Data Loading...
Ang LAKHAN: The LASER Newsletter Flipbook PDF
The LASER Newsletter
145 Views
108 Downloads
FLIP PDF 1.23MB
Ang
OPISYAL NA NEWSLETTER NG PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS JPLPC-MALVAR
Lakhán DAGUNDONG NG REYALIDAD, LAKHÁN NA KATOTOHANAN
Oktubre-Disyembre 2020 | Taon II, Bilang I
LATHALAIN PIGING NG KAALAMAN Pahina 14 BALITA
BATSTATEU NAGDAOS NG KAUNA-UNAHANG ‘VIRTUAL’ NA PAGTATAPOS DAHIL SA PANDEMYA
Ni: Mateo Granzore Dahil sa pandemya, ‘virtual’ nang isinagawa ang 52nd Commencement Exercises ng mga mag-aaral mula sa Batangas State University Class of 2020, Disyembre, 3-5.
“naging accessible [‘virtual’ graduwasyon] sa lahat, anytime, anywhere, but then naging mahirap lang sa part na di ko siya nasubaybayan on time due to internet connection [na] walang signal”.
Ipinagdiwang ng Red Spartans ang kanilang pagtatapos sa new normal na paraan sa pamamagitan ng pagtutok sa live streaming sa opisyal na BatStateU Youtube channel.
Sinabi rin niya na kahit madaming nangyayari sa mundo sa kasalukuyan naging memorable pa rin ito sa kanya dahil nakapagtapos siya ng pag-aaral.
Nilahukan ito ng mahigit 5,000 estudyante mula sa iba’t ibang campus na may temang “Gearing up Batangas State University for the Global Knowledge Economy”. Ayon kay Aj S. Frias, nagtapos sa kursong BS in Business Administration major in Marketing Management,
LASER The
Samantala, saad naman ni Kim David A. Mercolita, nagtapos ng kursong BS in Industrial Engineering, “mahirap ang scheduling kasi ilang beses din na-adjust yung graduation pero yung mismong virtual graduation ay hindi [naging] mahirap kasi halos manonood lang ng live”. Giit pa niya kahit papaano
ay naging memorable sa kanya ang makaranas ng kakaibang pagtatapos na iba sa nakasanayan noong wala pang pandemya. Kaugnay nito, ipagpapaliban muna sana ng BatStateU ito dahil sa banta ng Covid-19 kaya’t makailang ulit itong na-adjust ng araw at buwan. Nagsilbing speaker si Senador Ralph Recto, President Pro-Tempore of the Senate of the Philippines sa una at pangatlong araw habang si Senador Joel Villanueva, Chair of the Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education naman ang naging speaker sa pangalawang araw. A.
Ayon kay Dr. Tirso Ronquillo, Pangulo ng
https://www.facebook.com/OKA.The.LASER
Unibersidad, “May the education provided by Batangas State University fuel your personal and professional career as you make your own distict mark in the world. You are always welcome to go back to the university, your second home.” (Nawa ang edukasyong ibinigay ng Batangas State University ay magsindi ng inyong personal at propesyonal na karera habang gumagawa kayo ng inyong sariling natatanging marka sa mundo. Palaging bukas para sa inyo ang unibersidad na inyong naging pangalawang tahanan.) Bilang karagdagan, mapapanood pa rin ang lahat ng bidyo ng seremonya ng pagtatapos sa opisyal na youtube channel ng BatStateU.
[email protected]
2 BALITA
October-December 2020
Libreng pagpapamiyembro kaloob ng iSite 52 mag-aaral nabiyayaan Ni: Monilyn Araja 52 mag-aaral mula sa Computer Science (CS) at Information Technology (IT) ng BatStateU JPLPC-Malvar ang nabigyan ng libreng pagpapa miyembro ng iSite o Integrated Southern Tagalog Association of IT Education sa layong mai-update sa pinakabagong teknolohiya, Okt. 15. Ang iSITE ay itinatag noong Setyembre 2015 sa pamamagitan ng walong deans ng iba’t ibang unibersidad sa Rehiyon 4 ng Pilipinas. Ito ay samahan ng mga tagapagturo at paaralan kasama ang mga estudyanteng nagbibigay ng seminar, kumperensya at pagtatanghal sa pagsasaliksik. Ang organisasyon ay nagbibigay ng mga tagapagturo at mag-aaral na may pagkakataong mai-update sa pinakahuling teknolohiya sa
pamamagitan ng mga lektyur mula sa mga eksperto sa industriya. Ayon kay Gng. Maria Graciela R. Bucad, guro sa BSU JPLPC-Malvar, “Basically, we decided to join to expose students to the latest technological advancements and establish network/ collaboration with other schools.” (Nagpasiya kaming sumali upang ilantad ang mga magaaral sa pinakabagong mga pag-unlad ng teknolohiya at magtatag ng network/ pakikipagtulungan sa iba pang mga paaralan.) Samantala, sa pangunguna at inisyatibo ng Association of Information Technology and Computer Science Students o AITeCSS at
College of Informatics and Computing Sciences o CICS ay naisakatuparan ang nasabing libreng pagpapa miyembro. “Since its pandemic, membership/registration was done online. Names of prospect members were submitted to the iSITE board. I just sent a certification that the names submitted are our bonafide CS/IT students. Immediately, certificate of membership was sent through their respective email,” pahayag ni Gng. Bucad. (Dahil sa pandemic, isinagawa ang pagpapamiyembro o rehistrasyon online. Ang mga pangalan ng mga prospect member ay isinumite sa iSITE board. Nagpadala lang ako ng sertipikasyon na ang mga pangalang isinumite ay ang aming bonafide CS/IT students.
Proyektong Pangkabuhayan para sa 4P’s Laan ng CABEIHM, ESO, SK Malvar Ni: Mateo Granzore Katuwang ang Sangguniang Kabataan ng Brgy. Poblacion, Malvar naglaan ng programang pangkabuhayan para sa Pantawid Pamilya Pilipino Program (4P’s) ang College of Accountancy, Business, Economics and International Hospitality Management (CABEIHM), Extension Services Office (ESO) JPLPC-Malvar, Dis. 11. Sa temang “Siomai Love this Season of Love and Hope: A Livelihood Training Program for 4P’s Recipients”, layon nitong magbigay sa mga kalahok ng makabuluhang kaalaman, kasanayan sa paggawa ng siomai, katotohanan at praktikal na ideya na maaaring gamitin sa hinaharap na pakikipag-ugnayan sa negosyo. Nakilahok sa nasabing aktibidad ang 57 katao na gustong matuto sa paggawa https://www.facebook.com/OKA.The.LASER
ng siomai, mapakinabangan ito bilang negosyo sa ginanap na aktibidad sa pamamagitan ng Google Meet. Ayon kay Gng. Ana L. Montealto, SK Chairman ng Poblacion, Malvar, “[ang] reason [kung] bakit namin nilagay si livelihood ay dahil talagang kita namin sa barangay na madami naman [ang] capable of doing business kaso wala talagang means to do it.” Sinabi pa niya na kapag may oportunidad dapat sunggaban agad ito dahil hindi palaging may pagkakataon. Masasayang lamang ito kung palalampasin pa. Pahayag ni Asst. Prof. Glenda S. Dimaano, isa sa leader ng proyekto, “positive naman ang naging tugon ng mga beneficiaries sa project and were hoping na may magtuloy sa kanila ng program to [email protected]
Ipinadala kaagad ang sertipiko ng pagiging miyembro sa pamamagitan ng kani-kanilang mga email.) Matapos makapag register sa iSite, maraming pagpapabuti ang idinulot nito sa mga mag-aaral gaya ng naiiupdate ang kanilang kaalaman tungkol sa piling larangan at may pagkakataong maipakita ang kanilang kakayahan sa pamamagitan ng pagsali sa mga kompetisyon. Hatid nito’y benepisyong pakikipagtulungan sa iba pang mga paaralan na nag-aalok ng parehong mga programa. Inaasahan naman sa iSite na ito na magkakaroon ng higit pang kapasidad sa pagtatayo ng mga programa– teknikal at di-teknikal, mga presentasyon sa pananaliksik at pakikipagtulungan.
help them in augmenting their financial constrain especially during this time of pandemic”. Samantala, ang mga sumusunod ay mga leader ng proyekto: Dr. Expedito V. Acorda, Executive Director, Dr. Amado C. Gequinto, Dean of Colleges, Dr. Dennis B. Legaspi, Associate Dean, CABEIHM; Mrs. Airis Jane M. Llave, Dept. Chairperson, ABE, Dr. Phoebe Dian D. Bansil, Program Chairperson, IHM, at Asst. Prof. Glenda M. Dimaano, Head, Extension. Tagapag-ugnay naman ng proyekto sina G. Kenneth R. Magpantay, CABEIHM Faculty, Bb. Jasmin A. Matanguihan, CABEIHM Faculty, Gng. Cecilia D. Magnaye, CABEIHM Faculty; Asst. Prof. Lucina S. Lat, CABEIHM Faculty, Dr. Sharon G. Angulo, CABEIHM Faculty, Dr. Mabel O. Lopez, CABEIHM Faculty; Dr. Ronel M. Sapungan, CABEIHM Faculty, G. Wilbert D. Lumbera, CABEIHM Faculty, G.. Christopher Vincent A. Arellano CABEIHM Faculty; at Bb. Laurice E. Tolentino, CABEIHM Faculty.
