag-aaral naman ay dapat mayroong respeto sa pagsagot sa kanilang mga guro at matutong ipaglaban ang kanilang mga sarili kung sila ay nasa tama.
44
Pagsusuri Sa Akda: 1. Ilarawan ang silid-aralan sa Pisika. Isang silid na taluhaba ang silid ng klase. Ang upuan ay parang hagdan na tatlong baytang at nakapaligid sa 3 panig ng silid. Sa isang dulo ng silid ay ang hapag ng guro na sa likod ay ang pisarang may nakasulat na Viva! na naroon mula pa nang unang araw ng pasukan sa taong iyon. Walang palamuti ano man ang mga dingding na bato. May mga kasangkapan sa pisika ngunit ito ay nakasusi sa isang aparador na may salamin at kung gamitin man ay ipinakikita lamang sa klase mula sa malayo tulad ng Santisimo ng Pare. 2. Paano mo ilalarawan naman si Padre Millon bilang isang guro? Si Padre Millon ay ipinasasaulo nang walang labis at walang kulang ang mga aralin at hindi ipinaliliwanag sa kaniyang mga estudyante. Siya ay pasulyap sulyap lamang sa mga aklat ng kimika at pisika na karamihan ay hindi pinanaligan at magtuturo ng mga asignaturang ito sa paraan ng pilosopiya. Siya rin ay nagtutungayaw at nagmumura sa estudyante 3. Matatawag ba siyang mahusay na guro? Ipaliwanag ang iyong sagot. Si Padre Millon ay hindi maituturing na isang mahusay na guro sapagkat siya man ay hindi sigurado sa kanyang mga itinuturo at kadalasan ang pagtuturo ay nauuwi sa leksyon ukol sa makamandag na kasarian ng isang guro. Sa mga diskusyon, mahahalata na siya ay may katamaran sapagkat nais niya na siya lamang ang nagtatanong at hindi niya nais na matanong. Sa mga hindi makagagawa ng kanyang mga ipinag uutos, ang mga ito ay tiyak na masisigawan at mamumura pag uugali na hindi dapat taglayin ng isang gurong katulad niya. 4. Mayroon pa ba ang tulad ni Padre Millon sa panahong ito? Magbahagi ng isang pagkakataong na magpapatunay rito. Sa kasamaang palad ay mayroon pa ring katulad ni Padre Millon sa panahong ito. Maaaring mayroong mga ganitong klaseng guro sa ibang paaralan at sa ibang bansa sapagkat hindi nila tinutupad ang kanilang mga tungkulin sa mabuting paraan at pinagmamalabisan ang mga magaaral. 5. Anong sistema ng edukasyon noon ang masasabi mong nananatili pa rin hanggang ngayon? Sa Sistema ng edukasyon noon hindi maaaring magsama sa iisang paaralan ang mga babae at lalaki. Nananatili pa rin ang ganitong Sistema hanggang ngayon ngunit mayroon na ring paaralan na pinapayagang nasa iisang paaralan ang mga babae at lalaki. 6. Makatutulong ba ng sistemang ito sa pagsulong ng kalidad ng edukasyon?Ipaliwanag ang iyong sagot. Ang ganitong Sistema ay makatutulong sa pagsulong ng kalidad ng edukasyon depende sa mga estudyante sapagkat ang mga mag-aaral ay mayroong iba’t ibang personalidad at ang iba ay maaaring mas makakapag-aral ng wasto kung puro babae o lalaki lamang ang paaralan at mayroong ibang mas gugustuhing mayroong parehas na babae at lalaki.
45 7. Kung ikaw si Placido Penitente, gagawin mo rin ba ng kanyang ginawa? Bakit? Kung ako si Placido Penitente ay hindi ko gagawin ang kaniyang ginawa at sa halip ay aking susubukang makipag-usap sa aking guro sa mahinahon na paraan. 8. Ano ang kinahinatnan ni Placido Penitente? Maghinuha. Sa aking palagay ay ibabagsak ng guro si Placido Penitente sa kaniyang klase sapagkat nakitaan niya ito ng pagiging bastos at pagsagot sa mga guro. IMPLIKASYON: 9. Bigyan ng reaksiyon ang pagtatalo ni Placido at ng kanyang guro ukol sa pagtatala ng liban sa talaan. Ako ay nagulat sa paraan ng pakikipagtalo ni Placido sa kaniyang guro ukol sa pagtatala ng liban sa talaan ngunit sa aking palagay ay mas nararapat niyang kausapin ang guro sa mahinahon na paraan at ipaliwanag ang kaniyang opinyon ukol dito.
46
Kabanata 14: Ang Tirahan ng Mag-aaral
Buod: Nagsama-sama ang makabagong mag-aaral sa tahanan ni Makaraig. Dito sila nagpahayag ng kani-kanilang damdamin sa kalalabasan ng kanilang kahilingan sa pag-aaral ng wikang Kastila. Maunawaang magkakaiba ang pananaw ng mga kabataan sa pagbubukas ng akademya kung kaya nag-isip sila ng iba't ibang paraan kung paano nila mapahihinuhod ang mga nasa katungkulan na pagbigyan ang kanilang kahilingan. Matututunan din dito ang buhay ng mga estudyante noon at kung paano ang mabuhay sa panahong iyon. Mabubuksan ang kaisipan ng mga mag-aaral tungkol sa pamamahala ng mga prayle sa paaralan.
Mensahe: Lahat tayo ay may sariling karapatan, katarungan at kalayaan. Ang bawat isa ay pantay-pantay at mayroong mga pangarap sa buhay, walang sinuman ang maaaring magpatigil sa ambisyon na nais nating makamit upang maisakatuparan ito. Mayroon tayong magagawa upang makuha natin ang magandang kinabukasan para sa ating mga sarili, kagaya sa ipinakita ng mga kamag-aral, nais nilang magpatayo ng Akademya ng wikang Kastila upang mas lumawak ang kaalaman ng mga kabataan at sa gayon makamit ang pangarap nila. Ipinapakita sa kabanatang ito na mulat ang mga kabataan sa kanilang mga karapatan, kalayaan, at katarungan.
47
Pagsusuri Sa Akda: 1. Ilarawan ang tahanan ni Macaraig? Malaki ang bahay na tinitirahan ng estudyanteng si Makaraig. Maluwag ang bahay na ito at puro binata ang nakatira na pawang nangangasera. Iba-iba ang kanilang edad at pag-uugali. 2. Ano ang pinag-uusapan sa bahay ni Macaraig? Sino-sino ang mga dumalo sa pulong? Pinag-usapan nila ang tungkol sa kanilang adhikain, ang pagpapatayo ng akademya para sa wikang Kastila. Napagkaisahan din ng lahat na piliin ang manananggol o si Ginoong Pasta upang maging marangal ang kapamaraanan. Ang mga dumalo sa pulong ay sina Isagani, Sandoval, Pecson, Pelaez, at Makaraig. 3. Ano ang damdamin ng mga estudyanteng sina Isagani, Sandoval, at Pecson ukol sa kanilang hiling? Mananalig sina Isagani at Sandoval na pagbibigyan hiling, samantalang nagaalinlangan si Pecson. 4. Sa iyong palagay, totoo kayang maka-Pilipino at pusong Pilipino si Sandoval na isang tunay na Espanyol? Patunayan ang iyong sagot. Sa aking palagay ay totoong maka-Pilipino at pusong Pilipino si Sandoval na isang tunay na Espanyol sapagkat siya ay larawan ng Kastilang mayroong malasakit at pagpapahalaga sa mga Pilipino. 5. Ano-anong paraan ang kanilang nais upang mapagbigyan at makapasa ang kanilang hiling sa kinauukulan? Kakailanganin nilang mapasang-ayon si Don Custodio na isa sa mga kataas-taasang lipon ng paaralan sa kanilang panig. Dalawang paraan ang kanilang naisipupang pumanig sa kanila si Don Custodio, si G. Pasta isang manananggol at si Pepay na isang mananayaw na matalik na kaibigan ni Don Custodio. Napagkaisahan ng lahat na piliin ang manananggol upang maging marangal ang kapamaraanan.
48
6. Kung ikaw ay kabilang sa samahan ng makabagong mag-aaral, paano mo haharapin ang isang kahilingang alam mong magdaraan sa butas ng karayom? Kung ako ay kabilang sa samahan ng makabagong mag-aaral ay haharapin ko ang isang kagilingang alam kong magdaraan sa butas ng karayom sa pamamagitan ng hindi pagsuko hanggat hindi ko nakakamit ang aking adhikain. IMPLIKASYON: 7. Makatwiran ba sa mga kabataan na humanap ng paraan upang mapasulong ang kaalaman? Bakit? Makatwiran sa mga kabataan ang humanap ng paraan upang mapuslong ang kaalaman sapagkat ang kabataan ang pag-asa ng bayan at kailangan nilang matutong tumayo sa kanilang sariling paa at ipaglaban ang pagbabago.
49
Kabanata 15: Si Ginoong Pasta
Buod: Isang bantog na manananggol si Ginoong Pasta. Siya ang sinasangguni ng matataas na tao tungkol sa mahahalagang pasiya kaya lumapit Isagani sa kanya upang magpatulong kung paano makukumbinsi ang mga nasa 'katungkulan na pagbigyan ang kanilang kahilingan. Naging seryoso ang naging pag-uusap nina Isagani at Ginoong Pasta. Sinikap ni Isaganing maipaliwanag nang maayos sa nakatatandang abogado ang kanyang pakay sa pag-asang sasang-ayon siya sa kanilang piano. Ngunit siya ay nabigo. Mas minabuti ni Ginoong Pasta na manahimik at ipaunawa sa binata na ang pamahalaan ang higit na nakakaalam kung ano ang makabubuti sa mga mamamayang nasasakupan nito. Ang mga pananaw na ito ay labis na nakapagdulot ng panlulurno sa binata at sila'y naghiwalay na kapwa naninimdim.
Mensahe: Madalas na tumitingin ang mga tao sa mga pansariling kagustuhan at hindi iniisip ang kapakanan ng bayan. Dahil dito ibinabahala na nila ang kabutihan ng nakararami. Ang talas ng isip ng tao ay magagamit sa kabutihan ngunit kung minsan ay pinipili na lamang ng iba na manahimik upang hindi masangkot sa mga gulo. Nararapat lamang na ating isipin din ang kapakanan ng nakararami at hindi lamang ang pansariling kagustuhan.
50
Pagsusuri Sa Akda: 1. Sino si Ginoong Pasta? Paano mo siya ilalarawan bilang isang abogado? Si Ginoong Pasta ay isang kilalang abogado at tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal, siya ang nilapitan si Isagani upang makiusap na kung maaari ay mamagitan sa pagsang-ayon sa kanila kung sakaling sumangguni si Don Custodio. Si Ginoong Pasta ay isang abogado na pansariling kapakanan lamang ang iniisip at nagnanais na manatiling sakop ng mga Kastila ang Pilipinas. 2. Ano ang hangarin ng mga mag-aaral sa paglapit ni Isagani sa abogado? Ang mga mag-aaral ay lumapit sa kay Ginoong Pasta sapagkat hangad nilang makiusap dito na kung maaari ay mamagitan sa pagsang-ayon sa kanila sa pagpapatayo ng Akademya ng wikang Kastila kung sakaling sumangguni rito si Don Custodio. 3. Bakit hindi sang-ayon si Ginoong Pasta sa isinusulong ng mga mag-aaral? Hindi sang-ayon si Ginoong Pasta sa isinusulong ng mga mag-aaral sapagkat nais niyang manatiling sakop ng mga Kastila ang Pilipinas at maging sunud-sunuran ang mga Pilipino sa mga ito. Iniisip niya lamang ang kaniyang sariling kapakanan at hindi alintana ang kapakanan ng buong bayan. 4. Ano ang kanyang ipinayo kay Isagani sa halip na ipagpatuloy ang kanilang adhikain? Sang-ayon ka ba rito ukol sa pag-aaral panggagamutan at pag-aasawa ? Bakit? Ipinayo ni Ginoong Pasta kay Isagani na maging katulad siya nito na iniisip lamang ang pansariling kaligayahan at hayaan na ang ibang tao. Pinayuhan niya ito na maghanap ng magandang trabaho at mag-asawa ng isang mayaman at masambahing dalaga. Ako ay hindi sang-ayon dito sapagkat nais lamang ng abogado na maging makasarili si Isagani at isipin lamang ang pansariling kaligayahan ngunit nais ni Isagani na makatulong sa bayan. 5. Sa iyong palagay, nararapat pa bang humingi ang mga mamamayan sa pamahalaan ukol sa kanilang mga pangangailangan? Ipaliwanag. Sa aking palagay ay nararapat lamang na humingi ang mga mamamayan sa pamahalaan ukol sa kanilang mga pangangailangan sapagkat ito ang kanilang tungkulin, ang mamuno at magpatupad ng mga batas na makabubuti para sa bayan. Mayroon din tayong karapatan na kwestiyunin ang mga pagkukulang ng pamahalaan sapagkat tayo ang lubos na naaapektuhan ng bawat pasya ng nakatataas.
51
Kabanata 16: Mga Kapighatian ng Isang Intsik
Buod: Si Quiroga, isang negosyanteng Intsik na naghahangad magkaroon ng konsulado ang kanyang bansa ay naghandog ng isang hapunan. Dinaluhan ito ng mga tanyag na panauhin, mga kilalang mangangalakal, mga prayle, mga militar, mga kawani ng pamahalaan, gayun din ang kanilang mga suki. Dumating si Simoun at nang singilin niya si Quiroga sa utang na siyam na libong piso, sinabi nitong nalulugi siya. Inalok ni Simoun na bawasan ng dalawang libong piso ang utang ni Quiroga kung papaya gang intsik na itago sa kanilang bodega ang mga armas na dumating. Hindi raw dapat mangamba ang Intsik, sapagkat ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay gaagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango. Siya ay lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitang sumang-ayon si Quiroga. Ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo. Sa pulutong ng mga pari, ay pinag-uusapan nila ay tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya sa Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds. Mensahe: Ang mensahe na nakapaloob sa kabanatang ito ay kahit may pangangamba mang nararamdaman ang isa, dahil sa kagipitan o mga sitwasyong wala nang ibang natitirang paraan, mapapasubo nalang ito sa mga bagay na magpapagaan ng kanilang sitwasyon, malagay man sa panganib ang kanilang sarili.
52
Pagsusuri Sa Akda: 1. Sino si Quiroga? Ano ang kanyang hangad sa Pilipinas? Si Quiroga ay ang negosya instik na tumulong kay Simoun upang itago ang kaniyang mmga armas. Ang hangad ni Quiroga ay ang magkaroon ng konsulado ang bansang Pilipinas. 2. Bakit dumaraing ang mga mangangalakal kay Simoun? Dumaraing ang mga mangangalakal kay Simoun dahil alam nilang malapit ito sa Kapitan Heneral. Nais ng mga mangangalakal na iparating ang kanilang mga hinaing ukol sa kalagayan ng kalakalan at magawan ng solusyon sa pamamagitan ni Simoun. 3. Paano nagkaroon ng malaking utang si Quiroga kay Simoun? Nagkaroon ng malaking utang si Quiroga kay SImoun dahil kumuha siya ng tatlong pulseras kay Simoun na ibinigay sa isang magandang babaeng kaibigan ng isang makapangyarihang lalaki at hindi na nakapagbayad muli. 4. Anu-ano ang kapighatian ng isang Intsik? Bakit kaya nangyari ang mga ganitong kalungkutan sa kanyang buhay? Makatotohanan nga ba ito? Maghinuha. Ilan sa mga kapighatian ng isang Intsik ay ang pagkalugi ng kaniyang negosyo at ang malaking utang nito kay Simoun. Dahil sa kaniyang pagiging mayabang at kawalan ng malay sa kaniyang paligid at mga tao, siya ay napagkaisahan ng pinagbigyan niya ng pulseras. Oo, totoo ito dahil sa kakulangan ng pag-iisip ng mga tao ay agad-agad nilang ginagawa ang isang bagay na hindi man lang pinag-iisipan nang mabuti. 5. Ano ang pagkakaiba ng pangangalakal ng mga Pilipino sa mga Intsik? Alin ang mas Mabuti? Bakit? Ang pangangalakal ng mga Instik ay mayroong maraming koneksyon sa mga makapangyarihan na tao kaya agad silang umuunlad, habang sa mga Pilipino naman ay nagsasariling sikap upang lumago ang kanilang kalakal. Mas mabuti ang pangangalakal ng Intsik sapagkat marami silang koneksyon, kahit lumabas sila sa bansa nila at magtayo ng negosyo sa Pilipinas ay uunlad pa rin. 6. Ano ang tunay na layunin ni Simoun sa paglalagay ng mga armas sa bahay-bahay? Ibig nga lang ba niyang pagkakitaan ito? Ipaliwanag. Ang tunay na layunin ni Simoun sa paglalagay ng mga armas sa bahay-bahay ay para kung magkaroon ng mga pagsisiyasat ay marami ang mabilanggo at makakakita rin ng pera at paglalabas nila. Sa tingin ko ay hindi lamang niya ibig pagkakitaan ito bagkus ay isasangkot niya rin sa kaniyang plano.
53 IMPLIKASYON: 7. Paano maaaring ibagsak ng panunuhol ang ekonomiya ng isang bansa? Maaaring ibagsak ng panunuhol ang ekonomiya ng isang bansa sa pamamagitan ng hindi pagpantay-pantay ng mga kayamanan ng mga mamamayan dahil sa mga manunuhol. Madali lang ito lalo na para sa mga mayayaman na bilhin ang kanilang hangarin kapalit sa malaking pera. 8. Kailan nga kayang panuyuan ng mga mamamayan ang mga tao sa pamahalaan? Katwiranan. Kapag naging mayaman na ang mga mamamayan, kaya na itong panuyuan ang mga tao sa pamahalaan. Ayon sa kabanatang ito, kaya pinapaboran ng mga tao sa pamahalaan ang mga Intsik ay dahil mga negosyante ito at alam nilang marami silang matatanggap na pera kapag ginawa nila ito.
