Data Loading...
Health 3_Q3_Mod1_Konsyumer Ako Flipbook PDF
Health 3_Q3_Mod1_Konsyumer Ako
120 Views
119 Downloads
FLIP PDF 1.07MB
3 Health Ikatlong Markahan – Modyul 1: Konsyumer Ako!
Health – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 1: Konsyumer Ako! Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Rhea P. Villagonzalo Editor: Elsie E. Gagabe Tagasuri: Marciano G. Canillas, Minerva P. Ibasco Tagaguhit: Daryl Louie S. Onlayao Tagalapat: Angelica M. Mendoza Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero
Reynaldo M. Guillena
Janette G. Veloso
Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan
Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada
Fortunato B. Sagayno
Jeselyn B. dela Cuesta
Elsie E. Gagabe
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region XI Office Address:
F. Torres St., Davao City
Telefax:
(082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address:
[email protected] * [email protected]
3 Health Ikatlong Markahan – Modyul 1: Konsyumer Ako!
Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Health sa Ikatlong Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Konsyumer Ako! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang magaaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii
Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Health sa Ikatlong Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Konsyumer Ako! Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pagaaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balikaral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
iii
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
iv
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
vi
Alamin Sa modyul na ito mabibigyan kayo ng panahon upang tuklasin ang kahulogan ng konsyumer (H3CH-IIIab-1). Sa panahon ng kahirapan at kahigpitan, maraming negosyante at nagtitinda ang nakaiisip na manlamang sa kapwa. Laganap sa pamilihan ang pandaraya sa sukli, timbangan, at kalidad ng produkto. Ang matalinong konsyumer ay laging alerto, mapagmasid, aktibo at handa na labanan ang mga maling gawain ng mga tindero at negosyante. Dito mo rin malalaman ang mga bumubuo ng consumer health (H3CH-IIIab-2). Sa araling ito, magkakaroon ka ng kaalaman tungkol sa pagiging isang matalinong mamimili o konsyumer upang mas matulungan ka sa pagpili at pagdedesisyon sa mga produktong binibili mo sa araw-araw na pangangailangan na mahalaga para sa kalusugan.
1
Subukin Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ang mamimili ay tinatawag din na ___________. a. tao c. negosyante b. konsyumer d. tindera 2. Ang isang matalinong mamimili ay ___________. a. sumusunod sa uso b. nagpapadala sa anunsyo c. bumibili ng sirang gamit d. tinitimbang ang mga bagay-bagay ayon sa kanyang badyet 3. Tinitingnang mabuti ni Betty ang mga sangkap, presyo at kalidad ng produktong binibili niya. Siya ay isang _____________ na mamimili. a. Nagpapanic buying c. mapanuri b. May alternatibo d. makatwiran 4. Inuuna ni Roy ang mga bagay na mahalaga kaysa sa mga luho lamang. Siya ay isang _____________na mamimili. a. makatwiran c. sumusunod sa badyet b. mapanuri d. may alternatibo 5. Ang mamimili na marunong humanap ng panghaliling produkto na makakatugon din sa pangangailangan ay isang __________ na mamimili. a. hindi nagpapadaya c. may alternatibo b. makatwiran d. nagpapanic buying
2
Aralin
1
Ang Aking Komunidad
Ang konsyumer ay tinatawag din bilang isang mamimili. Ito ay tumutukoy sa mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan.
Balikan Balikan nating muli ang aral na natutunan mo sa nakaraang modyul. Isulat sa sagutang papel ang tama kung ito ay nakabubuti sa katawan at mali kung ito ay nakakasama.
_________ 1. Kumain ng prutas at gulay.
_________ 2. Manood ng TV buong maghapon.
_________ 3. Matulog ng walo hanggang sampung na oras arawaraw.
_________ 4. Isang beses maligo sa isang Linggo.
_________ 5. Kumain na hindi naghuhugas ng kamay.
3
Mga Tala para sa Guro Sa panibagong aral na makukuha mo rito, inaasahang babasahin ang laman nang may pag-unawa at gagawin ng tapat ang lahat ng mga pagsubok na nakalalaan sa bawat pahina ng modyul. Mayroong mga pagsubok na mas naisasagawa nang maayos nang may kasama. At kung may mga panuto na hindi naiintindihan, maaaring magkaroon ng gabay sa bahay o di kaya ay maaaring magtanong sa guro.