LASER The
BALITA 3
October-December 2020
MEXEplay SOLID: Legendary Mobile Legends Tournament hatid ng MEXESS Ni: Hannah Vernice B. Celestial
N
agsama-sama ang mga Red Spartans sa palarong Mobile Legends ng Mechatronics Engineering Students’ Society (MEXESS) mula sa Kolehiyo ng Engineering sa layong pagisahin ang mga manlalaro ngayong pandemya, Okt. 28-29 hanggang Nob. 3. MEXEplay SOLID ang bansag na napili ng organisasyon para sa kompetisyon na kanilang binuksan para sa lahat ng mag-aaral ng programang Mechatronics Engineering mula sa iba’t-ibang antas ng departamento. Hango ang nasabing paligsahan sa tema ng NEXplay SOLID, isang grupo ng mga kilalang manlalaro sa larangan ng E-Sports. Ipinalabas ang bawat laban sa pamamagitan ng Facebook Live ng MEXEplay SOLID Facebook Page para masubaybayan at masuportahan ng mga manonood ang mga lumahok na grupo ng manlalaro mula sa iba’t-ibang antas. Samantala, nagtapat-tapat ang mga pangkat ng TBJ E-SPORTS, WARDYPLAYS, OP MECH, KHM, ENGR, IMPOSTOR, USH, at HNC sa layong makamit ang Cash Premyo na inihanda ng MEXESS. Tatlo sa mga kalahok na grupo ay mula sa unang antas na mga grupong OP
LASER The
MECH, WARDYPLAYS at HNC habang ang mga pangkat ng KHM, ENGR, IMPOSTOR, at USH ay nagmula sa pangatlong antas. Para masiguro ang kasiyahan ng mga manonood sa bawat laban, sina Kenneth Charles Del Rio, Oliver Amante, at Mark Anthony Alconcel, ang nagsilbing komentarista na nakaengganyo ng mga taga-suporta ng mga lumahok na grupo. Namukod sa lahat ang pangkat na USH na nagkamit ng Unang Gantimpala; ang grupong IMPOSTOR naman ang nakatanggap ng Ikalawang Gantimpala; at ang Ikatlong Gantimpala naman ay napalanunan ng TBJ E-SPORTS. Pinangunahan ni Mark Anthony Alconcel ang grupong USH at kinabilangan nila Christian Harvey De Silva, Aaron Fampo, at Amiel Medalla, kasama muli sina Kenneth Charles Del Rio at Oliver Amante, mga komentarista ng bawat laban. Miyembro naman ng grupong IMPOSTOR sina Roniel Marasigan, Jerome Delos Santos, Matthew Barrion, John Patrick Sulabo, at John Dale Battung na pinangunahan ni John Carlo Leynes. Habang ang natatanging representatib ng pangalawang antas ay ang TBJ E-SPORTS kung saan ang lider ay si Maronn Clevy Lacanilao na kagrupo sina
Jericho Oña, John Steven Aala, Jake Kevin Garcia, at Renz Mark De Luna. Bilang karagdagan, isa si Mark Anthony Alconcel, mula sa pangatlong antas sa mga nag-organisa ng palaro na nagsaad ng kanilang paghahanda at pagsasakatuparan ng MLT. Ayon sa kanya, kaakibat ang MEXESS ay nakipagtulungan siya kina Mark Christian Marquez at Jerome Delos Santos, mula sa parehas na antas, upang maisakatuparan ang palaro at ang tema nito. “Sana nagbigay kami ng kasiyahan, at nawala ang stress niyo sa mga naganap,” aniya ukol sa sitwasyong hatid ng pandemya sa kanyang mga kapwa magaaral. Dagdag pa niya, “Ituloy niyo lang kung anong gusto niyo sa buhay. Nandiyan talaga ang pagkakamali, gawin niyo lang isang motivation ‘yan.” Kaugnay nito, naging matagumpay at mala-Legendary ang kompetisyon na hatid ng MEXESS dahil sa aktibong partisipasyon ng mga lumahok na nagpamalas ng importansya ng ‘teamwork’ sa paligsahan na madadala sa anumang dako ng buhay ayon kay Alconcel.
https://www.facebook.com/OKA.The.LASER
[email protected]
4 BALITA
October-December 2020
Laurelian leaders inihanda sa mas mabigat na responsibilidad ngayong pandemya SSC nanguna Ni: Monilyn Araja
S
a layong maihanda ang mga estudyanteng tagapanguna ng BatStateU JPLPC-Malvar sa mas malaki pang responsibilidad tungo sa pagiging produktibo, nagsagawa ang Supreme Student Council o SSC ng Webinar ukol sa pamumuno gamit ang Zoom at Facebook, Nob. 20. Layunin din ng webinar na ito na matalakay ang dahilan kung bakit pinipili ng isang tao ang maging pinuno at paano mamuno bilang pagtugon sa temang “Self and Others: Why do I choose to lead?”. Ayon kay Prof. Darwin C. Magpili, Instructor at Consultant, panauhing tagapagsalita, “Leaders are not born they are created”. (Ang mga pinuno ay hindi ipinanganak, sila ay nilikha.)
Ipinaliwanag rin niya sa kanyang pananalita ang ibig sabihin ng pamumuno at mga katangian ng estudyanteng namumuno. Ibinahagi naman ni Mark S. Marasigan, SSC President, ang kanyang karanasan bilang isang pinuno sa iba pang mga namumuno ng bawat organisasyon na dumalo. “Importante ang pagkakaroon ng leadership especially despite of pandemic kasi as a leader everyone talaga nakatingin sayo and they expect from you. Kaya ang maging leader ngayong pandemic is a big big challenge,” aniya. Bago ako naging leader, naging listener muna ako or follower. Sa pagiging leader ko, I found my purpose”, dagdag pa niya.
Sinabi ni Rose Marie Martin, 2nd Year, BSBA-MKTMGT, mula sa Junior Marketing Association na nakilahok sa aktibidad, “natutunan ko na ang pagiging leader ay hindi lamang nakikita sa kung gaano ka karesponsable sa mga responsibilidad mo, kundi sa kung paano ka makipag kapwa tao’’. Sang ayon dito, nabanggit din ni Joshua James Valdez, 2nd Year, BSBAMKTMGT, mula rin sa JMA, “bilang kasapi ng organisasyon natuto kami kung ano ang dapat at hindi dapat gawin upang mapagtagumpayan ang goal ng organisasyon”. Kaugnay nito, umabot sa 700 na tagapangunang mag-aaral ang nagpaunlak sa nasabing aktibidad sa Zoom Meeting at Fb live.
Makabagong Paraan ng Pagtuturo ngayong Pandemya, Tinalakay Ni: Merwin Samarita Binigyang pansin ng College of Teacher Education o CTE mula sa Batangas State University JPLPC –Malvar ang mga paraan upang maisulong ang mahusay na pagtuturo sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng isang webinar, Dis.10. Pinangunahan ni Dr. Richard M. Bañez, Asst. Professor, isa sa mga guro ng naturang paaralan ang talakayan. Layunin ng webinar na ito na may temang “Integrating Comprehension Strategies in Promoting Critical Thinking” na maisulong ang kahusayan at kasanayan ng mga mag-aaral lalong higit sa pagbasa sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo ng mga guro at mga susunod na guro. https://www.facebook.com/OKA.The.LASER
Ginanap ang naturang Webinar sa pamamagitan ng Facebook live at Zoom Meeting na kung saan dinaluhan ng mga guro at susunod na mga guro na mag aaral mula sa CTE. Ilan sa mga tinalakay ni Dr. Bañez ay kung paano makukuha ang atensyon ng mga mag-aaral lalo na sa panahon ng pandemya na kung saan ang teknolohiya ang pangunahing pamamaraan ng pagtuturo sa kasalukuyan. Binigyang diin din ni Dr. Bañez ang Clarifying, Applying, Relating and Evaluating (CARE) bilang isang pamamaraan upang malaman ng guro
[email protected]
kung nakamit ba ng mag-aaral ang dapat nilang matutunan. Naging makabuluhan ang nasabing webinar base sa mga reaksyon at komento ng mga nagpaunlak sa webinar. Bilang pasasalamat sa pagtalakay ng iba’t ibang paraan ng pagtuturo tungo sa pagkatuto ng mag-aaral ay binigyan ng sertipiko ng pagkilala si Dr. Bañez sa huling bahagi ng programa. Mapapanood pa rin ang naganap na webinar sa Facebook page ng Extension Services ng Batangas State University JPLPC-Malvar.
