Data Loading...
G2 HEALTH M2-4 V4 Flipbook PDF
G2 HEALTH M2-4 V4
583 Views
494 Downloads
FLIP PDF 1.66MB
1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy: Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pangekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalangalang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang magaaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral: Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. 2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nagiisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pangunawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
2
Alamin Natin Magandang araw! Kumusta ka? Masaya ka ba? Maligayang pagsasamang muli sa modyul na ito. Ang pag-aaral ng MAPEH ay makatutulong sa iyo upang maintindihan mo ang mga ideya at mga konsepto nito. Pero bago mo matutunan ang lahat ng iyon, nararapat munang matutunan mo ang mga pangunahing aralin. Sa modyul na ito, matututunan mo ang kahalagahan ng pagkain ng tama at masustansyang pagkain.
Subukin Natin Kulayan ang larawan sa ibaba.
Balikan Natin Ayusin ang letra ng salita upang mabuo ang tinutukoy ng pangungusap. sakalaba 1.Ito ang masustansiyang gulay na nagpapalinaw ng mata. gibut 2. Kapag nauuhaw ka umiinom ka nito. deber 3. Kulay ng masustansiyang gulay. susmasiyatan 4. Uri ng pagkain na nagpapalakas at nagpapasigla ng katawan tagas 5. Masustansiyang inumin ng isang bata. 3
Tuklasin Natin Halina’t magbasa tayo: Ang bilin ni Ina Kumain tuwina, Ng pagkaing iba’t iba Nakagagana Gulay, karne, isda Marami pang iba Malusog na katawan Ito ay hatid sa tuwina Ngayong ako’y ina Habilin din sa mga bata Kumain nang masustansya
Talakayin Natin Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong: 1. Ano ang bilin ng ina sa anak? 2. Ano-ano ang dapat kainin para maging malusog? 3. Bakit kailangang kumain ng masusustansiyang pagkain? Ating Alamin!
4
Ang mga mantika, mantekilya, at margarina ay nagbibigay-init. Ang taba ay nagpapadali sa pagsipsip ng bitamina A. Ang mga huling nabanggit ay matatagpuan sa pinakahuling bahagi ng pyramid subalit kung ating susuriin nagbibigay ito ng init sa katawan kung kaya’t maaari at kabilang din ang mga ito sa unang pangkat.
5
Ang balanced diet ay naglalaman ng mga sustansya na kinakailangan ng ating katawan sa pang-araw-araw. Ito ay naglalaman ng Fats, Protein, Carbohydrates, Fibre, Vitamins, at Minerals.
6
Pagyamanin Natin Gawain 1 Ihanay ang mga basket na nasa hanay A sa mga larawan na nasa hanay B ang dapat nitong ilagay sa loob nito.
gatas
carrots
isda
prutas
manok at itlog Gawain 2 Ang labindalawang mahahalagang sustansya ay nakatago sa magkakahalong titik sa ibaba. Ang mga salita ay nakasulat nang pahalang o pababa. Hanapin ito sa pamamagitan ng pagbibilog sa mga salita. Ang una ay ginawa upang gabayan ka.
7
Nahanap mo ba ang mga salitang ito? calcium food iron sodium potassium bitamina.
protina carbohydrate energy mineral sulfur fat
Gawain 3 Paano ka mgpaplano ng ng balanseng pagkain sa isang araw? Punan ang talaan sa ibaba.
8
Almusal
Tanghalian
Hapunan
Tandaan natin May natutunan ka ba sa ating aralin? Halika’t isapuso natin ang ating natutunan ngayong araw.
Ang wastong nutrisyon ay tungkol sa mga pagkaing ating kinakain at kung paano ito ginagamit ng ating katawan upang tayo ay manatiling malusog. Ito ay nangangahulugan ng pagkain nang tamang uri at wastong dami ng pagkain.
9
Isabuhay natin Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang pangungusap.Piliin ang tamang salita sa loob ng kahon.
1. 2. 3. 4. 5.
Nutrisyon Go food Balanced Diet Grow food Glow Food Ang ____________ ay naglalaman ng tamang dami ng pagkain sa iasng plato. Pangunahing pangkat ng pagkain ay ang __________. Ang mga gulay ay halimbawa ng ______________. Kumain ng mga pagkain na may wastong __________ upang maging malakas at malusog ang katawan. Ang mga karne ay kabilang sa _______________.
