Data Loading...

GROUP PEREZ-POLILLO - LAKBAY-SANAYSAY (MAGASIN) Flipbook PDF

GROUP PEREZ-POLILLO - LAKBAY-SANAYSAY (MAGASIN)


154 Views
9 Downloads
FLIP PDF NAN

DOWNLOAD FLIP

REPORT DMCA

HUNYO 2022

TILAMSIK SISID 'pagkat doon mo matitingala ang

ganda ng sariling atin

SAGWAN sa agos ng buhay; patuloy pang

maglakbay



TAMPISAW sa naglalarong tubig kasabay ng

along mahinahon

PEREZ PLARIDEL PAGBILAO SAMPALOC MAUBAN POLILLO

LARAWAN MULA SA EVERYTHING QUEZON FB PAGE

tungkol sa pabalat Ang magasin na ito ay pinamagatang "TILAMSIK". May dalawa itong pagpapakahulugan ayon sa pananaw ng mga manunulat. Una ay ito ay representasyon ng mga lugar sa Quezon na may mga anyong-tubig na tila tago pa sa nakararami. Ikalawa, ang tilamsik aya kumakatawan sa payapang natatamasa sa pagtakas sa realidad ng buhay. Sa bawat tilamsik, doon nakakahanap at nakakatagpo ang tao ng katahimikan. 2

Ang larawan ay sumasalamin sa kabuuang tema ng magasaing ito paghahanap ng sarili at muni-muni kung saan ang isang manlalakabay ay malayo ang tanaw kasabay ng rumaragasa at matulin na tilamsik ng mga tubig. Kaaakibat ng paglalakbay sa mga anyongtubig ang pag-SISID, pagkatpos nito'y matitingala ang ganda pa rin ng paligid. Naroon din ang pag-SAGWAN at patuloy na paglalakbay sa agos ng buhay. Sa bawat alon na kung minsan ay rumaragasa, minsan ay mahinahin, malaya yong mag-TAMPISAW at sumabay sa agos.

nilalaman POLILLO 35 Bato Beach Resort 37 Pulong Kukok

MAUBAN

PEREZ

31 Dahoyhoy Falls

05 Perez Fish Sanctuary

35 Cagbalete Island 07 Gumagamat Falls

SAMPALOC

PAGBILAO

25 Ilog Kakati

16 Kwebang Lampas

27 Malaog Cave

19 Pulong-giting Falls 21 Ilog Balsa

3

PLARIDEL 11 Pantalan sa Plaridel 13 Kawa-kawa Falls

ISANG SIMPLENG BAYAN, SIMPLENG BUHAY! Aru, adu, aba, iya, hihiyaw ka, yanung ganda!

PEREZ, Quezon

Ang bayan ng Perez ay matatagpuan sa Alabat Island. Kilala ang bayang ito sa natural na ganda lalo na pagdating sa yamang tubig na tulad ng isang kristal na kumikinang dahil sa taglay nitong linaw.

KUHANG LARAWAN NI VICTOR CEDRICK ALPAY

4

Gusto mo bang pumunta sa PEREZ, Quezon?

M

ula sa Cubao, sumakay ng bus na byaheng Quezon at bumaba sa Atimonan Port. Pagdating sa pantalan, sumakay ng pampasaherong bangka na papuntang Perez, Quezon. Ang oras lamang ng byahe ay 11:00am at I:00pm na kung saan tatagal ang byahe sa dagat ng humigit-kumulang na dalawang (2) oras. Bilang panghalili kung wala ka ng naabutang pampasaherong bangka ay maaari kang sumakay sa mga bangkang papuntang Alabat, Quezon. Pagkatapos ay sumakay ng tricycle papuntang Perez na humigit-kumulang na isang (1) oras ang byahe

PEREZ FISH SANCTUARY Nais mo bang makahanap ng isang tahimik na lugar ngunit sulit na sulit at pak na pak sa ganda? Isa sa pinakamagandang tourist destination sa bayan ng Perez ay ang PEREZ FISH SANCTUARY. Ito ay isang marine sanctuary na kungsaan binuo at itinitag noong 1991. Ito ay may lawak na humigitkumulang na 330 hertarya. Noong pumunta kami sa Perez Fish Sanctuary nakipag-ugnayan muna kami sa tourism staff upang makakuha ng permit na kinakailangan upang makapunta sa lugar na ito. Gayundin, ang isang taong pupunta rito ay kinakailangan magbayad ng entrance fee na nagkakahalagang 75 pesos. Mas magandang makipag-ugnayan muna sa munisipyo ng Perez bago magplanong pumunta sa naturang lugar. Ang Perez Fish Sanctuary ay matatagpuan sa harapang bahagi ng Perez Port o sa daungan ng pampasaherong bangka. Ito rin ay matatanaw at masisilayan sa mismong daungan sapagkat ito ay malapit lamang.

5 KUHANG LARAWAN NI

VICTOR CEDRICK ALPAY

"PARA KANG LUMALANGOY SALOOB NG AQUARUIM"

K

ung pupunta ka dito mas mainam na may dala kayong pagkain katulad ng aming ginawa sapagkat wala tindahan sa gitna ng dagat. Ang nababagay na pagkain sa ganitong lugar ay mga pagkain-dagat tulad ng alimasag, hipon, isda at sasabayan ginataang langka.

KUHANG LARAWAN NI VICTOR CEDRICK ALPAY

Gayundin, kung magdadala kayo ng cellphone dapat ay mayroon kayong waterproof bag case para kung sakali mangmahulog ang inyong cellphone o nais ninyong kumuha ng larawan sa ilalim ng dagat. Noong pumunta kami dito ay wala akong mabilhang waterproof bag case kaya hindi ako nakakuha ng larawan. Dagdag, palaging isuot ang life jacket upang masigurado ang kaligtaas kung sakaling may pangyayarihan hindi inaasahan. Ang life jacket ay ibibigay ng tourism staff bago kayo sumakay ng bangka. Dapat din ang kasuotan susuotin mo ay naangkop sa panlangoy para hindi ka mahirapan Tungkol naman sa aming bangkang sinakyan, ito ay nagkakahalagang limang daan peso o 500. Ang bangka ay maghihintay hanggang sa oras ng uwian ngunit mas mainam na maghanda ng mas malaki pa sa nabanggit na halaga dahil baka nagkaroon ng pagbabago bunga pandemyang ating nararanasan sa kasalukuyan. Huwag na huwag ding kalilimutang magdala ng maraming tubig dahil ito ang pinakangkailangan sa lahat. Sa bawat pagsisid sa ilalim ng dagat makakakita ka ng iba't ibang klase ng isda at koral. Kay gandang pagmasdam ng tubig na tulad ng kristal na kumikinang dahil sa sobrang linaw. Ang lugar na ito ang nagbigay sa akin ng tunay na kahulugan ng "kapayapaan at katahimikan sa gitna ng karagatan" dahil tanging huni lamang ng mga alon ang aking naririnig at hindi alintanan ang init ng araw dahil may kubong masisilungan. Ilang minuto man ang aming byahe papunta sa Perez Fish Sanctuary ngunit ang aking karanasan at danas sa lugar ay hinding hindi ko makakalimutan sapagkat ang natural na ganda at yamang dagat ng aming bayan ay aking nasilayan mula sa malayang isdang nakakasidsid sa makukulay at buhay na koral sa ilalim ng dagat. Kaya't saan ka pa? Bumisita kana sa lugar na ito na magbibigay sayo ng "peace of mind". 6

6

GUMAGAMAT FALLS

S

awa kana ba sa dagat? Ano pa ang hinihintay mo? Tara na sa GUMAGAMAT FALLS. Ang talon na ito ay matatagpuan sa dulong bahagi ng bayan ng Perez, sa Brgy. Pambuhan. Ang lugar na ito ay may layong 26 kilometro mula sa mismong bayan ng Perez at maaring tumagal ang byahe ng humigit-kumulang na isang (1) oras. Pagkarating sa Brgy. Pambuhan kinakailangan maglakad pa ng humigit kumulang na isang (1) oras kasama ang pahinto at pagtigil upang makapagpahinga para makarating sa Gumagamat Falls. Noong nagpunta kami sa talon na ito ay kumausap kami sa mga naninirahan sa Brgy. Pambuhan na samahan kami dahil hindi namin alam ang daan patungo sa talon. Kung kaya't sinamahan kami ng mga taga-roon at pinahingi na lamang namin ng kaunting pera dahil siya ay nagsilbi na ring tour guide. Kung nais mong pumunta sa lugar na ito dapat ay mayroon kang kasama na taga-Pambuhan sapagkat mahirap ang daan at malito baka ito ay magbunsod pa ng pagkaligaw at pagkawala.

