Data Loading...
AP6-Q1-Week 1 FINAL VERSION Flipbook PDF
AP6-Q1-Week 1 FINAL VERSION
1,494 Views
374 Downloads
FLIP PDF 805.53KB
6 ARALING PANLIPUNAN Unang Markahan- Modyul I Unang Linggo
SDO TAGUIG CITY AND PATEROS
SDO TAGUIG CITY AND PATEROS
Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1.
Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag magaalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin Natin Sa modyul na ito tatalakayin natin at susuriin ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo.
Subukin Natin Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong gawaing papel.. 1. Ano ang tawag sa daanan ng mga barkong pandagat sa Ehipto na binuksan para sa mabilis na
kalakalan? A. Suez Canal B. Karagatang Pasipiko C. Dagat Pula D. Dagat Celebes 2. Ilang buwan ang inabot ng paglalakbay mula sa Europa patungong Pilipinas nang hindi pa nabubuksan ang artipisyal na daluyan ng tubig? A. 1 buwan B. 2 buwan C. 3 buwan D. 4 buwan 3. Sa anong antas ng lipunan kabilang sii Dr. Jose Rizal? A. Indio B. Insulares C. Meztiso D. Ilustrado 4. Ano ang naging batayan ng pag-uuri ng antas ng katayuan ng mga tao sa lipunan noon? A. hanapbuhay C. lugar ng tirahan B. pananalita at pananamit D. kayamanan at pinag-arala 5. Ang mga ipinanganak sa Pilipinas na may dugong purong Kastila ang mga magulang ay ang mga. A. peninsulares B. mestizo C. insulares D. indio 6. Ang mga sumusunod ay ang mga magagandang bunga ng pagbubukas ng mga paaralan sa mga Pilipino noong panahon ng Espanyol MALIBAN sa _______. A. Nakita ng mga Pilipino ang kahalagahan ng edukasyon B. Namulat ang kanilang kaisipan at pananaw sa buhay C. Sumibol ang diwang makabayan D. Nagkaroon ng maayos na trabaho ang lahat ng Pilipino 7. Ano ang naging ambag ng pag-usbong ng uring mestizo sa kamalayan ng nasyonalismo? A. Sila ay sumang-ayon sa mga patakaran ng mga Espanyol B. Tumulong sila sa mga mahihirap na Pilipino C. Minithi nilang iaahon ang Pilipinas sa pang-aalipin ng mga dayuhan D. Naging mapagbigay sila sa mga Pilipino 8. Anong wika ang sapilitang itinuro ng mga Kastila sa katutubong Pilipino? A. Espanyol B. Tagalog C. Nipongo D. Ingles 9. Ang kautusang ipinalabas ng pamahalang Kastila ay nagtatakda sa pagpapatayo ng paaralang:: A. primarya B. elementarya C. sekundarya D. kolehiyo 10. Ano ang naging kahalagahan ng pag-usbong ng liberal na kaisipan sa mga Pilipino? A. Naging pantay ang pagtingin sa mga Espanyol at mga Pilipino B. Nabigyan ng pagkakataon ang mga Espanyol na pamunuan ang Pilipinas C. Lalong naghirap ang buhay ng mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol D. Namulat ang mga Pilipino sa pang-aabuso ng mga Espanyol.
1
Modyul 1
EPEKTO NG LIBERAL NA IDEYA SA PAG-USBONG NG DAMDAMING NASYONALISMO
Sa pagbubukas ng mga daungan para sa pandaigdigang kalakalan umunlad ang ekonomiya ng bansa. Sa pag-unlad ng kabuhayan ng Pilipinas, marami ang yumaman at ang mga anak ng mga ito ay nakapag-aral. Nakapasok din ang liberal na ideya at mas maunlad na kaisipan. Lumaki ang pagnanasa ng mga Pilipino na maging Malaya at matamasa ang karapatan sa isang malayang bansa. Ito rin ay nagturo sa mga Pilipino ng matinding kamalayan at matinding damdamin o pagpapahalaga na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan at paghahangad ng kabutihan nito. Ipinakita ito ng mga Pilipino sa maraming paraan na mauuri sa mapayapang paraan, humihingi ng pagkakapantay-pantay, marahas na paraan, mas agresibo at naghahangad ng kalayaan
Balikan Natin Nang dumating ang panahon na naputol na ang monopolyo ng pamahalaan sa pangangalakal ng bansa, maraming mga banyaga ang nagiging interesado na magnegosyo rito. Sila na ang nagluluwas sa Maynila ng kani-kanilang kalakal na dati rati ay sa pamamagitan lamang ng galyon nakararating sa Pilipinas. Nabuksan ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan. Nagpaunlad ng kabuhayan sa panig ng mga Pilipino ang pagbubukas ng mga daungan ng Maynila sa pandaigdigang pangangalakal. Naging mariwasa ang ilang mga Pilipino na tinatawag na ilustrado. Kasama rito ang mga may-ari ng malalaking sukat ng lupa, mangangalakal, guro, manggagamot, manananggol, at iba pang propesyonal. Ang pagbubukas ng Maynila sa kalakalang pandaigdig ay nakapukaw sa damdaming nasyonalismo. Pamparosesong Tanong sagutin sa gawaing papel. 1. Anong kalakalan ang naputol o nagwakas sa panahon ng kastila? 2. Ano ang nabuksan sa Maynila matapos ang kalakalang monopolyo na kung saan napukaw ang damdaming nasyonalismo?