LASER The
BALITA 5
October-December 2020
AFP, Pinaigting ang Kalusugang Pangkaisipan ng Laurelian Ni: Tricel Anne Yutuc
P
inangunahan ng Alliance of Future Psychologist (AFP) ang webinar na may layong ipabatid sa mag-aaral ng Batangas State University – JPLPC Malvar ang makabuluhang paraan upang mapagtagumpayan ang hamon sa buhay ngayong pandemya, Dis. 5. Aktibong nilahukan hindi lamang ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong criminology at psychology ang naturang webinar kundi maging ang mga estudyante mula sa engineering at education. Tinalakay ni Dra. Patricia D. Simon, Registered Psychologist mula sa De La Salle University Psychology Department ang kahulugan ng emotional suppression kung saan ang isang tao ay pilit na inaalis sa isip ang hindi magagandang damdamin. Ayon sa kaniya, ito ay napatunayang hindi epektibo upang mapabuti ang pakiramdam ng isang tao. Paliwanag pa niya, ang paggamit ng ganitong estratehiya ay mas nakapagdudulot ng pinsala sa isang tao kung saan mas makararamdam siya ng depresyon kumpara sa totoong dapat niyang maramdaman. Hindi aniya namamalayan ng iba na nakasasama na ito sa kanilang kalusugan. Ayon naman kay Dr. Alvin Ryan A. Dizon, Associate Dean ng CAS, “Good practice of self-care can lead to better coping management which is beneficial for us to get through the challenges we are experiencing at the moment”. (Ang kasanayan sa pag-aalaga sa sarili ay maaaring magresulta sa mas mahusay na pamamahala sa mga pagsubok na magiging kapaki-pakinabang upang malampasan natin ang mga hamon na nararanasan natin sa ngayon.) “But then again, it doesn’t assure us that we will have a happy life. If we only know the source purpose of our being, then we would be able to identify our true source of happiness,” dagdag pa niya. (Ngunit, hindi nito sinisigurado na magkakaroon tayo ng masayang buhay. Kung malalaman lamang natin ang layunin ng ating pagkatao, tiyak na mababatid natin ang tunay na dahilan ng ating kaligayahan.) Ibinahagi rin ni Dra. Simon sang-ayon sa temang “Of Hamburgers, Coping, and Meaning in Life”, ang ilan sa karanasang sumubok sa kaniyang katatagan.
LASER The
Alliance of Future Psychologists Iniugnay niya ito sa hindi matuldukang CoViD’19 dahilan kung bakit nakararamdam ang ilan ng kalungkutan, pagkabigo, galit, takot, pagdududa at iba pang mga negatibong emosyon. Aniya, makatutulong ang pagkakaroon ng journal upang mapaglabanan ang mga negatibong naiisip lalo na ngayong may pandemya sapagkat halos kasing epektibo ito ng mga therapy at suportado rin ng ilang pag-aaral. Maging ang pakikipaglaro sa mga alagang hayop ay may mga pag-aaral ding patunay na nakapagpapabuti ng sikolohikal na kalagayan ng isang indibidwal at ginagamit ng ilang propesyonal bilang assistive therapy. Ilan pa rito ay ang pag-eehersisyo, pagbabasa ng libro, pakikinig sa mga podcasts, pag-aaral ng bagong kasanayangaya ng pagluluto o pagtugtog ng ilang instrumento, at pakikipagwentuhan sa mga kaibigan o kapamilya personal man o digital. Samantala, naghanda rin si Dra. Simon ng isang awitin bilang paalala sa mga mag-aaral na kaya nilang pagtagumpayan ang hamon sa buhay na siyang magbabatid kung ano ang tunay na kahulugan ng pagiging buhay. Binigyang diin din ni G. Ar-jay D. Perez, Program Chair ng Psychology Department na nararapat na mabatid at yakapin ng mga mag-aaral ang mga emosyong nararamdaman sa halip na ito’y pigilan. Kaugnay nito, nakatulong ang nasabing webinar sa mga mag-aaral upang malaman ang paraan sa aktibong pakikilahok sa makabuluhang aktibidad. Nagbigay daan din ito upang mabatid ang kahulugan ng buhay.
https://www.facebook.com/OKA.The.LASER
[email protected]
6 EDITORYAL
October-December 2020
Konting Tiis Pa
Ang
Lakhán DAGUNDONG NG REYALIDAD, LAKHÁN NA KATOTOHANAN
Mahigit apat na buwan na ngayong Disyembre ang pagsasakatuparan ng online classes bilang tugon sa pandemyang dulot ng CoViD-19 Virus. Kaugnay nito, nararanasan pa rin ng mga mag-aaral ang hirap sa bawat pag attend ng klase tuwing humihina ang signal at koneksyon sa internet. Madalas pa ring hindi maka focus sa pagkuha ng pagsusulit ang mga estudyante dahilan sa pag-iisip kung makakaabot ba sa itinakdang oras o makakapagpasa ba ng dokumento ng eksam. Dahil dito, hindi naiiwasan na may mga mag-aaral na naaapektuhan ang mga grado. Ngunit tila hindi pa rin ito ang magiging dahilan upang isagawa ang Face to Face Classes dahil sa wala pa rin ang hinihintay na bakuna ng lahat. Sang-ayon dito, ipinahiwatig ni Dr. Tirso A. Ronquillo, University President, sa ginanap na Kapehan with the President noong Nobyembre 25 na hindi pa rin ito magiging dahilan upang magkaroon ng actual classes hangga’t wala pang bakuna. Samantala, nabanggit naman ng mga mag-aaral na dumalo sa nasabing pagpupulong na miss na raw nila ang unibersidad at nais na raw nilang pumasok. Tugon naman dito ni Dr. Ronquillo na kung sakali man na maiplementahan ito, ay di pa rin masisigurado ang kaligtasan ng mga mag-aaral pagkat may social distancing man sa paaralan, paglabas naman dito ay limitado na ang pag obserba sa health protocol. Dahil dito, hangga’t wala pang bakuna at tila ba hindi na maapruban ang academic freeze, mas makabubuting ipagpatuloy muna ang online classes sa Enero. Sa kabila ng patuloy na nararanasang paghihirap ng mga mag-aaral sa online class, ano pa kaya ang maibibigay na konsiderasyon ng unibersidad sa mga estudyante?
Ang The
Lakhán DAGUNDONG NG REYALIDAD, LAKHÁN NA KATOTOHANAN
Oktubre-Disyembre 2020 | Taon II, Bilang I
LUPON NG PATNUGUTAN OPISYAL NA NEWSLETTER NG PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS JPLPC-MALVAR
LASER The
Punong Patnugot: Monilyn M. Araja Pangalawang Patnugot: Miguel Edward A. Rosal Tagapangasiwa ng Operasyon: Vernalyn D. Montero Tagapangasiwa ng Sirkulasyon: Marie Dominique Ona, Mark Arvin Gonzales Patnugot ng Balita: Tricel Anne Yutuc Patnugot ng Lathalain: Maycel C. Villanueva Patnugot ng Pamayanan: Hannah Vernice B. Celestial Patnugot ng Panitikan: John Carlo T. De Ocampo Punong Dibuhista: John Carlo A. De Torres Punong Potograpo: Alexia Cano Punong Tagapag-anyo ng Pahina: Jomer Manalo Potograpo: Gilbert John L. Polido, Patricia Tabing, Mark Arvin M. Gonzales, Jayvee Linga Dibuhista: Jomer M. Manalo, Jhulian R. Saria, John Lloyd Arriola, Marielle M. Amo Tagapag-anyo ng Pahina: Miguel Edward A. Rosal,Val Juniel M. Biscocho, Angeli M. Reyes Mga Manunulat: Julius M. Paz, Jay C. Caguicla, Mateo Granzore, Merwin C. Samarita, Gualberto Gimongala Jr., Nicole Ann Dela Cueva May Kontribusyon nina: Harvey De Guzman, Julie Anne P. Belasquin Gurong Tagapayo: Mrs. Liwanag C. Rubico Tagapayo: Dr. Ronel Sapungan
https://www.facebook.com/OKA.The.LASER
[email protected]
LASER The
EDITORYAL 7
October-December 2020
LASER The
https://www.facebook.com/OKA.The.LASER
[email protected]
8 NEWS
October-December 2020
hara https://www.facebook.com/OKA.The.LASER
[email protected]
LASER The
NEWS 9
October-December 2020
Kuha nila: Alexia Cano, Gilbert John Polido, Patricia Tabing, Mark Arvin Gonzales, Jayvee Linga
aya LASER The
https://www.facebook.com/OKA.The.LASER
[email protected]
https://www.facebook.com/OKA.The.LASER
[email protected]
BAGWIS Ni: Nicole Ann Dela Cueva