KUHANG LARAWAN NI IZZY D. MANLOGON

7

KUHANG LARAWAN NI IZZY D. MANLOGON

Ang pagpunta sa Gumagamat Falls ay walang entrance fee na babayaran dahil ito ay libre sa sinumang nagnanais na pumunta. Ngunit bago ka pumunta dito ay kinakailangan mong magdala ng maraming tubig dahil sa mahaba-habang lakarin upang marakating at magdala na rin ng mga pagkain dahil mahirap at kakaunti ang tindahan sa Brgy. Pambuhan. Mainam ding magdala ng mga lutong pagkain. Nang pumunta kami dito nagdala kami ng pritong hotdog, adobong manok, pakwan, pansit at iba pa. At habang naglalakad kami ay nakakita kami ng puno ng saging kung kaya't kumuha kami ng dahon nito para gamitin sa boodle fight. Bukod sa pagpuntang talon, nagsilbi rin itong hiking sa amin dahil sa aming nilakad at kung pupunta ka sa lugar na ito siguradong may dala kang sombrero para hindi mo maramdaman ang init. Tiyakin ding kauulan bago pumunta sa talon. Halimbawa, pupunta ka ngayon dapat kahapon ay umulan upang ang agos ng tubig sa talon ay marami at hindi tuyo. Pwede rin magdala ng cellphone o kahit anong gadget sa lugar ngunit walang signal kung kaya't maari lamang magamit ang dalang cellphone sa pagkuha ng larawan. Kung pupunta ka rito mas mainam na nakapag-download kana ng mga movies na gusto mong mapanood at mayroon kang dalang powerbank

N

para masiguradong hindi malolowbat ang cellphone na iyong dala at matiyak ang "selfie is lyf" na pak na pak para sa instagaram at facebook post mo.

ang makarating kami sa Gumagamit Falls ang una naming sinabi ay "tabi po apo" dahil ang bilin ng mga matatandang naninirahan sa Brgy. Pambuhan ay magsabi ng ganitong kataga upang hindi magalaw ng masasamang lupa naninirahan sa talon kung mayroon man. Ang katangang ito ay pagbibigay galang sa mga bagay-bagay naninirahan sa talon. At muli itong bigkasin bago umalis ng talon. Ang Gumagamat Falls ay hindi masyadong kilala sa bayan ng Perez dahil sa heographiya nitong lokasyon na malayo sa kabayanan ngunit nang ako ay makarating sa lugar na ito ay lubos akong namangha dahil sa taglay nitong natural na ganda. Walang ingay na naririnig kundi agos ng mga tubig na pumapatak mula sa taon na siyang magbibigay dahil para makapagmuni-muni tungkol sa buhay.

5 8

Matapos masaksihan ang ganda at

mga yamang tubig sa PEREZ,

QUEZON

YANU AY! ABA,TARA NA SA PLARIDEL!

9

PLARIDEL,

PINAGPALANG MUNTING BAYAN

“ANG BAYAN NG PLARIDEL AY NAGSIMULA NOONG PANAHON NG MGA KASTILA, SINASABING ANG PLARIDEL AY SIKAT SA “COCONUT PLANTATION” AT MAY MGA PRODUKTONG GAWA SA COCONUT, IBA’T-IBANG URI NG GULAY AT MGA PRODUKTONG YARI SA ISDA. DITO RIN SA PLARIDEL DUMADAONG ANG MGA BARKO MULA SA IBANG BANSA UPANG MAKIPAGPALITAN NG KALAKAL ANG PLARIDEL AY HANGO SA PANGALAN NI MARCELO H. DEL PILAR SAPAGKAT ANG KANYANG GINAMIT NA CODE NAME O PSEUDONYM NOON AY PLARIDEL.”

KUHANG LARAWAN NI VIC ABUEL

10

Nais mo bang dumayo sa bayan ng Plaridel? Mula sa Lucena City Grand Terminal, sumakay ng bus na byaheng Calauag o Tagkawayan at bumyahe sa loob ng mahigit isang oras at kalahati. Pagkalampas sa bayan ng Atimonan ay makikita ang arc na nagsasabing nakarating ka na sa aming mungting bayan. Malapit lang diba, kaya halika na!

Hanap mo ba ay isang lugar kung saan ka makakalanghap ng sariwang hangin at may magandang tanawin? Mukhang alam ko kung ano ang hinahanap mo. Tara na sa Siain!

LARAWAN MULA SA HALINA TANAWIN ANG PLARIDEL

Ang PANTALAN SA PLARIDEL (SIAIN), QUEZON ay isang lugar na itinatag mula pa noong panahon ng mga Kastila. Ayon sa aking nakapanayam, ang pier o pantalang ito ang nagsilbing daungan ng mga barko o bangkang nakikipagpalitan (import / export) ng kalakal tulad na lang ng copra at bigas. Ngunit sa kasamaang palad ay natuldukan ang ganitong kalakalan taong 1980's at nagsilbi na lang itong Fishing booth kung saan madalas silang nanghuhuli ng isda bilang kanilang pangunahing pangkabuhayan.

KUHANG LARAWAN NI KYLA ALVAREZ

Ang pantalang ito ay malapit lang sa simbahan ng Plaridel, kaya kung nais mong pumunta rito pagkatapos mong sumimba ay puwedeng-puwede! Mga limang minutong lakaran mula sa simbahan at tatawid ka lang ng kalsada ay tatambad na sa iyo ang iyong hinahanap.

KUHANG LARAWAN NI JOHNER MABUNGA

11

Lasapin ang samyo ng sariwang hangin Hindi na man ganoon kalaki ang naitutulong nito upang makilala ang bayan ng Plaridel magmula nang matapos ang kalakalan, ay malaki pa rin ang naitutulong nito sa ibang paraan dahil bukod sa rito sila namimingwit ng isda ay nagsisilbi rin ito bilang isang tourist attraction. Ayon nga rin sa aking nakapanayam na nananinirahan malapit sa Pantalan ay malimit itong gawing pasyalan lalo't higit ng mga tao sa Plaridel, upang magliwaliw at maligo dahil na rin sa angkin nitong ganda kahit napaglumaan na ng panahon. Sa lugar na ito ay wala ka nang iintindihing entrance fee dahil ang pagpasok dito ay libre at malaya kang gawin ang iyong naisin na alam mong makakapagpasaya sa'yo. Kung napagdesisyunan niyo nang pumunta rito ay mas mainam na may dala kayong blanket, fishing rod, mga pagkain at inumin upang matamasa ang sulit na pananatili. Mas maganda rin kung umaga o hapon kayo pumunta dahil yanong init sa tanghali. Habang kayo ay nandito, maaari kayong maghapin o manghuli ng mga isda sa dulong bahagi ng pantalan KUHANG LARAWAN NI kasama ang mga residente ng Plaridel, at tiyak na NICERON ROFILES makahuhuli kayo ng naglalakihan at iba't ibang uri ng Ang nakagawiang kultura ng mga naninirahan isda. malapit dito ay ang paglalakad-lakad dito tuwing Maaari ring akyatin ang parola o light house na umaga, habang naghahapin at naliligo naman sila sa makikita pagkapasok mo pa lang sa pantalan, sa dagat tuwing hapon. tuktok nito ay mas matatanaw ang kalawakan at Kung kayo ay hindi residente ng aming bayan, tiyak kagandahan ng baybaying dagat sa Plaridel. na magugulat kayo sa mga tao rito dahil mapa-bata, binata, dalaga, o matanda ay nagkakasiyahang magtalunan sa pantalan pabagsak sa dagat kapag sila ay naliligo. Ngunit ang nakalulungkot lang, sa mga nakalipas na taon ay madalang na ang mga turistang pumupunta rito at mas madalas ay mga bakasyunista na lamang. Sa kasalukuyan din ay pansamantalang nakasara ang pantalan dahil ito ay nasa ilalim ng rehabilitasyon. Inaayos ito dahil sa mga nakalipas na taon ay sinira ito ng mga dumaang malalakas na bagyo. Sa muling pagbubukas nito ay huwag mo na sanang palampasin ang isa sa pinakapinagmamalaki ng aming bayan. HALINA SA PANTALAN SA SIAIN!

LARAWAN MULA SA

12

K A W A K A W A

KUHANG LARAWAN NI KRISTINE JOY AMPARO

FALLS Ilang oras ang magagamit / gugulin sa paglalakad?

mo ba ay fresh water? G usto Na may kaunting lakarin? Baka ito na ang hanap mo!

KAWA-KAWA FALLS Matatagpuan ang munting tampisawan na ito sa Bayan ng Plaridel. May layo itong (7) pitong kilometro mula sa pinakang kabayanan. Tumatagal hanggang (20) dalawampung minuto bago makarating sa mismong falls.