Tuklasin Natin “KALAYAAN, KAPATIRAN, PAGKAKAPANTAY -PANTAY” Mahalaga ba sa kasalukuyang panahon? Ipaliwanag. Panuto: Sagutin sa iyong gawaing papel. 1. Ano ang mensaheng nais iparating ng awitin? 2. Kung sakaling muling sakupin ng mga dayuhan ang ating bansa, ano ang iyong magagawa bilang isang Pilipino?
2
Talakayin Natin Ang Pilipino ay likas na mapagmatiis at mapagbigay kung kaya’t ang mga pagmamalabis at pang-aabuso ng mga Espanyol sa kanilang karapatan ay tiniis nila sa mahabang panahon. Subalit dumating ang sandali at nagising ang mga Pilipino sa katotohanan, Sa araling ito, makikita natin na handa na silang ipaglaban ang kanilang kalayaan at karapatan. Unti - unting nagbuklod sa isipan at puso ng mga Pilipino upang malinang ang damdaming makabansa. Bagama’t bigo ang mga naunang pag-aalsa, unti –unti silang nagkaroon ng lakas at pagnanasang maging malaya at makapagsarili. Kaya’t ating alamin ang naging dahilan sa pag-usbong ng kaisipang liberal sa ating mga Pilipino. Pagbubukas ng Suez Canal Ang Suez Canal ay isang artipisyal na daluyan ng tubig na nagdurugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea. Ito ay matatagpuan sa bansang Egypt. Mula sa 2 buwan ay naging 30 araw na lamang ang byahe mula sa Pilipinas patungo sa Spain. Napabilis rin ang paglabas-masok ng mangangalakal at kalakal. Nagkaroon ng pagbabago sa bansa tulad : napabilis ang transportasyon at komunikasyon sa pagitan ng Pilipinas at Spain; naapaunlad ang mga produktong agrikultural na iniluluwas ng Pilipinas(tabako, abaka at asukal.);dumami ang mga mangangalakal. Nagbunga din ito ng pagpasok ng mga aklat na naglalaman ng kaisipang liberal at rebolusyonaryo na nagmulat sa ilang mga Pilipino sa mga pangaabuso ng mga Espanyol at ninais nilang maging malaya at matamasa ang mga karapatan. Ang kaisipang ito ay ikinagalit ng mga Espanyol ay tinawag nilang filibusterismo o subersibong kaisipan. Pag-usbong ng Gitnang Uri Sa pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan noong 1834,maraming mga kapitalista ng pumasok . Dahil dito, naging masagana ang pamumuhay ng mga katutubo at sumulpot din ang Panggitnang Lipunan (Middle Class ) Pilipino. Maraming mga Pilipinong nagsiyaman at marami sa mga nakaaangat na Pilipinong ang nakapag-aral . At dahil marami ang mga nakapag-aral, naiba ang pananaw ng mga Pilipino at naghahangad na maiba ang kanilang kaalagayan. Minithi nilang iahon ang Pilipinas sa pang-aalipin ng mga dayuhan. Ang mga pagbabago sa antas sa ibat-ibang aspekto ng lipunan ay nagpabago ng kalagayan ng mga tao rito. Dahil dito, nagbago rin ang batayan ng pag-uuri ng antas ng katayuan ng tao sa lipunan. Nabatay ito sa kayamanan at pinag-aralan nila. Nanatiling pinakamataas na uri ang mga kolonyalistang Espanyol. Ang mga espanyol na ipinanganak sa Spain ay tinatawag na mga Peninsulares at ang mga Insulares ang mga Espanyol na ipinanganak sa bansang kolonya ng Spain tulad ng Pilipinas. Ang sumusunod na antas ay ang Mestizo o anak ng mga Pilipino na nahaluan ng dugong Espanyol o Tsino. Ang mga mayayamang Pilipino ay tinawag na Principalia. Ang mga nakapag-aral na mga Pilipino ay naging kabilang sa Principalia; sila ay tinawag ding Ilustrado. Ang itinuturing na pinakamababang antas o uri ng katayuan sa lipunan ay ang katutubong Pilipino . Sila ay tinawag na Indio.