54
Kabanata 17: Ang Perya Sa Quiapo
Buod: Umalis na sa bahay ni Quiroga ang labindalawang bisita niya. Ngayon naman ay pupunta sila sa isang peryahan sa Quiapo at sa bahay ni Mr. Leeds. Aliw na aliw ang pari na si Padre Camora sa mga babaeng nakikita niya sa peryahan. Kilala kasi bilang makamundo ang prayleng iyon. Lalong nadagdagan ang kaniyang tuwa nang makasalubong si Paulita Gomez. Kasama nito ang kaniyang tiyahin na si Donya Victorina. Iyon lang, kasama din nila si Isagani na katipan ni Paulita. Nakarating sila sa isang tindahan ng mga rebultong kahoy. Doon ay nagsabihan ng mga kahawig ng estatwa ang mga kasama ni Mr. Leeds. Sabi ng isa na ang estatwa ay kahawig ni Ben Zayb habang ang isa naman daw ay kahawig ni Camora dahil maraming likha ang mga kahawig ng pari. Mayroon silang nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Wala sa paligid ang alahero kaya napag-usapan nila ito. Nagwika naman si Ben Zayb na baka natatakot lamang si Simoun na mabunyag ang lihim ng kaibigan si Mr. Leeds. Mensahe: Ang mensaheng nakapaloob sa kabanatang ito ay huwag maging mapanghusga o ibatay lamang ang mga kakayahan ng isa sa kaniyang estado sa buhay. Wala mang pinag-aralan ang isang tao, maaari pa rin silang maging maalam at magaling sa ibang bagay.
55
Pagsusuri Sa Akda: 1. Paano mo ilalarawan ang perya sa Quiapo? Ang perya sa Quiapo ay puno ng buhay, maraming kumikinang na palamuti at maingay dahil sa mga tugtugin at masaya. 2. Bakit galak na galak si Padre Camorra nang gabing iyon? Marami pa bang katulad si Padre Camorra sa ngayon? Galak na galak si Padre Camorra nung gabing iyon dahil marami siyang nasisilayang magagandang kababaihan. Sa panahong ngayon, mayroon at marami pa ring tulad ni Padre Camorra. 3. Ano ang dahilan ng pagkayamot ni Isagani? Ano ang iyong masasabi ukol rito? Nakaramdam ng pagkayamot si Isagani dahil sa mga kalalakihang tumititig sa kaniyang kasintahang si Paulita. Sa aking palagay ay tama lang na maramdaman ito ni Isagani lalo na’t ang kaniyang kasintahan ang usapan. Hindi man niya alam ang iniisip ng mga tumitingin kay Paulita ay nakikita na niya na marumi ang kanilang intensyon. 4. Ano ang nais isagawa o patunayan ni Ben Zayb at ng iba pang prayle kaya gustong makipagkita kay Mr. Leeds bago ang palabas? Nais ni Ben Zayb na patunayan na isang kadayaan lamang ang itatanghal na espinghe ni Mr. Leeds kaya nais niyang makipagkita rito bago ang palabas. 5. Ano ang iyong masasabi ukol kay Ben Zayb bilang mamamahayag? Si Ben Zayb ay isang makapangyarihan at huwad na mamamahayag. Handa siyang magsulat ng di makatotohanang kuwento na maaaring makasira ng isang tao at masunod ang pansariling hangarin. 6. Bakit biglang Nawala si Simoun? Ano ang sinabi ni Don Custodio ukol dito? Biglang nawala si Simoun dahil tumungo ito sa tanggapan ng kontrabandong kaniyang ipinadala. Wala sinabi at nanahimik lamang si Don Custodio sa pagkawala ni Simoun. IMPLIKASYON: 7. Anu-anong mga kaugaliang Pilipino ang makikita sa pagdaraos ng Pista? Ilahad. Ang kaugaliang Pilipino na makikita rito ay ang pagiging masining ng mga Pilipino. Sa kabanatang ito ay kakikitaan ng mga nililok na pigurin ng mga Pilipino na mayroong mga sinisimbolo.
56 8. Anu-anong pag-uugali ng alagad ng Diyos ang tinutuligsa sa kabanatang ito? Ipaliwanag. Ang mga pag-uugali ng alagad ng Diyos na tinutuligsa sa kabanatang ito ay ang pagkakaroon ng pagnanasa sa mga dalaga at ang mga pangungutya sa sining ng mga Pilipino. Makikita na ang mga prayle ay nakaramdam ng ibang tuwa dahil sa mga magagandang dalagang nasilyan nila sa perya at gumagawa ng paraan para lang mapalapit sila sa mga ito. Tinawanan lamang nila ang mga nililok na pigurin ng mga Pilipino nang hindi pinag-iisipan kung ano ba talaga ang kahulugan nito at sinabi pang gawa ng mga indiyo dahil lamang hindi niya naiintindihan ang tunay na simbolismo nito.
57
Kabanata 18: Ang Kadayaan
Buod: Sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin sa kanyang perya. Bago nagsimula ang palabas, nagsiyasat si Ben Zayk upang Makita ang salamin sa kanyang inaasahang matagpuan, ngunit wala siyang nakita. Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at may dalang kahong kahoy sa kanyang pagbabalik. Ipinaliwanag niya na ito ay natagpuan naiya sa isang libingang nasa-piramid ni Khufu, isang Paraon ng Ehipto. Ang kahon ay may lamang abo at kapirasong papiro na kinasusulatan ng dalawang salita. Sa pamamagitan ngpagbigkas ng unang salita ang abo ay nabubuhay at nakakausapang isang ulo at pagbanggit ng ikalawang salita ito ay babalik sa dating kinalalagyan nito. Bumigkas ng isang salita si Mr. Leeds, lumabas ang isang ulo at sinabi nitong siya si Imuthis. Siya ay umuwi sa sariling bayan pagkatapos ng pagaaral at mahabang paglalakbay. Sa kanyang pagdaraan sa Babilonia ay nabati niya ang isang lihim na hindi ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon kundi si Gautama, isang magnanakaw ng kapangyarihan at namamahala sa tulong ng pandaraya. Sa katakutang isumbong siya kay Cambises ay binalak ang ikakasawi ni Imuthus sa tulong ng mga saserdoteng Taga-Ehipto na siyang nakapangyayari noon sa kanilang bayan. Siya ayumibig sa isang anak ng pari at naging kaagaw niya rito ang pari sa Abidos. Nagpanukala ang pari ng kaguluhan at siya ang sinangkalan. Isinakdal siya at napiit, tumakas at napatay. Ayon sa ulo siya ay nabuhay muli upang ihayag ang gayong kataksilan. Titig na titig kay Padre Salvi ang espinghe habang nagsasalita ito. Dahil sa takot hinimatay ang prayle. Kinabukasan nagpalabas ng utos ang gobernador na nagbabawal sa palabas ngunit wala na si Mr. Leeds, nagtungo ito sa Hongkong dala ang kanyang lihim. Mensahe: Ang mensahe na nakapaloob sa kabanatang ito ay huwag maghanap ng kamalian sa ibang tao. Mayroon ka mang gustong patunayan at ipagmalaki sa iba, huwag hanapan ng butas ang ibang tao para lamang makagawa ng hindi maganda laban sa kaniya.
58
Pagsusuri Sa Akda: 1. Paano mo ilalarawan si Mr. Leeds. Bakit nais ipakita o ibunyag ni Ben Zayb ang sikreto sa likod ng kanyang palabas? Si Mr. Leeds ay isang misteryosong Amerikano na mahusay sa kastila, mahusay rin siya sa mahika na itininanghal sa palabas. Nais ibunyag ni Ben Zayb ang sikreto sa likod ng kaniyang palabas dahil hindi siya naniniwala sa mahika nito. Pinaniniwalaang kadayaan lang ang kaniyang mahika. 2. Ano ang kakaiba sa kanyang palabas at nais itong panoorin ng pangkat nina Ben Zayb? Nais panoorin ng pangkat nina Ben Zayb ang palabas ni Mr. Leeds dahil nalaman niyang magpapalabas ito ng espinghe sa kaniyang mahika. 3. Anong kadayaan ang makikita sa palabas? Natuklasan ba ito ni Ben Zayb? Makikita na gumamit siya ng salamin upang palabasin lamang ito bilang optikal na ilusyon. Hindi natuklasan ni Ben Zayb ang kadayaang ito sapagkat hindi niya siniyasat nang mabuti ang ilalim ng mesa. 4. Ano ang isinalaysay ni Imuthis kaugnay sa kanyang buhay? Isinalaysay ni Imuthus ukol sa pag-aaral at pagtatapos sa Gresya, Assyria, at Persiya. Ukol sa kaniyang pag-ibig sa kasintahan, ngunit mayroong gustong umangking prayle. Ibinahagi niya rin ang paggamit ng mga prayle sa kaniyang pangalan upang pagsimulan ng gulo. Na-ikwento rin ang pagbibintang sa kanya bilang rebelde at napatay sa lawa nang Moeris nang nagtangkang tumakas. Inilahad niya ang lahat ng kasamaan at ang pagiging mamamatay-tao ng mga prayle sa madla. 5. Kaninong buhay mo kaya maaaring maihambing ang buhay ni Imuthis Ipaliwanag ang iyong sagot. Maaaring ihambing ang buhay ni Imuthis sa buhay ni Simoun dahil lahat ng ibinahagi ng ulo ay ukol sa pinagdaanan ni Simoun. Mula sa pag-aral niya sa ibang bansa, pagagaw ng kaniyang kasintahan, pagpapahirap sa kaniyang minamahal, pagbibintang sa kaniya bilang rebelde at ang pagpatay sa kaniya sa lawa ay ang mismong pinagdaanan ni Simoun.
59
6. Bakit labis na naapektuhan si Padre Salvi sa sa isinalaysay ni Imuthis? Kung ikaw si Padre Salvi, ano ang mararamdaman mo pagkatapos ng paglalahad ni Imuthis? Labis na naapektuhan si Padre Salvi sa isinalaysay ni Imuthis dahil napagtanto niya ang mga pangyayaring iyon ay mayroong pagkakatulad sa mga naganap noong panahon na mayroon siyang kinalaman. Kung ako si Padre Salvi, pipilitin kong huwag mag-paapekto rito dahil kung isang sikreto ito, hindi ako magpapahalatang naapektuhan sa mga nabunyag na kaganapan. IMPLIKASYON: 7. Naniniwala ka bang, walang lihim ang hindi nabubunyag? Patunayan ang iyong sagot. Oo, naniniwala akong walang lihim ang hindi nabubunyag. Kahit gaano ka kagaling magtago ng isang sikreto, lalabas at lalabas din ang katotohanan. Tulad na lamang ng kay Padre Salvi, hindi man direktang inilahad ng ulo ang kaniyang mga kagagawan, nailabas pa rin ang mga malalagim na kagagawan ng mga prayle sa taumbayan.
60
Kabanata 19: Ang Mitsa
Buod: Si Placido ay larawan ng isang karaniwang kabataan. Siya ay mapusok, nagkamali ngunit sa bandang huli ay nahanap din ang tamang daan tungo sa magandang kinabukasan. Labis ang hinagpis ni Kabesang Tales dahil sa desisyon ni Placido hinggil sa kanyang pag-aaral. Kinausap niya ang kanyang anak na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral hanggang sa makatapos ng abogasya. Dahil dito ay lalong nagpuyos ang kalooban ng binata at iniwan ang kanyang ina. Sa kanyang paglalakad sa bayan ay nakita niya si Simoun. Lumapit siya dito at isinalaysay ang nangyari sa kanya. Sinadya ni Simoun na isama si Placido sa pagawaan ng pulbura. Nasaksihan ng binata ang hirap ng kalagayan ng mga manggagawa ni Simoun. Sunod nilang pinuntahan ang bahay ng mag-aalahas. Dito niya nakita ang isang bata na kasing edad niya ngunit malayong matanda ang itsura kumpara sa kanya. Ipinaliwanag ni Simoun na ito ay sanhi ng mabibigat na gawain na naiatang sa kanya. Dahil sa mga nasaksihan ay namulat ang isip at kalooban ni Placido. Mensahe: Ang mensaheng nakapaloob sa kabanatang ito ay ang huwag maging padalos-dalos sa mga desisyon at magpadala sa galit. Matutong magpasensya at magtimpi upang hindi makaisip o makagawa ng mga bagay na hindi maganda.
61
Pagsusuri Sa Akda: 1. Bakit nagngingitngit ang kalooban ni Placido? Nagngingitngit ang kalooban ni placido sa nangyari sa kaniyang paaralan, napahiya ito at umuwi nang may galit sa puso. Inilahad niya ito sa kaniyang ina at binalak na tumigil sa pagaaral. Pinilit ng kaniyang ina ang pag-aabogasya ni Placido kaya naman ay mas lumala ang nararamdamang galit. 2. Paano isasagawa ni Placido ang kanyang mga balak laban sa mga prayle? Plano ni Placidong tumungong Hong Kong upang magpayaman. Kapag siya ay yumaman na, babalik siya ng Pilipinas at maghihiganti laban sa mga prayle. 3. Isalaysay ang mga natuklasan ni Placido sa Kalye Iris? Habang nasa Kalye Iris, natagpuan nito si Simoun. Sumama ito sa kaniya at narinig ang lahat ng pinag-usapan ni Simoun at ng isang lalaki ukol sa plano nila. Kasama rito ang pagkakaroon ng mga bomba at pulbura na gagamitin ni Simoun sa kaniyang paghihimagsik. 4. May katwiran kaya si Simoun na maghimagsik sa paggamit ng mga kanyon at paputok? Bakit? Oo, may katwiran si Simoun na maghimagsik sa paggamit ng mga paputok dahil gusto niyang maghimagsik para sa buong bansa. Ginawa niya iyon dahil kung hindi, matutulad din siya sa kaniyang amang si Rafael Ibarra at ang kaniyang kaibigang si Elias.
5. Kung ikaw si Placido, aanib ka ba sa balak ni Simoun? Katwiranan. Kung ako si Placido, hindi ako aanib sa balak ni Simoun. Hindi ako aanib sapagkat alam kong magiging madugo ang paghihimagsik na binabalak niya, mas gugustuhin kong tumira nang mapayapa kaysa mapabilang sa kaniyang mga plano. IMPLIKASYON: 6. Paano mo maiuugnay ang pamagat ng kabanata sa mga pangyayari? Ang pamagat na “Ang Mitsa” ay maiuugnay sa kabanatang ito sa paraang sinisimbolo nito ang kawalan ng mitsa upang maituloy na ang kaniyang planong maghimagsik. Itong mitsa na ito ay ang tangi nalang niyang inaantay upang magawa na ang ipinaplano. 7. Anu-anong kauglian ni Placido ang maiuugnay ninyo sa mga kabataan ngayon? Ang kaugalian ni Placido na maiuugnay sa mga kabataan ngayon ay ang pagtatakas sa mga problema. Dahil sa dumagdag pa niyang problema, ginusto na lamang niyang mabuhay nang malaya at lumayo sa lugar na iyon.
62 8. Ano-ano ang tinalakay sa kabanata na nagpapakilala ng kamangmangan ng mga Pilipino? Ang isa sa mga kamangmangan na tinalakay rito ay ang pagpilit ng ina kay Placido sa isang bagay na hindi naman nito gusto. Si Kabesang Andang ay pilit lang pag-aralin ang kaniyang anak ng abogasya upang may ipagmalaki sa ibang tao at hindi iniintindi ang tunay na kagustuhan ng kaniyang anak. 9. Sa paanong paraan hinimok ni Simoun sa kabanatang ito na maghimagsik ang mga kabataan? Sa kabanatang ito, hinimok ni Simoun ang kabataan na maghimagsik sa paraang ipinakita niya kung ano ang mangyayari kung sila ay naghimagsik. Sila ay magiging malaya at masaya ngunit kailangan munang dumaan sa isang madugong himagsikan.
63
Kabanata 20: Ang Nagpapasiya
Buod: Ang usapin ukol sa akademya ng salitang kastila ay nasa mga kamay ni Don Custodio, na siyang pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito. Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteheredondo ay kilalang tanyag sa bahagi ng lipunan sa Maynila at tinaguriang “Buena Tinta”. Siya ay nakapag-asawa ng isang mayaman at sa pamamagitan ng yaman ng asawa, nakapagnegosyosiya kahit kulang sa kaalaman sa mga tungkuling kanyang hinahawakan siya ay pinupuri dahil siya ay masipag. Nang bumalik siya sa Espanya walang pumansin sa kanya dahil sa kakulangan niya sa pinag-aralan, kaya wala pang isang taon nagbalik na siya sa Pilipinas at nagmagaling sa mga Pilipino sa kanyang kunwaring magandang karanasan sa Madrid. Lumagay siya parang amo’t tagapagtanggol, ngunit siya'y naniniwalang may ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang sumunod. Ang Pilipino’y ipinanganak upang maging utusan, kaya’t kailangang pagsabihang lagi na ang mga ito’y sa gayon lamang ukol. Sa loob ng labing limang araw, si Don Custodio ay bumuo ng pasiya ukol sa kasulatan at handa na niya itong ipaalam sa lahat. Mensahe: Ang mensaheng nakapaloob sa kabanatang ito ay huwag maging mapagmataas at manghusga ng kapwa dahil lamang sa pinag-aralan nito o estado sa buhay. Huwag maging mapagmataas dahil pantay-pantay ang lahat sa mata ng Diyos kaya wala tayong karapatang manlait ng kapwa natin.