Mabilis lamang, hindi kukulangin sa (10) sampung minuto mula sa pinakadulo na abot ang sasakyan. Ngunit kung lalakarin mula sa pinakang labasan na tinitigilan ng mga pampasaherong traysikel at skit, aabot sa (30) tatlumpung minuto. Pero teka lang! Kung nais makarating dito, pero wala kang pera at walang sasakyan, pwede rin. Kayang kaya itong lakarin mula sa pinaka -bayan tatagal lamang ng (1,1/2 ) isang oras , hanggang isang oras at kalahati. 13

Libre

ang pagpunta dito walang entrance fee, Tour- guide di tulad ng ibang pasyalan. Sa mga mahilig sa libre baka ito na ang pagkakataon.

Sa aming pagpunta dito sumakay kami sa skit sapagkat iyon ang murang sakayan papunta sa bukana ng aming pupuntahan. Ang isang tao ay (20) bente pesos ang pamasahe pero kung nakaluwag-luwag naman ay maari rin sumakay sa traysikel (50) singkwenta ang isang tao. Pagkababa ay agad bumili kami ng mga "Snacks" dahil walang mabibilhan na malapit sa kawa-kawa. Sa totoo lang ay simple lamang ang lugar,hindi katulad ng ibang pasyalan na malakas ang agos ng tubig at malawak. Ang kawa-kawa ay isang bilog lamang, hugis "kawa" ngunit malamig ang tubig dito may malakas rin namang agos ngunit hindi tulad sa ibang paliguan. Sa totoo lang ay nagutom kami, dahil wala manlang kaming kanin na dala, hindi kami nabusog sa mga sitsirya at tubig.Tandaan rin pinagbabawal dito ang pag-iiwan ng anumang kalat na makakasira sa kalikasan. Bawal rin ang mga inuming nakakalasing.

KUHANG LARAWAN NI ROMEL VILLAFRIA

Kung nais mo pumunta dito, ay magdala ka nang maraming pagkain may mga batong malalaki naman na pwedeng pagpatungan. Masarap kumain, sariwa ang hangin at ang tunog ng tubig ay masarap sa tainga. Ang mga berdeng dahon sa paligid ay masarap sa mata. Irerekomenda ko ba ito? Aba,Oo naman para sa mga katulad kong mahilig sa libre at gustong mag-refresh.

Noong pumunta kami dito ay wala kaming Ideya kung saang parte ito , Ngunit nagpatuloy parin kami sa aming pakay kahit walang kasiguraduhan kung ano ang dadaanan namin. Nakakatakot walang signal kung sakaling kami ay maligaw. Buti na lamang ay may kakilala kaming taga don at nag-presenta itong samahan kami. Hulog ng langit! Hindi mahirap ang lakaran pantay lamang ito at ang parteng pag-ahon ay isang beses lamang. Pero sa nakakapagod rin naman sa mga katulad naming tamad maglakad.Dahil noong kaming pumunta ay sadyang madulas ang daan dahil kakatapos lamang ng pag-ulan.

Napakasarap pakinggan ang mga huni ng mga ibon at ihip ng hangin sa mga sandaling mananatili dito para bang inaalis nito ang mga problema sa aking isipan. GUSTO MO BA PUMUNTA? TARA SAMAHAN KITA!

KUHANG LARAWAN NI ROMEL VILLAFRIA

14

BAYAN NG MANANALO, HIYAS AT TAGPO

PAGBILAO, Quezon

Ang bayan ng Pagbilao ay

matatagpuan sa pagitan ng

lungsod ng Lucena at

bayan ng Atimonan.

Mayroon itong iba't ibang

uri ng anyong tubig na

tinatamasa ng mga

Pagbilaowins dahil sa

taglay nitong linis, linaw at

ganda. Tay'na!

15

Lamyerda ba ‘kamo’t mabanas? Aba! Tay’na sa

KWEBANG KWEBANG

LAMPAS LAMPAS LAKBAYIN

TUKLASIN Hindi kataka-taka na isa ang Pagbilao, Quezon sa mga paboritong puntahan ng mga turista’t manlalakbay na ang nais ay mga dalampasigan at islang nakabibighani sa ganda. Kung ito ang usapan,ibandera ang Kwebang Lampas. Handog lang naman nito ang kumikinang na tubig-dagat, mapipino at mapuputing buhangin, at unforgettable travel and vacation experience.

Paano ba makarating sa Kwebang Lampas? Kung ikaw ay mula sa parteng Cubao, Pasay, o Metro Manila sumakay sa bus na byaheng Quezon, Province, at ibaba ka nito sa Lucena Grand Terminal. Mula sa Lucena Grand Terminal sumakay ng dyip na byaheng Pagbilao, Quezon. Sabihin sa drayber na ikaw ay ibaba sa Brgy. Ibabang Polo Terminal. Doon ay isang dyip pa muli ang iyong sasakyan patungo sa Brgy. Ibabang Polo, barangay na kinaroroonan ng napakagandang pasyalan na ito. Matapos makarating sa Brgy. Ibabang Polo, sumakay ng bangka, ilang sandali pa ay ganap nang magpabihag sa alindog ng Kwebang Lampas. 16

LARAWAN MULA SA SHOESTRING TRAVELERS

LARAWAN MULA SA SHOESTRING TRAVELERS

M

anlalakbay ako sa sarili kong bayan. Turista ako sa sarili kong lugar. Oo, totoo! Sa patuloy na pagpapakilala sa mga magagandang pasyalan rito, inaanyayahan ko kayong makitampisaw rito. Ano mang layo ng pinagmulan, kapag KWEBANG LAMPAS na ang usapan, “pass muna” mindset, will not pass! Higit sa sampung beses ko nang napuntahan ito, pero sa totoo lang, namamangha pa rin ako. Kaya sa tuwing may magyayaya, laging akong on the go. Ito ang klase ng paulit-ulit ngunit walang umay. Mula sa malayo lulan ng bangka patungong KWEBANG LAMPAS ay tila may natural na gayumang imiiral sa aking kamalayan mula sa patikim ditong pagtanaw. Napakabughaw ng dagat, isang perpektong repleksyon ng kalangitan sa dagat. Tanaw na rin sa dulo ng baybayin ang isang maliit na kweba na siyang naging tatak ng destinasyong ito.

Masasabi ko na isang paraisong hatid ng tubig alat na kung mababatid ay aasaming marating ng lahat. Ang panahon ay napakakalmado, umaakma sa inasaam na lamyerda ng tropa. Kulang dalawampung minuto ng pagsakay at pagtanaw-tanaw lulan sa bangkang de motor ay mararating na ang islang bumibighani sa akin sa tuwina.

B

ukod sa komersyal na pangalang KWEBANG LAMPAS buhat sa tagusang kweba na matatagpuan dito, mas kilala ng mga lokal ang paraisong ito sa tawag na Puting Buhangin. Kapansin-pansin ang malagatas sa puti at pinong buhangin sa dalampasigan nito na siya namang hinahampas ng kristal nitong tubig.

Mahina na ang andar ng makina ng bangka at naghahanda na sa pagpondo. Bago pa man ibaba ang mga gamit at pagkain, bunsod ng aking pagkasabik ay inunahan ko na sila sa pagtatampisaw. Ubod ng linis at napakalinaw ng dagat. Mula sa aking pagdungaw sa ibaba, masisilag ang mga starfish at isdang lumalangoy sa ilalim. Sa isip ko nga’y kung hindi maiilap ang mga isda ay napakasayang makipaglaro sa kanila.

17

S

a aming tinutuluyang kubo ay naghanda ng pananghalian. Inihaw na isda, liempo, itlog na maalat, kamatis, maanghang na sawsawan, mga prutas at isang bandehadong kanin. Sa mga sandaling iyon ay tiyan at mata na ang nabusog sa amin. Anong sarap mamuhay sa ganoon kapayapang lunan at paraan.

M

atapos mananghalian ay pinuntahan naming ang kweba. Malilom sa loob. May mga namamahay na ibon at paniki. Kung magsasalita ay magkakaroon ng echo. Tagusan ang kwebang ito. Pagkapasok mo ay walang hangganan at tatagos ka sa kabila patungo sa mas malalim na parte ng dagat. Ngunit hindi ganoon kadali ang pagtawid. Kung walang proteksyon sa paa’y maaaring masugatan ng matatalas na bato. Hindi naman kami nagpadaig at matapang pa rin itong tinawid. Matapos tumawid ay lumangoy palibot sa rock formations upang makabalik sa pangpang.