Binalot ng pagkamkam sa aking palad ang bawat gusamot na papel dulot ng pagkabalisa ko sa tila isang dinaanangbuhawing kaganapan na nasa aking harapan. Wala pang kalahati ng taon ay paubos nang muli ang bagong biling papel ni inay. Hindi ko pa naman ugaling kal’hatiin ito at itabi sa bahay ang natira. Ayaw ko rin namang maging madamot o 'di kaya'y masabihan ng, "Kay muramura ng papel tapos hindi mo magawang bumili?" na may kasama pa kadalasang exclamation point sa dulo, malaSatanas lang ang peg kung manghihingi ng isang pilas ng papel sa kanila pero 'sing hinhin naman ni Dalai Lama kung sila naman 'tong mga mambuburaot. Kada semestre ay tama na ang isang pad na papel dahil sa kalaunan din nama'y magiging mga ka-kapit-tukong hindi na halos mapaghiwalay sa closeness ang mga inakala mong hindi makabasag pinggang mga kaklase. Idagdag mo pa ang mga tila dinikdik na red berry ang mga mukha na wari mo'y parating sasabak sa rampahan. Mga kabogera ng taong dinaig pa si Queen Elizabeth habang naglalakbay-aral kasama ang doggy-doggy aw-aw nitong si Frederico sa kahabaan ng Europa. Hindi din naman magpapahuli ang bida-bida na kasing baho pa ng nasusunog na plastik kung makisama. Talong-talo kamo ang mala-speaker na bunganga ng mayor domong walang isang salita't magaling lamang sa dada. "Jenny, nakatapos ka na ba sa takdang aralin natin kahapon?” napatingala ako sa aking harapan at napakunot ng bahagya ang noo. Napatitig na lamang ako sa mala-grade school kong drawing. Hindi ko na alam kung saan ako magaling. Ultimo 'yung sketch pad na dapat ay isang pilas ng papel lamang ang magagamit ko ay suki na sa punit. "Ang ganda naman ng iginuhit mo, Tina." Agad naman akong napalingon sa kaliwang bahagi ng klasrum upang alamin kung sino ang nagsalitang 'yon. Hindi ko alam pero nakaramdam na lamang ako ng pagkahiya sa ganda ng mga gawa nilang imahe. Gayong kapuripuri naman talaga ang gawa ni Tina. "Uy, Jenny! Nakita mo ba ang crush mo kaya ganyan ka na lamang makatitig sa kanila?" Nakaupo s'ya sa tabi ko at pasilip n'ya pang tinitingnan ang gawa ko. "Hindi Vein, sadya nga lang magaling si Tina sa pagguhit." Agad naman n'yang dinakma ang kapirasong papel sa mesa ko para tingnan ang naiguhit kong imahe. Hindi ko na nalaman ang reaksyon n'ya tungkol do'n dahil ngali-ngaling nagsibalikan ang mga kakalse ko sa upuan nang dumating na ang aming guro. Kung ang iba'y kampante sa klase ni Mr. Guzman, kabaligtaran ang tulad ko. Kung maaari lamang sanang tumalon sa bintanang katabi ko'y ginawa ko na o 'di kaya'y lumusot sa isang lagusan sa ilalim ng lamesa ko'y malaon na akong naging mala-Doraemon na eksperto sa biglaang paglitaw at paglalaho sa isang iglap. Dapat pala lumiban na lamang ako, kaysa mapahiya sa araw na 'to. Bungad kong pagsisisi. Isa-isa na kaming tinatawag ni Mr. Guzman sa unahan. Pakiramdam ko'y ano mang oras ay tutumba na ako sa kaba. Mamantika na ang mga pawis ko, hindi tumitigil sa pagtulo. Kulang nala'y maging bagong laba ang panyo ko sa kaba. Pilit kong hinahakbang ang mga paa ko pauna na tila nagmamartsa. Matalas ang tingin sa akin ni Mr. Guzman, nagpapahiwatig iyon na naiinip na s'ya kakaantay. Nakayuko lamang ako at halos 'di na kumikibo sa sobrang kaba. Wala akong dalang kahit ano. Ayokong pagtawanan nila ako dahil sa iginuhit ko. "Ms.Jenny, tila yata hindi mo sinunod ang nakaatang na takdang aralin natin ngayong araw?" Nakatingin lamang ako sa kanya at sinabing nalimutan kong gawin ang bagay na 'yon. Hindi na umimik pa si Mr. Guzman at nagmamadali akong bumalik sa aking silya. Hindi na muling lumingon ang aking guro bagkus ay nagbigay na ulit s'ya ng aming gagawin. "Jenny, pahingi naman ako ng papel oh" , pagmamakaawa sa akin ni Vein kaya't binigyan ko na lamang s'ya at sa inaraw-araw kong inaasahan ay may mga sumunod pang humingi sa akin. Parang follow-the-leader lang; hingi ng isa'y hingi ng lahat.
LASER The
12 NEWS
October-December 2020
Nagtira ako ng limang pirasong papel, ito na ang kahuli-hulian. Alam ko namang masasayang lamang ito. Nang simulan na namin ang pagguhit, katulad ng inaasahan ay nauwi lang ang lahat ng iyon sa basurahan. Kaya kinuha ko ang kwaderno at doon ko na lamang ipinagpatuloy ang aming gawain. Hapon na ng makauwi ako sa bahay. Dali-dali naman akong nagbihis at ipinagpatuloy ang gawain sa eskwela. Naubos ko na naman ang kalahati ng papel na nandito sa bahay subalit hindi ko pa din nagagawa ng maayos ang paghugis ng simpleng mukha. Magtatapon na muli sana ako ngunit punong-puno na ang aming basurahan ng scratch paper kaya naman iniligay ko na ito sa kusina upang ipanggatong sa apoy. Pagbalik ko'y hinawakan kong muli ang kwadernong nagbababala sa akin na masasayang ko lamang ang bawat piraso ng papel na nakapaloob dito. Imbes na maubos lamang ito sa wala ay napagdesisyunan kong itabi na lamang para sa ekswela. Lumabas ako ng bahay para makapaglibang saglit. Naupo sa buhanginan at pinagmasdan ang tabing-dagat na malapit lamang sa aming tahanan. Naalala ko kung paano ako gumihit noon sa lugar na ito. Malayong malayo sa sitwasyon ko ngayon. "Inay, huwag mo po akong iwan!” napabalikwas na lamang ako ng gisingin ako ng aking ina at bakas sa kanya ang pag-aalala. Gabi-gabi matapos maaksidente ang aking ama dahil sa pagtotroso, nawalan na ako ng sigla at kumpyansang makapag-guhit muli. Mula noon ay paulit-ulit ko na lamang napapanaginipan ang takot na mapag-isa. Ginagawa ko naman pero nahihirapan ako sa bawat guhit na mailalapat ko sa papel ay nagpapaalala sa akin kung paano ako simulang turuan ng aking ama. Bitbit ko ang isang malaking kahon, sa loob nito'y sandamukal na papel. Subaybay nito ang aking istorya sa kung paano ako nagsimula mula sa simpleng pagguhit hanggang sa magagandang larawan. Isa-isa ko itong pinakawalan sa mga kamay ko sa malakas na ihip ng hangin sa ibabaw ng dagat. Wala akong tinira maging ang mga papel na bagong bili lamang ni inay ay dinarang ko narin sa apoy. Dapat nuon ko pa ito ginawa upang mapalaya ko na rin ang sarili ko sa nakaraan. Maaga akong umalis sa amin para pumasok sa paaralan. Hindi pa kami nakakapagsimulang muli ay nagkansela na nang pasok sa baryo namin. Marahil ay dahil ito sa bagyong paparating. Malamig ang ihip ng hangin na parang araw na ng kapaskuhan. Patakbo na akong umuwi ng bahay at inunahan na ang nagbabadyang malakas na buhos ng ulan. Nadatnan ko ang aking ina na nagluluto ng aming makakain habang ako nama'y inuna ang paghaharang ng trapal sa dingding ng aming bahay at pagtatali ng aming mga gamit. Pinalilikas na kami, ngunit sana'y na kami sa ganitong sitwasyon. Nanatili na lamang kami ni inay habang umiinom ng kape. Dama namin ang malalakas na patak ng ulan sa bubungan, kasabay nito ang kulog at mga kidlat mula sa kalangitan. Pakiramdam ko'y galit na galit ito sa kalupaan. Wala man lang mababakas na liwanag sa mga kabahayang katabi namin. Palagay ko'y mahimbing na silang natutulog sa malamig na panahon. Buti na lamang ay mahigpit ang pagkakatali ko sa aming mga gamit kung hindi ay nadala na ito ng malakas na hangin. Sinilip ko pang bahagya ang bawat butas sa aming bahay. Siniguro kong hindi kami mababasa sa bawat trapal na inilapat ko kanina. Gayong nagpapasalamat naman ako dahil kasama ko si inay ngayon kahit papaano ay napapawi ang aking takot at pangamba. "Inay, tulong!" agad naman akong nagising at hinanap agad ang aking ina. Wala s'ya sa tabi ko at pilit kong binuksan ang aming ilaw pero bigo ako roon. Sumilip ako mula sa pinto pero wala rin s'ya roon. Naglakas na ko ng loob hanapin s'ya sa labas pero ni anino ng aking ina ay di ko na nakita. Pilit na akong napalayo sa tirahan namin.
https://www.facebook.com/OKA.The.LASER
[email protected]
LASER The
NEWS 13
October-December 2020
"Ineng, kung ayaw mo pang masawi ng maaga ay sumama ka na sa amin,” pagpupumilit ng isang barangay tanod.