64
Pagsusuri Sa Akda: 1. Sino si Don Custodio de Salazar Y Sanchez de Monteredondo? Paghambingin ang kanyang buhay sa Pilipinas at kanyang mga karanasan sa Espanya. Paano niya nagamit ang mga karanasang iyon sa pagbabalik bansa? Si Don Custodio de Salazar Y Sanchez de Monteredondo ay ang naging opisiyal na tagapayo ng Kapitan Heneral at ang may hawak sa pagpapasiya ng hinihiling na akademya ng kabataan. Sa Pilipinas, siya ay sinasabing masipag, walang kapaguran, bantog, mayaman, matalino, at iba pa, habang nang makarating siya ng Espanya, siya ay hindi man lang napapansin nino man. Ang karansang iyon ay ginamit niya upang maliitin ang mga indio nang makabalik sa Pilipinas.
2. Sinu-sino ang nais bigyan ng kasiyahan ni Don Custodio sa kanyang pagpapasiya? Nais bigyan ng kasiyahan ni Don Custodio ang mga makapangyarihan tulad nina Padre Irene, ang mga prayle, ang mataas na kawani at ang kondesa sa kaniyang pagpapasiya. 3. Bakit hindi nasiyahan si Don Custodio sa kanyang pag-uwi sa Espanya nang magpagaling ng sakit sa atay? Hindi nasiyahan si Don Custodio sa kaniyang pag-uwi sa Espanya nang magpagaling ng sakit sa atay dahil walang pumapansin sa kaniya, hindi tulad ng nakasanayan niya sa Pilipinas.
4. Sa iyong palagay, nararapat bang tuluran si Don Custodio sa pag-asenso niya sa buhay? Bakit? Hindi, dahil sa tingin ko ay nakuha niya ito nang madalian sa halip na paghirapan ito. 5. May kakilala ka ba o masasabing katulad ni Don Custodio ang nabubuhay sa kasalukuyang panahon? Patunayan ang iyong sagot. Masasabi kong tulad ng ating presidente si Don Custodio. Nasa mataas man siyang posisyon ay hindi niya pinapahalagahan ang kaniyang pinamumunuan. Sa tingin ko ay nagpapakitang tao lamang siya at hindi ginagampanan nang maayos ang kaniyang naatasang trababho para sa mga Pilipino. IMPLIKASYON: 6. Ano ang ibig ipakita sa mambabasa ni Rizal ukol sa kabanatang ito? Ibig ipakita ni Rizal na mayroong mga taong mapagmataas at mapagkunwari sa harap ng ibang tao para lamang hindi mahusgahan.
65
7. Anu-ano ang nais palitawin ni Don Custodio sa kanyang panunuligsa sa relihiyon? Bakit? Ang nais palitawin ni don Custodio sa kaniyang panunuligsa sa relihiyon ay siya ay isang mapanlinlang na Katoliko. Isa siyang huwad dahil lahat ng mga paniniwala ng isang katoliko ay siya namang kabaliktaran ng kaniyang mga gawi at paniniwala. 8. Ipaliwanag ang iyong pananaw: “ang iba’y ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang maglingkod”. Sa aking pananaw, hindi ako sumasang-ayon dito. Sa dahilang ipinanganak tayo ng pantaypantay, walang taong ipinanganak para mag-utos o maglingkod lamang, sa halip ay lahat ng tao ay may kakayahang gawin pareho. 9. Sa iyong palagay, may mga tao ba na nasa tungkulin na hindi naman karapat-dapat? Patunayan. Oo, sa aking palagay ay mayroong mga taong nasa tungkulin na hindi naman karapat-dapat. Tulad nalang ng ating presidente, sa tingin ko ay hindi niya nagagampanan ang kaniyang tungkulin nang maayos kaya’t hindi karapat-dapat ang posisyong iyon sa kaniya.
10. Madali bang makilala o kilalanin kung sino ang taong marunong sa/o hindi.Ipaliwanag Sa aking palagay, oo, madaling kilalanin ang mga taong marunong sa hindi. Madali lang ito makita dahil mapapansin ito sa kung paano ito gumalaw, umaksyon sa mga sitwasyon, at ang pag-uugali nito.
66
Kabanata 21: Mga Ayos ng Maynila
Buod: Ang Les Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses ay may pagtatanghal sa Teatro de Variendades ng gabing iyon. Mabilis na naubos ang mga tiket para sa dula. Hindi abalang pumasok sa tanghalan ang Kastila na tila pulubi na si Camaroncocido. Nilapitan siya ni Tiyo Kiko, isang matandang lalaki na nakasuot ng amerikanang hanggang tuhod at ipinakita ang anim na pisong galing sa mga Pranses na kinita niya sa pagdidikit ng mga paskil. Ngunit sinumbatan ni Camaroncocido si Tiyo Kiko at sinasabing ang kikitain sa buong palabas ay mapupunta sa mga pari. Ang pagtatanghal ay humati sa Maynila. Masagwa daw at laban sa moralidad ang palabas sabi ng mga tutol na sina Don Custodio, mga pari, pati na mga babaeng may asawa at may kasintahan. May mga taong nagtatanggol naman sa palabas kagaya ng mga pinuno ng hukbo, mga marino, mga matataas na tao, mga kawani at mga babaeng walang kasintahan. Naging malaking bulung-bulungan ang palabas at kasamang nababanggit ang Kapitan Heneral, si Simoun, si Quiroga at ang mga artista. Pinuna ni Camarroncocido ang mga nais manood na kaya daw naroon ay para malaman kung bakit bawal at dapat ipagbawal ang palabas. Nang umalis na si Tiyo Kiko ay may napansin si Camarroncocido na mga taong tila hindi sanay mag-amerikana at sa wari niya ay umiiwas na mapuna. May isang kagawad ng hukbo ang kumausap sa mga di-kilalang tao na apat o lima sa bawat pulutong. Pagkaraan ay masiglang lumapit ang kagawad sa isang karwahe na lulan si Simoun. May narinig si Camaroncocido na wikang Kastila na ang ibig sabihin ay “Ang hudyat ay isang putok”, saka niya nasabi sa sarili na tila may binabalak ang mga ito. Nagpatuloy sa paglalakad ang pulubi. May dalawang tao siyang naririnig na nag-uusap at sinabing ang mga kura ay malakas kaysa Heneral. Umaalis
67
daw ang Heneral samantalang ang mga pari ay naiiwan at ang hudyat na isang putok ang kanilang ikayayaman. Naaawa man sa bayan ngunit wala namang pakialam si Camaroncocido sa mga narinig. Samantala, sa labas ng dulaan ay makikita si Tadeo na niloloko ang isang kababayang tanga sa pagsasabi ng mga kahanga-hangang kasinungalingan. Sinabi ni Tadeo sa kausap na kilala niya ang mga malalaking tao na nadaan at kaibigan niya ang mga ito kahit hindi naman totoo. Dumating ang mga mag-tiyahin na sina Donya Victorina at Paulita Gomez. Kahit na nagbabalatkayo ay nakilala pa rin ni Tadeo si Padre Irene na ‘di naitago ng tunay na katauhan dahil sa mahaba niyang ilong. Dumating din si Don Custodio. Nang dumating sina Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani ay lumapit si Tadeo sa kanila saka bumati. May sobra silang isang tiket dahil hindi sumama si Basilio. Dahil dito’y inanyayahan nila sa Tadeo sa loob, agad siyang sumama sa apat, at iniwan ang kababayang kanina lamang ay kausap ngunit ngayon ay nag-iisa na. Mensahe: Ang bawat desisyon na ating ginagawa ay nakakaapekto sa ating kinabukasan; Maaari naman tayong tumangkilik sa iba ngunit wag sana natin kalimutan na tangkilikin din ang sariling atin at alamin natin kung hanggang saan ang ating limitasyon.
68
Pagsusuri Sa Akda: 1. Anong malaking palabas sa Teatro de Variedades ang hinihintay ng mga manonood? Ano ang pananaw ng mga tao sa palabas na ito? Ang Les Cloches de Corneville na mga Pranses ay isang palabas na kung saan ang mga nagtatanghal ay mga babaeng artista na magaganda ang tinig pati narin ang katawan, ang sabisabi ang pang karinyosa ito ay sadyang kahanga-hanga ngunit tutol ang mga mga prayle na pinamumunuan ni Padre Salvi at sila Don Custodio dahil masyado daw itong malaswa. Ang palabas na idinaos ng mga Pranses sa Teatro de Variedades ay isang opera na kung saan hinati sa dalawa- sa mga sang-ayon at hindi sang-ayon ang palabas na ito ay malaswa. 2. Sino-sino ang mga pabor at salungat sa pagpapalabas nito? Bakit sila pabor o bakit sila salungat? Ang palabas na ito ay nahahati sa dalawa, ang mga sang-ayon sa opera at ang mga tutol. Ang mga tutol sa palabas na ito ay sila Don Custodio, ang mga prayle at ang mga babaeng selosa at may katipan na dahil iniisip nila na masyado itong malaswa para panoorin. Ang mga sumasang-ayon naman ay ang mga opisyal ng hukbo at pang digmaang-dagat, mga ayudante ng heneral, mga namumuno sa pamahalaan at mga kilalang ginoo kasama narin ang mga walang katipan at magaganda dahil nasasabik silang makarinig ng wikang Pranses mula sa mga babaeng taga-Paris. 3. Bakit marami pa ring taong ang nanood nito gayong ipinagbabawal nina Camaroncocido at Tiyo Kiko? Ano ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba? Dahil sa pagpapaskil ni Tiyo Kiko kung kaya maraming nakakita at nakaalam sa operang iyon at binayaran siya ng mga pranses ng anim na piso, ang akala ni Camaroncocido ay sang-ayon ang mga prayle rito kung kaya maraming tao ang dumalo ngunit hindi niya alam na mismong mga prayle ay ayaw sa palabas na ito. Si Camaroncocido ay isang Kastila at si Tiyo Kiko ay isa namang indiyo, nagkakaiba sila sa kanilang pananamit si Camaroncocido ay kabaliktaran ni Tiyo Kiko kung si Camarroncocido ay matangkad na payat si Tiyo Kiko naman ay isang maliit na tao, mas malinis at maayos manamit si Tiyo Kiko kaysa kay Camaroncocido ngunit pareho silang namumuhay bilang naglalathala, nagbabalita ng mga palabas at nagdidikit ng mga kartel ng mga dulaan. 4. Paano mo ilalarawan ang pisikal at panloob na katangian nina Camaroncocido at Tiyo Kiko?Ano ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba? Si Camaroncocido ay isang kastilang walang pagpapahalaga sa kanyang pagiging kastila. Sa kabila ng pagiging isang dugong bughaw, naging isa lamang upahan sa pagdidikit ng mga paskil sa dulaan at mga gawaing kauri nito sa bansang Pilipinas, siya ay mataas na lalaking payat na marahang lumalakad at kinakaladkad ang isang paang parang naninigas nakasuot ng masamang amerikanang kulay kape, pantalong pari-parisukat ang guhit at sombrerong hongo de arte o may maruming abuhing buhok at wari'y isang buhok makata - mahaba at kulot ang mga dulo. Si Tiyo Kiko naman ay isang indiyo na napakaliit, nakasuot ng sombrero de copao nakadamit ng isang lebitang napakalaki at napakahaba nakapantalong maliit na hanggang
69 tuhod lamang haloso kayumanggi, indiyo may patilya at bigoteng maputi, mahahaba at madadalango buhay na buhay ang matao pareho ng trabaho ni Camaroncocido. 5. Sino naman kina Tadeo at anong ugali mayroon siya? Batay sa iyong obeserbasyon, mayroon bang Camaroncocido, Tiyo Kiko at Tadeo na nabubuhay sa kasalukuyan? Patunayan ang iyong sagot. Si Tadeo ay ang bagong salta sa bayan ng San Roque na nagpupumilit na makibagay sa mga taga - Maynila. Niloloko ni Tadeo ang kababayang walang ideya sa pagsasabi ng mga kahanga-hangang kasinungalingan. Sila Tadeo, Camaroncocido at Tiyo kiko ay nagpapakita ng iba’t ibang klase ng tao, Si Tadeo bilang baguhan na animo’y matagal ng nakarating sa isang lugar at nagpipiling na mataas at maalam. Si Camaroncocido naman na nagsasa walang pake sa mga pangyayari sa kanyang paligid, kikilos lamang kung may kabuluhan ito sa kanya kumbaga ay nasa kanyang isip ay “mind your own business”. Si Tiyo Kiko naman ay isang taong basta may bayad ay susundin ko at pinapakita niya kung gaano siya dumiskarte sa buhay. Ang tatlong ito ay nabubuhay pa rin sa kasalukuyan dahil ang El fili ay nagpapakita ng mga kaugalian ng mga Pilipino kung kaya maaaring mayroon pa rin na ganitong kaugalian ang mga Pilipino. IMPLIKASYON: 6. Anu-ano ang napuna ninyo sa lipunang tinalakay ni Rizal dito? Katulad pa rin ba ito ng lipunan sa ating ngayon? - Para sa akin ang aking mga napansin sa kabanatang ito ay ang pagiging konserbatibo ng mga Pilipino, kapag mayaman ka at may koneksyon maaari mong gawin ang gusto mo, ang pagtangkilik sa ibang wika. Sa pagiging konserbatibo sa kasuotan ay di na ganun kadalang dahil sa iba’t ibang mga uso ngayon, sa kapag mayaman ka at may koneksyon maaari mong gawin ang gusto mo dahil dito mo makikita kung anong nagagawa ng pera sa isang taong nangangailangan, pagtangkilik sa ibang wika sa kabanatang ito makikita mo ang pagtangkilik at pagkamangha nila sa wikang Pranses o sa wikang di naman atin. 7. Ugali nga kaya ng mga Pilipino na higit na tangkilikin ang mga panooring dayuhan kaysa sa loka? Patunayan. Para po sakin ugali na po talaga ng mga Pilipino ang pagtangkilik at panood ng mga dayuhang palabas marahil ay namamangha sila sa kakaiba nitong pagsasagawa ng palabas, sa kung paano sila manamit, sa kanilang salita, at sa kanilang kagandahan at kagwapuhan,at marahil na rin sa nakikita nila itong kakaiba sa mga laging nilang napapanood na lokal.
70
Kabanata 22: Ang Palabas
Buod: Ang Palabas Punong-puno ng tao sa dulaan ngunit lampas na sa oras ay ‘di pa rin nagsisimula ang palabas dahil hinihintay pa ang Kapitan Heneral. Marami nang naiinip, nagsisipadyak at sumisigaw na buksan na ang tabing. Ang lugar na tinatawag na palko na may pulang kurtina ay uupuan ng Kapitan Heneral. Isang ginoo ang umupo sa butaka at ayaw tumindig. Si Don Primitivo kasi ang may-ari ng upuan kinauupuan nito. Dahil dito’y tinawag ni Don Primitivo ang tagapaghatid sa upuan nang makita niya na ayaw tumindig ng ginoo. Ang pagmamatigas ni Don Primitivo ay nagdulot ng kaguluhan at kasiyahan sa mga taong naiinip. Samantala, habang nagaganap ang kaguluhan ay biglang tumugtog ang marchareal dahil dumating na ang Kapitan Heneral. Sinasabing manonood ang Kapitan Heneral ng palabas dahil sa dalawang dahilan. Ang una ay hinahamon diumano ito ng simbahan at ang pangalawa ay dahil ito ay may pagnanasa lamang na makita ang pagtatanghal. Nasa loob din ng dulaan si Pepay at katapat ng mga estudyante ang kinauupuang palko nito. Kinuntsaba siya ng mga estudyante at siyang gagamitin kay Don Custodio upang palambutin ang puso nito. Noong hapong iyon ay sumulat si Pepay sa kagalang-galang na tagapayo at naghihintay ng kasagutan. Naroroon din si Don Manuel na panay ang pasaring kay Don Custodio. Si Makaraig ay makahulugang tumitingin kay Pepay na parang ibig ipahiwatig na mayroon siyang sasabihin. Masaya ang mga estudyante, si Pepay pati na si Pecson. Si Isagani lang ang hindi dahil nakita niya sa dulaan si Paulita na kasama ni Pelaez na kanyang karibal. Maya-maya’y umawit si Gertude, isang Pransesa. Sige sa pagsalin si Tadeo sa wikang Kastila ng mga salitang Pranses na naririnig. Gayon din ang ginawa ni Juanito Pelaez kina Paulita Gomez at Donya Victorina. Lamang ay madalas mali ang pagsalin ni Juanito. Dito rin nagsimula ang paghanga ng Donya sa kanya at hinangad na pakasalan ang binatang kuba pag namatay ang mister na si Don Tiburcio.
71
Umawit din si Serpolette. Mayroong pumalakpak na nakilala ni Tadeo na si Padre Irene. Pinapag-espiya pala ito ni Padre Salvi kung sadyang masama nga ang palabas ng mga Pranses. Namukhaan ng mananayaw si Padre Irene at kakilala pala siya ni Serpolette doon pa sa Europa. Pagkaraan ay may isang babaeng dumating na may kasamang asawa. Ipinagmamalaki pa niya ang pagkahuli ng dating. Nang makitang wala pang laman sa may palko ay inaway ng ginang ang asawa. Sinutsutan siya ng mga tao at sa inis ay tinawag niya ang mga ito na mga “ungas” at akala mo daw ay marurunong mag-pranses. Si Ben Zayb naman ay panay ang panunuligsa sa pinapanood at sinabing ang mga nagsiganap ay hindi mga artista at ‘di marunong umawit. Sa palabas ay kakikitaan ng kahalayan at pagnanais sa kababaihan ang mga kalalakihang tulad nina Don Custodio, Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay nalungkot sapagkat hindi itinanghal ang hinihintay nilang cancan. Napag-usapan din ang ”di pagsipot ni Simoun sa dulaan. Pinagtalunan naman ng mga estudyante ang kagandahan at kapangitan ng wikang Pranses. Galing si Makaraig kay Pepay, malungkot ang hitsura kaya naman pagbalik niya ay nag-usisa ang mga kapwa mag-aaral. Dala niya ang balita na may pasya na daw tungkol sa paaralan ayon kay Padre Irene. Sinang-ayunan daw ang paaralan ngunit ito’y ipaiilalim sa Unibersidad ng Sto. Tomas sa pamamahala ng mga Dominikano. Mensahe: Kahit sino ay maaaring matukso at nasa sayo na kung paano mo ito haharapin. Ang pagsasalita ay isa sa mga paraan para ipahayag ang ating nadarama, sa kabanatang ito ipinakita ang hindi pagkakaunawaan dahil sa magkaibang wika ang ginamit ngunit kahit na ganoon ay ginusto pa rin nilang panoorin ang palabas. Huwag sana tayong bumase sa mga nakikita ng ating mata bagkus ay maging matalino tayo at wais sa bawat desisyon na ating gagawin at sa mga taong ating pinagkakatiwalaan.
