Data Loading...
Sambuhay_IKA-32 LINGO SA KARANIWANG PANAHON_Oktubre 7, 2021 Flipbook PDF
Sambuhay_IKA-32 LINGO SA KARANIWANG PANAHON_Oktubre 7, 2021
115 Views
112 Downloads
FLIP PDF 892.06KB
Taon 35 Blg. 19
Ika-32 Linggo ng Karaniwang Panahon (B) — Luntian
Nobyembre 7, 2021
ANG
Pagtitiwalang Lubos Pangangalaga ng Diyos SA
Ruel Eguia Sagario
N
aipadala ako ng aking kongregasyon sa bulubundukin ng Digos, Davao del Sur para sa aking mission exposure bilang parte ng aming programa sa novitiate. Doon ay nakilala ko si Wilson, panganay sa apat na magkakapatid. Salat sa buhay ang kanyang pamilya. Na-stroke ang kanyang tatay habang wala namang mahanap na trabaho ang kanyang nanay. Isang araw, bumisita ako sa kanilang tahanan. Niluto ng kanyang ina ang natitira nilang kape at inalok ito sa akin. Ako rin ay kanilang pinaupo sa nag-iisa nilang upuan habang sila ay nakatayo at nagkuwento ng kanilang karanasan bilang isang mag-anak. Ibinigay nila kung anong “meron” sila.
Ang unang pagbasa at ang ebanghelyo ay parehong nagtatampok ng dalawang biyudang ibinigay ang lahat ng “meron” sila para sa Diyos. Sa kaisipan ng mundo, tila bagang nagpapakita ito ng isang bulag na pananampalataya. Tinuturo sa atin ng lipunan na unahin ang sarali bago ang iba. Subalit mayroong kabalighuang kagalakan na dulot ang pagaalay ng lahat sa Diyos—may galak ang pagkakaroon ng “wala” sapagkat ibinahagi n atin ito sa ka p wa . S a ating pagbabahagi ng ating sarili sa Diyos at sa kapwa, tayo ay mas pinagpapala at mas nararanasan natin ang kaganapan ng buhay. Subalit ang ating pagiging mapagbigay ay nagsasalamin
lamang ng pagiging mapagbigay ng Diyos. Nauna na ang Diyos sa pag-aalay ng Kanyang sarili sa atin. Ngayong pandemia, paano natin lubos na maibahagi ang ating sarili sa Diyos at sa kapwa lalung-lalo sa naghihikahos? Kaya ba nating ibigay ang lahat ng “meron” tayo sa Diyos? Mga kapatid, siyang bukaspalad na nagbibigay sa kabila ng pagiging “wala” ang siyang tunay na “meron.” Sapagkat sa ating kawalan, mas lalo tayong nagiging bukas sa walang hanggang pagpapala ng Diyos. Tumimo nawa ito sa ating puso’t malay na lugmok ngayon sa ka-“walaan.”
PASIMULA Antipona sa Pagpasok (Slm 88:2)
(Basahin kung walang pambungad na awit.)
D’yos ko, ako’y iyong dinggin, pakinggan sa pagdalangin, tulungan sa aking daing. Pandinig mo ay ikiling sa pagluhog ko’t paghiling.
Pagbati
(Gawin dito ang tanda ng krus.)
P—Sumainyo ang Panginoon. B—At sumainyo rin.
Paunang Salita
(Maaaring gamitin ito o kahalintulad na pahayag.)
P— Tumitingin ang Diyos sa taong taos-pusong naghahandog ng kanyang sarili tulad ng balo sa ebanghelyo na nagbigay ng lahat ng mayroon siya sa kabila ng kanyang matinding karukhaan. Tunay ngang wala sa hirap o yaman ang pagbibigay kundi ito’y nasa puso. Tulad ni Kristo, maging mapagbigay nawa tayo nang taos-puso na walang hinihintay na anumang kapalit. Pagsisisi P—Mga kapatid, tinipon tayo bilang mga kaanib ng angkan ng Diyos kaya dumulog tayo sa maawaing Panginoong nagpapatawad nang lubos. (Tumahimik) P—Sinugong Tagapagpagaling sa mga nagsisisi: Panginoon, kaawaan mo kami. B—Panginoon, kaawaan mo kami. P — Dumating na Tagapaganyayang mga makasalana’y magsisi: Kristo, kaawaan mo kami. B—Kristo, kaawaan mo kami. P—Nakaluklok ka sa kanan ng Diyos Ama para ipamagitan kami: Panginoon, kaawaan mo kami. B—Panginoon, kaawaan mo kami. P—Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan. B—Amen.