3
Pag-usbong ng Uring Mestizo at Pagbabagong dulot nito sa Pamumuhay ng mga Pilipino. Ang Panggitnang Uri ay kinabibilangan ng Chinese at Spanish Meztiso. Ang salitang “Meztiso” ay tumutukoy sa mga anak ng magasawang magkaiba ang lahi. Dahil sa nakamit nilang kasaganaan ay nagkaroon ang panggitnang-uri ng kakayahang pag-aralin ang kanilang anak sa Maynila o Europa partikular sa Spain. Doon nakamit ng mga “naliwanagang” kabataan o ang mga “ilustrados” ang liberal na edukasyong nagmulat sa kanila sa tunay na kalagayan ng Pilipinas. Kabilang sa mga Pilipinong nakapag-aral sa ibang bansa ay sina Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. Del Pilar, Mariano Ponce, Antonio Luna, Felix Hidalgo at marami pang iba. Dahil sa natamong kaalaman at karunungan ay lalong lumawak at lumaki ang kanilang pang-unawa sa kahulugan ng kalayaan na siyang nagpasimula ng paghiling ng pagbabago at nagtanggol sa mga karapatan ng mga Pilipino . Dekretong Edukayon 1863 Noong 1863, nagpalabas ng kautusan ang pamahalaang Espanyol ukol sa edukasyon. Nagtakda sa pagtatayo ng paaralang primarya sa bawat pueblo. Ang mga paaralan para sa mga mag-aaral na lalaki ay hiwalay sa mga mag-aaral na babae. Ang mga kalalakihan ay tinuturuan ng Heograpiya , pagsasasaka, kasaysayang Espanyol, aritmetika, pagsulat, Doctrina Christiana, kagandahang asal at pag-awit. Ang mga kababaihan ay tinuruang pagbuburda, paggagantsilyo at pagluluto. Ang kautusan ay nagtakda rin ng pagtatayo ng paaralang normal para sa mga guro sa ilalim ng pamamahala ng mga Heswita. Ang wikang Espanyol o Latin ay sapilitang ipinaturo. Isang katangian ng edukasyon sa panahon ng Espanyol ang pagsasaulo ng mga dasal, pagdidisiplina sa pamamagitan ng pananakot, at pananakit sa mag-aaral kapag hindi nakatupad sa itinuturo ng gurong prayle. Ilan sa mga naitatag na eskwela normal sa Pilipinas ay ang mga sumusunod: Unibersidad ng Santo Tomas , Ateneo Municipal , Colegio de San Juan de Letran, Ang Colegio de Santa Isabel at Colegio de Santa Rosa o Colegio de Santa Rita. Pag-usbong ng Kaisipang Liberal . Ang liberalismo ay isang malawak na uri ng pilosopiyang pampulitika na tinuturing ang indibiwal na kalayan at pagkakapantay-pantay. Dahil sa mabilis na paglaganap ng kaisipang liberal na kaisipan umusbong ang makabagong agham at rebolusyon sa ibat-ibang panig ng mundo. Nagkaroon ng pagbabagong pampulitika, pangkabuhayan, panrelihiyon at pang-edukasyon dahil sa kaisipang liberal. Ito ang tinawag na Panahon ng Kaliwanagan o Enlightenment. Ang kaisipang ito ay nabalitaan ng mga Pilipino at naging mulat sila sa pang-aabuso ng mga Espanyol. Ipinadala sa Pilipinas si Carlos Maria de la Torre bilang GobernadorHeneral. Siya ay nakilala sa pamamahalang liberal; pakikinig sa mga suliranin ng lipunan; pakikihalubilo sa mga tao; pagbabawal sa paghahagupit bilang parusa; pagwawakas sa pag-eespiya sa mga pahayagan; paniniwala sa pagkakapantay-pantay ng mga tao; at pagpapahintulot ng kalayaan sa pagpapahayag. Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. 1 Ano ang kahalagahan ng pagbubukas ng Suez Canal sa mundo? 2. Paano ang sisteman ng edukasyon sa bana panahon ng mga Kasttila? 3 Paano pinamunuan ni Gob. Heneral dela Torre ang Pilipinas?
4
Pagyamanin Natin A.
Punan ng tamang letra ang bawat patlang upang mabuo ang tamang sagot sa bawat pangungusap.