72
Pagsusuri Sa Akda: 1. Ilarawan: Alin sa mga ito ang iyong nagustuhan at hindi nagustuhan at bakit? a. dulaan b.manonood k. eksena sa teatro Para sakin ay hindi ko nagustuhan ang lahat ng mga iyan dahil ang dulaan ay sadyang malaswa at masyadong peke dahil doon sa parte na may dumating na imbestigador ay binago nila ang opera at nagkunwaring nag-aaway dahil sa kasuotan nilang nagpapakita ng balat na kunwari ay nasira dahil sa away. Ang manonood naman ay nagiging agresibo at bastos lalong lalo na ng makita nila ang mga babaeng pranses na nagpapakita ng kanilang mga kaseksihan at kagandahan. Ang Eksena sa teatro ay hindi ko rin nagustuhan dahil pinapakita nito na kahit ang mismong mga Padre ay di parin naiiwasan ang tukso at nagiging marupok padin pagdating sa mga babae na wala silang pinagkaiba sa mga normal na lalaki. 2. Bakit nagkaloob ng palko si Makaraig para kay Don Custodio? Dahil kay Pepay ginamit nila si Pepay upang mapapayag at mapalambot si Don Custodio ukol sa paaralan na kanilang binabalak dahil si Don Custodio ay sobrang humahanga kay Pepay sa kagandahan, kaseksihan at kaputian nito. 3. Ipaliwanag ang mga damdamin nina Isagani at Paulita habang nasa dulaan? Si Isagani ay tahimik na nagtitimpi sa kanyang galit at paninibugho nang makita sina Paulita at Juanito Pelaez na magkasama. Si Paulita naman ay nakita si Isagani at binati ito ng malugod habang ang mga mata anito ay humihingi ng tawad at nangangakong magpapaliwanag dahil sa may usapan sila na si Isagani muna ang manonood ng Opera upang makita kung wasto o maayos lang ba na panoorin ito ni Paulita. 4. Makatwiran ba para sa mga mag-aaral ang pasiya tungkol sa akademya? Bakit? Hindi dahil ang paaralan ay ipaiilalim sa mga Dominikano sa Unibersidad ng Sto. Tomas samantala ang lahat ng gugol ay sa mga estudyante. Samakatuwid, wala ring pag-iiba sa pagtuturo sa unibersidad sa ilalim ng mga Dominikano. IMPLIKASYON: 5. Anong kaugaliang Pilipino ang makikita sa kabanatang ito? Ipaliwanag. Panonood ng mga dayuhang palabas kaysa sa sariling palabas o mga lokal na palabas na kahit hindi nila maintindihan ang kanilang pinapanood ay pinagpatuloy parin nila ito at hinangaan.
73 7. Paano nakaapekto sa buhay ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan ang mga kaugaliang ito?Ilahad ang iyong sagot. Nakakaapekto ito dahil mas minamahal o mas ginugusto natin ang ibang palabas kaysa sa ating sarili gawa, mas ipinagmamalaki natin ang ibang gawa kaysa sa gawa ng ating mga kapwa Pilipino. 7. Ano ang ipig palitawin ng may-akda sa pagkakalapit ni Makaraig kay Pepay? Si Pepay ang ginamit nila Makaraig upang makuha ang loob ni Don Custodio at mapapayag ito ukol sa paaralan na balak nilang ipatayo ngunit dahil sa hindi nasakyan o naintindihan ni Pepay ang pasya ni Don Custodio sila Makaraig ay nalungkot. 8. Sino sa mga mag-aaral ang iyong naibigan? Bakit? Wala dahil isa lamang ang kanilang hangarin ang kunin ang loob ni Don Custodio at magpagawa ng Akademya na magtuturo ng Kastila na hindi naman mahalaga dahil mas makakalimutan nila at mas mapapabayaan nila ang wikang Filipino.
74
Kabanata 23: Isang Bangkay
Buod: Hindi pumunta sa dulaan si Simoun. Noong ika-pito ng gabi ay makalawang beses umalis at dumating si Simoun sa bahay na may iba’t ibang taong kasama. Nang mag-iikawalo na ay nakita siya ni Makaraig sa may daang Ospital malapit sa kumbento ng Sta. Clara. Nakita naman siya ni Camarroncocido sa may dulaan nang mag-iikasiyam na may kausap na tila estudyante. Hindi rin pumunta sa teatro si Basilio dahil siya ay papunta sa San Diego. Pupunta siya sa bahay ni Kapitan Tiyago upang gamutin ito. Habang inaalagaan ni Basilio ang may sakit ay bigla na lang itong sinusumpong dahil sa sobrang paghithit ng opyo. Nagbilin naman sina Simoun at si Padre Irene kay Basilio na pagalingin ang may sakit at pagtiisan ito sa pag-aalaga. Sa pagrerepaso ni Basilio ay dumating si Simoun. Noon lamang sila muling nagkaharap mula nang huli silang magkita sa San Diego. Kinamusta ni Simoun si Kapitan Tiyago. Ibinalita naman ni Basilio na malubha na ang lagay ng Kapitan dahil kalat na ang lason sa katawan nito. Muling hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan laban sa pamahalaang Kastila. Ang hindi raw kasi kakampi sa kanila ay ituturing nilang kaaway na dapat patayin. Si Basilio daw ang magtatakas kay Maria Clara sa kumbento ni Sta. Clara habang nagkakagulo ang buong lungsod. Ngunit huli na daw ang lahat, ani Basilio. Nalaman niyang nagpakamatay na raw si Maria Clara dahil naroon daw siya sa kumbento upang makibalita kaya niya nalaman ang nangyari. Nang bumalik siya ay nakita niya ang liham na padala ni Padre Salvi kay Padre Irene na siyang nagpabasa kay Kapitan Tiyago na nag-iiyak nang mabatid na patay na ang anak.
75
Nagulat si Simoun sa narinig niyang balita ngunit ayaw niyang maniwala na totoo ito at pinipilit na buhay pa si Maria Clara. Nang huminahon na ay umalis agad siya ng silid. Naririnig ni Basilio ang mga sigaw ng hinagpis ni Simoun habang paalis ito. Nawala na sa isip ni Basilio ang pag-aaral at sa halip inisip ang kasalukuyang kalagayan ni Simoun. Mensahe: Hindi natin alam kung hanggang saan o hanggang kailan ang ating buhay. Ipinakita ng kabanatang ito kung gaano makapangyarihan ang pag-ibig na hahamakin kahit sino ngunit sa kabanatang ito ang pag-ibig na ipinapakita ay tunay at wagas kung kaya sobrang nasaktan at nagdalamhati si Simoun ngunit huwag sana tayong sumuko at mawalan ng pag-asa bagkus ay gawin natin itong inspirasyon upang lumaban at mabuhay.
76
Pagsusuri Sa Akda: 1. Anong uri ng tagapag-alaga si Basilio? Ilarawan ang kanyang kalagayan sa pag-aalaga kay Kapitan Tiago? Mapagmahal siya sa kaniyang ama amahan sapagkat malaki ang utang na loob niya sa kanyang ama amahal sapagkat pinag aral siya ng medisina, ikalawa matiisin si Basilio sa kanyang ama amahan dahil kahit na palagi siya nitong minumura ay nakakaya niya itong tiisin at higit sa lahat ang ikatatlo ay ang maintindihin hindi niya nagawang iwan ang kanyang ama amahan kahit na malapit na itong pumanaw mas nanaig pa din yung pagmamahal niya. 2. Bakit patuloy na lumalala ang kalagayan ng kalusugan ni Kapitan Tiago? Saan kaya itonakakakuha ng apyan gayong mahigpit sa pag-aalaga si Basiliio? Maghinuha. Lumalala ang kalusugan ni Kapitan Tiyago dahil sa apyan na hindi naman alam ni Basilio kung saan nakukuha o kung sino ang nagbibigay kay Kapitan Tiyago sinusubukan ni Basilio na bawasan ang apyan ngunit ito ay nagagalit at nag-aasal bata. Sa aking palagay ay si Padre Irene ang nagbibigay nito dahil sa siya ay madalas na dumadalaw kay Kapitan Tiyago at si Simoun ay napakadalang lamang kung bumisita o dumalaw at si Padre Irene ay mahilig mag sambit ng mabubulaklak na salita kay Kapitan Tiyago na wala namang kasiguraduhan. 3. Anu-anong bagay sa pamahalaan ang inihambing ni Simoun kay Kapitan Tiago? Tulad ni Kapitan Tiyago na ang lason ng apyan ay laganap na sa buong katawan at kapag namali siya ng paggamot ay maaaring ikamatay ito ni Kapitan Tiyago at dito inihambing ni Simoun ang Pilipinas na unti unti ng namamatay dahil sa maling pagpapatakbo ng mga pinuno at sa kabulukan ng sistema ng pamahalaan. 4. Bakit hindi binasa ni Basilio ang maliit na aklat ni ipinadala ni Simoun? Anu-ano ang kanyang malalaman sa aklat na iyon? Ang aklat na nasa lamesa ni Basilio ay galing sa ibang bansa na ipinagbabawal na ipabasa ng pamahalaan tungkol ito sa Pilipinas nakapaloob dito ang mga paghihirap at panlalait sa mga mamamayan ng bansa at hindi ito binabasa ni Basilio dahil natatakot siyang dakpin at natatakot din siyang alamin ang katotohanan at wala siyang magagawa upang ipaglaban ito o ang kanyang sarili. 5. Anong uri ng himagsikan ang inihanda ni Simoun? Sang-ayunan kaya ni Elias ang himagsikang ito? Bakit. Hindi para sa bayan ang layunin ni Simoun sa paghihimagsik na ito. Ito’y ginawa lamang niyang kasangkapan sa isang makasariling layunin ang maka-paghiganti at iligtas si Maria Clara sa mga pagdurusa sa kumbento.
77 6. Ano ang sadya ni Simoun kay Basilio?Anong tungkulin ang ibinigay sa kanya? Bakit. Si Basilio ang inatasan ni Simoun na itakas si Maria Clara sa Monasteryo dahil siya lamang ang nakakakilala kay Maria Clara dahil si Simoun ay kailangan na pangasiwaang maigi ang mga pangkat ng kanyang pag-aalsa ngunit ng marinig ni Basilio ang plano ay sinabi niyang huli na si Simoun dahil patay na si Maria Clara. 7. Ano ang naging damdamin ni Simoun ukol sa balita kay Maria Clara? Siya ay nagalit, nagsisi, nasaktan, nagdalamhati at marami pang iba hindi niya alam at ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Basilio siya ay nagsisisigaw, nagwala, lumuha at umalis dahil hindi niya na napipigilan ang sakit na kanyang naramdaman noong oras na iyon dahil ang lahat ng kanyang pinaglalaban ay para sa kanyang minamahal na si Maria Clara. IMPLIKASYON: 8. Ipaliwanag. Ang tapat bang pag-ibig ay dapat na hanggang kamatayan? Bakit oo? Bakit hindi?Pangatwiran ang iyong sagot. Bilang isang estudyante na hindi pa po nakakaranas ng tapat na pag-ibig, para sakin ang tapat na pag-ibig ay hanggang kamatayan, para lang po yung damit o sapatos na paborito natin na kahit lumuma, pumanget gugustuhin pa rin po nating gamitin at suotin kahit na pwede naman tayong humanap o gumamit ng bago, sa madaling salita po marami man po tayong makikilala o makakasama may isang tao parin talaga tayong gugustuhin at pipiliin sa huli na kahit na mawala sila satin at mayroong pumalit o may bagong dadating na pag-ibig sa huli ay mas matimbang parin sila at mananatili pa rin sa ating puso. 9. Sa inyong palagay, may mga bhinata pa bas a kasalikuyan na gagawin ang lahat dahil sa isang pag-ibig na naharang ng masamang kapalaran? Patunayan. Sa aking palagay napakakaunti nalamang ng mga lalaking gagawin ang lahat para sa pag-ibig dahil sa panahon po natin ngayon napaka sensitibo na po ng mga kabataan at napakababaw na rin po ng iba kung umibig at minsan naman po ay napakarupok, hindi katulad po dati na napakalalim ng pagmamahalan na kahit ano pang pagsubok ang kanilang dadanasin ay magtitiis sila at kakayanin nila para sa taong mahal nila kahit buhay pa nila ang kapalit.
78
Kabanata 24: Mga Pangarap
Buod: Ang magkasintahang sina Isagani at Paulita ay mag-uusap sa Luneta. Galit si Isagani dahil nakita niyang magkasama sina Paulita at Juanito sa dulaan. Ngunit napag-alaman niya na si Donya Victorina raw ang may ibig kay Pelaez kaya nagkatawanan sila ng kausap. Nagkapalitan din sila ng mga pangarap sa hinaharap. Nais raw ni Isagani na sa nayon manirahan. Para sa kanya, ang bayang iyon ang tangi niyang kaligayahan bago pa nakilala at nakita si Paulita. Ngunit nabatid niyang parang naging may kulang sa kanya ang bayang iyon at natitiyak niyang ang kulang ay ang kanyang nobya. Ngunit ayaw pumunta doon ni Paulita. Ayaw daw niyang magdaan sa mga bundok na malimatik. Ang nais niyang paglalakbay ay sa pamamagitan ng tren. Pinaghambing ni Isagani sa isip ang pansin ng mga taong pamahalaan sa nagkaramdam na si Simoun at ang mga sugatang kawal na galing sa digma. Sa mga sugatang kawal ay ni walang pumapansin subalit kay Simoun ay nabahala ang marami. Iba na raw ang mayaman ayon sa binata. Ang bayang nasa isip niya ay ‘di lamang Pilipinas kundi pati ang Espanya. Nang dumating sina Paulita ay nginitian niya ang nobyo. Ngumiti rin si Isagani at tila ba napawi lahat ng kanyang pagkainis. Masaya na sana si Isagani ngunit biglang itinanong ni Donya Victorina kung nasa kanilang nayon ba nagtatago ang asawa niyang si Don Tiburcio. Ipinagkaila ng binata ang kanyang nalalaman. Ngunit may pahabol na tanong ang Donya na ano daw kaya kung pakasal siya kay Juanito. Kinaiinisan man ang kanyang kamag-aral ngunit pinuri pa niya si Juanito sa harap ng Donya. Pinagbigyan ni Donya Victorina na magkausap ang pamangkin at ang nobyo nito. Kung magkakatuluyan nga naman si Paulita at Isagani ay masasarili niya si Juanito. Mensahe: Tinuturuan tayo sa kabanatang ito na iba't iba ang uri ng tao ayon sa kanilang pangarap at layunin sa buhay. Tayo ay iba't iba ang paraan kung paano natin aabutin ang ating mga pangarap. Ang mga pangarap ang nagtutulak sa atin upang magkaroon tayo ng determinasyon at tapang upang makamit ito. Ngunit minsan, ito rin ang nagtutulak sa atin na makagawa tayo ng mali bunga ng pagpupumilit na makamit ang ating mga pangarap.
79
Pagsusuri Sa Akda: 1. Bakit magkikita sina Isagani at Paulita? Nagkita sila Isagani at Paulita upang makausap ukol sa nangyari noong nakaraang gabi sa teatro at inaasahan ni Isagani na magpapaliwanag si Paulita kung bakit siya nasa Teatro nang gabi nayun. 2. Paano ipinahiwatig ni Donya Victorina kay Isagani na may damdamin siya kay Juanito? Noong una ay tinatanong niya ito kung alam ba niya kung nasaan ang kanyang asawang si Don Tiburcio at nagbabalak siyang mag- asawa muli nang sinabi ni Isagani na hindi niya alam at tinanong kung sino ang gusto niyang mapangasawa sinagot naman siya ni Donya Victorina na “Anong tingin mo kay Juanito?” doon napagtanto ni Isagani ang damdamin ni Donya Victorina kay Pelaez 3. Ilarawan ang bayang pinapangarap ni Isagani. Ang pangarap ni Isagani sa bayan ay ito ay umunlad, mawala ang kabulukan, magkaisa at makalaya na ang bansa. 4. Masasabi nga kayang higit ang pag-ibig ni Isagani kaysakay Paulita sa pagiging magkasintahan nila? Ipaliwanag. Masasabi ko na higit ang pagmamahal ni Isagani kay Paulita dahil kahit sa kanyang kamatayan ay gusto niyang ipagmamalaki siya ni Paulita. Bago niya pa makilala si Paulita, ang bayang kanyang kinalakihan ang kanyang tangi kaligayahan at magandang-maganda para sa kanya. Nguni’t nang makilala niya si Paulita ay naging parang may kulang sa kanya ang bayang iyon at natiyak niyang ang kulang ay si Paulita. IMPLIKASYON: 5. Ano-anong pangunahing kaisipan o aral ang iyong nakuha sa kabanatang ito particular sa pag-ibig? Paano mo magagamit ang mga ito sa iyong buhay? Ang aral na aking napulot sa kabanatang ito ay kung gaano makapangyarihan ang pag-ibig, kaya mong isakripisyo ang lahat at payag ka na gawin ang lahat para rito, dito mo rin makikita kung paano nabibigyan ng pag-asa at inspirasyon ang isang tao kapag umiibig. Magagamit ko itong aral na ito sa aking buhay kapag ako ay umibig na, mas magiging matatag ako at magsusumikap sa mga bagay-bagay para sa pangarap ko at para sa mga taong mahal ko.