Gloria Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin
dahil sa dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.
Pambungad na Panalangin P—Manalangin tayo (Tumahimik) Ama naming makapangyarihan, para mo nang awang ilayo sa amin araw-araw ang lahat ng mga sumasalungat sa amin at humahadlang upang ang aming buong katauhan ay magkaroon ng kalayaan para kusang sundin ang iyong kalooban, sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B—Amen.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
po ng Panginoon na iyong Diyos na wala na kaming tinapay. Mayroon po kaming kaunting harina at kapatak na langis. Namumulot nga ako ng maigagatong upang lutuin iyon at makakain man lamang kami ng anak ko bago kami mamatay.” Sinabi sa kanya ni Elias: “ H u wa g k a n g m a g - a l a l a . Humayo ka at gawin mo ang iyong sinabi. Ngunit ipagluto mo muna ako ng isang munting tinapay, at pagkatapos magluto ka ng para sa inyo. Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon, Diyos ng Israel: “Hindi ninyo mauubos ang harina sa lalagyan at hindi rin matutuyo yaong langis sa tapayan hanggang hindi sumasapit ang talagang takdang araw na ang ula’y marapating papatakin ng Maykapal.” Ginawa nga ng babae ang utos ni Elias at sila’y kumain— si Elias at silang mag-ina. At hindi nga naubos ang harina sa lalagyan, at hindi natuyo ang langis sa sisidlan, tulad ng pangako ng Panginoon sa pamamagitan ni Elias. —Ang Salita ng Diyos. B—Salamat sa Diyos.
Salmong Tugunan (Slm 145) T—Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. E. C. Marfori C
Unang Pagbasa (1 H 17:10–16) (Umupo)
Ibinahagi ng balo ang huling makakain nila ng kanyang anak sa propeta ng Diyos na si Elias. Dahil sa taos-pusong pagbabahaging ito sa gitna ng kanyang karukhaan, pinagpala at ‘di naman siya pinabayaan ng Maykapal. Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari NOONG mga araw na iyon, si propeta Elias ay pumunta sa Sarepta, at nang papasok na siya sa pintuan ng lungsod, nakita niya ang balo na namumulot ng panggatong. Sinabi niya sa babae: “Maaari po bang makiinom?” Aalis na ang babae upang ikuha siya ng tubig nang pahabol niyang sabihin: “Kung maaari, bigyan mo na rin ako ng kaunting pagkain.” Sumagot ang babae: “Alam
Ka
2
Dm
ri
3
Csus
ong
Dm
lu l'wa
hin
bu
ko, G
ang Pa
no
'yong pu
ngi
C
ti
hin.
1. Ang maaasahang lagi’y Panginoon,/ panig sa naaapi, ang Diyos na hukom,/ may pagkaing handa, sa nangagugutom. (T) 2. Pinalaya niya ang mga nabihag;/ isinasauli, paningin ng bulag;/ lahat ng inapi ay itinataas,/ ang mga hinirang niya’y nililingap. (T) 3. Isinasanggalang ang mga dayuhang/ sa lupain nila’y doon tumatahan;/ tumutulong siya sa balo’t ulila,/ masamang balangkas pinipigil niya. (T) 4. Walang hanggang Hari, ang
Diyos na Poon!/ Nabubuhay lagi ang Diyos mo, Sion! (T)
Ikalawang Pagbasa (Heb 9:24–28) Kaiba sa ibang mga pari, si Hesukristo ay minsan lamang nag-alay para sa kapatawaran ng kasalanan sapagkat ang kanyang inihain ay ang kanyang sarili. Darating siyang muli sa wakas ng panahon, hindi upang maghain muli ng alay, kundi upang iligtas ang lahat ng naghihintay sa kanya. Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo PUMASOK si Kristo, hindi sa isang Dakong Banal na ginawa ng tao at larawan lamang ng tunay, kundi sa langit. At ngayo’y nasa harapan siya ng Diyos at namamagitan para sa atin. Ang dakilang saserdote ng mga Judio ay pumapasok sa Dakong Banal taun-taon, may dalang dugo ng mga hayop. Ngunit minsan lamang pumasok si Kristo upang ihandog ang kanyang sarili, at iyo’y sapat na. Kung di gayon, kailangan sanang siya’y paulitulit na mamatay mula pa nang matatag ang sanlibutan. Subalit minsan lamang siya napakita, ngayong magtatapos na ang mga panahon, upang pawiin ang kasalanan sa pamamagitan ng haing kanyang inihandog. Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. Gayun din naman, si Kristo’y minsang inihandog bilang hain upang pawiin ang mga kasalanan ng mga tao. Siya’y muling darating, hindi upang ihandog na muli dahil sa kasalanan kundi upang iligtas ang mga naghihintay sa kanya.