LARAWAN MULA SA SHOESTRING TRAVELERS

N

aubos namin ang aming oras sa paliligo sa dagat, pagporma ng mga buhangin, pakikipagkwentuhan, kulitan, at hagalpakan. Nang papalubog na ang araw, pumupula na ang langit, tipong kakagat na ang dilim. Natanaw na rin namin ang sundo naming bangka. Noon ko lamang naisip na lumipas ang oras nang hindi namin namamalayan. Lumipas rin ang panahon nang hindi ko napapansin. Sa halos taontaong pagpunta ko rito marami na pala sa akin ang nagbago, ngunit sa Kwebang Lampas, wala. Kung anong ganda niya dati ay iyon pa rin siya ngayon. Dasal ko na sa bawat paglisan ko sa paraisong ito ay may magandang kapalaran ang nakaabang na siyang ipasasalubong ko sa hinaharap na pagbabalik. Ipapares ang buhay sa tagusang kweba ng Kwebang Lampas, ito ay pasulong at patuloy.

18

LARAWAN MULA KAY VENUS CALINGASAN

PULONG GITING FALLS "M agpakalayo-layo para makalimot at

bumangon sa sariling pagkakamali", isa lamang iyan sa mga tumatak na linya para sa akin sa pelikulang Camp Sawi. Mula noon, ninais ko na rin ang maglakbay, magbaka-sakali ngunit sa mga dipangkaraniwanag lugar upang matamasa ang kapayapaan at kalayaan na matagal ko ng hinahanap. Sa mahabang paghihintay at napakahabang biyahe lulan ng dyip mula sa aming barangay hanggang Brgy. Malicboy, sumalubong sa amin ang isang napakakipot na daan, sumasayaw na mga puno at ang paghampas ng sariwang hangin. Mababanaag na agad na ito ay mahaba-habang lakarin. Humigit kumulang na 25 kilometro ito kasama na ang pahinga at kaunting pagtigil kung mapapagal sa paglalakad. Mayroon ding matatarik na bato at madudulas na daanan , kung kaya't mabisa na maglakabay ng may kasama at magbaon na agad ng maraming suplay ng tubig. Mainam din na magbaon ng sariling pagkain, sapagkat walang tindahan sa talon at malayo-layo rin ito mula sa labasan. Payo rin sa amin ng aming mga nakakasabay sa pagpunta roon ay 'magpatabi' sa mga nuno upang di magalaw at bilang pagglang dahil nakikiraan lamang kami. Magsisisi ka naman kung magsusuot ka ng rubber shoes dahil wala ka ng maisusuot pag-uwi dahil sa napakaputik ng ibang daraanan. Matapos ang nakakangalay na pagbagtas sa makikipot na daanan at pagtawid-tawid sa mga tubigan ay nasilayan namin ang mala-luntiang tubig ng talon sa ibaba. Kasabay ng malakas na pag-agos ng tubig nito mula sa itaas ay maririnig din ang huni ng mga ibon at pagpagapas ng mga dahon sa tabing bahagi ng talon. Malamig ang tubig kung maglalangoy at magatatapisaw.

Sawa na sa dagat? Tay'na sa talon at takasan ang kahapon! Ang Pulong-giting Falls Falls ay isa mga pinagyayaman at tinatangkilik na talon sa bayan ng Pagbilao. Dinarayo ito ng mga turista at mga lokal na manlalakbay. Pinaniniwalaan na sa talong ito ay marami na ang di nakabalik na buhay. Samantala, para sa iba ang mahabang paglalakabay dito ay sukatan upang makilala mo ang iyong kahinaan at kalakasan.

B

ukod sa libre ang pagpunta rito, malaya ka ring gawin ang gusto mo tulad ng pag-iihaw, pagkakabit ng tent at iba pa. Makabubuti rin kung pupunta dito ay sa panahon ng tag-init at hindi tagulan, upang maiwasan ang mga aksidente gaya ng pagkadulas sa mas malalim na parte ng talon, pagkalunod sa mataas na lebel ng tubig at iba pang di-inaasahang pangyayari. Magandang payo rin ang pagdadala ng cellphone para sa pagkuha ng mga larawan. May kahinaan ang signal ng lugar, sapagkat malayo ito sa kabayanan, kung kaya't hindi magagamit sa pangkomunikasyong gamit. Mainam na magbaon ng tubig mula sa talon, uoang may panghugas sa paa habang naglalakad sa putikan sa daraanan pauwi. Sabi naman ng ilang naninirahan malapit sa lugar na iyon, bago raw umalis ay pormal na magpaalam sa lugar na lilisanin. Ito raw ay isang pamamaraan ng pagpapasalamat sa pansamantalang pananatili sa lugar. "Aalis na po kami, salamat po.", 'yan ang aming sinambit bago umalis at muling binagtas ang maputik, makipot at napakahabang lakarin. 19

LARAWAN MULA SA TARA NA SA LALAWIGAN NG QUEZON FB PAGE

PULONG GITING FALLS

Hindi alintana ang pagid na nararamdaman, dahil ang kapalit ay isang paraisong pahingahan. Sa bawat tilamsik ng tubig mula sa talon ng pulonggiting, maraming pabaon ang paglalakabay na ito sa akin. Una ay ang aral ng pagpapahalaga sa sarili. Matuto sana tayong maglaan ng oras upang mas makilala pa natin ang ating mga sarili. Ikalawa, anumang pagod at hirap ang ating suuingin sa napakahaba at mabatong paglalakbay, makakarating din tayo sa destinasyong ating inaasam. Ikatlo, pagyamanin pa natin ang ating likas na yaman at hiyas na tinatago sa bawat bayan. Ikaapat, kung bago ka sa isang lugar, matutong magtanong-tanong at makihalubilo sa mga nakakasabay at nakakasama lalo't higit kung ninais mong maglakbay mag-isa. Panghuli, sulitin ang bawat sandali, huwag matakit magpakalayo at hanapin ang sarili.

A LARAWAN MULA KAY AHL ANTHONY

ng simpleng agos ng tubig mula sa tuktok ng talon at rumaragasang alon sa ibabang bahagi nito ang nagbibigay sa akin ng panibagong lakas, sigla at doon nakakadarama ng saglit na paglimot sa problema. Hindi rin maitatanggi na sa bawat paghapon sa malalaki nitong bato ay nagkakaroon ng pagbibigay ng oras para sa sarili upang makapagisip-isip at makapag muni-muni. Ang bawat baging na nagbibigay ng kalayaan upang lumambitin at tamasahin ang sariwang hangin, ang pagtanaw sa rurok kung saan nagmumula ang tubig at ang simpleng pag-upo sa talon na ito ang siyang nagpapaalala sa akin na hindi masama ang maglaan ng espasyo para sa sarili, kung sa bawat tilamsik at rumaragsang pag-agos ng tubig nakakaramdam ng hinahon sa bawat sakunang dumarating ay patunay na marami pang dahilan upang dito ako'y bumalik at patuloy na hanapin ang pagkataong bubuo sa aking sarili. Kaya, ta'y na at samahan ako sa pagtalon, takasan natin ang kahapon!

20 LARAWAN MULA KAY JUAN DAY ADVENTURE



ILOG-BALSA ILAYANG BAGUMBUNGAN PAGBILAO, QUEZON "Ang buhay dapat ineenjoy mo lang, huwag pahirapan ang sarili!" Ika ni Nobita mula sa anime series na Doraemon. Ngunit hindi ganito ang sistema sa buhay mas umiiral ang paghirapan mo muna bago ka mag-enjoy. HIRAP MUNA BAGO SULIT! Kung magmumula tayo sa SM Lucena City, maaari tayong sumakay ng jeep patungong Pagbilao at bababa sa tapat ng simbahan “St. Catherine of Alexandria Parish Church”. Matapos nito pwede nang sumakay sa tricycle sabihin lamang sa Brgy. Ilayang Bagumbungan, Balsa. Kung sakaling may sariling dalang sasakyan mula rin sa simbahan deretsuhin ang main road sa bahaging kaliwa makikita ang arko ng Brgy. Ikirin mangyaring pumasok dito. Maliit ang daanan kaya at mag-ingat, marami ring madadaanang matarik at pakurba. Hindi talaga maiiwasang matanggal ang angas kapag tumirik ang sasakyang sinasakyan natin. Nang kami ay pumunta sakay kami sa tricycle kaya naman todo ang paglalakaad at jogging tuwing paahon ang daan. Bago makarating sa destinasyon tandaang malalampasan muna ang Tropical Resort, Villa Ofilia, mga manukan, farm at Tropilok Pools and Resort. Bundok ang kinatatayuan ng Ilayang Bagumbungan, asahang matataas ang puno at hindi pa gaanong marami ang mga bahay wala ring signal kung kaya magbigay na ng mensahe sa mga susunod na kasamahan bago dumeretso.