80
Kabanata 25: Tawanan at Iyakan
Buod: Ang piging ay idinaos ng mga mag-aaral sa Panciteris Macanista de Buen Gusto. Labing-apat silang lahat kabilang na si Sandoval. Matatalim magsalita ang mga estudyante. Kahit pa nagtatawanan sila ay ramdam pa din ang kanilang hinanakit. Dumating na din si Isagani. Si Pelaez na lang ang wala. Sana daw ay si Basilio na lang ang inimbitahan kaysa kay Juanito, ani Tadeo. Malalasing pa daw sana nila si Basilio at baka sakaling mapaamin ang lihim tungkol sa nawawalang bata at sa isang mongha. Habang kumakain ay inihandog nila kay Don Custodio ang pansit lang-lang, ang sopas ay tinaguriang sopas ng panukala, ang lumpiang intsik ay inalay kay Padre Irene at ang torta’y inukol sa prayle (torta de Frailes). Tumutol si Isagani. Di daw dapat isama sa panunumpa ang isang pari. Sinegundahan ito ni Tadeo. Kahabag-habag daw na inihambing ang alimasag sa mga prayle. Ang pansit gisado naman ay inukol sa pamahalaan at sa bayan. Ani Makaraig, ang pansit ay katutubong lutuing Pilipino. May gusto daw mag-alay ng pansit kay Quiroga na isa raw sa apat na kapangyarihan sa Pilipinas. Samantalang may nagsabi na sa Eminencia Negra (Simoun) raw dapat ialay ang pansit. Hindi handa si Tadeo ng mahilingan siyang magtalumpati. Nagtalumpati din si Pecson na inatake ang mga pari. Aniya, mula raw sa kamusmusan hanggang sa libingan ay mga pari ang kasama natin. May nakakita sa isang utusan ni Padre Sibyla (biserektor sa Unibersidad) na sumakay sa karwahe ni Simoun. Nagtitiktik pala ito sa mga mag-aaral. Nasambit tuloy ni Makaraig ang mga katagang, “Ang busabos ng bise-rektor na pinglilingkuran ng panginoon ng Heneral!” Mensahe: Huwag mawalan ng pag-asa sa bawat pagkabigo na iyong mararanasan o naranasan bagkus ay gawin itong inspirasyon na mas bumuti at gumaling, marahil ay may dahilan ang panginoon kung bakit may mga kahilingan tayo o pangarap na hindi binibigay dahil may mas malaki at mas magandang pang balak ang panginoon sa atin basta ay magiging matatag6 tayo at maniwala sa ating sarili.
81
Pagsusuri Sa Akda: 1. Anu-ano ang mga bagong karanasan ni Placido nang lumisan sa klase ni Padre Millon? Dahil sa nangyaring pagsagot niya sa kanyang propesor siya ay pinagbawalan at tinanggal na sa kanyang paaralan ang nasa isipan naman ng kanyang kaklase ay isa siya bayani dahil siya lamang ang may kakayahang sagutin si Padre Millon. Pagkatapos ng pangyayaring ito naranasan ni Placido ang pag-inom at paglalasing, nalaman din niya ang himagsikan na pinaplano ni Simoun. Ngunit pinilit siya ng kanyang ina na bumalik at magtiis, noong una ay ayaw niya ngunit sa huli ay pumayag siya dahil nga sa nalaman niyang plano ni Simoun marahil ang mga araw na darating ay magiging magulo at madugo kung kaya gusto niya nalamang pauwiin ang kanyang ina. 2. Anong pasiya kaya ang nabuo sa isip ni Placido pagkatapos niyang makadaupangpalad ang mag-aalahas? Nagpasiya siyang bumalik sa Pamantasan at sundin ang kanyang ina dahil alam niyang sa mga susunod na araw ay magiging madugo at magulo kung kaya Malaki ang tsansa na walang silang klase. 3. May mga opisyal ba tayo sa nagyon ang katulad ni Don Custodio pagdating sa laranagan ng pagpapasiya? Patotohanan o pasinungalingan ang iyong sagot. Marahil ay mayroon sa mga opisyal natin dahil sa dami ng mga problema na may kinalaman sa pera o korapsyon ang ating bansa. Malaki ang tiyansa na katulad lamang ito ni Don Custodio na nagpapasya base sa kanyang kalagayan o mood, at kung minsan ay dahil sa pera. Si Don Custodio ay mahilig magpadalos-dalos ng desisyon at tamad, laging nagkokonsulta kila Pepay at Senyor Pasta. 4. May mga dayuhang palabas o panoorin na dumarating sa bansa.Ihambing ang suporta ng mga Pilipino sa mga dayuahan at local na palabas. Ano ang iyong konklusyon ukol rito? Base sa kabanata dalawampu't isa at dalawamput dalawa ang mga Pilipino ay mas sinusuportahan ang mga palabas ng mga dayuhan, mas marami ang gustong manood, mas nasisiyahan sila at payag na magbayad ng malaking pera para lamang makapanood. Kapag sa Local naman ay minsan di nila ito gustong panoorin sa kadahilanan na hindi ito bago sa kanilang paningin o madalas na nila itong nakikita o napapanood, hindi na sila ganun kasaya o kasabik kapag sila ay nanonood. IMPLIKASYON: 5. Bakit kaya binigo ni Rizal si Simoun na mailigtas si Maria Clara?Ano ang ipinahihiwatig niya sa mga mambabasa? Marahil ay gusto ni Rizal na gisingin si Simoun dahil sa nagiging sobra at bulag na siya sa kanyang ginagawa at gusto niya rin ipakita na hindi lahat ng ating gusto ay makukuha natin at hindi naman lahat ay may masayang katapusan.
82 6. Ano o sino kaya ang sinisimbolo ni Paulita na kaakit-akit subalit taliwas ang pangarap sa kapwa Pilipino? Simbolo si Paulita ng isang taong makasarili dahil iniisip niya lamang ang kanyang sarili at ang pansariling kabutihan niya lamang, katulad na lamang ng paglalahad ni Isagani ng pagmamahal at mga pangarap nito para sa bayan imbis na matuwa si Paulita ay nakaramdam siya ng paninibugho na hindi dapat dahil gusto ni Isagani na magkaroon ng maganda at mapayapang bayan para sa kinabukasan nila. 7. Nakita ng mga mag-aaral na may isang binatang nagmamadaling sumakay sa karwahe ni Simoun. Sino kaya ito at bakit hindi lantarang inihayag ng may-akda ang katauhan nito? Maghinuha. Marahil ay ang kanilang nakita na binata na kanilang nakita ay ang utusan ni Padre Sibyla dahil nga sa nangyari pagpapatupad ng paaralan na pang kastila sinabihan sila ni Padre Irene na magdaos ng selebrasyon at upang makasigurado nagpadala sila ng tauhan o alipin na magmamanman sa kanilang ginagawa. 8. Anu-anong mga aral at mahalagang kaisipan ang iyong natutuhan sa kabuoan sa kabanatang ito? Sa kabanatang ito ko natutunan kapag nabigo ka imbis na ikaw ay malungkot, magmukmok at magalit mas mabuting gumawa ka ng paraan kung paano ka ulit babawi at babangon, minsan kailangan mong magtiis para maisagawa mo ang iyong plano, ang iba naman ay lalayo sa mga mahal nila para hindi sila madamay, at ang iba naman ay lumalaban para sa mga mahal nila. Bawat karakter sa nobelang ito may pinaglalaban at may ipinararating sa atin at nasa satin iyon kung paano natin sila intindihin at kung paano tayo matututo sa kanila.
83
Kabanata 26: Mga Paskin
Buod: Ang araw ng pag-uusig ang babago sa mapayapa at tahimik na buhay ni Basilio. Maagang gumising si Basilio para pasyalan sa pagamutan ang kanyang mga pasyente. Bukod dito ay pupuntahan din niya ang kaibigang si Makaraig upang kunin ang hiniram na pera para makuha na niya ang kanyang grado. Habang patungo sa pamantasan ang binata ay napansin niya ang grupo ng mga mag-aaral na pinapalabas sa loob ng paaralan. Maingay nilang pinaguusapan ang mga mag-aaral na sangkot sa paglulunsad ng himagsikan. Gumapang ang takot sa buong katawan ni Basilio dahil sa kanyang mga narinig. Kumalma lamang ang kanyang kalooban nang malamang walang kinalaman sina Simoun at Kabesang Tales sa usapin ng himagsikan. Sa paghahanap niya kay Makaraig ay nakasalubong niya ang mga guwardiya sibil. Pinigilan siya sa pagpasok at pinaghintay sa labas ng bahay ng kanyang kaibigan. Paglipas ng ilang inimbistigahan.
sandali
ay
dumating
ang
kabo
at
pati
siya
ay
Laking gulat na lamang ni Basilio dahil pati siya ay isinakay sa karwahe at hinatid papunta sa tanggapan ng Gobyerno Sibil.
Mensahe: Ang tadhana ay mapagbiro. Kung minsan ang itinuturing mong kaibigan ay siya pa pala ang maghahatid sa iyo ng tiyak na kapahamakan.
84
Pagsusuri Sa Akda: 1. Bakit maagang lumabas ng tahanan si Basilio? Upang pasyalan ang mga pasyente sa pagamutan at puntahan ang kaibigang si Makaraig. 2. Isalaysay ang natuklasan ni Basilio sa ospital at Pamantasan. Pinalabas ang grupo ng mga mag-aaral na sangkot sa himagsikan. 3. Ano kaya ang nilalaman ng poster at sino-sino kaya ang nagpaskil ng mga ito? May kinalaman kaya si Simoun dito? Maghinuha. Wala nang iba pang magnanasang magbagsak sa mga estudyante kundi ang mga kura lalo na ang bise-rektor o si Padre Sibyla. Sila ang may palakad ng resolusyon laban sa paaralan ng Wikang Kastila na di nilagdaan ni Placido. Walang kinalaman si Simoun dahil hindi agad makakakilos dahil sa karamdaman. 4. Bakit at paanong naubusan ng pera si Basilio? Bakit kay Makaraig pa siya nanghiram at hindi kaya Kapitan Tiago? Ipinangtubos nya ang mga naipon para kay Juli. Baka sabihin ng Kapitan na iyon ay paghingi niya ng pauna sa lagi nang ipinangangaking pamana;nahihiya na siya nang gayon. 5. Ano ang sinisimbolismo ng mga mag-aaral na sina Sandoval, Tadeo, at Juanito? Ano ang nakita mo sa kanilang pagkatao nang sila’y pare-parehong maharap sa isang suliranin? Paghambingin. Si Sandoval ay parang walang narinig, Si Tadeo na tuwang-tuwa dahil walang klase at si Juanito na paulit-ulit sinasabing wala siyang kinalaman. Si Sandoval ay isang ignorante at walang pakealam, si Tadeo naman ay sa tingin kong mas tumitingin sa mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya kahit na ikapapahamak nya ito at si Juanito na sa tingin ko'y hindi gustong masangkot sa kung ano mang suliranin. IMPLIKASYON: 6. Anong uri ng pagkatao ang ibig buhayin ni Rizal sa pagkatao ni Basilio?Bakit? Para sa akin, Si Basilio ay isa sa mga takot na ipaglaban ang katarungan. 7. Maituturing bang duwag si Basilio nang talikuran niya ang kaibigang si Isagani na noo’y hindi alintana kung maririnig man siya ng mga prayle sa pagsanib sa may kagagwan ng paskin? Ano ang masasabi sa katangiang ito ni Isagani? Oo, sapagkat siya ay natakot na baka may makarinig na prayle. Si Isagani ay matapang at handang ipaglaban ang katarungan. 8. Tama ba ang pagkakahuli kay Basilio sa kabanatang ito? Ano ang ibig palitawin ng may-akda ukol rito? Sa tingin ko ay hindi sapagkat wala namang kinalaman si Basilio. Ibig sabihin lamang nito na walang pinipili ang mga sibil kung sino at ano ka man.
85
Kabanata 27: Ang Prayle At Ang Estudyante
Buod: Nasa tanggapan ni Padre Fernandez ang mga mag-aaral na si Isagani, Inusig ng pari ang binata sa pagtatalumpati nito sa harap ng mga mag-aaral at kung kasama ba nito sa hapunan. Tinatapat siya ng binata na hinangaan naman ni Padre Fernandez dahil karaniwan daw sa mga ganoon ay tumatanggi. Sumagot si Isagani kung ano raw ang mga mag-aaral ay dahil iyon sa mga pari. Nagpalitan ng papuri ang prayle at binata sa kabila ng palitan ng argumento. Naisa-isa gayunpaman ni Isagani ang mga sakit ng mga pari sa pagiging guro. Sinabi naman ng prayle na malabis na ang sinasabi ni Isagani. Nagpatuloy si Isagani at sinabing kasama ang kalayaan at karunungan sa pagkatao ng nilalang. Nagwikan din ang binata ukol sa gawain ng mga pari na pandaraya at panlalamang sa mga Pilipino para maging maginhawa lamang. Hindi nakapagsalita ang pari at ngayon lamang niya naranasang magipit sa pagkatalo ng isang estudyanteng Pilipino. Mensahe: May mga paring marunong umunawa. Hindi lahat ay may masamang ugali at di-mabuting pagkilala sa mga Pilipino.
86
Pagsusuri Sa Akda: 1. Anu-ano ang mga hangarin ng mga mag-aaral na Pilipino sa mga paring nagtuturo sa kanila? Na huwag tutulan ang kanilang kasiyahan at kasiglahan. 2. Bakit naglakas loob si Isagani na makipagtalo kay Padre Fernandez? Upang tiyakin ang mga sakit sa pagtuturo ng ibang prayle. 3. Ano ang ibig sabihin ni Isagani sa tinuran niyang; “ kayo rin ay walanng awang lumalait sa mangmang na Indio.Ipinagkakait ninyo sa kanya ang mga Karapatan sa dahilang siya ay mangmang. Hinuhubaran ninyo siya. Pagkatapos, kinukutya at ito’y kanyang ikinakahiya.” Dahil nga ang ibang mga pari ay may kaalaman at ang kanilang mga tinuturan ay wala, kanila itong sinasamantala dahil ang ibang estudyante ay walang alam. 4. Ano naman ang kahulugan ng sinabi ni Padre Fernandez na “ang karunungan ay ipinagkakaloob lamang sa sadyang karapat-dapat pagkalooba” Masasabi bang hindi dapat pagkalooban nito ang mga mag-aaral na Pilipino o sa mga tamad na lamang na magaaral? Ibig sabihin ni Padre Fernandez na kung sino ang mas angat, iyon lamang dapat ang may kaalaman. Hindi sapagkat nararapat lamang na turuan ang lahat ng mag-aaral at lahat dapat ay pantay-pantay. 5. Paano nagtapos ang tunggalian ng kaisipan ng prayle at ng mag-aaral na Pilipino? Bakit sa ganitong paraan nagwakas ang kanilang usapan? Si Padre Fernandez ay hindi na nakapagsalita at sinabing lampas na daw sa guhit ang sinabi ng mag-aaral. IMPLIKASYON: 6. Ipaliwanag ang malaking panangutan ng mga guro sa mga kabataang nag-aaral. Kung ano lamang ang itinuro ng mga guro ay iyon lamang ang matututunan ng mga mag-aaral. 7. Wala nga ba/kayang pagsulong ang edukasyon sa isang bansa kung hindi ito pagsisikapan ng pamahalaan? Katwiranan. Wala, sapagkat kung kulang ang mga kagamitan at hindi wasto ang pagtuturo at hindi ito pagsisikapan ay walang maayos na edukasyon para sa mga mag-aaral.
87
Kabanata 28: Pagkatakot
Buod: Nagwika ang mamamahayag na si Ben Zayb na wasto ang kaniyang sinasabi na masama sa Pilipinas ang pagkatuto ng mga kabataan. Nagdulot ng takot sa lahat ang mga paskil, kabilang ang mga pari, heneral, at mga Intsik. Hindi na rin dumalo sa pagtitinda ni Quiroga ang mga pari. Nais namang konsultahin ng takot ding si Quiroga si Simoun tungkol sa mga sandatang nakatago sa ilalim ng bahay. Ngunit nagpaabot lang ng mensahe si Simoun na wag galawin ang mga ito. Nagpunta siya kay Don Custodio ngunit ayaw din nito ng bisita dahil sa takot kaya kay Ben Zayb siya nagtungo. Nakita niya ang dalawang rebolber sa ibabaw ng mga dokumento ng manunulat kaya umalis na ito agad. Nagpunta naman si Padre Irene sa bahay ni Tiago upang ibalita ang kahindik-hindik na pangyayari. Nabalisa si Tiago dahil sa takot at di kinaya ang kuwento. Nawalan na ito ng buhay. Kumaripas naman ng takbo ang pari. May napabalita namang may nagpaagaw ng salapi sa isang binyagan na pinagkaguluhan ng mga tao roon. Inakalang mga pilibustero ang gumawa noon. Hinabol ng mga sibil ang mga ito. May nahuli ring dalawang lalaking nagbabaon ng mga armas na hinabol din ng mga sibil habang isang beterano naman ang napatay.
Mensahe: Kahit ang mga nilalang na ipinakikitang mas matapang sila sa kapuwa ay mayroon ding kinatatakutan. Lahat ng katapangan ay may hangganan, at lahat ng matatapang ay may katapat.