—Ang Salita ng Diyos. B—Salamat sa Diyos. Aleluya (Tumayo) (Mt 5:3) B—Aleluya! Aleluya! Mapalad ang mga dukha na tanging D’yos na lumikha ang pag-asa at adhika. Aleluya! Aleluya!
Mabuting Balita (Mc 12:38–44) P — Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos. B—Papuri sa iyo, Panginoon. NOONG panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang pagtuturo,
“Mag-ingat kayo sa mga eskriba na mahilig maglalakad nang may mahabang kasuutan at natutuwang pagpugayan sa mga liwasan. Ang ibig nila’y ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang mga upuang pandangal sa mga piging. Inuubos nila ang kabuhayan ng mga babaing balo, at ang sinasangkala’y ang pagdarasal nang mahaba! Lalo pang bibigat ang parusa sa kanila!” Umupo si Hesus sa tapat ng hulugan ng mga kaloob doon sa templo, at pinagmasdan ang mga taong naghuhulog ng salapi. Maraming mayayamang naghulog ng malalaking halaga. Lumapit naman ang isang babaing balo at naghulog ng dalawang kusing na katumbas ng isang pera. Tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at kanyang sinabi, “Sinasabi ko sa inyo: ang dukhang balong iyon ay naghulog nang higit sa kanilang lahat. Sapagkat ang iba’y nagkaloob ng bahagi lamang ng hindi na nila kailangan, ngunit ibinigay ng balong ito na dukhang-dukha ang buo niyang ikabubuhay.”
— Ang Mabuting Balita ng Panginoon. B—Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo. Homiliya (Umupo) Pagpapahayag ng Pananampalataya (Tumayo) B—Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat, nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao, nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.
Panalangin ng Bayan P — Hangad ng Diyos, tulad niya, na tayo’y magbahagi nang bukal sa ating mga puso. Dumulog tayo sa Ama nang tayo’y mabibiyayaan ng pusong katulad ng sa kanya. Buong tiwala tayong manalangin: T — Panginoong mapagpala, dinggin mo kami. L — Para sa mga pastol ng Simbahan: patuloy nawa silang maging bukas sa kanilang taospusong paglilingkod upang lubos silang makapagbigay ng kanilang sarili sa Diyos at kapwa. Manalangin tayo: (T) L — Para sa mga pinuno sa pamahalaan: maghangad, magisip, at kumilos nawa sila ayon sa utos ng Diyos upang maging ganap ang kanilang pagbibigay sa kanilang pinaglilingkuran. Manalangin tayo: (T) L—Para sa ating lahat na dumaranas ng pagsubok ngayong panahon ng pandemya: makabangon nawa tayo sa paghihirap at pagdurusang hatid ng salot na CoViD-19 sa pamamagitan ng ating pagtutulungan at pagbibigayan. Manalangin tayo: (T) L— Para sa mga Social workers at Overseas Filipino Workers: matamo nawa nila ang biyayang mula sa mabuti at mapagpalang Diyos. Manalangin tayo: (T) L—Para sa mga nagdadalamhati dahil sa pagpanaw ng kanilang mga mahal sa buhay: makatagpo nawa nila ang pagmamahal ni Hesus sa pamamagitan ng mga taong laging handang dumamay. Manalangin tayo: (T) L — Sa ilang sandali ng katahimikan itaas natin sa Diyos ang ating personal na kahilingan gayundin ang mga taong lubos na nangangailangan ng ating panalangin (Tumahimik). Manalangin tayo: (T) P—Mapagpala naming Ama, dinggin mo ang mga pagsusumamo ng iyong mga anak. Matuto nawa kaming
magbahaginan lalung-lalo na ngayong panahon ng pandemya nang sa gayon, madama naming tunay na ika’y nasa aming piling, kasama ni Hesus na iyong Anak at aming Panginoon. B—Amen.
