Data Loading...

new schedules and list-DYNAMISM Flipbook PDF

7-DYNAMISM (1)


113 Views
43 Downloads
FLIP PDF 6.24MB

DOWNLOAD FLIP

REPORT DMCA

7-DYNAMISM ADVISER: APRIL ALLYSSA B. SEGARRA

Starting Monday, March 7, ang 42 students ng Dynamism ay mahahati sa tatlong modality:

Online, Modular, at Face to Face



TAKE NOTE, si Maam Alley pa rin ang adviser at mananatili ang lahat sa section na Dynamism

Out of 42:

26- ONLINE 13-FACE TO FACE 3- MODULAR Ang pagbabago na ito ay base sa sinagutan na survey ng mga magulang/guardian tungkol sa nais na modality para sa kanilang anak.

Habang nasa ibang modality, ang lahat ng Dynamism students ay babantayan ng mga tinatawag na teacher-in-charge. Hindi sila mga bagong adviser kundi tagagabay lang na naka-assign sa mga pangkat kung saan kabilang ang bawat isa.

Ngayon ay ipapakita ko ang mga list ng mga kasama sa bawat modality, kung anong section sila, ano ang schedule nila, sino ang teacher in charge, at ano ang mga dapat na ihanda.

ONLINE MODALITY

Ang mga naiwan sa online modality ay kasama sa pangkat na ODL2. Makakasama ninyo ang mga ilan sa Decisiveness sa nasabing pangkat. Ang inyong teacher in charge ay si Ms. Rosemarie Oliquino.

Narito ang bago ninyong schedule bilang bahagi ng online modality. Mag-uumpisa ng 7:15 AM ang klase ninyo araw-araw at matatapos naman ng 5:15 PM. Siguruduhin na pamilyar sa pinagkaiba ng synchronous at asynchronous. Dapat din na siguruduhin na papasok kayo palagi at on time sa mga link na binibigay ng mga guro.

FACE TO FACE MODALITY

Ang mga estudyanteng napunta sa Face to Face modality ay maaaring kasama sa mga pangkat na F2F2 o kaya naman ay F2F4

Ang unang apat sa mga napunta sa Face to Face modality ay bahagi ng pangkat na F2F2. Ang inyong teacher in charge ay si Mr. Raniel Gerente. Sa araw ng pagpasok, siguruduhin na kayo ay didiretso sa Building 5 Room 2 ng ating paaralan dahil iyon ang classroom ninyo.

Narito ang bago ninyong schedule bilang bahagi ng pangkat na F2F2. Dapat na siguruduhin na papasok kayo palagi at on time. Inaasahan na kayo ay makakarating sa ating paaralan bago ang oras na 7:00 AM. Kung wala kayong school uniform, maaari kayong magsuot ng puting t-shirt at pantalon. Magdala ng baong pagkain na pangtanghalian dahil may klase pa rin kayo sa hapon. Magdala din ng sariling ballpen at papel.

Ang siyam pa sa mga napunta sa Face to Face modality ay bahagi naman ng pangkat na F2F4. Ang inyong teacher in charge ay si Mrs. Olivia Amores. Sa araw ng pagpasok, siguruduhin na kayo ay didiretso sa Building 3 Room 8 ng ating paaralan dahil iyon ang classroom ninyo.

Narito ang bago ninyong schedule bilang bahagi ng pangkat na F2F4. Dapat na siguruduhin na papasok kayo palagi at on time. Inaasahan na kayo ay makakarating sa ating paaralan bago ang oras na 7:00 AM. Kung wala kayong school uniform, maaari kayong magsuot ng puting t-shirt at pantalon. Magdala ng baong pagkain na pangtanghalian dahil may klase pa rin kayo sa hapon. Magdala din ng sariling ballpen at papel.

MODULAR MODALITY

Ang tatlo na bahagi ng modular modality ay kasama sa pangkat na MDL2. Ang teacher-in-charge niyo ay si Ms. Dianne Calma. Inaasahan na palagi kayong kukuha at magpapasa ng modules on time.

Narito ang schedule na susundin mo sa pagsagot ng mga module bilang bahagi ng MDL2. Ipapaalam sa inyo through text o chat sa GC sa FB Messenger kung kailan ang eksaktong schedule ng pagkuha o pagbabalik ng modules every week. Kayo ay kukuha ng modules kay Maam Dianne Calma at ang unang pagkuha niyo ng modules ay sa darating na umaga ng March 11.



Hindi mo nakita ang pangalan mo o ang anak ninyo? Puntahan niyo ulit ang mga nakaraang pahina. Nandoon ang hinahanap mong pangalan.

Kung wala pa rin, message mo ako agad through PM sa FB.

May tanong pa? Message mo ako agad sa FB through PM.

Again po, ako pa rin ang adviser ng 7-Dynamism. Napunta lang po sila sa iba't-ibang modality kaya mayroong mga teacher in charge na magbabantay sa kanila. Kung may concerns po at magpapasa ng documents sa akin pa rin po. Thank you po and God bless sa lahat! :) -Ms. Alley