88
Pagsusuri Sa Akda: 1. Bakit tumindi ang pagkabahala ni Quiroga sa pagkatuklas sa mga Paskin? Sapagkat sila ay sinisisi sa himagsikan. 2. Paano lumaki ang paniniwala ni Ben Zayb sa kanyang katalinuhan? Ipinaglandakan niyang tama siya madalas sa sinasabi niyang nakakasama sa Pilipinas ang pagtuturo sa kabataan at ito ay pinatunayan ng paskil. 3. Ilahad ang mga kumakalat na balita na nagpatakot sa maraming tao? Niyari daw ang balak na paglusob sa lungsod sa isang Pansiterya; may bapor pandigma aw ang mga Aleman sa look, katulong ng mga estudyante; may mga estudyante pa aw na nagtungo sa Malakanyang upang magpahayag ng pagkamaka-Kastila ngunit nahulihan sila ng armas kaya't pinagpipit; naligtas daw ang Heneral dahil noo'y nakikipanayam sa mga puno ng orden o provincial sa Pilipinas. 4. Ipaliwanag ang hindi pagbabalita sa pahayagan tungkol sa dalagitang bangkay na natagpuan ni Ben Zyb? Sapagkat baka siya at mapagbintangan. 5. Kung ikaw si Padre Irene, ibabalita mo ba kay Kapitan Tiago ang mgma kaganapan? Bakit? Hindi. Sapagkat matanda na si Kapitan Tiyago. IMPLIKASYON: 6.Makatotohanan ba sa kultura ng mga Pilipino ang pagiging mapaniwalain sa mga bulong-bululngan? Patunayan. Sa tingin ko'y ito ay totoo sapagkat magkaroon lamang ng kaunting chismis ay marami na agad ang naniniwala kahit hindi pa naman ito napapatunayan. 7. Sa iyong pagkukuro, bakit higit na nakatatakot ang mga balitang naririnig sa radio kaysa sa mga pangyayaring iniuulat sa telebisyon? Sapagkat mas nakakatakot at mas nakakabahala ang mga naririnig dahil hindi mo nakikita kung ano talaga ang nangyari.
89
Kabanata 29: Ang Huling Pati-Ukol Kay Kapitan Tiyago
Buod: Abala ang marami sa gaganaping marangyang libing ni Kapitan Tiago. Napunta ang naiwan niyang kayamanan sa Sta. Clara, sa Papa, at sa mga pari. Ang dalawampung pisong natira ay ibinahagi bilang pangmatrikula ng mga mag-aaral. Hindi malaman noong una kung ano ang damit na isusuot ni Tiago sa kaniyang libing. May nagmungkahi na isang damit-Pransiskano, at mayroong nagsabing isang prak na paborito ng Kapitan. Ngunit nagpasya si Padre Irene na isang lumang damit na lang ang isusuot. May mga usapang ding nagpapakita ang kaluluwa ni Tiago bitbit ang kaniyang panabong na manok habang puno ang bibig ng nganga. Sinabi tuloy ng iba na hahamunin ni Tiago ng sabong si San Pedro sa langit. Marangya ang libing na maraming padasal at paawit. Marami ding kamanyan at agua bendita na inialay sa kabaong. Ang katunggali naman ni Tiago na si Donya Patrocinio ay inggit na inggit sa libing ni Tiago at nais na ring mamatay upang mailibing rin nang marangya.
Mensahe: Kung ano ang kabutihang itinanim ay siya ring aanihin. Dahil naging mabuting tao si Tiago, naging maganda rin ang pag-alala ng mga tao sa kaniya hanggang sa huling sandali.
90
Pagsusuri Sa Akda: 1. Kani-kanino ipinamahagi ni Kapitan Tiago ang kanyang kayamanan? Sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. P20.00 ay itinira para pangmatrikula ng mga estudyanteng mahihirap. 2. Bakit hindi itinuloy ang pagpapamana kay Basilio? Dahil sa kawalang-utang na loob. 3. Isalaysay ang mga paksa ng usapan nang mamatay si Kapitan Tiago. Nakita raw ng mga mongha ang nagliliwag na kaluluwa ni Kapitan Tiyago. Iyon daw ang utang sa maraming pamisang nagawa ni Kapitan. 4. Makatotohanan ba ang usapan nina Don Primitivo at Martin Aristorenas? Bakit? Hindi. Sapagkat wala pa namanng nakakapagpatunay. IMPLIKASYON: 5. Anu-anong matatandang kaugalian ang ipinakita sa kabanatang ito?Mabuti ba ito? Patunayan. Marangyang inilibing at inalayan si Kapitan Tiyago. Ito ay mabuti sapagkat maayos ang kanyang pagkahimlay. 6. Ano-anong pamamalakad sa simbahan ang tinutukoy dito ni Rizal? Mabuti ba ang mga ito? Bakit. Marami ang nag-alay at nagdasal. Ito ay mabuti dahil sa paniniwala nila makakapunta sa langit ang kaluluwa pag dinasalan. 7. Ano ang nais ipakita sa atin ng mau-akda sa pakikipagpalaluan no Donya Patrocinio kay Kapitan Tiago? Punahin. Na hanggang kamatayan nadadala ang inggit.
91
Kabanata 30: Si Huli
Buod: Malaking usapan sa San Diego ang pagpanaw ni Kapitan Tiago at pagkakahuli kay Basilio. Labis namang nalulungkot si Juli dahil sa nangyari sa kasintahan. Sa pagnanais na makalaya si Basilio ay naisip niyang lumapit kay Padre Camorra. Ngunit nag-aalangan ito dahil sa maaaring gawin sa kaniya. Gayunman, ilang gabi nang binabagabag si Juli sa kaniyang panaginip. Nabalitaan pa nitong nakalaya na ang mga kasama ni Basilio dahil sa tulong ng mga kaanak. Naisip niyang wala nang tutulong kay Basilio dahil wala na rin si Tiago. Ayaw man niya ay nagtungo si Juli kay Padre Camorra bilang nag-iisa niyang pag-asa para sa nobyo. Nagtungo si Juli sa kombento. At tulad ng naiisip ni Juli, hinalay siya ng pari. Dahil hindi kinaya ang kahihiyang ginawa, tumalon si Juli sa bintana ng kombento. Hindi kinaya ng lolo ni Juli na si Tandang Selo ang nangyari sa apo. Wala siyang makuhang hustisya para sa apo kaya sumama na lamang ito sa mga tulisan ng bayan.
Mensahe: Kapag mahal ang isang tao, gagawin nito ang lahat kahit kapalit nito ay ang kaniyang kaligtasan. May mga tao namang nananamantala ng kagipitan ng iba para maisakatuparan ang mga binabalak.
92
Pagsusuri Sa Akda: 1. Ano-ano ang palagay sa pagkakabilanggo ni Basilio? Dahil hindi daw ito nag-agwa bendita sa simbahan dahil marumi daw ang tubig. 2. Bakit natatakot si Juli sa paglapit kay Padre Camorra? Dahil baka halayin siya ng pari. 3. Paano napapayag ni Hermana Bali si Juli na magtungo sa kumbento? Kinumbinsi nyang walang masamang mangyayari kay Juli. 4. Makatwiran .ba ang ginawang pagtalon ni Juli mula sa bintana ng kumbento? Katwiranan. Sa tingin ko kaya tumalon si Juli dahil dadalhin niya habang buhay ang trauma na nangyari sa kanya at hindi rin naman siguro mabibigyan ng hustisya dahil maaring magsinungaling ang pari. Kaya sa tingin ko ay oo. 5. Bigyan ng palagay ang pagpapahalaga ng mga Pilipina sa puri o dangal Ang puri at dangal ay tumutukoy sa halaga na mayroon ang isang tao. Malapit ito sa kalinisan at mabuting reputasyon. Kung kaya’t ito ay labis na pinapahalagaan ng mga Pilipino IMPLIKASYON: 6. Ihambing ang kadalagahan noon sa ngayon sa pagpapahalaga sa pag-ibig? Sa tingin ko'y mas lumawak ang ating kaisipan para sa mga babae. Unti-unting nabibigyan ng karapatan ang mga kadalagahan ngayon. 7. Patunayang ang kahirapan ay may malaking kinalaman sa kasawian ng mahihirap na bilanggo. Dahil kapag mahirap ka at nasa baba ay hindi pantay ang hustisya kaysa sa mga mayayaman na nakakaangat sa batas. 8. Patunayan na kinakatawan ni Juli ang ating bayan sa kasaysayang ito. Dahil noong panahon ng Kastila marami ang nahalay na kadalagahan para sa ikakasaya ng pari at ganoon ang nangyari kay Juli.
93
Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani
Buod: Mataas ang pagpapahalaga ng Mataas na Kawani sa mga Pilipino. Siya ang nagtanggol kay Basilio at nais niyang tulungan itong ilabas ng kulungan subalit higit na nadidiin si Basilio dahil tahasang sinasalungat ng Kapitan Heneral ang Mataas na Kawani. Si Basilio lamang ang naiwan sa piitan dahil walang padrino. Ipinaalalang mabuti ng Mataas na Kawani sa Kapitan Heneral ang wastong pamamahalang dapat taglayin ng isang Espanyol na kanilang sinumpaan sa pamahalaang Espanyol. Ikinagalit lalo ng heneral ang ginawang ito ng Mataas na Kawani ba humantong sa pagpapabalik sa kanya ng Espanya subalit handa ang kawani sa anumang kahihinatnan ng kanyang ginawa. Mensahe: Sa kabanatang ito, makikita natin kung gaano kahalaga ang pagbubuklodbuklod upang labanan ang lahat ng kasamaan at pang-aapi na dulot ng mga makasariling nilalang. Dahil sa bigla-biglang paghatol ng mga taong may kapangyarihan, ang mga taong mahihirap ay lalong nagdurusa. Ang isang halimbawa ng kaapihan ay ang ginawang pagbilanggo nila kay Basilio, siya ay pinarusahan sapagkat wala siya koneksyon. Papansin din sa kabanatang ang kahiligan ng mga tao na dumikit sa may kapangyarihan para sa pansariling hangarin. Kung ang bawat tao ay nagkaisa upang sugpuin ang pang-aapi at pananakit, wala na sanang ibang tao pa ang makakaranas ng pagdurusa.
94
Pagsusuri Sa Akda: 1. Ipakilala ang mataas na kawani. Siya ay isang Kastila at mataas na kawani ng pamahalaan na kagalang-galang, tumutupad sa tungkulin, may paninindigan, at may kapanagutan. Siya ay may mabuting kalooban para sa kapakanan ng mga makabagong mag-aaral na nagsusulong ng pagtuturo ng wikang Kastila. Lagi siyang salungat kapag hindi pinag pinag-isipan at di mabuti o di pinag-aralang masusi ang panukala ng mga opisyal at kawani. Maging ang pasya ng Kapitan-Heneral ay kanyang tinutuligsa kapag ito ay hindi marapat at mabuti. Siya ay mapanuri at may katarungan. 2. Paano ipinagtanggol ng kawani si Basilio? Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio kay Kapitan Heneral sapagkat si Basilio raw ay mabuting mag-aaral at malapit ng matapos sa pag-aaral ng medisina. Kung kaya’t kinausap ng Kawani ang Heneral tungkol sa mabubuting gawain ng binata, ngunit lalo lamang itong napahamak. 3. Bakit nakasama sa halip na nakabuti ang pagtatanggol kay Basilio ng mataas na kawani? Ang ginawang pagtatanggol ng Kawani kay Basilio ay lalong nagpasama sa kanya, sapagkat lahat ng pagtatanggol ng kawani sa binata ay tinutulan ng Kapitan Heneral na maaaring magpahamak pa lalo sa sitwasyon na kinalalagyan ni Basilio. 4. Ipaliwanag ang katwiran ng Kapitan Heneral sa kanyang ginawang pasiya kay Basilio? Ang katwiran ng Kapitan Heneral kay Basilio ay hindi makatarungan, sapagkat kanyang pinipilit na dinidiin si Basilio sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Pinipilit niyang panatilihin si Basilio sa kulungan kahit na alam niyang wala itong kasalanan, upang matupad lamang kanyang pansariling hangarin. 5. Bigyan ng reaksyon ang pag-alis sa tungkulin ng mataas na kawani. Ako ay napaisip sa biglaang pagpasiya ng kawani na bumitaw sa kanyang katungkulan, ngunit batay sa sagutan nila ng Kapitan Heneral, ang Kawani ay isang taong makatarungan at may paninindigan, at hindi niya maaatim ang mga bagay na makakasira sa kanyang prinsipyo at paniniwala kung kaya’t kanyang napagpasyahan na umalis at bumalik na lamang sa Espanya.
95 IMPLIKASYON: 6. Paano ipinakita ng may-akda sa kabanatang ito ang kapangyarihan ng salapi? Sa kabanatang ito makikita natin na kapag mayroong kapangyarihan at pera ang isang tao ay maaari niyang magawa ang kahit ano mang kanyang nanaisin, kagaya na lamang ng paggamit ng Kapitan Heneral ng kanyang kapangyarihan at salapi upang matakpan ang kanyang pagkakamali at para manatili si Basilio sa bilangguan kahit ito ay wala namang kasalanan. 7. Bakit nagbitiw sa tungkulin ang kawani? May kawani pa bang katulad niya sa ating bayan? Sa aking palagay, nagbitiw sa tungkulin ang Mataas na Kawani sapagkat hindi niya kayang maging sunod-sunuran at pumayag na lamang sa mga desisyon at pasiya ng Kapitan Heneral. Sa kasalukuyan, ako ay naniniwala na mayroon pang mga tao sa ating bayan na kagaya ng Mataas na Kawani, taong mayroong paninindigan, at gagawa ng mga bagay para sa ikakabuti ng kanyang bayan. 8. Sa ngayon, may mga Kapitan Heneral pa kaya sa ating pamahalaan?Patunayan ang sagot. Kung mayroong taong katulad ng kawani, kung gayon ,sa aking palagay, ay mayroon ding mga taong katulad ng Kapitan Heneral. Ang bawat pamahalaan ay binubuo ng iba’t ibang uri at kaugalian ng mga tao, kung kaya’t hindi maiiwasang kung mayroong taong, sakim sa kapangyarihan at gumagawa ng mga bagay na magpapabuti para lamang sa kanyang sarili, ang magiging parte ng isang pamahalaan.
96
Kabanata 32: Mga Ibinunga ng Paskin
Buod: Naiba ang takbo ng buhay ng mga tao sa siyudad lalong-lalo na ang buhay ng mga mag-aaral na sangkot sa kaguluhang kaugnay ng mga paskin- ang iba ay pinahinto at pinagsaka na lamang ng mga magulang; ang hindi nakapasa sa pagsusulit ay nagplanong magtrabaho na lamang; may nawalan ng kasintahan; at iba pa. Nagkaroon nang walang saysay na pagpatay sa mga Indio na hindi na nabigyan ng imbestigasyon at katarungan. Ang mamamahayag na si Ben Zayb ay malaya pa rin sa paksang inilathala na pabor pa rin sa mga Espanyol. Hindi niya inilalathala ang malalagim na sinapit ng mga Indio sa malulupit na kamay ng mga Espanyol. Mensahe: Sa kabanatang ito, makikita ang kahalagahan ng pera para sa isang tao. Maaari mong magawa ang kahit na ano mang iyong nais kapag mayroon kang pera sapagkat ang pera ang nagbibigay sayo ng kapangyarihan upang magawa ang mga bagay-bagay. Katulad na lamang ni Macaraig, siya ay mayaman kung kaya’t siya ay naka-alis agad sa kulungan at pumunta sa ibang bansa dahil ayaw niya ng madamay pa sa gulo. Habang si Basilio naman ay nanatili pa rin sa kulungan dahil wala siyang pera at taong tutulong sakanya.
97
Pagsusuri sa Akda: 1. Bakit natatakot ang mga magulang ng mga mag-aaral na probinsyano? Ang dahilan kung bakit natakot ang mga magulang ng mga mag-aaral ay dahil ito ay ibinunga ng paskin. Nakulong sina Isagani, Macaraig, at Basilio dahil sila ay pinagbintanggan sa pagdidikit ng mga paskin na naglalaman ng pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. At dahil sa pangyayaring ito, natakot na muli ang mga magulang na pag-aralin ang kanilang mga anak. 2. Paano tinanggap nina Tadeo at Juanito ang kanilang pagkakatigil sa pag-aaral Si Tadeo ay nagdiwang sa pamamagitan ng pagsunog ng kanyang aklat sapagkat siya magkakaroon na sa wakas nang walang katapusang bakasyon. Habang si Juanito naman ay di nasisiyahan sapagkat maiiwan na niya ang paaralan dahil sa tindahan ng kanyang ama. 3. Paghambingin sina Juanito at Isagani batay sa pasiya ni Paulita na pakasal sa una?
Isagani ● ● ● ●
Indiong tagalalawiganin Nangangarap sa kanyang kagubatang puno ng linta Mapag-aalinlanganan ang angkang pinagmulan Ang amaing pari na walang kinaanibang orden.
Juanito ● ● ● ● ●
Matalino Maliksi Masaya Anak ng isang mangangalakal May dugong Kastila
mayamang
4. Ilahad ang mga bali-balita tungkol kay Simoun. Isa sa mga usap-usapin tungkol kay simoun ay ang pagbabalak nitong magbigay ng piging na hindi pa nakikita kailanman. Mayroong bulong-bulungan na nagsasabing kinakailangan umalis ni Simoun kasama ng Kapitan Heneral pagkatapos ng panunungkulan nito. 5. Sa palagay mo ba ay dapat kainggitan si Don Timoteo Pelaez? Bakit? Sa aking palagay, sa mga taong kapos-palad ay kakaingitan nila ang mga magagandang bagay na nangyari sa buhay ni Don Timoteo, ngunit sa mga taong mapapalad, ito ay kanilang ipagsasawalang bahala na lamang. Ngunit kahit ano man ang estado ng ating buhay, dapat tayong matutong makuntento sa kung anong meron tayo at magsikap upang maabot ang ating mga pangarap.