Tuklasin Basahin ang maikling kuwento sa loob ng kahon at sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Si Ana ay matipid na bata. Palagi niyang iniipon ang sobrang pera na galing sa baon niya. Tuwing recess pinipili niya ang pagkaing mura at masustansiya. Lagi niyang binibilang ang sukli sa kaniya ng tindera. Habang si Brenda nama’y walang pakialam sa perang baon niya. Pinipili ang mahal kaysa sa mura. Laging sumasabay sa uso at hindi binibilang ang sukli sa kaniya. Kaya minsan nauubosan siya ng pamasahe pauwi ng bahay nila.
Sino kaya sa dalawang bata ang nagtataglay ng isang matalinong mamimili? Bakit?
4
Suriin Ang mamimili o konsyumer ay tumutukoy sa mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan.
Ang mga sumusunod ay katangian ng isang matalinong mamimili o konsyumer: a. Mapanuri • Masusing namimili sa mga pagpipilian. • Tinitingnan nang mabuti ang mga sangkap, presyo at kalidad. b. May Alternatibo • Marunong humanap ng panghaliling produkto na makakatugon din sa pangangailangan.
5
c. Hindi Nagpapadaya • Laging handa, alerto at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan. d. Makatwiran • Makatwiran ang konsyumer kapag inuuna ang mga bagay na mahalaga kaysa sa mga luho lamang. e. Sumusunod sa Badyet • Tinitiyak niyang magiging sapat ang kaniyang salapi sa sa kaniyang mga pangangailangan. • Tinitimbang niya ang mga bagay-bagay ayon sa kanyang badyet. f. Hindi Nagpapanic- buying • Alam ng matalinong mamimili na ang pagpapanicbuying ay lalo lamang nakapagpapalala sa artipisyal na kakulangan na bunga ng hoarding. g. Hindi Nagpapadala sa Anunsyo • Ang kalidad dapat ang tinitingnan hindi ang kagandahan ng pag-aanunsyo. Mga Paraan ng Matalinong Mamimili: 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8.
Isaayos at itala ang bilihin ayon sa kahalagahan. Suriin ang kondisyon ng gamit bago bilhin. Huwag bumili ng gamit na hindi kailangan. Iwasan ang pagbili ng mga gamit na second hand. Lagyan ng hangganan ang pamimili sa presyo. Magtanong-tanong ng halaga sa ibang tindahan. Piliin ang wastong panahon ng pagbili. Piliin kung saan mahusay mamili.
6
Pagyamanin Isulat sa sagutang papel ang wastong letra sa bawat kahon upang mabuo ang salita na may kinalaman sa pagiging isang matalinong mamimili.
1. Inuuna ang mga bagay na mahalaga kaysa mga luho lamang. M
A
T
I
N
2. Marunong humanap ng panghaliling produkto na makakatugon din sa pangangailangan. A
A
E
R
T
B
3. Tinitingnan nang mabuti ang mga sangkap, presyo at kalidad. P
N
R
4. Tinitiyak niyang magiging sapat ang kaniyang salapi sa kaniyang mga pangangailangan. S
U A
S
D
A
D
T
5. Laging handa, alerto at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan. H
N A
G
I P
P
Y 7
A
Isaisip Isulat ang tama sa sagutang papel kung ito ay dapat gawin ng isang matalinong mamimili at mali kung hindi.
______1. Nakabubuti sa isang mamimili kapag siya ay nagpapadala sa mga anunsyo sa telebisyon o radyo.
______2. Maging alerto, laging handa at mapagmasid sa mga maling gawain ng mga tindera lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan.
______3. Mas mainam bumili ng mga bagay na mura kahit malapit na ang expiration date nito.
______4. Bumibili ng mga bagay kahit hindi kailangan kapag may sale sa tindahan.
______5. Palaging sumusunod sa badyet at hindi nagpapanic buying.
8
Isagawa Idikit sa malinis na papel ang label o balat ng tatlong produkto na binili mo kahapon. Isulat ang dahilan ng paggamit mo nito.
Produkto na binili
Dahilan ng paggamit
1.
2.
3.