Hindi ko alam pero nagbabakasali akong makita si inay nu'ng mga oras na iyon kaya naman, sumama na ako. Dinala niya ako sa isang evacuation center at nanatili ako doon. "Inay, asan ka na ba?!” paulit-ulit kong sigaw matapos naming maranasan ang bagyong iyon. Papalapit pa lamang ako sa tirahan namin ay halos hindi ko na makilala ang lugar. Ang mga pader ay nahati na, at ang mga basura sa tabing dagat ay kung saan-saan na napunta. Ang mga kabahayan ay halos mawasak. Nariyan ang mga taong bumalik sa kanilang tahanan upang tingnan kung may natira pang gamit sa kanila. Ang iba nama'y napaluha na lamang at napapatitig sa kanilang mga anak. Doon ko naramdaman ang lalong kahirapan ng buhay. Kahila-hilakbot na karanasan na sa pakuwari ko'y nauubusan na ako ng lakas ng loob na bumangon at tanggapin muli ang pagiging anak-pawis. Hinahabol ko pa ang aking hininga ng makarating ako sa aming tirahan. Wala na ang iba naming gamit at ang ilan naman ay nawasak na. Tanging dingding na lamang ang natitirang pundasyon na sa kabutihang palad ay hindi nabiyak. Sa isang iglap ay nawala na lamang ng ganoon kabilis. Hindi ko inaasahan na gaanon babawi ang kalangitan sa amin kumpara sa nagdaang trahedya sa aming bayan. Sadya nga bang kami'y labis nang makasalanan? Naglibot ako at nagbakasakaling sa pamamagitan ng pagtatanong ay mahanap ko ang aking ina. Bigo man ay may nakapagsabi naman sa akin kung saan sya huling nakita noong kasagsagan ng bagyo. Patakbo ko ng tinungo ang lugar na iyon, hindi kalayuan sa aming bahay ay nadatnan ko ang nagtutumpukang mga tao. Pilit ko pang isiniksik ang sarili ko para makita ang dahilan ng kanilang pagbubulungan. Nanginig ang mga tuhod ko at napaiyak na lamang ng makita kong nakahandusay ang inay sa buhanginan. Saktong-sakto pa ang pwesto nya kung saan ako tinuruan ng aking ama sa pagguhit. Lumuhod ako upang tingnan s’yang mabuti. Sa kanang kamay n’ya ay nakaipit ang isang pamilyar na bagay sa akin na naihabilin ko na sa hangin. Larawan iyon ng aming pamilyang iginuhit ko. Ang kahuli-hulihang imaheng nagawa ko bago mamatay si itay. Pilit kong binubuksan ang aking mga mata at iniintindi ang mga bagay-bagay. "Nakita ko ang iyong ina lumabas sya ng bahay at pilit nyang kinukuha ang nakasingit na papel sa inyong pintuan ngunit sa kasamaang palad ay lumipad iyon. Doon ko nakitang tumatakbo sya para habulin ang lumilipad na papel. Bumagsak iyon sa tubig at pilit na sinuong ang baha para hanapin ang papel. Hindi ko alam kung bakit nya kailangang gawin ang ganoong bagay kahit alam nyang ikakapamahak nya 'yon". Napatingin ako sa aking ina at bahagyang pinahid ang aking mga luha. Gusto ko mang magbingi-bingahan ay malinaw na sa akin ang lahat. Malabo na iyong papel dahil nabasa na ito. Ang naiwang parte nito ang nagdulot ng pasakit sa akin. Lalo kong napatunayan na ito nga ang hinabol ni inay dahil sa petsang naisulat ko kung kailan ko ito natapos gawin. Tandang tanda ko ang bawat detalye sa larawang ako mismo ang gumawa. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at kusa na itong tumulo. Umiiyak ako na parang bagong panganak na sanggol. Siguro kung hindi ko itinapon lahat ng mahahalagang papel na nasa loob ng kahon marahil hindi yon lilipadin sa himpapawid at maggagala-gala sa lakas ng hangin. Kung gayon nga, sana hindi ko nalang itinapon para hindi na namatay si inay. Alam na alam ko kung paano pahalagahan ng aking ina ang mga gamit kong iyon. Noon pa ma'y importante ang bawat papel na nagagawa sa amin dahil sa pagtrotroso ni itay sa isang kagubatan malapit din sa aming lugar. Kaya nama'y magagandang uri ng papel ang naiuuwi ni itay galing sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Doon kasi'y isa sya sa nabigyang pagkakataon para magkaroon ng ganoong trabaho kung saan pino-proseso ang paggawa ng papel. Naalala ko na lamang kung paano kami kasaya noon. Lugmok na akong bumalik sa aming tirahan. Dinala na si inay ng mga barangay tanod. Napatingin na lamang ako sa binaha naming sahig. Doon ay nagpalutang-lutang pa ang isang kwadernong naitago ko noon sa eskwela. Binuklat ko ito at bumungad sa akin ang nakasingit na papel na talaga namang ikinagulat ko. Kinuha ko iyon at idinikit sa dingding naming medyo basa-basa pa. Tinipid ko ang bawat papel na natira sa akin ngayon. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob na gawin 'yon, pero proud ako ngayong makita ang larawang magdudulot sana ng kahihiyan ko sa klase. Napaluha na muli ako at tiningala ang naiguhit kong stickman. Kapagdaka'y nakita ko ang aking sarili kung saan ako noon nagsimula na lalong nagpatibay ng loob kong bumangon muli tulad ng sinasabi ng aking ama sa tuwing ako'y nadadapa. At ang aking ina nama'y lagi akong pinapaalalahanang matuto sa bawat dagok sa buhay. Dahil doon ay napagisip-isip ko ang mga bagay na aking nagawa. Lumabas ako ng bahay at nasilayan ko ang pagsapit ng araw na sa pakiwari mo'y hindi ito dumanas ng anumang hinanakit pagtapos ng ulan. Ngunit bakas ko ang pakikipaglaban niya nang muli itong takpan ng mga ulap at hinarangan ang bawat sikat ng araw na magbibigay pa sana ng init sa nanlalamig naming katawan. Bago ako tuluyang lumisan ay inayos ko na kaagad ang mga nalaglag kong gamit sa eskwela at nagtungo na muli ako sa aking inay bitbit ang kapareha ng larawang nagdulot ng pagkamatay niya. Buti na lamang ay dalawa ang naiguhit ko noon. Ang isa'y nakalagay sa bahay at ang isa nama'y lagi kong dala-dala sa aking pagpasok at nakatago iyon sa aking bag na may maayos na lalagyan kung saan hindi ito mababasa. Habang naglalakad ay tangan kong maigi ang larawang pilit na muling kinukuha ng bagwis sa himpapawid ngunit hindi ko na muli itong pinakawalan pa sa aking mga palad. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad dala-dala ang pagnanasang makamtan at madamang muli ang pag-asa sa kabila ng nagngangalit pang kalangitan.
LASER The
https://www.facebook.com/OKA.The.LASER
LASER
The [email protected]
14 LATHALAIN
October-December 2020
PiginG ng Kaalaman Ni: Vernalyn D. Montero
S
a normal na panahon ngayon kapag walang iintindihing klase, tiyak na hindi na mabilang ang mga gumigising ng tanghali, maliban na lang kung may mala-alarm clock kang taga”Hoy, senorita bangon na!” Ano pa nga ba ang paggagagawin sa inaraw-araw na pagkakakulong sa loob ng bahay? Mainam na mayro’n at samantalahin ang pagkakataon! Hayaan mong busugin mo rin ang iyong utak kahit wala ka sa eskwelahan. Sagot na ng Extension Services ng Batangas State University JPLPC-Malvar ang umagahan, tanghalian maging hapunan ng iyong utak. Minabuti nilang maghayin ng iba’t ibang webinar, hindi dahil sa ito’y uso lamang, kundi dahil sa kagustuhan nilang namnamin natin ang bawat aral na maaari nilang mabahagi sa tulad nating mga nagiinit na ang p’wetan sa kahihilata’t kauupo habang nagseselpon o kung isa kang huwarang estudyante’t anak, para pa rin ‘to sa iyo. Naririto ang ilan sa mga webinar na bumusog at bubusog sa mga utak ng bawat estudyante. Subukan naman natin ang “webinar and chill.”