21 LARAWAN MULA SA TRIPPY 4:19

Kuhang larawan ni Aldrien Calabia

Larawan mula sa Gelic

Larawan mula sa Gelic

SAAN MAKAKARATING ANG LIMANG PISO MO? Kinagigiliwan ngayon ang isa sa ilog ng Brgy. Ilayang Bagumbungan ng Pagbilao, Quezon kung tawagin ng lokal ay Balsa, sa halagang limang piso maaari na tayong pumasok dito kung nais magrenta ng kubo nagkakahalaga ito ng 200 pesos at kung may 100 pesos kayo swak na sa pangrenta ng lamesa at bangko. Saktong sakto sa pampawi ng init na nararanasan natin ngayon dulot ng klimang tag-init na talagang hanggang ulo't kalamnan damang dama lahat nang lalabasan ng pawis naabot na. Malamig ang tubig dito na nagmumula sa bundok, kung klase ka ng taong mahilig sa nature sight seeing hindi ka mabibigo ng ilog na ito. Mararanasan ang hinahanap na ginhawa dala ng preskong hangin epekto na rin ng matataas at matatandang puno na noon pa nakatayo. Tamang tama rin sa mga taong hinahanap ang sarili sa taglay nitong katahimikan lahat ng repleksyon sa buhay siyang maiisip talaga. Malayo ang Balsa sa bayan o poblasyon bali sa paniniwala ng nakatatanda magtabi po nuno kung bago lamang tayo sa isang lugar upang makaiwas sa sakit, wala namang mawawala kung gagawin natin.

Tunay namang nakakapagod, nakakabanas minsan ang pangyayari sa trabaho, bahay at pag-aaral. Tanging hiling ang kaunting oras na pahinga. Ang ilog na ito maaaring magsilbing pantakas sa realidad o maaaring daan din para makapagbonding sa ating pamilya, kaibigan at kasamahan. Mababaw lamang ang tubig dito pwedeng pwede kung may kasama tayong mga bata. Saktong sakto rin ito kapag may gaganaping okasyon sa ating kapamilya, lehitimong kayo kayo lamang ang magbabonding dahil wala ritong signal. Ang lahat ng oras na gugugulin sa lugar na ito ay para sa ating sarili at sa kasama lamang. Habang natatanaw ko ang tubig sa ilog nakakasabik mabasa galing sa mapawis na byahe. Sa bawat tilamsik ng tubig nagbibigay ng kasiyahan sa aking puso at isipan, pagkabasa na sinyales nang pagkabuhay, pagkaligtas sa likod ng karanasan sa nakalipas na araw. Ang makapunta sa ganitong klaseng lugar ay isang achievement, mapapasabi ka talaga ng "DESERVE NATIN 'TO". Ang kaginhawaan at kasiyahan kahit sa madaling panahon kasabay ang pangmatagalang alaala ng karanasan.

22

Natamasa na ang alat at ginhawa ng tilamsik sa Pagbilao, Quezon

Ano pa ang inaantay natin? Ideretso na 'yan. Tayna!

ULIIN NA ANG SAMPALOC 23

Tara't bagtasin ang

SAMPALOC TAMPISAW

ANG BAYAN NG SAMPALOC AY ISANG LANDLOCKED NA BAYAN SA PROBINSYA NG QUEZON, BAGAMA'T WALANG DAGAT MARAMI NAMANG NATURE ADVENTURE..

Exotic Nature Fascinatingly Trip

CLAUDIA ALVES

@reallygreatsite

NO.123456 24

KUHANG LARAWAN MULA SA TARALETS SA SAMPALOC QUEZON

S

inasabing ang buhay ng tao ay isang paglalakbay, kailangang lakbayin ang iba’t ibang hamon sa buhay.

Hihimay-himayin ang mga bawat sandali sa pagtahak sa nais matunton ng iyong mga paa. Marahil madadaanan natin ang mga panganib ngunit nasa ating mga kamay ang pasya kung aling daan ang tatahakin. Wag matakot, subukin mo itong lakbayin. Kaakibat nito ang pagtuklas sa mga nakatagong hiyas. Pagtakas at paglimot sa naliligaw na IKAW. Ikaw, nais mo rin ba’ng sumubok? Tara na, sa Sampaloc!

Tuwing nagpupunta ako sa ibang

bayan at ako ay tatanungin kung saan ako nagmula’y magtataka sila sa aking itutugon sapagkat hindi nila alam kung saang bahagi sa Quezon naroroon ang bayan ng Sampaloc. Tanging isasagot ko sa kanila’y “iyon po ay napagigitnaan ng bayan ng Lucban at Mauban”. Maliit lamang ang bayan ng Sampaloc subalit tunay na mayaman sa kultura at mga hiyas ng tanawin. Halika’t, samahan mo akong halukarin ang maliliit na sulok ng bayan namin.

ILOG ILOG KAKATI KAKATI

amamagal ba ang ‘yong buong katawan? Nais N mo bang mamahinga ng panandalian? Kung ang

hanap mo ay libreng masahe, sumama ka sa akin sa Ilog Kakati. Sikat na atraksiyon sa bayan ng Sampaloc ang Kakati River o kilala rin sa tawag na Maapon River Kakati. Dinarayo ito hindi lamang ng mga lokal kundi nahahayon rin ng mga turista. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang Brgy. ang Apasan at Mamala. Pero kung magtatanong-tanong ka sa mga awtoridad doon ay maaring sabihin sa iyong, “tulay sa Tabag”. Mas pamilyar kasi kami doon. Papaano nga ba ang pagpunta sa Ilog Kakati? Malayo-layo rin kasi kung lalakarin, pero huwag kang mag-alala may traysikel namang maaring masakyan, bente pesos ang pamasahe. Pero sa kagaya naming sanay na. Nilalakad lang namin ito, kung susumahin mga dalawampu’t limang minutong lakaran mula sa bayan. Paniguradong tatagaktak ang pawis mo lalo na kung tirik ang araw. Huwag ka ring mag-alala sapagkat konkretong daanan ang babagtasin mo hanggang sa marating ang sementadong tulay sa Tabag. Tunay na ang pagod at pagal ay hindi mo mararamdaman dahil sa halakhakan ng magkakaibigan at magkakapamilya. Bukod sa libreng masahe, sulit ang piknik ng pamilya nang hindi gagastos ng malaking halaga. Unli ang saya, No entrance fee, sa isandaang piso ay may mapwepwestuhan ka na dahil pana’y ang mga kubong naghanay sa tabi ng Ilog. Kung kuripot ka masyado maari ka namang magdala ng tent, o di kaya naman panlatag na maaring pwestuhan at paginuman.

25 KUHANG LARAWAN MULA SA TARALETS SA SAMPALOC QUEZON

KUHANG LARAWAN MULA SA TARALETS SA SAMPALOC QUEZON

Matapos mong marating ang sinasabing tulay, atin namang babaybayin ang mabatong daan patungong Ilog Kakati. Habang nilalakad ay unti-unting mong masisilayan ang sabik na pagtanaw sa agos ng ipinagmamalaking ilog ng mga Sampalukin. Matatanaw agad ang nakahahalinang kulay ng tubig, ang banayad at maagos na paggalaw ng tubig. At siguradong hinding hindi mo na palalagpasin pa ang pambihirang pagkakataong magtampisaw at lumusong sa mabilis na daloy ng tubig sa hanayan ng mga bato. Sumasabay ang pagsalubong ng sariwang hanging dumadampi sa mga mukha na siyang tumutuyo ng ating mga pawis. Mula sa natuyong pawis at lagkit ng katawan, tiyak na ginhawa ang mararamdaman sa oras na makipagtalik sa tubig ng Ilog Kakati. Siguradong mare-relax ang katawan ng sinumang lulusong sa bahagi ng maagos na tubig na tila ba minamasahe ka nito. Ipaparamdam ng ilog kakati ang sansaglit na paglimot sa madilim mong pinagdadaanan. Ang lamig ng tubig ang magpapanhid ng sakit at mga kabiguan sa buhay.

lam mo rin ba na mas mainam ang A pagbisita sa ilog tuwing sasapit ang ika-26 ng Abril? Ang araw kinabukasan ng Fiesta sa Sampaloc. Dala ang mga pinasar at natirang handa ang siyang pagsasaluhan sa araw na iyon. Doon nagaganap ang taontaong pagdiriwang ng tinatawag naming “Lunesan sa Ilog Kakati Festival”-Foam & Color Party at ginagawang concert venue kung saan nagtatanghal ang mga Musical Band. Bahagi na ito ng kultura ng mga Sampalukin. Dahil sa mistikong anyo ng Ilog hindi lamang mga lokal na manlalakbay ang dumarayo sa lugar kundi dinarayo rin ito ng mga turista’t kamag-anak ng mga Samapaluking galing sa iba’t ibang lugar . Buhat noon ay lalong nakilala ang lugar. Masasaya ang mga tao kung saan buhay na buhay ang Ilog pati naglalakasang agos kasabay ng mga tinig at halakhakan ng nagsasayahang magkakaibigan, lalo’t higit sa lagukan at tagayan ng magkakapamilya kasabay ng pakikipagsaryahan. 26

KUHANG LARAWAN MULA SA TOURISM SAMPALOC, QUEZON

MALAOG CAVE KUHANG LARAWAN NI HUWAN KURUNTONG

‘Underground river ba ka’mo ang hanap mo? Ayy’ parini sa Sampaloc’

Aba! akala ng karamihan sa Palawan lang

sila makatatagpo ng Under ground River, lagoon at mga kuweba. Pero hindi nila alam na mayroon dine sa amin. Lalayo ka pa ba?