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN Paghahain ng Alay (Tumayo) P—Manalangin kayo... B—Tanggapin nawa ng Pangi noon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapaki nabangan at sa buong Samba yanan niyang banal.
Panalangin ukol sa mga Alay P — Ama naming Lumikha, kalugdan mo ang paghahain ng mga natitipon dito upang ang aming ginaganap na pagaalay ng sarili ng Anak mo ay aming pakinabangan sa kanyang pamamagitan kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B—Amen.
Prepasyo
Karaniwang Panahon V
B—Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga Hukbo napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo Osana sa kaitaasan. Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon Osana sa kaitaasan! (Lumuhod)
Pagbubunyi (Tumayo) B — Si Kristo’y namatay! Si Kristo’y nabuhay! Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!
PAKIKINABANG Ama Namin B—Ama namin... P—Hinihiling naming... B—Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapu rihan magpakailanman! Amen.
Pagbati ng Kapayapaan Paanyaya sa Pakikinabang (Lumuhod)
P—Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging. B — Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatulóy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
P—Sumainyo ang Panginoon. B—At sumaiyo rin. P—Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa. B—Itinaas na namin sa Panginoon. P — Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. B—Marapat na siya ay pasala matan.
Antipona sa Komunyon
P—Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan. Ikaw ang lumikha sa tanan. Ikaw ang nagtakdang magkaroon ng gabi at araw, gayun din ng tag-init at tag-ulan. Ikaw ang humubog sa tao bilang iyong kawangis na mapagkakatiwalaang mangasiwa sa daigdig. Ikaw ngayo’y pinaglilingkuran sa pagganap sa pananagutan ng iyong pinagtitiwalaan sa pamamagitan ng Anak mong mahal. Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:
P—Manalangin tayo. (Tumahimik) Ama naming mapagmahal, tinatanaw naming utang na loob ang banal na pakikinabang at iniluluhog naming ang Espiritu Santo ay mag-umapaw sa kalooban naming kanyang tinitigib ng iyong kadakilaan upang ang iyong kagandahang-loob ay manatili sa amin palagian sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B—Amen.
(Slm 23:1–2)
Pastol kong nagtataguyod ang Panginoong aking D’yos di ako maghihikahos; pagkai’y kanyang kaloob inumin ay kanyang dulot.
Panalangin Pagkapakinabang (Tumayo)
PAGTATAPOS P—Sumainyo ang Panginoon. B—At sumaiyo rin.
Pagbabasbas P—Magsiyuko kayo at hingin ang pagpapala ng Diyos. (Tumahimik)
Ilayo nawa kayo sa lahat ng makapipinsala at pagpalain nawa kayo ng bawat mabuti at ganap na kaloob ng Diyos ngayon at magpasawalang hanggan. B—Amen. P—Pamalagiin nawa niyang nananahan ang kanyang Salita sa inyong kalooban at puspusin nawa niya kayo ng kaligayahang walang hanggan. B—Amen. P—Patnubayan nawa kayo ng Diyos sa pagtahak sa kanyang landas upang lagi ninyong mabatid kung ano ang tama at marapat samantalang kayo ay naglalakbay patungo sa kalangitan na kanyang pamana magpasawalang hanggan. B—Amen. P—Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama at Anak (†) at Espiritu Santo. B—Amen. Pangwakas P—Naialay na natin ang Banal na Misa. Humayo kayong taglay ang pag-ibig upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran. B—Salamat sa Diyos. BE A PRIEST OR A BROTHER OF MASS MEDIA If you are a Grade 12 student, a college student, or a young professional, male, single, and interested to become a priest or a brother involved in the apostolate of social communication, we invite you to journey with us.
Visit our websites: ssp.ph or stpauls.ph Tel: (02) 8895-9701
DO YOU WANT TO SUBSCRIBE TO SAMBUHAY DIGITAL MISSALETTE? For inquiries and orders:
Facebook:
Sambuhay Missalette
gmail:
[email protected] (02)
Telephone no.: 8895-9701