1. Artipisyal na daluyan ng tubig na nagdurugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea. S ___ ___ ___
___ ___ ___ ___ ___
2. Pinakamataas na antas ng uri ng tao sa lipunan
___ ___ ___ ___ N ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ 3. Pulitikal na kaisipan ukol sa kalayaan at pagkapantay-pantay ___ ___ B ___ ___ ___ ___ 4. Tawag sa mga mayayamang Pilipino.
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ A 5.Sila ang namuno sa mga paaralang normal para sa mga guro ___ ___ ___ ___ ___ T ___
Tandaan natin Ngayon ay alam ko na ____________________________________________ _______________________________________________________________
Isabuhay natin Panuto: Sagutin sa iyong gawaing papel ang pangunahing tanong sa malikhaing paraan. A. Isa kang manunulat ng kasaysayan. Nais mong magising ang diwang makabayan ng mga
Pilipino. Umisip ng paraan kung paano mo sila magaganyak na ipakita ang pagmamahal sa bansa.
5
Tayahin Natin A. Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong gawang papel. 1. Ano ang kahalagahan ng pagbubukas ng Suez Canal? A. Upang magkaroon ng mayayamang negosyante. B. Upang mapabagal ang transportasyon at kalakalan. C. Upang mapadali ang transportasyon at kalakalan. D. Upang maiwasan ang pagkakaroon ng kalakalan 2. Ang kaisipang naimulat sa mga Pilipino na naglunsad ng pagrerebelde at hindi pagsangayon sa mga patakaran ng mga Espanyol kaya’t sila ay nanghingi ng reporma o pagbabago ay tinawag ng mga espanyol na __________________. A. Subersibong Kaisipan C. Malayang Kaisipan B. Enlightenment D. Nasyonalismo B. Sanaysay: Pangatwiranan (4 Puntos bawat isa) 1 - “Hiling ko’y Kalayaan o Kamatayan.” 2. “The sword is mightier than the pen.”
Gawin Natin Panuto: Ipaliwanag gamit ang gawaing papel ang mga sumusunod na kaisipang liberal. A. Dr. Jose P. Rizal (Noli Me Tangere) “Ang pananahimik ay nangangahulugan ng pagpayag sa mga pang-aabuso.” B. John Locke “Ang tao ay may natural na karapatang mabuhay, magkaroon ng ari-arian, maging Malaya at makatwiran” Sanggunian ● ●
● ●
● ●
●
Antonio, Eleonor D, Banlaygas, and Emilia L, Dallo, Evangeline (2017) : KAYAMANAN 6. Rex Publishing; Sampaloc Maynila. pp. 20-29 Project EASE ( Effective And Alternative Secondary Education )Araling Panlipunan 1 Modyul 8 ‘ PAGSIBOL NG KAMALAYANG PILIPINO ’ : BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City pp.1 and 15. Araling Panlipunan 6. Kalakip Week 2 pdf. Pahina 29 – 33 Aniceta Palacio, Marie Christine C. Patcho, Jasmine R. Gomez, Judith L. Roble, Charina P. Abocejo, Melanny A. Bernaldez, Antonio V. Seronio Jr. : Araling Panlipunan 6 ( Teacher’s Guide ) :Department of Education – Regional Office No.8 Republic of the Philippines pp. 15 – 20 Youtube.com ‘ Learning is Fun with K12 Lessons’ AP5 Unit 4 Aralin 15 – Pag – usbong ng Panggitnang Uri Google.com ‘ Pag-usbong ng Liberal na Ideya’ powerpoint. Noli Me Tangere. Ma. Soledad Lacson-Locsin (trans.) and Raul L. Locsin (ed.) Makati: Bookmark, Inc. 1996.
6
Development Team of the Module Writers:
FLORENCE A. VALDEZ AND RHEALYN M. TARDIO
Editors:
JULITA L. MACARANAS
Content Evaluator: JULITA L. MACARANAS Language Evaluator: NAPOLEON G. JUNIO Reviewers:
JULITA L. MACARANAS
Illustrator:
CRISELLE G. FERRERAS
Layout Artist:
BOBBY G. CELESTE JOSEPH B. SON
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM - SDS DR. GEORGE P. TIZON - SGOD – Chief DR. ELLERY G. QUINTIA, CID - Chief FERDINAND PAGGAO - EPS – Araling Panlipunan DR. DAISY L. MATAAC, Ed. D. – EPS – LRMS/ ALS -
For inquiries, please write or call: Schools Division of Taguig C and Pateros Upper Bicutan Taguig City Telefax: 8384251 Email Address: [email protected]
7