Hindi alam ng marami na sagana sa biyaya ng kalikasan ang bayan ng Sampaloc sadyang nakatago lang ang tunay na ganda ng nakakubling kayamanang biyaya ng Maykapal sa mga Sampalukin. Hindi mo na kinakailangan pang pumunta sa malalayong lugar at gumastos ng malaki para marating ang mga magagandang tanawin. Ano pa’ng hinihintay mo, tara na’t bagtasin ang Malaog Cave Underground River. Sa unang beses ng pagtatangkang puntahan ang kuweba ay nabigo at naligaw kami.

Hindi pwedeng walang tourist guide pagpunta doon. Kaya naman mahalagang makipag-ugnyan sa Lokal na Turismo. Kumpara sa Ilog Kakati na malapit sa bayan at pwedeng gumamit ng sasakyan. Higit sa isang oras na lakaran para mahayon ang Malaog Cave. Tinatayang humigit-kumulang limang kilometro ang layo nito mula sa Maapon River/Kakati River. Mahaba-habang paglalakbay kaya kinakailangan ang tubig na maiinom. Akyat manaog ang daan patungo sa kuweba, madadaanan rin ang apat na bukal. Ang kambal na ilog ang huling tatawirin at ito ang siyang magsisilbing hudyat na malapit na sa Malaog.

27

KUHANG LARAWAN MULA SA TARA NA SA LALAWIGAN NG QUEZON

aliit lamang na lagusan ang daraanan. M Napakasarap sarap sa pakiramdam na mababad sa malinis at malamig na tubig ng kuwebang iyon, na tila ba di mo na gugustuhing umahon pa sa dulot nitong ginhawa. Subalit tandaang kada isang oras ang pagtaas ng tubig sa loob. Sa pagpasok ay walang ibang ingay na maririnig kundi huni ng mga paniking nakasabit sa kisame ng naglalakihang stalactite at stalagmite na nabuo nang matagl na panahon sa loob ng kuweba. Nabubuo ang kahanga-hanga at obra ng kalikasan dahil sa dahan-dahang pagpatak ng tubig na may langkap ng iba’t ibang mineral. Bago magpatuloy, dala namin ang baong pagkain gaya ng ginataang bikuyo at pinais. Doon na rin kami kumuha ng inumin. Pagkatapos naming kumain ay muli naming ginalugad ang kaloob-looban nito. Naghihintay na sa amin ang Majestic Blue Lagoon. Katakam-takam at kapana-panabik na masilayan at mapakinggan ang ingay ng agos na tila ba tanga’y nito ang mga problemang dala-dala mo. Doon rin namin natagpuan ang nagkikislapang mga dingding dahil sa mala-kristal nitong pagkakagawa sa tuwing matatanlawan ng liwanag. Sinasabi ring sagrado ang kweba, dahil naniniwalang ang tubig na dumadaloy sa malalaking timyas ng pader nito ay nakagagaling ng may sakit. Naniniwala ako na darating ang panahon na ikaw na nagbabasa nito’y mapupuntahan mo ang mga nakatagong hiyas sa mapayapa at simpleng bayan ng Sampaloc.

KUHANG LARAWAN MULA SA TARA NA SA LALAWIGAN NG QUEZON

28

NATAPOS MO NANG BAGTASIN ANG MGA SIKAT NA TANAWIN SA SAMPALOC Ihanda mo ang 'yong sarili sa susunod na destinasyon

TAY'NA SA MAUBAN

19

MULA SAMPALOC

HALINA'T MAGTAMPISAW SA YAMANG TUBIG NG

KUHANG LARAWAN NI DEAN101 Ang bayan ng Mauban ay makakasaysayan, pinangalan mula sa magiting nabayani na si Gat-Uban bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan laban sa mga mananakop. Kilala din ang bayan ng Mauban na mayaman sa katubigan dagat, talon, ilog, at sapa.

TARALETS LAKBAYIN ANG BAYAN NG MAUBAN

M

ula Sampaloc kailangan mo lang sumakay ng jeep papuntang Mauban. Sapagkat, malapit lang ang Sampaloc sa naturang bayan. Taga-Maynila ka ba? maaari kang sumakay ng bus mula Maynila hanggang Lucena Grand Central Terminal. Sa 100 pesos mo pwede kang sumakay ng van mula Grand deretsyo Mauban. Pwede rin magmano-mano, sumakay ng jeep pa GrandTayabas Terminal, mag jeep ulit patungong kabayan ng Tayabas, sunod hanapin ang e-jeep byaheng pa Mauban, ito ay malapit sa palengke at primark. 30

I

sa ka ba sa mga taong nais ipayapa ang sarili, aliwin ang mata sa likas na yaman, at nais na panandaliang lisanin ang mga suliranin at kapaguran sa realidad ng mundo. Swak na swak sayo ang Cagbalete Island ang pinakadinarayong tourist spot sa Bayan ng Mauban.

CAGBALETE ISLAND HIYAS NG MAUBAN, QUEZON

Isa itong isla na napapalibutan ng malinaw na mala-asul at kung minsan ay malaberde na dagat, katambal ang puting KUHANG LAWARAWAN NG MAUBAN TOURIST OFFICE buhangin at mala berdeng kapaligiran. Makasaysayan din ang isla noong ika - 11 Pebrero, 1859 isa itong pribadong pagaari ng tatlong magkakapatid na Pansacola sina Benedicto, Jose at Manuel, binili nila ang isla mula sa pamahalaan ng Espanya. Hanggang sa ipamana nila ito sa mga anak noong Abril, 1868 na naging puno`t dulo ng pagtatalo. Dahil walang aktwal na mga sukat sa kung paano mahahati ang isla. Kaya nagdesisyon ang korte Suprema ng Pilipinas noong ika-1 ng Disyembre 1987, ang lahat ng mga titulo sa isla ay idineklara nang hindi wasto. Kaya kalunan nahati ito sa dalawang baranggay ang Cagbalete uno at dos. Ganun pa man ang angkan Pansacola pa rin ang pangunahing may mga ari ng resort sa Cagbalete na kilalang kilala bilang isa sa mga magagandang pahingahan matapos magsaya sa mga aktibidad sa isla.

31 KUHANG LAWARAWAN NI OLIVER BAUTISTA VIS FLICKR

A

ng Cagbalete ay isang isla sa silangang baybayin ng Luzon, Pilipinas sa Lamon Bay. Ito ay bahagi ng Quezon Province at pinangangasiwaan ng munisipalidad ng Mauban.

KUHANG LARAWAN NI ZER CABATUAN

Kung nais mong maranasan at magliwaliw dito, minamabuting pumunta muna sa Mauban Tourist Port na matatagpuan sa Brgy. Sadsaran katulad ng ginawa namin, upang makipag-ugnayan hinggil sa pagnanais na pumunta sa Cagbalete Island.

Dahil mahigpit ang polisiya na “No booking, no sailing policy”, Kailangan mo munang gumawa ng reserbasyon sa kahit anong resort, maaari itong gawin via online o sa mismong tourist port. Dito kinakailangan mo munang magbayad ng Environmental fee 50 pesos, Entrance fee 50 pesos, at pitching fee 250 pesos. Kung nais ng Tour guide 300 pesos, passenger boat reservation 100 per tao. Maaari kang mag book sa anumang resort na naisin. Matapos, maaari ng pumunta sa Daungan Pantalan kung saan naka-istasyon ang mga pampaseherong bangka pwede itong lakarin o mag trycicle 12 pesos per tao. Samantalang, 100 pesos ang halaga ng pamasahe sa bangka, na naka-iskedyul sa 10am at 4pm araw-araw. Ang mga bangka ay maaaring magsakay ng 50-60 katao, karaniwang binababa ang mga pasahero sa “Sabang port”, bagama`t minsan ay ibinababa nila ang kanilang mga pasahero nang direkta sa timog silangang bahagi ng isla kung saan ang mga resort na Villa Cleofas at MVT Sto. Nino ay matatagpuan.