9
Tayahin Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
_______1. Ano ang tawag sa taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan. a. tindera b. bata
c. konsyumer d. nanay
_______2. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang matalinong mamimili? a. b. c. d.
nagpapadala sa anunsyo nagpapanic- buying sumusunod sa badyet nagpapadaya
_______3. Sino sa mga sumusunod na bata ang isang matalinong mamimili? a. Si Lyn na bumili ng mga nauusong laruan sa paaralan kahit hindi kailangan. b. Si Rona na tinitingnan ang sangkap at presyo ng pagkain na kakainin para sa recess. c. Si Lina na bumili ng mga laruang gusto kaysa sa baong pagkain sa paaralan. d. wala sa nabanggit
10
_______4. Si Fe ay bumili ng tinapay sa tindahan. Sinabihan niya ang tindera na kulang ang kaniyang sukli. Si Fe ay may katangian na ___________? a. b. c. d.
nagpapadala sa anunsyo hindi nagpapanic buying hindi nagpapadaya may alternatibo
_______5. Si Kyla ay hindi bumibili ng gamit na hindi kailangan. Sinusuri rin niya ang kondisyon ng gamit bago bilhin. Siya ay isang bata na ___________. a. b. c. d.
mabait na mamimili matalinong mamimili masipag na mamimili mapagmahal na mamimili
11
Aralin
2
Bumubuo ng Consumer Health
Ang consumer health ay tumutukoy sa mga desisyon na iyong gagawin tungkol sa paggamit ng mga produkto, impormasyon at serbisyo na may direktang epekto sa iyong kalusugan.
Balikan Balikan nating muli ang aral na natutunan mo sa nakaraang modyul. Isulat sa sagutang papel ang mga katangian ng isang matalinong mamimili.
Ang isang matalinong mamimili ay: 1. ____________________________ 2. ____________________________ 3. ____________________________ 4. ____________________________ 5. ____________________________
12
Mga Tala para sa Guro Sa panibagong aral na makukuha mo rito, inaasahang babasahin ang laman nang may pag-unawa at gagawin ng tapat ang lahat ng mga pagsubok na nakalalaan sa bawat pahina ng modyul. Mayroong mga pagsubok na mas naisasagawa nang maayos nang may kasama. At kung may mga panuto na hindi naiintindihan, maaring magkaroon ng gabay sa bahay o di kaya ay maaaring magtanong sa guro.
Tuklasin Hulaan mo kung ano ang tamang sagot sa mga tanong. Isulat ito sa sagutang papel.
________1. Ito ay lugar na pinupuntahan natin kung nais nating magpagupit.
________2. Ito ay ginagamit natin para mapanatiling malinis ang ating ngipin.
________3. Siya ay isang tao na maaari nating tanungin tungkol sa ating kalusugan lalo na kung tayo ay may sakit.
13
________4. Ito ay lugar kung saan tayo bumibili ng mga pagkain gaya ng prutas at gulay.
________5. Ito ay lugar kung saan dinadala at pinapagaling ang tao na may sakit.
Suriin Ang mamimili o konsyumer ay isang taong gumagamit ng mga impormasyon, produkto at serbisyo na mahalaga para sa kalusugan.
Mga Bumubuo ng Consumer Health: 1. Impormasyong Pangkalusugan • Ito ang impormasyon na makukuha sa dyaryo, telebisyon at social media.
14
May dalawang uri ng pinagkukunan ng impormasyon.Ito ay ang reliable at unreliable.
a. Reliable o makatotohanan - ito ay nagbibigay ng tama, siyentipiko,makabago, ligtas at malusog na mga kaalaman. b. Unreliable o hindi makatotohan - ito ay nagbibigay ng impormasyon na hindi totoo. Kadalasan ay nanggagaling ang mga ito sa mga indibidwal o institusyon na may pansariling interes at komersyal na mga layunin. 2. Produktong Pangkalusugan • Ito ay ang mga pagkain, shampoo, sabon, mga gamot, toothpaste at iba pa.
15
3. Serbisyong Pangkalusugan • Ito ang mga halimbawa ng mga nagbibigay ng serbisyo tungkol sa kalusugan: - doktor - nars - dentista - albularyo - ospital - parlor - barbershop - restaurant - DOH (Department of Health) - Barangay Health Center
16
Pagyamanin Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot na makikita sa loob ng kahon.
A. dentista
B. dyaryo
D. Department of Health
C. guro
E. doktor o nars
_______1. Tinutulungan niya tayong alagaan ang ating mga ngipin.
_______2. Nagtuturo sa mga bata tungkol sa health education.
_______3. Dito nakukuha ang mga makatotohanang impormasyon at balita.
_______4. Ang mga taong tumutulong upang tayo ay gumaling sa ating sakit.
_______5. Ito ay ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa programang pangkalusugan.
17
Isaisip Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot na makikita sa loob ng kahon.
consumer health
konsyumer
kalusugan
produkto
reliable
1. Bilang mamimili dapat nating pag-aralan ang binibili nating ______________. 2. Ang matalinong mamimili ay laging inuuna at ininisip ang ______________sa mga produktong bibilhin. 3. Ang ____________ na impormasyon ay nagbibigay ng tama, siyentipiko, makabago at serbisyo na mahalaga para sa kalusugan. 4. Ang ___________ ay isang taong gumagamit ng mga impormasyon, produkto at serbisyo na mahalaga para sa kalusugan. 5. Ang __________________ay tumutukoy sa mga desisyon na iyong gagawin tungkol sa paggamit ng mga produkto, impormasyon at serbisyo na may direktang epekto sa iyong kalusugan.