Tayahin Natin Isulat ang tamang titik sa patlang. _____ 1. Pangunahing pangkat ng pagkain na mayaman sa carbohydrates. a. Grow foods b. Glow foods c. Junk foods d. Go foods _____ 2. Naglalaman ng tamang dami ng pagkain mula sa tatlong pangunahing pangkat ng pagkain a. balanseng pagkain b. junk food c. pagkaing gulay d. instant na pagkain Almusal Tanghalian Hapunan _____ 3. Alin sa mga ito ang halimbawa ng Glow foods? a. kanin at cereal b. manok at isda c. prutas at gulay d. tinapay at mantikilya _____ 4. Ang pampalaki ng katawan ay tinatawag na_______. a. Go foods b. Grow foods c. Glow foods d. Junk foods _____ 5. Ang noodles at pansit ay halimbawa ng______. a. Junk foods b. Grow foods c. Glow foods d. Go foods _____ 6. Ano ang mga Glow foods? a. pagkain na nagsasaayos ng katawan b. pagkain na nagbibigay ng lakas c. pagkaing nag papalaki ng laman d. pagkain na nag papalaki ng katawan _____ 7. Ano ang hindi balanseng almusal? a. champorado, tuyo at saging b. ensaladang prutas at katas ng pinya c. manok, pinasingawang gulay at mansanas d. tinapay, itlog na maalat na may kamatis, at orange 10
_____ 8. Si Jack ay isang aktibong bata. Mahilig siyang lumangoy at tumakbo. Anong pangkat ng pagkain ang kailangan niya? a. Go foods b. Junk foods c. Glow foods d. Grow foods _____ 9. Si Grace ay lumalaking bata. Kailangan niya ng pagkaing mayaman sa __________. a. fats at oils b. carbohydrates c. protina d. bitamina at mineral _____ 10. Anong pangkat ng pagkain ang kailangan mo kapag ikaw ay may sakit? a. Grow foods b. Glow foods c. Go foods d. Junk Sanggunian https://lrmds.deped.gov.ph/detail/5965
https://news.nutritioneducationstore.com/wpcontent/uploads/2016/02/MyPlate-Coloring-Page.jpeg https://image.slidesharecdn.com/copyofwhatarethefoodgroups22003w ithjkaudio-090308170005-phpapp02/95/eatwell-plate-1728.jpg?cb=1239636133 http://dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/wastong_pagk ain_at_maging_malusog.pdf https://www.google.com/search?q=empty+basket+clipart&tbm=isch&h l=en&rlz=1C1CHBD_enPH839PH839&hl=en&ved=2ahUKEwj3oMeP4K7qA hWbIqYKHUM6CEUQrNwCKAJ6BQgBENwB&biw=1481&bih=676#imgrc= hT-7o3VvL1VlpM https://www.google.com/search?rlz=1C1CHBD_enPH839PH839&q=glow +foods+clipart+black+and+white&tbm=isch&chips=q:glow+foods+clipa rt+black+and+white,g_1:coloring:fZCH7d2z8qY%3D&usg=AI4_kQBBc081zwtCbHFbwrvH3aL1oMcQ&sa=X&ved=2ahUKEwiPvoqY4q7qAhUJHXAKHViRDnMQgI oDKAB6BAgKEAQ&biw=1500&bih=675#imgrc=yKst5laHt8UFDM https://www.google.com/search?rlz=1C1CHBD_enPH839PH839&q=glow +foods+clipart+black+and+white&tbm=isch&chips=q:glow+foods+clipa rt+black+and+white,g_1:coloring:fZCH7d2z8qY%3D&usg=AI4_kQBBc081zwtCbHFbwrvH3aL1oMcQ&sa=X&ved=2ahUKEwiPvoqY4q7qAhUJHXAKHViRDnMQgI oDKAB6BAgKEAQ&biw=1500&bih=675#imgrc=c3EH8k0sv1WH-M https://www.google.com/search?q=grow+foods+clipart+black+and+w hite&tbm=isch&ved=2ahUKEwim9ZzM4a7qAhVFGKYKHer6B0cQ2cCegQIABAA&oq=grow+foods+clipart+black+and+white&gs_lcp=CgN pbWcQAzICCAAyBggAEAgQHlDhtwJYL4CYL7TAmgAcAB4AIABrAGIAbgCkgEDMC4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdp ei1pbWc&sclient=img&ei=_-z9Xub5BMWwmAXq9Z4BA&bih=675&biw=1500&rlz=1C1CHBD_enPH839PH839#imgrc=YmKy1J93bLueM
11
Development Team of the Module Writers: Mariel T. Bides, Susan A. Delos Santos Editors: Content Evaluator: Rady D. Delos Reyes Language Evaluator: Gladys Xziera D. Ramos Reviewers: Diane D. Herrera Layout Artist: Mariel T. Bides, Susan A. Delos Santos, Camille Jewel L. Garcia Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief MR. SHOJI GERONA, EPS - MAPEH DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS
For inquiries, please write or call:
Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City Telefax: 8384251 Email Address: [email protected]
12