Data Loading...

Filipino Buwan ng Wika Sanaysay Flipbook PDF

Filipino Buwan ng Wika Sanaysay


116 Views
59 Downloads
FLIP PDF 50.16KB

DOWNLOAD FLIP

REPORT DMCA

Buwan ng Wika, Filipino at mga Katutubong Wika Isa sa mga inaabangan ng mga Pilipino sa buwan ng agosto ay ang pagmamalaki ng ating wika at mga celebrasyon at event na ginaganap, dahil nga ang buwan ng agosto ay ang buwan ng wika. Sa Buwan na ito maraming mga celebrasyon na hindi lang nakakapagbigay ng kaalaman hindi lang tungkol sa wika natin kundi sa ating kultura din. Noong panahon ay hindi pa talaga tuwing agosto nagdidiwang ng buwan ng wika, ang tawag pa noon ay linggo ng wika at ginaganap ito tuwing Marso 27, hanggang April 2 dahil ito ang kaarawan ni Francisco Balagtas. Tuwing Buwan ng Wika madaming celebrasyon at mga pangyayari na nagaganap, isa sa mga ito ay ang mga kompetisyon katulad ng Sabayang Pagbigkas, Balagtasan, Pagtutula at madami pang iba. Madami ding mga eksibit at parada na nagaganap para maslalo pa nating makita o matutunan kung gano kaganda ang ating wika at kultura. Para naman sa mga estudyante may mga ginaganap din na mga programa sa mga paaralan tulad ng Filipiniana para maipagdiwang ang buwan ng wika, sa mga programa na to may mga sayawan at kantahan na nagaganap tungkol sa iba’t ibang kultura ng ating bansa. Kaunti palang yan sa mga bagay na nagaganap tuwing Buwan ng Wika, kaya ito ginagawa para mapahalagahan natin ang sariling kultura at para din tayo ay may matutunan at matandaan sa ating wika.