Maaari ka ring kumuha ng pribadong bangka sa pamamagitan ng iyong resort na napili, ang rate ay nagsisimula sa P4,000 two-way (Mauban-Cagbalete-Mauban) at maaaring mag-ferry ng hanggang 25 tao. Kung pupunta ka sa Pansacola, Villa Cleofas o MVT Sto. Niño mula “Sabang port”, maaari ka ding sumita ng maliit na bangka 400.00 one way o lakarin mo na lang ang 1.5 kilometro na layo. Kung isa kang turista na nagmula pa sa malayong bayan hindi mo kailangan alalahanin kung saan ka manunuluyan. Dahil ang Cagbaelte Island ay pinalilibutan ng maraming magagandang resort na maaari mong pagpilian depende sa iyong panlasa at budget. Ilan sa tanyag na resort ay Dona Choleng Beach Resort, Villa Cleaofas Beach Resort, MVT Sto. Nino Beach Resort at iba pa. Bukod sa paglalangoy patok din ang samo`t saring aktibidad na maaaring gawin sa Cagbalete Island, makapagbigay aliw sa bawat turista depende sa panlasa na nais. Ang bawat resort ay nag-aalok ng iba`t ibang aktibad na makapaggaganyak sa mga turista na subukan. Tulad ng beach volleyball, horse back riding, beach hopping, snorkling, surfing, at camping. Bisitahin ang bonsai Island, fish sanctuary, at Yang-in Sandbar

32

SAWA KA NA BA SA DAGAT? TARALETS SA DAHOYHOY FALLS

B

ukod sa Cagbalete Island, malamang natanong mo sa sarili kung ano pa ang mga atraksyon na naghihintay sa Mauban, Quezon. Lingid sa kaalaman ng ilan, marami pa sa Mauban na pwedeng tuklasin maliban sa Cagbalete. Kilala din ang bayang ito bilang lugar na maraming natural na talon at ang iba ay napaunlad na ng mga lokal ngunit nanatili pa rin ang rilag nito at nakakarelax na puntahan. Matatagpuan sa Barangay Macasin, ang Dahoyhoy Falls. Ito ay may isang antas lamang, ang malamig na tubig ay umaagos mula sa taas na labinlimang talampakan, laban sa tila pahalang na patong ng pader na bato. Ang tubig, na sinasabing nagmumula sa isang bukal sa itaas, ay nahuhulog sa isang mababaw na pool na naliliman ng malalaking puno. Pinasemento ng mga lokal ang kaliwang bahagi ng falls na nagsisilbing picnic table at lugar na pinagtatayuan ng tent. Kung mula ka sa ibang bayan para makapunta sa Dahoyhoy Falls kailangan mo lang sabihin sa driver nasa Brgy. Baao ka ibaba. Matapos ay sumakay sa trycicle papuntang Brgy. Macasin, ihatid malapit sa hanging bridge at simulan ng bagtasin ang talon na may humigit-kumulang dalawang kilometro. Ang paglalakbay dito ay karaniwang tumatagal ng kalahating oras, tumatawid sa dalawang hangingbridge at isang kahoy na tulay, at dumadaan sa mga palayan. Ang entrance fee ay P10 para sa matanda at P5 para sa mga bata. Sa pagpunta ng talon siguraduhing naka tsinelas na hindi agarang nadudulas sa bato. Huwag magiwan ng bakas ng anumang basura upang mapanatili ang malinis na kagandahan ng lugar.

KUHANG LARAWAN NI CHAMEN CATLI

33

KATA NA SA BAYAN NG POLILLO

Ang Ang Polillo, Polillo, Quezon Quezon ay ay isang isang bayan bayan na na bahagi bahagi ng ng Polillo Polillo Island Island na na matatagpuan matatagpuan sa sa Lamon Lamon Bay. Bay. Ito Ito ay ay nakahiwalay nakahiwalay sa sa isla isla ng ng Luzon Luzon sa sa pamamagitan pamamagitan ng ng Polillo Polillo Strait. Strait. Kilala Kilala ang ang bayan bayan ng ng Polillo Polillo bilang bilang isang isang makasaysayang makasaysayang lugar lugar at at sa sa maganda’t maganda’t malinis malinis nitong nitong dagat, dagat, pulo pulo at at iba iba pang pang paliguan paliguan na na talagang talagang ipinagmamalaki ipinagmamalaki ng ng mga mga Polillians. Polillians. KAYA’T KAYA’T ANDO ANDO KATA KATA NA NA SA SA POLILLO! POLILLO!



34 KUHANG LARAWAN MULA SA POLILLO TOURISM

Paano nga ba makakarating sa Polillo, Quezon?

M

ula sa Grand Terminal sa Lucena, sumakay ng bus o van at bumiyahe papuntang Port ng Real sa Brgy. Ungos na aabutin ng apat na oras. Matapos marating ang pantalan ng Brgy. Ungos agad na bumili ng ticket na 10 pesos at magbayad ng 300 pesos para sa sasakyang pampasaherong roro upang marating ang bayan ng Polillo sapagkat may oras ang byahe ng bawat pampasaherong bangka at roro. Sa madaling araw, 4:00 am ang byahe ng unang pampasaherong roro, susundan ng 5:00 am na byahe at ang kasunod na ay byahe ng 1:00 ng hapon. Kung roro ang napili mong sakyan, aabutin ng mahigit na apat na oras ang byahe dahil mas malaki ito kaysa sa ordinaryong pampasaherong bangka na aabutin naman ng mahigit 2 oras ang byahe sapagkat mas maliit. Gayunpaman, sa kasalukuyan ay roro lamang ang maaaring bumiyahe dahil ipinagbawal muna ang pagbiyahe ng pampasaherong bangka na Mercraft dulot ng aksidenteng pagkakasunog ng isa nitong bangka noong May 23.

BATO BEACH RESORT K

ung ikaw ang pamimiliin, nais mo ba magtampisaw sa maganda’t malinaw na dagat o pumunta sa isang makasaysayang lugar? Kung hindi ka makapamili, nasa BATO BEACH RESORT ang sagot. Isang makasaysayang Resort na matatagpuan sa Sitio. Agta Brgy. Kalubakis.

LARAWAN MULA KAY IAN HENLEY PAVINO

Isa itong makasaysayang lugar sapagkat taong 1960 ay dumating sa Brgy. Kalubakis ang isang grupo ng mangangalakal sa pamumuno ni Gunding Evangelista at ng kompanyang “La Fortina” upang magmina ng karbon sa lugar na tinatawag na “Bato”. Gumawa sila ng pansamantalang daungan subalit konkreto upang maisakay sa barko ang mga naminang karbon subalit natuklasan nila na hindi pa maaaring kinahin ang mga nasabing karbon dahil sa kalidad nito kaya’t dito natigil ang paggawa ng nasabing daungan at naiwang nakatayo lamang ang naiwang pundasyon nito mula ngayon sa kasalukuyan.

Mula sa Polillo Town Proper, limang Barangay ang lalakbayin bago makarating sa Sitio Agta Brgy. Kalubakis. Sakay sa trycicle na nagkakahalaga ng 500 pesos subalit puwede pa itong bumaba depende sa ibibigay na presyo ng may ari ng trycicle, maaari mo itong lakbayin sa loob ng mahigit isang oras. Gayunpaman, ang mabato at mabuhangin na daan ang magiging unang balakid sa mga magbabalak na dayuhin ang Bato Beach Resort sapagkat hindi pa sementado ang daan sa ikalimang Barangay na madadaanan. Noong una ko itong mapuntahan, hindi pa ganoon kaganda ang lugar sapagkat wala pang permanenteng nagbabantay at nangangalaga rito. Subalit sa kasalukuyan ay ibang iba na ito kumpara noong una ko itong puntahan at mayroon na ring taong magbabantay at aasikaso sa mga turista at manlalakbay. Kinakailangan lamang ng 50 pesos na entrance fee upang tuluyan nang malibot ang lugar, pagmasdan ang kamangha-manghang kongretong daungan, rock formation at magtampisaw sa malamig at malinaw na dagat. Pagpasok pa lamang sa lugar ay malalanghap mo na agad ang sariwang hangin at maririnig ang alon ng dagat na tila nakakaantok na musika sa tenga ng bibisita sa lugar. 35

S

ubalit, kung pupunta ka rito at nais mong makatipid mas mainam na magdala na sariling pagkain, gaya ng kakaining kanin, lutong ulam, at maiinom sapagkat mahirap ang magluto rito at bumili ng maiinom na tubig. May tindahan naman sa lugar subalit ang mabibili lamang ay mga sitsirya at softdrink na mahal ang presyo. Gayunpaman, puwede ka rin mamili ng bagong huling isda sa mga mangingisdang naglalako sa Sitio. Mga isang sariwa na masarap iihaw at gawing ulam o ‘di kaya naman ay pulutan sa inuman. Puwede ka rin mag-arkila ng lamesa na may apat na upuan na nagkakahalaga ng 100 pesos. Mayroon din silang kubo o cottage na pampamilya at budget friendly. Maaari rin maglatag ng tela sa buhangin at doon ilagay ang inyong mga dalang pagkain at gamit, tandaan lamang na magdala rin ng malaking payong walang maarkilang payong sa lugar. Maaari ka rin mag arikila ng videoke kung nais mo ng tugtugan at kantahan.