Cybersecurity Awareness Webinar Isa ka rin ba sa mga pinapatay ng kuryosidad sa malawak na mundo ng internet at nakikitsismis sa kung anoanong naglalabasan sa iyong mga social media account? Kung oo, malaki ang maitutulong nito sa iyo. Batid nating napakalawak ng sakop ng internet. Ang iba pa nga’y dito nakahahanap ng katuwang sa buhay at ang iba naman ay dito rin nakakukuha ng mga paksa sa tsismisan. Gayon pa man, hindi biro ang maaaring kapahamakan na maidudulot nito maging sa isang maling pindot lamang.
of Informatics (CICS) at College of Arts and Sciences (CAS) ng BatStateU JPLPCMalvar, katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT), ibinahagi ni Bb. Anjeanette Clea-Marie D. Reyes na isang Planning Officer ng Critical Infostructure Evaluation and Cybersecurity ang kanyang kaalaman noong ika-apat ng Nobyembre. Kung nais mong alamin kung paano magiging matalino sa pag-gamit ng internet, narito ang link ng nasabing webinar, https://youtu.be/-mcpZVZxVEs
Integrating Comprehensive Strategies in Promoting Critical Thinking Uunahan na kita, oo alam kong tungkol ito sa pagtuturo at kung paano pupukawin ang atensyon ng mga estudyante tuwing klase pero pangako, marami kang matututunan dito. Ika nga ng ating taga-pagsalita na si Dr. Richard M. Banez na namumuno sa Research Unit ng BatStateU JPLPC-Malvar, maraming uri ng estudyante sa loob ng paaralan. Mayroong mga statistician, alien, zombies, artists at cell groups. Nahihiwagaan ka ba kung ano ang mga ‘yan? Alamin kung saan ka kabilang! Sa talakayang ito, malalaman mo rin ang mga hakbangin na maaaring gawin ng mga kaguruan upang mapigilan ang paglaganap ng mga alien este ng mga estudyanteng lutang o nakikipagdaldalan habang nasa gitna ng talakayan. Ating balikan at panoorin sa Facebook page ng Extension Services. Narito ang link: https:// www.facebook.com/BSUJPLPCextension
Recent Trends and Best Practices in Campus Journalism “Aanhin ‘ko ‘to e hindi naman ako nagdyadyaryo?”
Hatid ng Extension Services, College
https://www.facebook.com/OKA.The.LASER
[email protected]
Tutal mahilig din naman tayong magkomento sa sandamakmak na isyu ng ating lipunan o ‘di kaya’y magbasa ng magaganda’t makabuluhang mga panitikan, bakit hindi natin subukang alamin kung ano ang kasalukuyang takbo ng pahayagan? Kailangan pa rin natin ‘to. Panibagong kaalaman, panibagong matututunan. Sa pinagsamang suporta ng Extension Services, College of Teacher Education (CTE) at ng The LASER Group of Publications, naisagawa ang webinar na sadyang kinapulutan natin ng mga bagong kaalaman. Ibinahagi nina G. Prince Vincent Cano, Bb. Giselle Gabejan, G. Miguel Rosal at Bb. Monilyn Araja ang kanilang mga kaalaman noong ika-19 ng Disyembre. Maaari itong muling panoorin sa Facebook page ng Extension Services. Narito ang link: https://www.facebook. com/BSUJPLPCextension
Paano Mangalaga ng Pera ang Kabataang Juan at Juana: Empowering Teachers to Advocate Financial Literacy O ayan, pabudol pa sa Shopee at Lazada. May ipon ka pa ba d’yan? Habang bata pa ay dapat nating alamin ang pinupuntahan ng ating mga pera. Hindi natin masasabi ang mga pangyayari sa bawat bukas. Sa taong 2020 nga hindi natin inaasahan ang mga dagok na ating pinagdaanan, may mga nawalan ng trabaho at may mga humina ang kita. Ngayong ginto ang mga paninda, paano tayo sa araw-araw? Muli nating pakinggan ang mga payo ni Bb. Lea Marie C. Naredo, MM-HRM. Isang Lisensyadong Financial Advisor, Certified Investment Solicitor (CIS), Certified Human Resources Professional (CHRP), Associate Wealth Planner, at Associate Estate Planner. Tayo na’t matutong magimpok upang sa paglaon ay hindi tayo kaawa-awa. Ito’y maaari rin nating muling panoorin sa Facebook page ng Extension Services ng BatStateU JPLPC-Malvar. Ilan lamang ‘yan sa mga webinar na naisagawa ng Extension Services ng BatStateU JPLPC-Malvar. Mahusay kung napakinggan mo sa mismong araw dahil may sertipiko kang p’wedeng ilagay sa resume at kung hindi pa naman, tara binge watching ng webinars? Hindi naman nakakaumay kapag may natututunan.
LASER The
LATHALAIN 15
October-December 2020
Alin ka rito?:
Online eksam Edition ni: Maycel Villanueva
Ilang tabs kaya ang mayroon kayo habang nagsasagot ng pa-online eksam? Biro lang! Batid kong kayo’y todo pokus at sadyang nag-aral, ‘yung walang kaharap na kodigo habang kompyansang nagsasagot. Dahil nga sa mga restriksyon na dala ng pandemya, ultimo mga pagsusulit natin ay hightech na kaya’t napagdesisyonan ko ring magtanong-tanong kung kumusta ang ganap ng mga estudyante habang mangatal-ngatal na hinahabol ang oras para ‘di pagsaraduhan ng Google Forms. Narito ang aking napagsama-samang uri ng estudyante batay sa mga sagot na aking nakalap. P’wede na ako roon sa power of C, ‘di na naiwan ang paniniwalang ‘yan mula primarya! Kayo kaya?
Sleeping Magicians Sila ‘yong pigil na pigil ang antok pagdating ng online eksams dahil may oras ng pasahan. Kapag nakatulog, ay siya! Tapos ang laban. Minsan, may naghihimala’t nakapagsasagot nang tama na hindi mo alam kung saang kalawakan nila nahinuha, e palagi namang tulog miski sa Google meeting. Mayroon nama’ng minamadali at itinutulog ang natitirang oras ng eksam. Wow diba? #tulogizlyf.
Madam Auring Sila ang literal na eenie-meenie master at tiwala sa power of C. Sila ‘yung mga kahit nag-aral o hindi, pagdating ng online eksam, Mental block, walang mapiga sa utak. Madalas, “Bahala na si Batman,” kung saan tumapat ang daliri sa Google Forms, do’n na. Hula rito, hula roon. S’werte mo na kung basbasan ka ng hiwaga. Marami ring nakapapasa sa mga ganitong padali sa buhay, kadalasan nga lang, sablay.
LASER The
Holy-student Mga estudyanteng lahat ng bagay, ipinagpapasa Diyos na lamang. Sila ‘yung kakambal ni Madam Auring na wala ring maisagot ngunit madasalin. Palaging humihingi ng sign, “Kung anong letra po ang una kong makita, ‘yun po ang sagot.” Mas pinipili nilang manghula kaysa tumama nang ‘di naman nanggaling sa sarili nilang kaalaman.
Ulyanin Sila ‘yong mga estudyante na akala’y kumpleto na ang mga nasagutan pero may nakaligtaan pala, dahil sa pagmamadali nang maisubmit na ang eksam bago abutin ng paalala ni titser. Minsan, nalilimutan nila kung saan nailagay ang file tapos kapag huling minuto na ng pasahan, mistulang si Detective Conan sa paghahanap. Malas pa kung ibang files ang napasumite. Kainaman na ang pagkataranta at todo sabi ng “Ma’am, saglit po.”
The Squad Ito ang solidong malalakas ang loob. Sila ‘yung grupo ng mga estudyante na may kasabihang, “Gra-graduate ang isa, gra-graduate ang lahat!” Ito ‘yung ganap na may kaibigan ka na, may sagot ka pa, makakagraduate kang tiyak. Pero paalala, mali ‘yan ha. Ang tunay na kaibigan, dadalhin ka sa kabutihan. ‘Pag binawian kayo ng karma’t napa-send sa GC na kasama si prof, t’yak betlog ka na nga sa eksam, nakakahiya pa.
The Researcher Aminin n’yo, dahil sa pagkakatao’ng hindi malaman kung saan nasimot ng prof ang mga tanong sa eksams, wala sa
reviewer o notes man lang, minsan mo na ring sinanggunian si kaibigang Google. Tutal online class na rin naman, hindi sadya mawawala ang ganitong eksena. Sandamakmak na tabs ang selpon o laptop. Husay na husay naman sa haba ng mga sagot sa sanaysay. Kaso nga lang, para kay Google ang grade na ‘yan.
Dream Catcher Ito ‘yung “Magtatapos ako kahit anong mangyari.” Mga estudyanteng nasa lugar na kung saan mahirap makasagap ng signal. Tipong may laan na dalawang oras ang eksamin pero trenta minutos na ang nakalipas, loading pa rin ang eksam ngunit sila rin ‘yung kadalasang todo puyat sa pag-aaral para makakuha ng mataas na marka.
