Data Loading...

week1task Flipbook PDF

week1task


2,190 Views
451 Downloads
FLIP PDF 154.63KB

DOWNLOAD FLIP

REPORT DMCA

SCIENCE HIGH SCHOOL

General Luna Road, Baguio City Philippines 2600 Telefax No.: (074) 442-3071

Website: www.ubaguio.edu

E-mail Address: [email protected]

Lecture Notes in AP8: KASAYSAYAN NG DAIGDIG Lesson 2: Ikalawang Digmaang Pandaigdig Time Allotment: 3 Hours (Week 1: April 20-24, 2020) Prerequisite concepts: Unang Digmaang Pandaigdig, Triple Alliance, Triple Entente, League of Nations About the Lesson: Ang araling ito ay patungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Napapaloob din dito ang mga dahilan at epekto ng digmaan at ang mga bansang nakipagsapalaran sa digmaang ito. Objectives: Sa araling ito, ikaw ay inaasahang: 1. Matukoy ang mga bansang kasapi sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 2. Maipaliwanag ang mga dahilan at epekto ng Ikalawang Dimaang Pandaigdig sa mga bansa. Lesson Proper Nagtapos ang Unang Digmaang Pangdigdig sa pagkatalo ng Aleman noong 1918. Matapos nating talakayin ang mga pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig, atin namang tingnan ngayon ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pag-aaralan natin ang mga pangyayaring nag-udyok sa paglaganap ng digmaang ito. Pag-uusapan natin ang mga naging epekto ng digmaan at tutukuyin din natin ang mga bansang kasapi sa hidwaang ito. I. Activity A. Map of Conceptual Change: Anticipation-Reaction Guide Panuto: Bago ang aralin. Lagyan ng check mark (√) sa kolum na “Bago ang aralin” kung ikaw ay sang-ayon sa mga pahayag at markahan naman ng “x” kung hindi ka sang-ayon. Atin itong babalikan pagkatapos ng ating talakayan. Bago ang aralin

Mga Pahayag

Pagkatapos ng aralin

1. Ang pamumuno ni Hitler sa Germany ang isa sa mga nagbunsod sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 2. Fascism ang tawag sa ideolohiyang ipinairal ni Mussolini sa Italy. 3. Nang salakayin ng Japan ang Pearl Harbor, nagalit ang Amerika at idineklara ang digmaan laban sa Japan. 4. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, idineklarang “Open City” ang Maynila. 5. Lumaganap ang madugong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa halos lahat ng bansa sa daigdig. B. Alyansa ng mga Bansa Panuto: Ilagay sa tamang kahon ang mga bansang miyembro ng bawat alyansa. Isulat sa kwaderno. Austria France German Great Britain Italy Japan Russi United States of America y a Allied Powers 1. 2. 3. 4.

Axis Powers 1. 2. 3. 4.

*Sino sino ang mga pinuno ng bawat bansa? Kung kilala niyo, maaaring isulat ang mga ito katabi ng bawat bansa.

C. Text Reading Maaaring gamitin ang alin man sa mga sumusunod upang lumawak ang iyong kaalaman tungkol sa paksa; c.1 Pagbasa ng Teksto sa Batayang aklat sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig c.2 Mag log-in sa https://www.tandfonline.com c.3 The Consequences of the great war Video mula sa You Tube Geo History ukol sa: World War IISummary of the deadliest conflict in history Mga Pamprosesong tanong: Isulat sa kwaderno. 1. Anong pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang tumatak sa iyong isipan? 2. Para sa iyo, Ano ang pangkabuuang aral ng naganap na Ikalawang Digmaang Pandaigdig? D. Time Line Upang matiyak ang iyong pag-unawa sa paksa, ikaw ay inaatasang gumawa ng Time Line. Mula sa nabasa, natunghayan o napanood na video tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang gagawing Time Line ay dapat nagpapakita ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Isulat ang mahahalagang pangyayari sa mga kahon. Maaaring dagdagan ang kahon mula 8-10 kung kinakailangan. Isulat sa ½ sheet of paper crosswise.

1939 1942 II. Questions/ Points to ponder…isulat sa kwaderno. 1. Pormal na nagwakas ang Unang Digmaang Pandaigdig sa pamamagitan ng Kasunduan sa Versailles. Subalit bakit ang kasunduang ito ang siya ring naging dahilan ng panibagong digmaan? 2. Ang pagkapanalo ng Nazi sa Europe ay nagdulot ng pangamba sa mga Amerikano. Nabahala sila sa kaligtasan ng Inglatera pati na ng layuning demokrasya. Sa paanong paraan niya nilabanan ang mga Axis? 3. Matapos ang digmaan, maraming bansa ang nasadlak sa kahirapan bunsod ng Great Depression. Ano ano ang mga ideolohiyang naitatag sa panahong ito? III. Exercises A. Cause-Effect Matrix Sa unang kolum ng talahanayan ay makikita ang mga sanhi ng Ikalawang digmaang Pandaigdig. Sa kanang bahagi, isulat ang naging epekto nito sa mga bansa. Paano nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa larangan ng kabuhayan, politika at kultura ng mga bansang nasangkot o kabilang sa digmaan? Gumamit ng isang buong papel para sa iyong kasagutan. Mga Dahilan Mga Epekto (politika, kultura, pangkabuhayan) 1. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria 2. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa 3. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia 4. Digmaang Sibil sa Spain 5. Pagsasanib ng Austria at Germany (Anschluss) 6. Paglusob sa Czechoslovakia

7. Paglusob ng Germany sa Poland Tanong: Sa iyong palagay, alin ang pinakamatinding sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Bakit? B. Map of Conceptual Change: Anticipation-Reaction Guide Panuto: Pagkatapos ng aralin. Lagyan ng check mark (√) sa kolum na “Pagkatapos ng aralin” kung ikaw ay sang-ayon sa mga pahayag at markahan naman ng “x” kung hindi ka sang-ayon. Ngayon, tingnan natin kung may pagbabago sa ating kasagutan bago ang aralin. Bago ang aralin

Mga Pahayag

Pagkatapos ng aralin

1. Ang pamumuno ni Hitler sa Germany ang isa sa mga nagbunsod sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 2. Fascism ang tawag sa ideolohiyang ipinairal ni Mussolini sa Italy. 3. Nang salakayin ng Japan ang Pearl Harbor, nagalit ang Amerika at idineklara ang digmaan laban sa Japan. 4. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, idineklarang “Open City” ang Maynila. 5. Lumaganap ang madugong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa halos lahat ng bansa sa daigdig. IV. Summary Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kasaysayan ng daigdig. Malaking ang bilang ng mga namatay at nasirang ari-arian. Tinatayang halos 60 bansa ang naapektuhan ng digmaan at higit na mas marami ang namatay kaysa Unang Digmaang Pandaigdig. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura, industriya, transportasyon at pananalapi ng maraming bansa. Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler, Fascismo ni Mussolini, at Imperyong Hapon ni Hirohito. Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa pagkakasalang nagawa ng mga opisyal ng bayan at mga pinunong militar. Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa – ang Silangan Germany, Kanlurang Germany, Nasyonalistang Tsina, Pulahang Tsina, Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon, India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq at iba pa.

Prepared by: ROVERLYN S. SUMEG-ANG, MAED MANGALIAG, PHD Subject Teacher/AP-Subject Head Date: _________________

Evaluated by:

Approved:

JULIUS T. GAT-EB, PHD

ANTONIO D.

Assistant Principal Principal Date: _________________ Date: _______________