98 IMPLIKASYON: 6. Dapat nga kayang ikalungkot o ikatuwa ang di pagpasok sa paaralan?Katwiranan. Ang edukasyon ay isa sa pinakamahalagang bagay para sa ating mga mamamayan sapagkat ito ay ang nagpapalawak sa ating kaisipan at magpapaunlad sa ating bansa. Kung kaya’t dapat ikalungkot ng mga kabataan ang di pagpasok sa paaralan dahil ito ang isang paraan upang makamit natin ang inaasam-asam na tagumpay. 7. Kung kayo ay iibig, ano ang iyong gagamitin? Puso o pag-iisip? Kung ako man ay sakaling umibig, gagamitin ko pareho ang aking puso at pag-iisip. Gagamitin ang puso upang sundin ang ano mang nais gawin at ibigay ang pagmamahal na nararapat para sa iyong kasintahan, at gagamitin ang pag-iisip upang ihanda ang sarili sapagkat maraming bagay ang pwedeng mangyari, at dapat handa ang iyong puso’t isipan na tanggapin ang ano mang kahihinatnan ng inyong pag-iibigan.
99
Kabanata 33: Ang Huling Matuwid
Buod: Nagtungo si Basilio sa tahanan ni Simoun nang matulungan siya nitong makalaya. Kakaibang Basilio ang nabasa ni Simoun sa kanya. Sa labi mismo nito nanggaling ang buong puso niyang pagsuporta sa paghihiganti ni Simoun. Lubhang nagalak ang mag-aalahas sapagkat natagpuan niya ang isa pang taong makatutulong sa kanyang minimithi. Ipinaliwanag na mabuti ni Simoun sa binata ang mangyayaring pagsabog sa mina ng mga pulbura na siyang magiging hudyat ng isang madugong rebolusyon na papawi sa lahat ng masasama sa kasalan.
Mensahe: Kahit na nag-iisip ng matuwid ang isang tao, mayroon paring pagkakataon na kakapit siya sa patalim dahil sa mga suliranin at pinagdadaanan sa buhay. Makikita sa kabanatang ito na dahil sa paghihirap na napagdaanan ni Basilio siya ay kumapit sa patalim at sumama sa planong paghihimagsik ni Simoun kahit alam niyang mayroong mga inosenting tao ang madadamay. Huwag dapat nating hayaan na tayo’y pangunahan ng ating mga emosyon sapagkat ito ay magdudulot lamang ng kasawian at paghihiganti na lubos nating pagsisisihan sa huli.
100
Pagsusuri sa Akda: 1. Paano nakalaya si Basilio? Si Basilio ay nanatili sa bilanguan ng ilang buwan sapagkat walang taong makakatulong sakanya upang makaalis. Ngunit pagkaraan ng ilang buwan siya tinulungan ni Simoun na makalaya at sumama sakanya sa himagsikan. 2. Ilarawan si Basilio nang humarap sa mag-aalahas. Malaki ang pinagbago ng mukha ni Basilio ng siya ay nagpakita kay Simoun. Humpak ang kanyang mga pisngi, gusot-gusot ang buhok, at ang kanyang dating malungkot na mata ay nagkaroon ng kakaibang kislap 3. Bakit nagtungo si Basilio kay Simoun? Siya ay nagtungo kay Simoun ng siya ay makalaya upang sumama sa paghihimagsik na binabalak ng mag-aalahas, sapagkat kanyang naisip na kinalimutan niya ang pagkamatay ng kanyang kapatid at ang hirap na dinanas ng kanyang ina at siya pinaparusahan ng Diyos. 4. Ilahad ang mga balak ni Simoun sa gabi ng kasal nina Juanito at Paulita? Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod. At mayroong lampara si Simoun na naglalaman ng nitro-glicerina na kanilang ipapasabog sa mismong araw ng piging. 5. Makatwiran ba ang pasya ni Basilio na makiisa kay Simoun? Bakit? Sa aking palagay ay makatwiran din ang naging pasya ni Basilio na sumama kay Simoun sa paghihimagsik sapakat siya ay nakaranas ng pang-aapi at mga pasakit dahil sa pamahalaan, maliban pa roon ay siya ay mayoong pinaglalaban. Ngunit ang mali sakanilang ipinaglalaban ay ang pagdamay sa mga inosente, at isa pa alam naman nating hindi paraan ang paghihiganti upang makamit ng hustisya na ating hinahangad.
101 IMPLIKASYON: 6. Ang poot nga kaya ay nakapanghihina sa katwiran? Patunayan. Sa tingin ko naman ay hindi nakakapanghina ang poot sa katwiran ng tao sapagkat lahat ng tao ay nakakaramdam ng iba’t ibang emosyon katulad ng poot at hindi nababawasan ang katwiran nito. Ito ay ay nakadepende kung paano nila ito pangasiwaan dahil minsan kapag tayo ay pinapangunahan ng poot ito ay nagdudulot ng mga bagay na maaari nating pagsisihan. 7. Kung ikaw ay naghahangad ng pagbabago, mamarapatin mo ba ang dahas upang madali ang pagtatagumpay? Katwiranan. Kung ako ay maghahangad ng pagbabago ang dahas ay hindi ko gagamitin, sapagkat ito ay hindi nararapat at makatarungan. Kahit kailan man ay hindi tama ang paggamit ng dahas sa pagkamit ng pagbabago. Hayaan natin na ang panahon ang magdala sa atin sa pagbabago na ating hinahangad.
102
Kabanata 34: Ang Kasal
Buod: Sa dating tahanan ni Kapitan Tiago idaraos ang kasalan nina Juanito at Paulita. Nabili ito ni Don Timoteo sa murang halaga lamang. Ginastusang mabuti ni Don Timoteo ang kasalan mula sa perang inutang niya kay Simoun. Inaabangan ng lahat ang piging. Hindi ipinaalam ni Simoun kay Basilio ang tungkol dito at ang tanging bilin ng mag-aalahas ay umiwas siya sa kalye Anlaogue kung saan idaraos ang piging. Nang makita ni Basilio ang bagong kasal ay nahabag siya para sa kaibigang si Isagani na una niyang hinanap bago magtungo kay Simoun.
Mensahe: Nais ipahiwatig ng kabanatang ito kung gaano kahalaga ang impluwensya ng pera sa mga tao, kahit pa sa mga personal na usapin katulad na lamang ng kasalan. Isang halimbawa rin nito ay ang papapakasal ni Paulita sa taong hindi naman niya lubos na iniibig, ngunit dahil sa impluwensiya ng pera ay napapayag nito si Donya Victorina na magpakasal kay Juanito at pinabayaan ang kanyang mga pangarap. Dapat nating tatandaan na hindi katumbas ng ano mang halaga ang iyong kasiyahan kung kaya’t gawin mo kung ano man ang iyong nais at ang mga bagay na magpapaligaya sayo.
103
Pagsusuri sa Akda: 1. Anu-ano ang pagbabago sa tahanan ni Kapitan Tiago? Ang bahay ni Kapitan Tiago ay nahati sa iba’t ibang bahagi para sa iba’t ibang uri ng tao. Isa itong uri ng diskriminasyon na hindi dapat ginagawa ng mga tao. Gaano man tayo kahirap o kayaman, makapangyarihan man o hindi, dapat lahat tayo ay pantay-pantay ang tingin sa bawat isa. 2. Bakit napakalaki ng kapalarang napasakamay ni Don Timoteo Pelaez? Dahil si Simoun ay walang sariling bahay, sa bahay ni Don Timoteo na lang gaganapin ang pagdiriwang. Kumalat na din ang balitang kasalan ni Paulita Gomez sa anak nyang si Juanito. Bukod pa dito ay marami ang nagsabi na napakaswerte ni Don Timoteo, sapagkat una ay nakabili ito ng murang bahay, pangalawa ay nabenta nya sa magandang halaga ang kanyang mga yero, pangatlo ay naging kasosyo nya si Simoun, at panghuli ay ang pagpapakasal ng kanyang anak sa isang mayamang eredera na si Paulita. 3. Paano nakilala ang mga dakilang panauhin sa kasal nina Juanito at Paulita? Makikilala ang mga dakilang panauhin sa kasal nina Juanito at Paulita dahil ang mesa, kung saan sila nakaupo at ang diyos-diyosan, ay sa asotea nakalagay. Sa mesa rin nila makikita ang mga pinakamasarap na pagkain at mahal na alak na inihanda para sa piging. 4. Sa palagay mo, bakit naging mauwag si Don Timoteo sa pag-aayos ni Simoun sa bahay ni Kapitan Tiago? Sa aking palagay, naging maluwag si Don Timoteo kay Simoun ay dahil na rin sa pagtulong nito upang maka angat sa lipunan. Pinautang siya ng pera ni Simoun upang ipaghanda ang pinakamarangyang kasalanan sa kanilang bayan, at tinulungan din siya ni Simoun upang makuha ang bahay ni Kapitan Tiago sa murang halaga. 5. Kung ikaw si Basilio mangangarap ka kaya ng pagkilala ng iba sa gawaing iniatas saiyo ni Simoun? Bakit? Kung ako si Basilio, hindi ko pangangarapin na makilala ng ibang tao dahil lamang sa utos na iniatas saakin ng isang makapangyarihan na tao. Mas nanaisin ko na makilala ako batay sa aking sariling kakayahan, sa mga mabuting gawain, at sa sarili kong tagumpay.
104 IMPLIKASYON: 6. Mahalaga nga kaya sa mag-aasawa ang marangyang kasalan?Bakit? Hindi importante ang marangyang kasalan basta’t kayo ay nagmamahalan. Kahit isang simpleng kasalan lang ang magaganap kung tunay mong iniibig ang iyong papakasalan ito ay maituturing nang isang masayang selebrasyon sapagkat kayo ay lubos na nagmamahalan. 7. Hangad mo bang makilala at makasama ng mga kilalang tao kahit ito’y palabas lamang?Katwiranan. Kung ako ang papipiliin, mas gugustuhin kong makasama at makikila ng mga taong totoo kahit hindi sila kilalang tao. Mas mahalaga parin na kasama mo ang mga taong mapagkakatiwalaan mo sapagkat hindi ka nila lolokohin at sasamahan ka hanggang dulo.
105
Kabanata 35: Ang Piging
Buod: Nagdatingan ang mga panauhin mula sa mababa hanggang sa may pinakamataas na katayuan sa buhay at tungkulin. Hindi maintindihan ni Don Timoteo ang gagawing pag-estima sa nga panauhin lalo na sa Kapitan Heneral. Samantala, dahil likas ang kabutihang loob ni Basilio, nahirapan siyang pigilan ang sarili. Ilang ulit niyang sinubukan at bigyang-babala ang mga panauhing inosente na madadamay sa pagsabog subalit hindi niya ito nagawa nang makita niya ang mga sanhi ng kanyang kabiguan ay nang marinig niya si Simoun na galit na nag-utos sa kutsero na tila sa kanya ipinararating na magmadaling lumisan sa kinaroroonan nito. Sa pagkakataong lilisanin na niya ang lugar ay nakita niya ang matalik na kaibigang si Isagani na tila tulala na nakatingin sa nangyayaring piging. Pinigilan niya ito at sinabihang huwag magtungo roon subalit tumanggi siyang sumunod kaya nabunyag ang tungkol sa lihim na regalong gintong “lampara”.
Mensahe: Ating makikita sa kabanatang ito na namamayani pa rin sa ilan ang kabuting loob kahit na mayroong pagnanasang gumanti sa kapwa. Maaaring nais nating maghiganti upang makamit ang hustisya na ating hinahangad dahil sa hirap na ating dinanas, ngunit ating tatandaan na hindi lamang ito ang paraan upang makamit ang hustisya. Hayaan natin na ang ating Panginoon ang magbigay parusa sa mga taong mapang-api at nagbigay pasakit sa atin, at atin na lamang piliin ang gumawa ng tama at mabuti para sa ating kapwa.
106
Pagsusuri sa Akda: 1. Anong larawan o kaugalian ng mga Pilipino ang masasalamin sa nangyaring handaan? Ipaliwanag ang iyong sagot Ang kaugaliang Pilipino na masasalamin sa nangyaring piging ay ang matinding pagpapahalaga nila sa kani-kanilang antas sa lipunan. Nais ng mga tao rito na mas angat sila sa kahit na sino sa handaan sapagkat gusto nila na kilalanin sila bilang makapangyarihan sa lipunan. 2. Ano-anong mga bagay ang pumasok sa isip ni Basilio nang makita niya ang lamparang naglilinis ng masasama sa bayan? Ano ang damdaming nanaig sa kanya nang makita ito? Nanaig ang kabutihan ni Basilio nang makita niya ang lampara.Nilimot ang ina, ang kapatid, si huli, at ang sariling kaapihan. Ninais niyang iligtas ang mga tao na maaaring madamay sa magaganap na pagsabog, ngunit siya pinigilan ng mga kawal dahil sa marungis niyang anyo. 3. Dapat nga kayang mamutla si Padre Salvi sa lagda ni Ibarra? Bakit? Sa tingin ko dapat itong mamutla dahil sa mga kasalanan na ginawa niya kay Ibarra. Nang Makita niya ang lagda ni Ibarra ay kanyang naalala ang mga kamaliang ginawa nito sa binata na labing tatlong taon ng nakalipas. Si Padre Salvi rin ang naging dahilan kung bakit pumasok si Maria Clara, na iniibig ni Ibarra, sa kumbento. 4. Bakit pinigilan ni Basilio si Isagani na magtungo sa kasalan? Bakit hindi matiis ni Isagani na mailigtas ang kanyang kasintahan gayong talusira ito sa kanilang pag-iibigan? Pinigilan ni Basilio si Isagani na mupunta sa kasalan sapagkat alam niyang mayroong pagsabog na gaganapin sa piging, na magiging resulta ng kanilang paghihimagsik, at ayaw niyang madamay pa rito si Isagani. Lubos at buo na pagmamahal ang mayroon si Isagani para kay Paulita kung kaya’t hindi niya matiis na mapahamak ang kanyang minamahal kahit na ito ay talusira sa kanailang pag-iibigan. 5. Bakit kaya hindi natuloy ang ikalawang hudyat para sa madugong rebolusyon? Ano ang nais ipahiwatig dito ng may-akda? Hindi natuloy ang binabalak na himagsikan nila Simoun sapagkat nalaman ni Isagani ang kanilang plano mula kay Basilio. Nang mapagtanto ni Isagani ang plano ay agad niyang kinuha ang lampara, na iniregalo ni Simoun na isang Granada para sa kanilang rebolusyon, mula sa asotea at inihagis ito sa ilog upang doon sumabog.
107
6. Ano ang iyong naramdaman sa bahaging malapit nang magtagumpay si Simoun subalit napigilan ni Isaganing malipol ang mga sanhi ng pighati at kasawian ng napakaraming Pilipino? Ako ay nakaramdam nang kaunting panghihinayang para kay Simoun sapagkat matagal na niyang binalik ang maghimagsik laban sa mga taong umapi sakanila. Ngunit sa kabilang dako ako rin ay natutuwa sapagkat walang inosenting mga tao ang nadamay sapagkat hindi nagtagumpay ang rebolusyon. 7. Paano haharapin ni Simoun ang mga pangkat ng tulisan at mga guwardiya-sibil sa nabigong pagsabog? Maniniwala pa kaya silang muli kay Simoun? Bakit? Sa palagay ko ay haharapin ni Simoun ang mga tulisan nang mayroong pagsisisi sapagkat hindi nagtagumapay ang kanilang pinaplanong paghihimagsikan. Kung sila ay lubusang naniniwala kay Simoun, sa palagay ko ay pagkakatiwalaan pa rin nila ito dahil na rin sa kanyang kakayahan. 8. Sino kaya ang madidiin kapag natagpuan ng mga imbestgador na sa bahay ni Don Timoteo ay may mina ng pulbura? Ano kaya ang magiging buhay nina Paulita at Juanto pagkatapos nito? Sa aking palagay ang madidiin sa ganitong sitwasyon ay si Don Timoteo, sapagkat gaya nga ng sinabi, sa bahay mismo ni Don Timoteo natagpuan ang mina ng pulbura na ginamit para sana sa pagsabog. Ang marangyang buhay nina Paulita at Juanito ay siguradong maaapektuhan, ngunit kung pipiliin nilang magkaroon ng simpleng pamumuhay ay siguradong mas magiging tahimik at mapayapa ang kanilang buhay. IMPLIKASYON: 9. Ang pagmamahal ng aba sa kasintahan ay dapat pa rin pangibabawin kahit na ito’y tumaliwas na sa inyong pagmamahalan? Ipaliwanag. Ang pagmamahal ay dapat pa ring mangibabaw sapagkat ito ay walang pinipili. Kahit na ito ay tumaliwas na sainyong pagmamahalan, piliin pa rin nating na magmahal nang walang hinihinging kapalit dahil iyon ang tunay na pagmamahal. Makikita natin sa kabanatang ito na mas mahalaga pa rin ang pagmamahal at pagpapatawad sa kahit ano mang galit at pagkasawi na ating naramdaman at naranasan.
108
Kabanata 36: Mga Kagipitan ni Ben Zayb
Buod: Agad na umuwi si Ben Zayb mula sa bahay ni Kapitan Tiago at hindi makatulog. Dito ay nakaisip na naman niyang gumawa ng balita na bayani raw ang kapitan, ang mga prayleng sina Salvi at Irene, at si Don Custodio. Gayunman, ibinalik ng patnugot ng kanilang diyaryo ang sulat ni Ben dahil ipinagbawal daw ng heneral ang pag-alala sa anumang nangyari noong gabing iyon. Nabalitaan naman ni Ben ang paglusob sa Ilog Pasig. Ninais na naman niyang gumawa ng balita ukol doon. Ngunit natagpuan niya ang sugatang si Padre Camorra na pinagnakawan daw ng mga naghimagsik. Gustong dagdagan ni Ben ang bilang ng mga lumusob. May nahuli sa mga tulisang naghimagsik. Umamin itong kasama sila sa pangkat ng isang alyas Matanglawin. Hudyat dawn g paglusob nila ang pagputok na nangyari. Di naniniwala ang mga nag-aklas na si Simoun ang pinuno nila. Ngunit nawawala na si Simoun at wala na rin ang mga armas doon.
Mensahe: May mga kuwento at bali-balitang ginagawa at pinalalala lamang ng mga mananahi ng istorya. May mga taong napapahamak at naniniwala kaya kailangan ay maging mapagmatiyag. Huwag agad maniniwala sa balita hangga’t hindi ito napatutunayan.