The Legend S’yempre hindi mawawala ang kaklase nating halimaw. ‘Yung online na nga, kainaman pang pumerpek ng eksam. Hindi lang ‘yan, isa pa sa mga nauunang matapos. Minsan madamot sila pero kilitiin mo nang kaunti, baka bahagian ka rin ng sagot. Pero may mangilan-ngilang pagkatapos ng eksam, “Huy, ang hirap ng eksam. Ano score mo?” Bagama’t ganito ang naging daluyan ng pagsasakatuparan ng ating pag-aaral, huwag nating kalilimuta’ng maging totoo sa ating mga sarili kahit walang nakatingin. Ano man ang ating pamamaraan, ang mahalaga’y natututo tayo at nakasasabay sa bagong sistema ng edukasyon tungo sa pagkilala ng ating halaga higit pa sa grado na ating makukuha. Saan ka pala ‘dyan?
https://www.facebook.com/OKA.The.LASER
[email protected]
16 LATHALAIN
October-December 2020
Nothing's Gonna Stop Us:
Birtwal na Ingay ng Red Spartans! Ni: Hannah Vernice Celestial
Taon-taon nang inaabangan ang binansagang COLLAB na kung saan ay nagtitipon-tipon ang mga lider na mag-aaral mula sa iba’t ibang kampus ng Batangas State University sa loob ng dalawang araw pero sa pagkakataong ito, hindi pa man nagsisimula ay ramdam na ang ingay kahit ‘di nagkakarinigan. Ilang linggo pa lamang bago ito magsimula ay nagkalat na ang mga post sa social media - mga sabik sa aktibidad at tagapagsalita pero lamang pa rin sa mga post na ito ang umaasang makatatagpo sa COLLAB ng makapagpapatigil ng kasasana-all nila. Malay mo nga naman, lalong magbigay ingay. Bagama’t hindi naisagawa ang COLLAB 2020 nang magkakasama dahil sa mga restriksyon upang maiwasan ang posibilidad na pagkalat ng COVID-19, nagawan pa rin ito ng paraan ng mga lider na Red Spartans. “Nothing’s gonna stop us,” ika nga nila.
Hindi nagpatinag ang mga kabataang sabik sa kaalaman at mas pinaigting pa ang mga kaganapan dahil sa mga bigating tagapagsalita. Sa pamumuno ni G. Jay-R A. Marestila na isang lider mula Pablo Borbon Main I Kampus, matagumpay na naisagawa ang kauna-unahang birtwal na programa noong ikasiyam hanggang ika-10 ng Nobyembre 2021 na naglalayong paunlarin ang kaalaman ng mga Red Spartans ukol sa pamumuno at paggabay sa mga kapwa estudyanteng hindi na maubos ang mga katanungan. Ang iba pa ay kulang na lang iutos sa’yong kausapin mo ang presidente ng BatStateU para lang agaran mo silang masagot, hindi ba nga? “Amidst this pandemic, we want to prove that Red Spartan is unstoppable. We want to show that when we are united and doing work together, we can transform all impossible things into something feasible, possible and sustainable. COLLAB 2020: Nothing’s Gonna Stop Us came from the belief that we as a student leaders are never too young to be wise, we are never too young to showcase what we’ve got. It all starts from believing what other can do, what potentials we do have and what outcome is waiting when we are as one,” mula kay Marestila. Sa gitna ng pagkakakulong sa sari-sariling mga bahay, hindi ito naging dahilan upang matulog ang mga talento at pusong palaban ng mga lider na Red Spartans bagkos mas napatunayan pa nito ang nakabibilib na mga adhikain at kakayahan ng bawat isa. Sinigurado ng mga tagapag-organisa ng programa ang katagumpayan ng COLLAB sa kabila ng hindi madaling daluyan nito. Sa unang araw, kabilang sa mga tagapagsalita sina Dr. Kristoffer Conrad Tejada na nagtalakay tungkol sa kahalagan ng pagkakaroon ng datos bilang gabay, at Atty. Jose Manuel “Chel” Diokno para sa konseptong estudyanteng-lider na nag-uudyok https://www.facebook.com/OKA.The.LASER
ng pagkakaisa. Tunay na bigatin ang mga nagbahagi ng kanikanilang mga kaalaman at hindi pa ito natatapos d’yan. Sa gitna ng pandemya at iba’t ibang mga hindi inaasahang mga problema, minabuti ng Red Spartans na magkaroon ng pagtalakay tungkol sa kabuluhan ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos na naging usapin ni Ptr. Marty Paolo Ocaya at sinundan naman ito ng mensahe ni Bb. Samira Gutoc patungkol sa paninindigan at pakikibaka ng mga Red Spartans para sa tama at nararapat. Lubos natin itong kailangan dahil sa bansang ginagalawan natin, kaawa-awa ang patuloy na maging mangmang. Dinig ng mga kabataang lider ang kapwa nila kabataan, kaya’t hindi natatapos ang programa sa pakikinig lamang. Upang maiwasan ang pagnganga at pagtunganga habang nakikinig, mayroong mga interaktibo na aktibidad nang mailabas din ng bawat Red Spartan ang kanilang pagiging epektibong lider at angking mga husay. Ayon sa binahagi ng bawat pinuno ng mga nabuong grupo sa birtwal na aktibidad, hindi naging madali ang daloy ng pagkakaisa upang maisaayos ang mga proyekto ngunit minabuti nilang magbahagi sa bawat isa at makapagbrainstorm para sa katagumpayan ng kani-kanilang proyekto. Sa tulong ng mga kapuri-puring tagapagpadali at tagapagayos ng birtwal na programa, pati na rin ng mga dedikadong lider mula sa iba’t-ibang kampus ng BatStateU, naging matagumpay ang pagsasakatuparan ng COLLAB 2020. Hindi rito natatapos ang laban patungo sa kaunlaran ng mga lider na may dugong Red Spartan, araw-araw ay mayroong bagong haharapin na dapat tugunan habang patuloy na iwawagayway ang pula’t puting bandera at pinaninindigan ang mga katagang “Nothing’s Gonna Stop Us!”
[email protected]
LASER The
PAMAYANAN 17
October-December 2020
Barter:
Puno Bago Maneho Ni: Gualberto Gimongala Jr.
Nakagugulantang ang taong 2020, hindi pangkaraniwan. Namulat ang ating mga mata sa umaga na tila nagaabang na lamang kung ano nanaman ang surpresang hatid ng balita at nabubuhayan na lamang sa mga memes na nagkalat sa social media. Minsan nga’y hindi pa dahil mas ginugulat tayo ng mga pagkakataong kailan man ay hindi natin nanaising maranasan. Nobyembre 2020 nang salantain ng Bagyong Rolly at Ulysses ang Luzon. Hindi magkamayaw ang mga netizen sa paghingi ng tulong kaya’t samot-saring mga litrato at bidyong kapag napakinggan mo’y pati ikaw ay mapapaluha dahil sa walang tigil sa kasisigaw ng mga tao ng salitang “rescue.”
Lakbay
Kaligtasan Sino ba namang gugustuhin na makitang sa isang iglap, halos mapulbos ang mga ari-ariang naipundar? Dahil sa unos na ito, napagdesisyunan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region II Director Edward Cabase na maghain ng platapormang pagtatanim kapalit ng prangkisa ng mga sasakyan. Kalaunan ay napaloob ito sa Memorandum Circular 2020-076 at naging epektibo noong Disyembre 2020. Ayon kay William Dar na sikretarya ng agrikultura ng Department of Agriculture (DA) tinatayang umabot sa 10 bilyon ang naging danyos ng pananalasa ng magkakasunod na bagyo. Sa dami na ng utang ng ating bansa, marapat lamang na humanap tayo ng solusyon nang hindi gaanong magwawaldas ng bilyon. Marahil tunay nga ang kasabihang gumaganti ang kalikasan dahil hindi maipagkakaila na isa sa mga dahilan ng pagbaha at pagdami ng mga pinsalang naidudulot ng iba’t ibang sakuna ay ang mga gawaing tulad ng pagmimina, pagputol ng mga puno, at mga gawain ng mga taong hindi disiplinado kaya’t magandang hakbang ang pagbibigay priyoridad sa ating kalikasan upang maiwasan ang tulad nitong malalang dulot ng mapaminsalang pagbaha at pananalasa ng ilang malalakas na bagyo.