18
Isagawa Maghanap ng isang bagay o larawan na may kinalaman sa consumer health. Idikit ito sa malinis na papel.
Impormasyong Pangkalusugan
19
Produktong Pangkalusugan
20
Serbisyong Pangkalusugan
21
Tayahin Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel. ______1. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan? a. sabon b. nars
c. telebisyon d. pagkain
______2. Ang gamot ay isang halimbawa ng __________. a. b. c. d.
Serbisyong medical Serbisyong pangkalusugan Produktong pangkalusugan Impormasyong pangkalusugan
______3. Sino sa mga sumusunod ang makapagbibigay ng makatotohanang impormasyon tungkol sa pangkalusugan? a. albularyo b. tindera
c. doktor d. drayber
______4. Anong tulong pangkalusugan ang naibibigay ng ospital? a. b. c. d.
Serbisyong totoo Serbisyong pangkalusugan Produktong pangkalusugan Impormasyong pangkalusugan
22
______5. Aling sa mga larawan ang makapagbibigay ng impormasyong pangkalusugan? a.
c.
b.
d.
Karagdagang Gawain Gawain A. Isulat sa sagutang papel ang tsek (/) kung ang pahayag ay tama at ekis (x) naman kung mali. _________1. Ang pagpili at pagdedesisyon sa uri at dami ng produktong bibilhin ay nakasalalay sa kamay ng mga mamimili. _________2. Ang matalinong mamimili ay nagpapanic buying. _________3. Ang mamimili ay tinatawag din na konsyumer. _________4. Ang matalinong mamimili ay inaayos at itinatala ang bilihin ayon sa kahalagahan. _________5. Ang matalinong mamimili ay bumibili ng mga second hand na gamit. 23
Gawain B. Isulat sa sagutang papel ang SP kung ito ay serbisyong pangkalusugan, PP kung produktong pangkalusugan at IP kung impormasyong pangkalusugan.
_________1. Barangay Health Center
_________2. sapatos
_________3. parlor
_________4. pagkain
_________5. telebisyon
24
Isaisip 1. 2. 3. 4. 5.
Mali Tama Mali Mali Tama
Tuklasin 1. 2. 3. 4. 5.
25 Balikan
Subukin
1. 2. 3. 4. 5.
• • • • • • •
B D C A C
Pagyamanin barbershop toothbrush doktor palengke ospital
1. 2. 3. 4. 5.
mapanuri may alternatibo hindi nagpapadaya makatwiran sumusunod sa badyet hindi nagpapanic buying hindi nagpapadala sa anunsyo
Tayahin
A C B E D
1. 2. 3. 4. 5.
B C C B C
Aralin 2 Isaisip 1. 2. 3. 4. 5.
Subukin Mali Tama Mali Mali Tama
Tuklasin
1. 2. 3. 4. 5.
Balikan B D C A C
1. 2. 3. 4. 5.
Pagyamanin
Si Ana, dahil isa siyang bata na marunong magbagdet ng baon, binibilang niya aan kanyang sukli at mapanuri sa binibili.
1. 2. 3. 4. 5.
tama mali tama mali mali
Tayahin
Makatwiran May alternatibo Mapanuri Sumusunod sa badyet Hindi nagpapadaya
1. 2. 3. 4. 5.
C C B C B
Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian Balitao et al. Pambansang Ekonomiya at Pag-unlad. Vibal Group Inc., Manila, 2014 Department of Education. Ekonomiks (Araling Panlipunan – Modyul Para sa Mag-aaral) – DRAFT DEPED COPY. 2015. Health Kagamitan ng Mag-aaral Sinugbuanong Binisaya. Quezon, Philippines: Book Media Press, Inc. Health 3 Teachers Guide –Draft 2014.Quezon, Philippines: Book Media Press, Inc. https://www.slideshare.net/lanceabalos/ang-mamimili-okonsyumer https://www.slideshare.net/kazekage15/ang-konsyumermamimilimga-katangian-karapatan-at-tungkulin
26
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]