LARAWAN MULA KAY TON FERNANDEZ

M

ainam na libutin na agad ang lugar at kumuha ng larawan sapagkat kung pupunta ka rito ng umaga ay hindi pa ganoon kalalim ang dagat o hibas pa kung tawagin sa Polillo at sa bandang tanghali pa ito lalim ang dagat o tataib kung tawagin sa Polillo. Maaari ka rin maligo at magtampisaw sa tila maliit na swimming pool na rock formation malapit sa dagat. Ang tubig nito ay mula sa naiiwang tubig dagat na inaalon papunta sa mga rock formation. Sa bawat pagsisid rin sa dagat at pagkamay ng mga kamay at paa ay mararamdaman ang lamig at ginhawang papawi sa mainit na araw. Sa bawat pag-apak sa buhanginan ay ilulubog ang mga paa mo ng alon ng dagat na tila nang-aakit saiyo na magtampisaw at kalimutan ang mga problemang iyong naiwan sa trabaho man o pampaaralan.

LARAWAN MULA KAY AIREL B. SOLTURA

Pagsapit naman ng hapon, magandang panoorin ang paglubog ng araw sapagkat kitang-kita ang magandang sikat nito na tila pumapailalim sa payapang dagat. Ito ang oras na pinakamayapa at tamang tama upang manariwa ng mga alaala o kaya ay kalimutan ang mga pangamba sa puso’t isipan.

Sa lugar na ito, natagpuan ko ang bakas ng kasaysayan at ang aking kahalagahan na sana ay matagpuan rin ng mga bibisita rito at sana ay magkaroon din ng bakas ang ganda at kapayaan nito sa kanilang puso’t isipan. Kaya’t kung nais mo rin masilayan ang bakas ng kasaysayan at magtampisaw at sumisid sa malawak at malamig na dagat, kata na at bisitahin mo na rin ang lugar na ito kasama ang iyong pamilya, kaibigan, at mahal sa buhay. 36

LARAWAN MULA KAY JEFF NOBLEZA

PULONG KUKOK

N

ais mo ba na maranasan ang malamaldives na kulay ng dagat at makakita ng maputing sandbar? Halina’t bisitahin ang isa sa sikat na pulo ng Polillo na matatagpuan sa Brgy. Canicanian. Nasa dulong bahagi ito ng Polillo kaya’t malayo ang byahe papunta rito na aabutin ng halos dalawang oras sakay ng trycicle papuntang Brgy. Canicanian at tatlong oras na byahe sakay ng bangka mula sa proper town ng Barangay na nagkakahalaga ng 3,500 pesos. Gayunpaman, bago ka pumunta sa lugar na ito mainam na makipag-ugnayan muna sa kinauukulan ng Barangay upang makahanap din ng bangkang sasakyan at mapag-usapan kung ilang oras ka mananatili sa lugar sapagkat hindi aring magpagabi sa lugar dahil nataas ang dagat kaya’t limitado lamang ang oras ng pagbisita sa lugar. Tiwanag itong Pulong Kukok dahil sa hugis manok ang dalawang higanteng bato sa lugar at kinuha ang Kukok sa tunog ng manok. Kilala rin ito sa tawag na Cocooc Shoal at Snake Island dahil tirahan din ito ng sea snake na tinatawag na “bilang-bilang” na matatagpuan sa tuktok ng dalawang higanteng bato. Gayunpaman, huwag mangamba sapagkat hindi ito nanunuklaw ng mga bibisita basta’t hindi sila gagambalain at sasaktan.

Noong pumunta kami rito, naging madali ang aming paglalakbay dahil may kamag-anak kami sa Brgy. Canicanian at doon kami nanghiram ng bangkang sasakyan papunta sa Pulong Kukok. Sa byahe pa lamang ay makikita mo na ang malinaw na dagat at malalanghap ang sariwang hangin. Walang entrance fee ang lugar at tanging arkilang bangkang masasakyan lamang ang iyong babayaran upang makarating sa lugar. Kung nais mo itong bisitahin, mainam din na magdala na rin ng lutong pagkain at maiinom na tubig sapagkat tanging pulo lamang ang inyong madadandan. Magcharge ka na rin iyong cellphone na gagamitin sa pagkuha ng mga karawan sapagkat wala rin daloy ng kuryente sa lugar. Mahirap din ang pabalik-balik sapagkat mahal din ang gasolina na gamit sa bangka kaya’t huwag makakalimot sa mga dadalhing pagkain at gamit. At matapos kumain ay ipunin ang mga inyong basura at dalhin pag-uwi sapagkat mahigpit na ipinagbabawal ang pag-iiwan ng basura sa lugar lalo na ang mga plastic sapagkat aanurin ito ng alon na maaaring makapinsala sa mga lamang dagat at isda.

37

LARAWAN MULA KAY KYLE BALASE

LARAWAN MULA KAY JEFF NOBLEZA

LARAWAN MULA KAY MAY ANN A. BONAGUA

N

ang tuluyan naming marating ang lugar, bumungad agad sa amin ang higanteng dalawang bato at ang napakalinaw na tubig dagat. Tila malamaldives sa linaw at ganda kaya’t hindi mo maiiwasang mamangha sa lugar na ito. Napakasarap sisirin sapagkat kitang-kita ang puting buhangin nito sa ilalim. Maaari rin magsun bating sa lugar at magpaalon-alon sakay ng inyong dalang timbulan. Mainam din na magdala ng waterproof bag case na puwedeng paglagyan ng cellphone upang makunan nang maayos ang malinaw na dagat at isdang makikita sa lugar habang nagtatampisaw sa malinaw nitong dagat na siguradong makahahatak ng maraming reaksyon kung ipopost mo ito sa iyong facebook at iba pang social media accounts. Subalit, kinabukasan mo na ito maipopost o pagkaalis mo sa Pulong Kukok sapagkat walang mahahagip na signal sa lugar at makakasagap ka lamang ng signal sa mismong Brgy. Canicanian sa pamamagitan ng piso wifi na nagkakahalaga ng 10 pesos sa loob ng isang oras.

M

arami ka rin makikitang magagandang corals at iba’t ibang hugis ng shell at bato na maaari mong iuwi bilang souvenir. At kung pagod ka na maglangoy at sisirin ang dagat, maaari kang umupo sa maputi at mahabang sandbar upang magpahinga at magmunimuni habang ninanamnam ang sariwang hangin at pakinggan ang bawat alon ng dagat na hahampas sa dalawang higanteng bato na papawi ng pagod at stress sa mga bagay-bagay. Matagal man ang byahe bago marating ang lugar na ito subalit sulit na sulit ang pagod dahil sa angkin nitong ganda at hatid nitong saya na sadyang tatak sa puso’t isipan ng mga bibisita sa lugar at mag-iiwan sa kanila ng bakas bilang isa sa pinaka hindi malilimutang karanasan bilang isang manlalakbay. Kaya’t kung nais mo itong maranasan, kata na at lakbayin ang ganda at hiwaga ng Pulong Kukok.

38

LAKBAY SANAYSAY

EAF02

MALIKHAING PAGSULAT

KUHANG LARAWAN NI CEDRICK VICTOR ALPAY

Ang magasin na ito ay nilikha upang magsilbing gabay-koleksyon ng mga naturang hiyas at tinatagong paraiso sa iba't ibang bayan ng Quezon. Partikular na nakapokus ang mga nasusulat na lakbay-sanaysay sa mga anyong tubig sa piling bayan ng Quezon kung saan doon mararamdaman ang ginhawa, pahinga at kapayapaan na inaasam-asam ng tao. Habang tinutuklas ang kasaysayan at kaligiran ng mga lugar na ito ay kasabay tayong tumatakas sa realidad ng buhay upang hanapin ang kapayapaang nararapat para sa sarili; tumakas at silayan ang bukas sa bawat alon at tilamsik ng buhay.

Lakbay Sanaysay

Sumulat

Perez Fish Sanctuary - John Mike M. Siorez Gumagamat Falls - John Mike M. Siorez Pantalan - Kyla D. Alvarez Kawa-kawa Falls - Kristine Joy Amparo Kwebang Lampas - Kaizer Amandy Pulong-giting Falls - Jennifer C. Lerit Ilog Balsa - Rachel Despe Malaog Cave - Zaira P. Villenas/Ma. Milet Castillo Ilog Kakati - Zaira P. Villenas Dahoyhoy Falls - Maria Therissa Casidsid Cagbalete Island - Maria Therissa Casidsid Bato Beach Resort - Shaene Benice Porcincula Pulong Kukok - Shaene Benice Porcinula