LASER The
Tinatayang 50,000 na mga puno ang target ng LTFRB na maitanim kapalit ng Certificate of Public Convenience (CPC). Ang mga aplikante na may mahigit sampung yunit na iparerehistro ng bagong CPC ay kailangang magtanim muna ng puno. Nakasalalay ang bilang ng bawat itatanim sa bilang ng pagmamay-ari nilang yunit. Kung hindi natin ito magawa nang walang naguutos, sa ganitong paraan tiyak na mapapayuko kahit magtanim ay ‘di biro. Ito ay magiging epektibo rin sa mga nagmamay-ari ng mababa sa sampung yunit pagkalipas ng tatlong buwan. Inaasahang ang mga aplikante ay makikipag-ugnayan sa mga Local Government Unit (LGU) o kalapit na tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang matukoy ang lokasyon ng kanilang pagtataniman at may maipakita sa LTFRB na katibayang sila ay nakapagtanim na. O ‘di ba? May prangkisa ka na, may naiambag ka pa sa pagaalaga ng kalikasan. Taon-taon ang pagbisita ng mga sakuna sa ating bansa at lubos nating kinakailangan na maging handa upang hindi na maulit ang mga pagkakataong tanging ilang mga gamit na lamang ang naisasalba. Ang mga puno ang magsisilbing pananggalang sa mga paparating na sakuna kaya’t maging ang Sierra Madre ay lubos ding pinaglalaban ngayon ng taong bayan. Masarap maglakbay bitbit ang sariling sasakyan lalo’t higit kung sa bawat pagmamaneho mo, may aasahan ka pang bubong pagbalik mo. Hihintayin mo pa bang utusan kang magtanim kung p’wede namang magkusa? Tutal uso rin naman ngayon ang maging plantito’t plantita.
https://www.facebook.com/OKA.The.LASER
[email protected]
18 PAMAYANAN
October-December 2020
E-Lawyering:
HUSTISYA
Hustisya para sa Masa ni: Marie Dominique Oña
Sa dami ko nang narinig na mga napatay, pinatay, at kunyaring namatay na halos lampas na ata sa petsa ng kalendaryo sa loob lamang ng tao’ng 2020, higit ano pa man, hustisya ang minu-minuto’ng sigaw ng taong bayan. Kahit ikaw, sa simpleng post o retweet mo lang, nakikiisa ka na sa paghingi ng hustisya. Maraming mga bagay ang sinubok ng tao’ng ito- mga mamamaya’ng isang kahig, isang tuka, mga taong patuloy na kumakayod para sa pamilya, maging mga taong may kaya ngunit nalugi, ekonomiya, at mas higit, ang mga taong naiwan ng mga mahal sa buhay dahil sa virus at ang mas masakit ay may mga taong naiwan nang dahil sa “nadala sa galit,” “napagkamalan,” “napag-initan,” at “natyempuhan ng baril.” Maging mga pansariling problema ay tila naglalabasan din dulot ng pagkakulong nang halos ilang buwan sa loob ng bahay kaya’t laking tulong kung tayo’y may malalapitan. Ika-10 ng Disyembre 2020 nang pormal na inilunsad ng Commission on Human Rights (CHR) ang Human Rights E-Lawyering Service (HR-ELS) na naglalayong matulungan ang mga mamayanan ng ating bansa lalo’t higit ang mga taong walang kakayaha’ng lumapit sa mismong opisina. Layunin nitong mabigyang payo hinggil sa mga batas at kung anong aksyon ang maaaring gawin ng mga kokunsulta sa kanila. Katuwang ng CHR ang University of the Philippines College of Law upang maging matagumpay ang lunsarang ito at maraming mga nangangailangan ang matulungan. Sa ganitong panahon na tanging may mga sariling sasakyan lamang
https://www.facebook.com/OKA.The.LASER
ang maayos na nakalalabas ng bahay, labis na kinakailangan ang tulong ng teknolohiya upang may maging daan sa mas mabilis na pagsangguni sa mga taong may tungkulin para sa bayan. Ang HR-ELS na nga ang naging tugon ng CHR. “With your spirit of volunteerism and passion, we, together, the CHR and the UP-OLA students can make a difference in the lives of PWDs, OFWs, senior citizens, indigenous people, LGBTQs, women and children, and other people out there who are marginalized and who would not be able to walk through our doors as of now, and who would also be fearful and scared to do so,” ika ni Gng. Gwendolyn PimentelGana na isang komisyuner ng CHR sa naganap na paglulunsad ng HR-ELS. Ang naganap na paglulunsad ng HR-ELS ay isinabay sa pagdiriwang ng karapatang pantao. Prayoridad ng CHR na maghatid serbisyo sa mga taong lubos na nangangailangan. Hangad nilang masagot ang mga hinaing at mga tanong ng mga taong naaargabyado’t naaabuso ngunit walang kakayaha’ng makakuha ng sariling legal na tagapagtanggol. Naniniwala ang CHR at UP College of Law na sa paraang ito, makapagdadala ito ng hustisya sa mga mamayanan ng bansa. Sa aksyo’ng ito, mas maraming mga nangangailangan ang masasakop ng serbisyo lalo na’t kahit nasa sariling mga bahay lamang ay maaari itong isagawa. Malaki ang maitutulong nito lalo na sa mga kapatid nati’ng hindi makatakas sa kung ano mang sitwasyon ang umiipit sa kanila. Ito ay isang epektibong pamamaraan sa proseso ng huwad na hustisya, nakalulungkot
[email protected]
mang isipin ngunit ang hustisya sa ating bansa ay naging karaniwan nang mailap sa nakakarami lalo’t higit sa mahihirap. Ang mga nais mangsangguni ay maaaring makipag-ugnayan sa CHR sa pamamagitan ng mga cellular at online platform na ito: National Capital Region (CHR NCR) [email protected] (0919) 444 7720 (Smart) CHR Investigation Office (0963) 660 1364 (Globe) (0927) 328 2835 (Globe) (0961) 451 2426 (Smart) (0950) 369 9026 (Talk N’ Text) CHR Legal Division [email protected] (0961) 450 8590 (Smart) (0961) 451 2424 (Smart) (0961) 450 8568 (Smart) CHR Public Assistance and Complaints Desk [email protected] (0936) 068 0982 (Globe) (0920) 506 1194 (Smart) Ito’y isang malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng hustisya para sa atin at sa ating mga kababayan. Huwag sana tayo matakot lumapit sa mga lubos na makatutulong bagkos, lakasan ang loob at patuloy nating itayo ang bandera ng katotohanan , para sa sarili, para sa bayan at para sa masa.
LASER The
ISPORTS
October-December 2020
19
PE: TAMPOK SA PANIBAGONG MODA ni: Julius Paz
Kung may mga asignaturang mahirap idaos sa panibagong moda ng edukasyon, kabilang dito ang Physical Education. Karamihan ay kinakalaban ang pader para mairaos ang dapat na pang-individual at dual sports at ang iba nama’y naging instant vlogger. Kabilang sa kurikulum ng Physical Education ang Individual and Dual Sports at Physical Fitness, Gymnastics and Aerobics para sa unang semestre ng nasa una at ikalawang taon sa kolehiyo. Dahil sa online class na bagong moda ng edukasyon, hindi maisasagawa nang harapan ang mga aktibidad na kinakailangan sa PE.
Naglipana rin ang mga nagmala-CongTV sa pagpapakita ng mga dapat at hindi dapat sa paglalaro ng mga isport. Demo rito, demo roon. Todo hintay pang maka t’yempong walang tao sa basketball court. Ang iba nama’y madiskarteng naggagawa ng sari-sariling kagamitan upang mairaos lang ang mga bidyong ang iba’y napilitan dahil kinakailangan. Maganda rin naman ang dulot ng mga bidyong ito dahil nagkaroon ka na nga ng oras upang makapag-ehersisyo sa bahay, maaari ring nakapagpangiti ka ng kapwa mo mga estudyante.
Hindi naman bago ang pagkakaroon ng mga bidyo sa internet, ang kaibahan lang ay naging daluyan ito upang makabilang ang mga tao sa pagmamarka ng mga estudyante sa pamamagitan ng mga reaksyo’ng inaani sa bawat bidyo.
Sa kabilang banda’y may mga kaguruan namang naririnig ang hinaing ng mga estudyanteng takot humarap sa kamera at bidyuhan ang sarili. Ang iba’y nagpagawa ng mga pag-uulat tungkol sa mga isport na dapat matalakay.
Kabilang sa mga estudyanteng hindi nagpahuli sa pag-indak at pagpapakita ng mga isport sa pamamagitan ng paga-upload sa Facebook ay ang mga mag-aaral ng Batangas State University. Lalong naging tampok ang mga talento at abilidad ng mga may dugong Red Spartan.
Hindi lamang ang PE ang asignaturang mahirap magampanan sa kinakaharap natin na bagong sistema ng edukasyon ngunit sa panahon ngayon, mahirap nang sayangin ang isang taon lalo pa’t libre na ang ating edukasyon. Tunay na napakalaki ng ginagampanan ng teknolohiya dahil ito ang nagiging moda ng bawat pagkatuto ng mga tao sa kasalukuyan. Hanggang ngayon ay hindi pa tapos ang ating laban kontra virus, mga ilang lakas ng loob pa kaya ang maiipon natin upang makaindak at makapaglaro muli sa harap ng kamera?
Nagkalat nga rin sa Social Media ang mga memes at mga bidyong ini-edit upang gawing katatawanan o upang maaliw lamang ang mga tao sa kabila ng sitwasyon na ating kinakaharap. Maraming nagmistulang pang-Olympics ang mga galaw sa Zumba at talagang ibinuhas ang buong pagsisikap para sa magandang
LASER The
marka at ‘di rin mawawala ang mga taong ubod sadya ng hiya at halos magmukhang tuod na at bahagya’ng makagalaw.
https://www.facebook.com/OKA.The.LASER
[email protected]
20 NEWS
October-December 2020
Ang
Lakhán DAGUNDONG NG REYALIDAD, LAKHÁN NA KATOTOHANAN
October-December 2020 Taon II, Bilang I
https://www.facebook.com/OKA.The.LASER
[email protected]
LASER The