109
Pagsusuri Sa Akda: 1. Bakit hindi na dumalo sa hapunan at sayawan si Ben Zayb? Hindi dinaluhan ni Ben Zayb ang hapunan at sayawan para isulat ang kaniyang lathalain na pumupuri sa katapangan ng mga prayle at ng Kapitan Heneral sa nabigong nakaraan. 2. Paano tinanggap ni Zayb ang pagbabawal ng heneral sa mga lathalain tungkol sa pista? Nalungkot si Ben Zayb dahil dito dahil siya ay paalis na papuntang Espanya sa mga susunod na buwan at hindi niya maisusulat ang lathalain na ito. Nawala ang kaniyang pagkakataon si Ben Zayb na pagandahin ang imahe ng Kapitan Heneral at lumikha ng balita na ikapupuri ng publiko and Kapitan Heneral. 3.Ilahad ang pagkabigo ng mga tulisan sa mga pangako ni Simoun. Ang pangako ni Simoun sa mga tulisan ay ang kaniyang pagtatrabaho para sa Kapitan Heneral. Sila raw ay papakawalan kung magnanakaw sila sa Santa Mesa at kung sila ay magtagumpay ay ang isang parte ng kayamanan ay mapupunta sa kanila. Nabigo sla dahil si Simoun ay walang intensyon maging parte nito. 4. Matibay ba ang mga ebidensya laban kay Simoun? Patunayan. Oo dahil ang inilarawan ng mga nahuling tulisan kung sino may pakana ng pagnanakaw ay isang lalaking kamukha ni Simoun, at dahil sa pagkawala niya, ay mas nagsuspetya sa kaniya at nang magpunta ang mga guwardiya sibil sa bahay ni Simoun ay mayroong natagpuan na mga armas kaya sapat itong ebidensya laban sa kaniya. 5. Kung ikaw si Simoun, magtatago ka rin ba? Bakit? Hindi, dahil kung magtatago ako ay mas maniniwala sila sa sasabihin ng kung sino man ang nakikita nila. Mas maghihinala sila sa akin kung ako ay mawawala dahil hindi nila malalaman ang pahayag mula sa aknig panig. Itatago ko ang mga armas na maaaring gamitin laban sa akin at para hindi na sila magsagawa ng karagdagang imbestigasyon. IMPLIKASYON: 6. Maituturing bang magaling na mamamahayag si Zayb? Bakit? Hindi dahil panay maling impormasyon ang ikinakalat niya sa publiko. Kung siya ay madiskubre, malalaman ng lahat ang kaniyang mga kamalian at pagiging pekeng mamamahayag si Ben Zayb. Dahil sa kaniyang ginagawa hindi uunlad ang isang bansa dahil sa maling kaalaman na ipinapaalam niya sa publiko. 7. Makatwiran bang tugisin si Simoun ng pamahalaan, tulisan at ng taong bayan? Katwiranan. Oo, dahil mali pa rin ang inaksyon ni Simoun. Kahit masama ang pamahalaan at tulisan, hindi dapat niya ginawa ang kaniyang ginawa. Pinapahiwatig ng sumulat nito, na si Gat. Jose Rizal, ay kahit anong klaseng gobyerno ang iyong kalaban, hindi tama ang takbuhan ang ganitong klaseng mga bagay dahil mas mapapalala lang sitwasyon na haharapin.
110
Kabanata 37: Ang Hiwaga Buod: Kahit na gumawa ng hakbang ang pamahalaan ay lumaganap pa rin ang balita sa mga mamamayan. Isa sa mga sanhi ng pagkalat ng balita ay si Chikoy na nagdala ng alahas kay Paulita. Kaniya-kaniya nang hula ang mga tao sa kung sino ang maysala. May nagsasabi na si Don Timoteo o si Isagani na kaagaw ni Juanito kay Paulita. Binalaan si Isagani ng may-ari ng tinutuluyan ngunit di ito nakinig. Nagpatuloy ang mga usapan tungkol sa pagsabog. Lumakas ang hinala ng mga naroon nang maisip nila si Simoun. Kapansin-pansin daw kasi ang pagalis niya bago ang hapunan. Sila rin umano ni Don Timoteo ang nag-ayos ng piging at pinaalis ang lahat. May mga nagsabi naman na baka mga prayle ang nagpasabog. Mayroon ding naniniwala na si Quiroga o si Makaraig. Ngunit buo na sa isip nila na si Simoun dahil kasalukuyan na ring nawawala ito at pinaghahanap na ng mga sundalo.
Mensahe: Ang mensahe sa kabanatang ito ay ang pagiging bahagi na ng ating kultura ang mga tsismis at sabi-sabi. Ang pagpapalitan ng mga balitang hindi kumpirmado at walang patunay ay madalas na nagbubunga ng hindi pagkakaunawaan at nagpapalala lamang ang mga suliranin na hinaharap.
111
Pagsusuri Sa Akda: 1. Anu-anong pagbabago ang napansin sa karaniwang nangyayari sa mag-anak na Orenda? Mayroon silang natagpuang mga sako ng pulbura sa bahay, nakwento rin nila ang nangyari sa kasalan ng nakaraang gabi. Nabigla ang lahat at hindi makapaniwala na si Simoun ang may pakana ng lahat ng mga naganap, 2. Bakit maraming naibabalita si Chichoy? Binebentahan ng balita si Chichoy dahil alam ng lahat kung gaano kabilis kumalat ang balita, totoo man o hindi, mabilis maniwala ang taong bayan noong panahon ni Rizal dulot ng kahirapan at kawalan ng maayos at tapat na gobyerno, kaya ipinapahiwatig niya ang maling paraan ng pagkalat ng balita sa publiko. 3. Paano iniligaw ni Isagani ang mga kausap upang hindi siya paghinalaan? Nabanggit ni Isagani na kung alam ng magnanakaw ang mangyayari, hindi na nila itutuloy ang pagnanakaw. Dahil sa sinabi ni Isagani naiba ang pinag-uusapan at hindi siya pinagdudahan. 4. Sa iyong palagay bakit hindi pinasabog ng may-akda ang lampara? Hindi sumabog ang lampara dahil walang naninigarilyo, kung mayroon man, sasabog ang lampara kasama ang mga sako ng pulbura. 5. Makatotohanan ba ang pag-uusap sa mga bayan-bayan tungkol sa isang isyu kahit sa bagong panahon? Patunayan. Oo dahil ang mga Pilipino ay mahilig makitsimis lalo na sa mga bagong isyu na kanilang nalalaman. Sa panahon ngayon, normal na lamang ang mga ganitong usapin ukol sa mga balitang kumakalat sa mga bayan at naging parte na ito ng buhay ng bawat Pilipino. Madalas ito sa social media at mga taong nagkukwentuhan sa labas ng ating mga tahanan. IMPLIKASYON: 6. Ipaliwanag ang kahulugan ng pamagat ng kabanata. Ang ipinahihiwatig ng pamagat ng kabanatang ito ay ang hiwaga na nakatago at naibungkal sa istorya dahil patapos na ito. Pwede rin ito maging hiwaga ng mga balitang naibanggit ni Chichoy o di kaya ang hiwaga ng lamparang ninakaw at binenta ni Simoun. 7. Kung ikaw si Isagani, pagsisisihan mo ba ang pagkuha sa lampara? Bakit? Oo, upang hindi ako paghinalaan at maging delikado ang sitwasyon ng aking buhay at para mailigaw ang balitang pinaguusapan.
112
Kabanata 38: Ang Kasawian
Buod: Pinagdadakip ng pamahalaan ang pinaghihinalaang tulisan upang mawala ang kanilang mga kinatatakutan. Ang mag dinadakip ay pinahihirapan ng mga sibil na Pilipino. Iginagapos ang mga ito at pinalalakad ng tanghali. Ginagawa nila nang walang anumang pananggalang sa init sa tanghali ng Mayo. Nagwika si Mautang na isang Pilipinong guwardiya sibil na may karapatan silang pahirapan ang mga nakapiit dahil pare-parehas naman silang mga Pilipino. Maya-maya pa ay may mga tulisang sumugod at pinaulanan sila ng bala. Nasawi si Mautang at ang ilan pang mga sibil. May nakita naman si Carolino na isang lalaki sa may talampas na itinataas ang kaniyang baril ngunit di niya ito makita nang maayos dahil tirik ang araw. Nakita ni Carolino ang isa sa mga nabaril nila. Nakita niyang iyon ang kaniyang Lolo Selo. Tumuturo ito sa talampas na ilang sandali lang ay nawalan na ng buhay. Hindi makapaniwala si Carolino na mapapatay niya ang kaniyang lolo.
Mensahe: Maaaring madamay sa ating mga isinasagawa ang ibang mahal natin sa buhay kaya dapat nating pag-isipan ang mga bagay-bagay bago ito tuluyang isagawa. Kahit hindi sila direktang maapektuhan o direkta man, malaki pa rin ang epekto nito sa kanila.
113
Pagsusuri Sa Akda: 1. Ilarawan ang pamiminsala ni Matanglawin sa bayan-bayan. Dumadalaw sa iba’t-ibang probinsya si Matanglawin upang maminsala tulad ng pagkasira ng sakahan at pagkamatay ng Juan de La Paz ng Tiani. Nagpunta sila sa Cavite upang magnakaw ng baril hanggang makaabot sila ng Tayabas, Pangasinan at Cagayan. 2. Bakit maraming umanib kay Matanglawin sa kabila ng kanyang paglusob sa Luzon? Maraming kumampi kay Matanglawin dahil maraming takot sa kanya dahil kinukulong niya ang mga taganayon at sinasaktan ang sinuman lalaban sa kanya. Dahil sa kanilang paglusob sa Luzon, maraming naaresto na sila ay inakala ng mga guwardiya sibil na isa sa sila sa mga tulisan dahil sa kanilang kahirapan. Marami sa kanila ay napilitan na sumali sa pangkat ni Matanglawin dahil takot sila na mahuli ng guwardiya sibil. 3. Makatwiran ba ang pagmamalupit ng mga sundalo sa mga bihag? Bakit? Hindi dahil maaaring maghimagsik ang mga bihag at magsagawa ng rebolusyon laban sa mga sundalo. Isang halimbawa nito ay ang hukbo ng Britanya noong World War II, nirespeto nila ang mga bihag at binigyan sila ng magandang kondisyon upang sila ay makipagtulungan sa kanila. 4. Kung ikaw ay isang bilanggo, nanaisin mo bang mamatay kaysa tumanggap ng mga parusa? Katwiranan. Oo, dahil noong panahon ng Kastila, kahit tumanggap ka ng napakaraming parusa, papatayin ka rin sa dulo. Kaya mas nanaisin kong mamatay kaysa maranasan pa ang mga hindi makataong parusa na ibibigay sa akin. 5. Sa iyong palagay, ano ang damdamin ng Tandang Selo sa kanyang apo na si Tano nang magkita sila? Si Tano sa kanyang lelong? Masakit sa kanila ito parehas lalo na kay Tano at Carolino, masakit din ito para kay Tandang Selo dahil silang ng kanyang anak ay kasama ng mga tulisan habang si Tano naman ay kasama ng mga guwardiya sibil dahil sa pagpatay niya sa kanyang sariling lolo. IMPLIKASYON: 6. Ang pagsunod ba sa utos ng nakatataas ay dapat sundin kahiit ikamatay ng iyong mahal sa buhay? Katwiranan. Depende ito kung may nagawang mali ang sangkot na mahal ko sa buhay. kung wala naman ginagawa ang mahal ko sa buhay, ay hindi ko susundin ang utos na ito dahil sa hindi ito makatarungan at hindi makatao ito dahil mayroong karapatan ang bawat tao lalo na ang mga inosente. 7. Ipaliwanag ang pamagat ng kabanata batay sa sinapit ng mag-anak ni Tandang Selo? Sa pamagat ng kabanata mismo ay makikita ang nangyari, ito ay dahil sa kasawian ng tatlong magkakamag-anak na pinaghiwalay at pinilit magtagpo ulit. Ilan sa kasamahan nila ang naghiganti para matapos na ang kanilang paghihirap sa kanilang trabaho. Hindi maganda ang naganap sa kanilang buhay, tulad na lamang sa buhay ni Tano at ni Kabesang Tales, na hindi nabanggit sa libro ang nangyari sa kanila pagtapos nilang manatili sa guwardiya sibil.
114
Kabanata 39: Ang Katapusan
Buod: Nagmamadaling umalis si Don Tiburcio dahil akala ay siya ang pinadadakip na Kastila. Ngunit ang tinutukoy ay si Simoun na nasa puder ni Don Florentino. Natagpuan niya si Simoun na sugatan at sinabi naman ng alahero na nakuha niya ang sugat sa isang aksidente. Naghihinala naman ang pari sa katotohanan. Nalaman niyang isang tulisan si Simoun nang mabasa ang telegrama. Tanging si Don Tiburcio lamang ang nais ni Simoun na mag-alaga sa kaniya. Tumigil sa pagtugtog ng kaniyang harmonya ang pari. Naisip kasi nito ang pakutyang pag-ngiti ni Simoun. Nanumbalik ang lahat ng ginawa ni Simoun—ang pagpapalaya ni Simoun kay Isagani sa piitan at ang paggawa nito ng paraan upang makasal sina Paulita at Juanito. Agad na pinuntahan ng pari si Simoun sa silid nito. Nakita niyang tila nanghihina na ang alahero, tila may malubhang sakit. Nalaman ng pari na nagpatiwakal ito at uminom ng lason. Dinasalan ng pari ang binata hanggang nalagutan ng hininga.
Mensahe: Hindi solusyon ang pagpapatiwakal sa ating mga problemang nararanasan. Ito ang naiisip ng iba dahil sa tindi ng problemang nararanasan nila na sila rin naman ang may kagagawan. Marami pang pwedeng gawin upang malampasan ang mga pagsubok na ito.
115
Pagsusuri Sa Akda: 1. Bakit umalis si Don Tiburcio sa tahanan ni Padre Florentino? Nagkamali ang akala ni Don Tiburcio sa liham na natanggap ni Padre Florentino. Inakala ni Tiburcio na gusto siya barilin ni Donya Victorina dahil may galit sa kanya ito. Nabanggit ni Padre Florentino na dahil to sa pagkakamali ng baybay, ang salitang cojera na ang ibig sabihin ay pagkapilay, ay dapat na binaybay sa salitang cogero, na ang ibig sabihin ay paghuli, at ang Perez ay si Simoun. Hindi siya naiintindihan ni Tiburcio dahil sa kanyang pagkatakot. 2. Ipaliwanag ang pagtataka ni Padre Florentino sa pagtungo ni Simoun sa kanyang tahanan. Nagtataka siya dahil wala siyang kaalaman sa mga nagaganap sa Maynila. Inakala niya na umalis lang ang Kapitan Heneral habang hinahabol si Simoun ng kanyang mga kalaban. 3. Isalaysay ang pangungumpisal ni Simoun. Nabanggit niya noong nakaraang 13 na taon, bumalik siya mula Europa upang pakasalan ang kanyang kasintahan na si Maria Clara. Mabuti ang kanyang intensyon kahit sa kanyang mga kaaway, pero dahil sa layon niyang ito, muntik na siyang mamatay sa kamay ng kanyang kaaway.Ngunit kapalit ng kanyang buhay ay buhay ng kanyang kaibigan. Tumungo siya sa ibang bansa gamit ang kayamanan ng kanyang pamilya na nakabaon sa lupa ng kanilang kagubatan. Naging parte siya ng giyera sa Cuba at doon sila nagkakilala ni Kapitan Heneral. Pinahiram niya ng pera ito at naging magkaibigan sila. Minanipula niya si Kapitan Heneral at kinumbinsi niya ito gumawa ng masasamang bagay dahil alam niya na sakim si Kapitan Heneral. Nabanggit ni Padre Florentino ay walang kwenta kung ang mga alipin ay magiging malupit din na pangulo. 4. Sa palagay mo ba ay namatay si Simoun nang walang pananalig sa Diyos? Patunayan. Nawala ang pananalig ni Simoun sa Diyos dahil sa mga pangyayaring nagaganap sa Pilipinas. Inisip niya na wala naman talagang Diyos. Marami siyang nagawang mali nang mawala ang kanyang pananalig, nasira ang kanyang pamumuhay at halos masira na niya ang kinabukasan ng bansa. 5. Kung ikaw si Padre Florentino, ano ang gagawin mo sa kayamanang naiwan ni Simoun? Ang kayamanan na naiwan ni Simoun ay maaaring ibigay para sa kapakanan ng bansa, ngunit sinabi na mismo ni Padre Florentino na hindi pa handa ang Pilipinas dito, Kung ako si Padre Florentino, itatago ko nalang ito at gagamitin ito kapag maayos na ang kalagayan ng bansa at para hindi ito mapunta sa kamay ng masasama.
116 IMPLIKASYON: 6. Talaga nga kayang ang kayamanang material ay walang puwang sa kabilang buhay? Ipaliwanag. Oo dahil kung paano ka pumasok sa mundo, lalabas ka din ng ganoon. Hindi nagagamit ang kwarta sa kabilang buhay. Ang madadala mo lamang sa kabilang buhay ay ang iyong sarili at ang mga alaala mula sa iyong pagkabuhay. Pare-pareho lang ang estado ang mga nasa kabilang buhay dahil pare-pareho sila ng pagkakalikha. 7. Sa iyong palagay, makatwiran ba si Padre Florentino sa kanyang mga payo at paliwanag kay Simoun? Bakit? Makatwiran ito dahil hindi man ito nagawa ni Simoun, ito ay nagbibigay ng aral sa mga mambabasa ng akda. Ipinapahiwatig ng may akda nito na si Gat. Jose Rizal, na hindi pa handa ang Pilipinas para sa sariling gobyerno dahil marami pa rin ang gustong abusuhin ang kapangyarihan na maaaring makuha nila,